Share

437 (Book3)

Author: Kara Nobela
last update publish date: 2026-10-12 00:20:51
“So, everything looks good. Kailangan na lang nating pirmahan ang final documents.”

Ipinatong ni John ang ilang papeles sa mesa saka muling umupo.

Nasa opisina sila ngayon ni Liam sa loob ng Redfin. Nandun si John para asikasuhin ang mga dokumentong kailangan para sa pagpasok ni Rafael bilang bagong business partner ng Redfin.

Matagal na rin nilang pinag-uusapan ang partnership na ito.

Si John na kaibigan nila ay company lawyer din ng Redin. Kinuha itong abogado ni Liam dahil kailangan niya
Kara Nobela

Ooops.. Hindi pa po ending, kasisimula pa lang eh. Tsina-charot ko lang kayo. Thanks for reading, bukas ulit...

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (24)
goodnovel comment avatar
avid reader
hahahaha.. Ms. Kara, damay damay na ito. kawawang BFF Rafael.
goodnovel comment avatar
Miecel Entima
ayan dala n cguro c cacai ang divorce paper at my perma n ni dina
goodnovel comment avatar
Mary Paz Sadia
thank you Ms.Kara ...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   479 (Book3)

    Pauwi na si Liam mula sa bahay nina Dina nang mapansin niya ang sasakyan ni Rafael na palabas sa garahe.Ilang araw na rin silang hindi nakakapag-usap nang maayos. Maging si Janet ay hindi niya masyadong nakakausap ng matagal dahil halos lahat ng oras niya nitong mga nakaraang araw nagagamit niya sa panunuyo sa kanyang asawa. Sigurado naman siyang hindi naiinip ang mga kaibigan niya sa dami nang pwedeng pagkalibangan sa hacienda.Pero napapansin niyang tila may kakaibang pinagkakaabalahan si Rafael. Madalas din itong umaalis nitong mga nakaraang araw. Napapailing siya nang maisip na baka may babae itong pinagkakaabalahan.Lalaki rin siya, at alam niya ang pakiramdam ng hindi mapakali kapag may babaeng gustong makita. Ganun din kasi siya kay Dina simula nang makilala niya.Pero si Rafael?Parang mahirap paniwalaan. Ilang araw pa lang silang naroon. Ganoon ba kabilis makahanap ng babaeng pagkakainteresan ang kaibigan niya sa lugar nila?Nang magsalubong ang kanilang mga sasakyan, nagbus

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   478 (Book3)

    Napangiti rin si Dina habang pinagmamasdan ang dalawa. Hinayaan na lang niya ang maglola at tumalikod para bumalik sa bahay.Pero pagpihit ay muntik na siyang mabangga kay Liam. “Anong kailangan mo?” aniya at nilagpasan ito.Tahimik na sumunod si Liam. Pagdating nila sa loob ng bahay, hinawakan nito ang kanyang kamay.“Babe–”Bago pa siya makapagsalita, napansin nilang nakatayo sa kusina si Aling Minda. Napatingin ang ginang sa nakita ni Aling Minda sa magkahawak nilang mga kamay.Agad na bumitaw si Dina at bahagyang lumayo.Napangiti lamang ang matanda.“O, Liam. Mag-almusal ka muna.”“Thank you po, Nay. Nakapag-almusal na po ako.” sabi ni Liam tapos ay may biglang naalala. “Sandali lang po. May kukunin lang ako.”Nagpaalam ito at muling lumabas ng bahay.Sinundan siya ng tingin ni Dina bago nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng tasa at nagsimulang magtimpla ng kape.“A, alam ko na kung bakit nakasimangot ka kanina,” biglang sabi ni Aling Minda.Napatingin si Dina sa ina.“Bakit na nama

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   477 (Book3)

    Kinabukasan.Nasa silid si Lian. natanaw niya sa bintana ang grupo ng mga batang paparating. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito habang naglalakad, hanggang sa huminto sa bakanteng lote sa tapat ng kanilang bahay, sa kabilang kalsada.Tuwang-tuwa si Lian nang makita ang mga kalaro. Iniwan niya agad ang kanyang mga laruan at nagmamadaling lumabas ng silid.Paglabas ay narinig niya ang boses ng kanyang lola Minda at nanay. Mamaya pa ang pasok ni Dina sa school. Wala rin siyang OJT ngayong araw, kaya naroon pa siya sa bahay.“Hinihintay mo?” tanong ni Aling Minda sa anak na may himig panunukso.“Ho? Hindi po ah.”“Hindi raw. Eh bakit ganyan ang mukha mo? Hindi maipinta.”“Sadya naman pong ganito ang mukha ko sa umaga,” sagot ni Dina.Napangiti si Aling Minda habang inaayos ang mga gamit sa mesa.“Baka isang bulaklak lang ang ibigay sa 'yo, okay ka na. Ako nga, kapag galit ako, bibigyan lang ako ng tatay mo ng bulaklak, nawawala na ang pagsusungit ko. Bulaklak daw ang gamot sa taong masun

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   476 (Book3)

    Hawak hawak ni Liam ang printed copy ng corporate ownership report na sinend ni Renz habang papasok sa opisina ng kanyang ina sa loob ng malaking bahay.Kumatok muna siya sa p***o.“Come in,” narinig niyang sagot ni Fatima.Pagpasok niya ay nakita niyang may hawak itong picture frame. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang isang picture frame. Tahimik lang siyang naupo sa silya sa harap ng mesa nito.“Look at this,” nakangiting sabi nito habang iniabot sa kanya ang picture frame.Nasa litrato sina Fatima at si Lian. Pareho silang malawak ang ngiti, at may mga icing pa sa kanilang mga mukha.Napangiti rin siya habang pinagmamasdan ang anak.Kaya pala noon pa man ay magaan na ang loob niya sa bata. Kahit hindi niya alam na anak niya ito, may kakaiba na siyang nararamdaman tuwing nakikita niya si Lian.Pero kasabay ng ngiti niya ay ang pagkainis sa sarili. Napakaraming pagkakatulad nila. Pati ang mga mata at ilang ekspresyon ng bata ay pamilyar sa kanya. Bakit hindi man lang siya naghina

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   475 (Book3)

    Pagbalik nina Liam at Fatima sa malaking bahay, wala na sina Kendra at Daniloa.Napansin agad nila ang mga tingin ng ilang kasambahay na kanilang nadaanan. Bagaman magalang pa rin ang pagbati ng mga ito, halatang may mga gustong itanong. May ilan pang palihim na nagkakatinginan.Hindi naman kataka-taka. Marami ang nakarinig sa naging rebelasyon niya kanina tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa. At mukhang may kutob na rin ang mga ito kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na niya iyon pinansin. Sa dami ng nangyari ngayong gabi, wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba.“Tita!”Si Imelda ang sumalubong sa kanila pagpasok sa sala. Mabilis itong lumapit kay Fatima.“Tita, totoo ba? Liam is married?”Tumango si Fatima. “Yes.”“Sino ang asawa niya?” tanong ni Imelda kahit may kutob na.“Yes…. Si Andeng.”Napasinghap pa rin si Imelda.Napatingin ito kay Liam, na naglakad paakyat ng hagdan.“But how? I mean, kailan pa sila nagpakasal?”“Imelda, I'm sorry, pero saka na natin pag-usap

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   474 (Book3)

    Ngayon ay magkakaharap silang lima sa sala. Magkatabi sa isang sofa sina Mang Andoy at Aling Minda, habang nasa kabilang upuan nakaupo si Fatima. Katabi ni Liam ang asawang tahimik na idinidiin ang malamig na compress sa namamagang pisngi niya. Kanina pa siya nakatingin kay Dina at pilit na hinuhuli ang tingin nito pero hindi naman ito nakikipaglabanan ng titigan sa kanya. Napailing-iling si Mang Andoy habang nakaharap sa dalawa at masama ang tingin na ipinupukol kay Liam., saka to napatawa nang mahina, yung labas sa ilong. “Akalain mo nga naman... ikaw nga talaga 'yung manlolokong ama ni Lian. Kung hindi lang ako nahihiya kay Senyora, baka naputol ko na ang kaligayahan mo!” “Andoy!” saway ni Aling Minda sa asawa. Doon ay hinarap ni Liam ang biyenan. “Pasensya na po kung nasaktan ko ang anak nyo. Kasalanan ko po.” “Mabuti’t alam mo.” Hindi na sumagot si Liam. Bahagya siyang napangiwi nang medyo naidiin ni Dina ang compress sa pasa niya. Sunod na binalingan ni Mang Andoy si D

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status