LOGINThanks for reading...
Lumabas si Leon ng condominium building na parang walang nangyari. Sa parking garage ay nakaabang na ang sasakyan. Si Mathew ang magdadrive para sa kanya ngayon. Pagsakay ni Leon sa loob, naupo siya sa likod at agad siyang sumandal sandali sa upuan. Saka huminga ng malalim. Habang si Mathew naman ay agad na pinaandar ang sasakyan.Maya maya ay nakatanggap si Leon ng tawag, si Renz. Kaya agad niya yung sinagot.“Yeah.”“Everything went smoothly.” bungad ni Renz sa kabilang linya. “Mas malinis pa kesa sa inaasahan.”Tahimik lang si Leon na nakikinig.“Dumating ang mga pulis kagabi., inspection team na ipinadala ng station commander. Wala talagang kahina hinala ang SilverLine na may nakaabang na sa kanila kagabi.”“Really?”“Yup. So, everything went smoothly. Nakuha lahat ng ebidensya. Kumpleto ang documentation.” ani Renz saglit munang huminga bago muling nagsalita.“Right now, under full investigation na ang SilverLine. Pati na rin ang koneksyon ni Pacquito sa kanila, hinuhukay
Kunwaring nagulat si Maxine nang makita si Leon sa labas ng kanyang condo. May intercom camera sa mismong pinto kaya nakita agad kanina kung sino ang nasa labas. Kaya nga medyo natagal siyang buksan ito dahil mabilis niyang tinungo ang kanyang silid upang magsuot ng nightie at gamitin ang pagkakataong narito ito para akitin ang bisita. Kilala niya si Leon kahit hindi siya kailanman naging babae nito. Alam niya at hindi lingid sa kaalaman niya ang reputasyon nito pagdating sa kama. Usap usapan ng mga tauhan nito ang tungkol sa mga kwentong narinig din lang ng mga ito mula sa mga babaeng dinadala ni Leon sa casa.Leon is unapologetically wild in bed. The kind of man who could drive any woman crazy and leave her wanting ang begging for more. Kaya naman ganun na lang ang inggit niya sa mga babaeng nakakaniig nito sa Casa kahit sabihin pang wala yung kasamang pagmamahal. At ngayong silang dalawa na lang dito, nais din niyang maranasan yun.“Leon,” malambing na bungad ni Maxine. “Hindi
Kahit gabi nang nakatulog, maaga pa ring nagising si Cacai para pumasok sa trabaho. Unang una niyang ginawa ay kunin ang kanyang cellphone upang tingnan kung nagmessage na sa kanya si Leon. Simula kasi nang umalis ito para pumunta sa meeting sa Pacific Air ay hindi na ulit ito nagparamdam.Kung last month siguro nangyari ito ay baka kung ano ano na ang maiisip niyang ginagawa nito ngayon. Na baka may ibang kasama na ito o baka nagbago na ang nararamdaman nito. Pero iba na ngayon dahil alam na niyang hindi ito ganung klaseng tao.Pagkatapos ng mga araw na nakasama niya ito sa monitoring floor at base na rin kung paano niya ito marinig makipag-usap sa mga tao sa telepono or mga online conference, alam niyang kapag hindi nito gusto ang isang bagay ay hindi ito nagpapanggap. Agad nitong sasabihin ang nasa isip. Oo, minsan ay nahuhuli niya itong parang may itinatago, pero pakiramdam niya, hindi yun para saktan o lokohin siya. Basta pakiramdam niya iniingatan nito ang damdamin niya
Samantala sa gasolinahan… “Ang tagal.” sabi ni Jonas. “Eh di ikaw na ang gumawa,.” sagot naman ni Luis. Nang matapos ay bumalik na sila sa sasakyan. Pero nakita nilang pumasok si Arah sa driver’s seat. “Anong ginagawa mo?” takang tanong ni Luis. “Sakay na.” sa halip ay sagot ni Arah sabay sara ng pinto. Nagkatinginan pa ang dalawang lalaki. “Good luck sa ‘tin.” sabi ni Jonas at sumakay sa passenger seat sa likod. Ganun din si Luis. Ilang saglit pa ay mabilis nang humaharurot ang kotse. Nagmamadali si Arah. Kailangan nilang maunahan ang Silverline na dumating sa lugar na yun. “Pulis ka ba talaga o driver ng bumbero?” paninita ni Jonas. Pero tuloy tuloy lang si Arah kaya ilang minuto lang ay nasa harap na sila ng NorthPoint. Nakita nilang lumabas ang fire truck mula sa loob. Mukhang naagapan na ang sunog. Bumaba agad si Arah. Nakasalubong pa niya ang mga reporters na palabas na. Ibang iba na ang awra ng mga ito kumpara kaninang hyper na hyper. Ngayon ay lutang na n
Naupo si Kate sa harap ng computer. Pagkatapos ay inikot niya ang screen para makita nila. Sina Jonas at Luis ay nandoon din katabi ni Arah.Sa monitor ay hindi simpleng document lang ang naka-open. Isa yung live interface. May moving entries, timestamps, containers IDs nag nag-uupdate na parang isang totoong system.“Hindi lang ito simpleng file or recorded. Mirrored view ito na parang naka-tap sa mismong system pero pang viewing lang ito at hindi nating pwedeng pakialaman ang system.”“Meaning yan mismo ang actual na galaw ng transaction ng Silverline?” tanong ni Jonas.Tumango si Kate habang nakatingin sa screen.“Kita nyo yan?” anito at itinuro ang gumagalaw na object gamit ang cursor. “Truck assignments, container loading at internal scheduling… Lahat yan real time.”Lumalim ang tingin nilang lahat.“Yang papel na hawak mo ang printed copy nito. Screen logs, activity logs pati timestamps, nakarecord na sa system natin.” ani Kate at nagscroll. “Hindi lang yan…” Nagbukas pa siya
Gabi na pero buhay na buhay pa rin sa loob at labas ng police station. Sa labas ay may kariton na may laman na ilang termos ng kape, palamig, chicharon, balut at penoy na pinapalibutan ng mga pulis at sibilyan. Nakatayo at ang iba ay nakasandal lang habang umiinom ng kape at palamig sa plastic cup.“Boss, dalawang balut. Yung mainit pa!” sigaw ng isang pulis na galing sa loob ng istasyon.“Yes, boss!” sagot ng nagtitinda.Mas malaki ang istasyon na ito kumpara sa iba. Kaya ordinaryo nang tanawin na makita sa gilid ng entrance ang mga nakahilerang reporters na mga taga-radyo, tv, at dyaryo, ilang kilalang news website. Araw araw ang mga itong nag-aabang sa mga bagong balita o insidenteng pwedeng magamit sa kanilang trabaho. Nakaupo ang mga ito sa bench habang nagbibiruan.“Mukhang walang ganap ngayon ah.” sabi ng isang taga dyaryo.“Hintay ka lang, Pag ganitong tahimik bigla na lang may sasabog.” sagot naman ng taga-TV.“Magsuntukan na lang kayo para magkaroon ng balita.” biro ng
“Araaay…” mahinang daing ni Cacai habang marahang tumatayo mula sa pagkakadapa. Nang makatayo ay napatingin siya sa kanyang mga kamay at braso na puro putik, at nang bumaba ang kanyang tingin sa damit, nakita niyang marumi na din yun. Nagpapasalamat siya at hindi mabilis ang kanyang pagpapatakbo k
“Done staring?” Para akong nagising nang marinig ang boses niya. “Bastos!” malakas na sabi ko. Mabilis kong tinakpan ng dalawang palad ang aking mukha. Pero kahit may takip na ang mga mata ko, yung anino pa rin ng alaga niya ang nakikita ko at ayaw mawala sa isip ko. Narinig ko siyang mah
Nandito pala siya. Akala ko ba hindi siya dito nakatira? Nakita ko siyang pumasok sa isang pinto. Kahit malayo tanaw ko na parang hindi naman silid yun dahil pagbukas niya ng pinto ay may mga baitang ng hagdan. Ano kayang merun dun? “Huy…, anong sinisilip mo dyan?” Nagulat ako nang may bi
“Ayan po, may dasal na yan. Kaya pwede nyo rin pong gamiting anting anting yan. Pampahaba ng buhay kaya hindi ka na po ulit tatamaan ng kahit ano.” wika ng batang si Iska na may matamis na ngiti….. Napabalikwas si Leon sabay sapo sa dibdib. Saka niya narealized na panaginip lang pala pero lahat na





![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

