FAZER LOGINThanks for reading, bukas ulit....
Hawak hawak ni Liam ang printed copy ng corporate ownership report na sinend ni Renz habang papasok sa opisina ng kanyang ina sa loob ng malaking bahay.Kumatok muna siya sa pinto.“Come in,” narinig niyang sagot ni Fatima.Pagpasok niya ay nakita niyang may hawak itong picture frame. Nakangiti ito habang pinagmamasdan ang isang picture frame. Tahimik lang siyang naupo sa silya sa harap ng mesa nito.“Look at this,” nakangiting sabi nito habang iniabot sa kanya ang picture frame.Nasa litrato sina Fatima at si Lian. Pareho silang malawak ang ngiti, at may mga icing pa sa kanilang mga mukha.Napangiti rin siya habang pinagmamasdan ang anak.Kaya pala noon pa man ay magaan na ang loob niya sa bata. Kahit hindi niya alam na anak niya ito, may kakaiba na siyang nararamdaman tuwing nakikita niya si Lian.Pero kasabay ng ngiti niya ay ang pagkainis sa sarili. Napakaraming pagkakatulad nila. Pati ang mga mata at ilang ekspresyon ng bata ay pamilyar sa kanya. Bakit hindi man lang siya naghin
Pagbalik nina Liam at Fatima sa malaking bahay, wala na sina Kendra at Daniloa.Napansin agad nila ang mga tingin ng ilang kasambahay na kanilang nadaanan. Bagaman magalang pa rin ang pagbati ng mga ito, halatang may mga gustong itanong. May ilan pang palihim na nagkakatinginan.Hindi naman kataka-taka. Marami ang nakarinig sa naging rebelasyon niya kanina tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa. At mukhang may kutob na rin ang mga ito kung sino ang tinutukoy niya. Hindi na niya iyon pinansin. Sa dami ng nangyari ngayong gabi, wala na siyang pakialam kung ano ang iniisip ng iba.“Tita!”Si Imelda ang sumalubong sa kanila pagpasok sa sala. Mabilis itong lumapit kay Fatima.“Tita, totoo ba? Liam is married?”Tumango si Fatima. “Yes.”“Sino ang asawa niya?” tanong ni Imelda kahit may kutob na.“Yes…. Si Andeng.”Napasinghap pa rin si Imelda.Napatingin ito kay Liam, na naglakad paakyat ng hagdan.“But how? I mean, kailan pa sila nagpakasal?”“Imelda, I'm sorry, pero saka na natin pag-usap
Ngayon ay magkakaharap silang lima sa sala. Magkatabi sa isang sofa sina Mang Andoy at Aling Minda, habang nasa kabilang upuan nakaupo si Fatima. Katabi ni Liam ang asawang tahimik na idinidiin ang malamig na compress sa namamagang pisngi niya. Kanina pa siya nakatingin kay Dina at pilit na hinuhuli ang tingin nito pero hindi naman ito nakikipaglabanan ng titigan sa kanya. Napailing-iling si Mang Andoy habang nakaharap sa dalawa at masama ang tingin na ipinupukol kay Liam., saka to napatawa nang mahina, yung labas sa ilong. “Akalain mo nga naman... ikaw nga talaga 'yung manlolokong ama ni Lian. Kung hindi lang ako nahihiya kay Senyora, baka naputol ko na ang kaligayahan mo!” “Andoy!” saway ni Aling Minda sa asawa. Doon ay hinarap ni Liam ang biyenan. “Pasensya na po kung nasaktan ko ang anak nyo. Kasalanan ko po.” “Mabuti’t alam mo.” Hindi na sumagot si Liam. Bahagya siyang napangiwi nang medyo naidiin ni Dina ang compress sa pasa niya. Sunod na binalingan ni Mang Andoy si D
Mabilis na lumabas ng bahay si Liam na parang hindi naririnig ang mga tawag sa kanya. “Liam!” habol ni Fatima. Hindi huminto ang binata. Diretso lang itong naglakad papunta sa kanyang sasakyan habang mahigpit na hawak ang susi. “Liam, wait! Ano bang nangyayari?” naguguluhan wika ni Fatima na nakasunod sa kanya. “You heard me. I need to see my wife. Baka kung ano na ang iniisip niya sa nakita kanina.” nag-aalang tugon ni Liam pero hindi humihinto sa paglalakad. Pagbilis ng lakad niya ay siyang pagbilis din ng lakad ni Fatima. “Anong asawa? Sino ba ang sinasabi mo?” “Mom, I really need to go.” aburidong tugon ni Liam. “Liam! Will you please stop for a second?!” malakas na wika ni Fatima. Sa pagkakataong iyon ay tumaas na ang boses niya. Hinawakan niya sa braso ang anak at pinaharap sa kanya. Napahinto si Liam pero halatang di pa rin mapakali. “Now, tell me what's going on.” mariing tanong ni Fatima. “Dina. She's my wife.” Napatitig sa kanya si Fatima. “Si… Andeng?” “Yes. I
Samantala, kadarating lang ni Dina sa malaking bahay upang sunduin si Lian. Nagpahatid siya sa kuya Ariel niya.Pagbaba niya ng sasakyan ay napansin niyang may ilang magagarang kotse sa harap ng bahay.“Nanay Edna, may handaan po ba?” tanong niya sa matandang kasambahay na una niyang nakita pagsilip sa pintuan.“Oo, Andeng. May family gathering nila ngayon. Pinag-uusapan ang engagement ni Senyorito Liam at Miss Kendra.”Napahinto si Dina.“Engagement?”“Oo. Nandito ang vice governor at si Miss Kendra para pag-usapan ang engagement nila.”“Ah, ganon po ba? Sige po, susunduin ko lang si Lian.” mahinang sagot niya. Pinapasok siya ni Aling Edna. Hindi na sana siya papasok pero mukhang abala ang lahat kaya siya na mismo ang kukuha sa anak.Pagpasok ay narinig niya ang boses ng isang babae.“Okay, one more picture!”Napatingin siya sa sala.Doon niya nakita sina Liam at Kendra na magkatabi habang kinukuhanan ng litrato kasama ang iba pang mga naroon.Napahinto si Dina. Nagulat sa nakita p
“Liam, are you even listening?” iritang tanong ni Danilo.Agad na pumagitna si Kendra at pinakalma ang ama. Kahit alam niyang hawak nilang mag-ama ang baraha, ayaw din niyang bigla na lang umayaw si Liam dahil lang sa hindi pagkakasundo sa maliit na bagay. Kapopost pa naman niya sa group chat (GC) nilang magkakaibigan.., at sinabi niya sa mga ito na pinag-uusapan na ngayon ang darating nilang formal engagement ni Liam. Nagsend pa nga siya ng picture ni Liam na patago niyang kinunan upang ipakita sa chat.Kilala kasi ng mga kaibigan niya si Liam dahil magkakababayan sila. At alam niyang maging ang mga ito ay gaya niyang may paghanga rin sa binata. Kaya naman siya ang panalo sa kanilang lahat.“Dad, Liam isn't really into these things. I'll take care of the preparations.” singit ni Kendra upang alisin ang tensyon.Hindi agad sumagot si Danilo. Tiningnan nito ang binata na hindi man lamang nag-abalang itago ang cellphone.“Liam, please…” bulong ni Famita dahil kanina pa niya nararamdama







