LOGINCacai POVHindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, ngayong dito na ako nakatira sa bahay ng aking ama...., na ngayon ko pa lang nakilala. 19 years akong namuhay kasama si Lola Karing sa isang liblib na baryo sa Atimonan, Quezon. Ang sabi ni Lola ay dating katulong sa Maynila si Inay at pagbalik nito sa probinsya, buntis na raw siya sa akin. Nabuntis si Inay ng kanyang amo na isang pamilyadong tao, at yun nga ay ang aking amang si Benito Alcantara. Binayaran daw nito si Inay para lisanin ang Maynila dahil ayaw ng pamilya nitong ma-eskandalo. 3 years old pa lang ako nang mamatay si Inay dahil sa sakit sa baga. Kaya naman si Lola na ang nag-alaga sa akin. Manggagamot si Lola, albularyo sa paningin ng iba. Mangkukulam para sa mga tsismosa. Aswang naman para sa mga batang kalaro ko. At doon ko nakuha ang palayaw na ‘Tiktik' dahil may lahi daw kaming aswang.Naramdaman ni Lola na mamamatay na siya dahil unti unti na siyang nanghihina. Sinabi niya sa akin na nagpadala sya ng li
One month ago….“Kailangan mo nang magpakasal.” may awtoridad na wika ni Subas Aragon. Kausap niya ang anak na si Leon. Narito sila ngayon sa kanilang mansion, nagdi-dinner. Minsan lang sila magkitang mag-ama dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga ginagawa.Walang emosyon si Leon na tinungga ang baso ng wine. Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng ama dahil hindi ito ang unang beses na binanggit nito ang tungkol sa kasal.“We need our allies to see we're still going strong. Mas kampante sila kung may lehitimo kang pamilya na ipapakita. If you're single and don't have an heir, they'll think we're done, and some of them might leave.” wika ng matanda.Labas sa ilong na natawa si Leon nang marinig ang sinabi ng ama. Gusto nitong magpakasal siya dahil sa grupong kinabibilangan nito, ang grupong ATLAS. Samahan ito ng isang local syndicate na umiikot sa mga illegal na gawain. Nahahati sa apat na division ang ATLAS. Ang Finance, Logistic, Nightlife at Cartel.Dalawa rito ay hawak ng
Ako si Cacai pero mas kilala sa tawag na Tiktik. May lahi daw kasi kaming aswang kaya yun ang tawag saken ng mga kalaro ko noong nasa probinsya pa lang ako. 19 years old na ako ngayon pero senior high school pa rin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong magkasakit at mamatay ang lola kong nagpalaki sa akin. …….. Manila – 4:27 PM (Present time) Galing ako sa school at sakay ng taxi pauwi sa bahay ng aking ama. Habang papalapit ang sinasakyan ko sa bahay ni Papa, natanaw ko na agad ang mga itim na sasakyan, ganun din mga lalaking naka-itim na nakatayo sa labas ng gate. Bakit kaya sila puro naka-itim? May namatay ba? Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad si Papa. Napasinghap ako at biglang napatakip ng aking bibig. Baka may nangyaring masama sa kanya. Naku po! Wag naman po sana!Ilang buwan pa lang nang una kong makita at makilala si Papa, tapos ay mawawala na agad siya? Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa naiisip. Nang pumarada ang taxi malapit sa bahay nam







