แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Kara Nobela
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-29 14:37:00

Cacai POV

Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, ngayong dito na ako nakatira sa bahay ng aking ama...., na ngayon ko pa lang nakilala.

19 years akong namuhay kasama si Lola Karing sa isang liblib na baryo sa Atimonan, Quezon.

Ang sabi ni Lola ay dating katulong sa Maynila si Inay at pagbalik nito sa probinsya, buntis na raw siya sa akin. Nabuntis si Inay ng kanyang amo na isang pamilyadong tao, at yun nga ay ang aking amang si Benito Alcantara. Binayaran daw nito si Inay para lisanin ang Maynila dahil ayaw ng pamilya nitong ma-eskandalo.

3 years old pa lang ako nang mamatay si Inay dahil sa sakit sa baga. Kaya naman si Lola na ang nag-alaga sa akin. Manggagamot si Lola, albularyo sa paningin ng iba. Mangkukulam para sa mga tsismosa. Aswang naman para sa mga batang kalaro ko. At doon ko nakuha ang palayaw na ‘Tiktik' dahil may lahi daw kaming aswang.

Naramdaman ni Lola na mamamatay na siya dahil unti unti na siyang nanghihina. Sinabi niya sa akin na nagpadala sya ng liham sa aking ama para ipabatid ang aking sitwasyon. Suntok sa buwan kung matatanggap nito yun dahil hindi sigurado si Lola kung doon pa rin nakatira ang ama ko. Ibinilin sa akin ni Lola bago siya mamatay na sumama ako, kung sakaling dumating ito at sunduin ako. Wala na kaming ibang kamaganak at ayaw niyang maiwan akong mag-isa.

Ilang buwan matapos mamatay ni Lola ay may sumulpot na lalaki sa kubo namin. Ito raw ang ipinadala ng aking ama para sunduin ako at dalhin sa siyudad. Dahil yun naman ang napag-usapan namin ni Lola, hindi ako nagdalawang isip na sumama.

At heto na nga. Nasa loob ako ng isang mabango at magandang silid. May malambot na kama. Malamig at pino ang  hangin.

Ibang iba sa kinalakihan ko na sa banig lang natutulog at ni electric fan ay wala dahil wala namang kuryente sa liblib na baryo namin.

Maya maya pa ay tinatawag na ako ng isang kasambahay.

“Ma’am, pinapatawag ka na po ni Sir. Kakain na raw.” magalang na wika nito.

Bigla akong nahiya nang tawagin niya akong Ma’am. Eh hindi naman ako teacher. Sa tingin ko ay mas bata pa nga ako kesa sa kanya.

Tumango ako at bahagyang yumuko.

“Sige po.” nahihiya kong sabi.

Parang naalangan pa ang kasambahay dahil sa ginawa ko at yumuko rin ito. Kaya ayun, nagyukuan kaming dalawa nang paulit-ulit. Hanggang sa siya na mismo ang unang sumuko at kakamot kamot ng ulo na nagpaalam.

Pagdating ko sa hapagkainan ay nadatnan ko si Papa na nakaupo na sa tapat ng mesa.

Naagaw agad ang atensyon ko ng isang babaeng ubod ng ganda na katabi ni Papa. Parang gatas ang kutis dahil sa puti at kinis nito. Natulala ako dahil ngayon lang ako nakakita ng babaeng ganito kaganda. Hindi siya mukhang tao, mukha siyang dyosa na bumaba sa lupa. Parang may ilaw sa tuktok niya at nagliliwanag ang kanyang angking ganda.

“Siya si Ate Victoria mo.” pakilala ni Papa.

Ate ko siya? Hindi ako makapaniwala.

“Ang ganda!” hindi ko mapigilang ibulalas habang namamangha. 

Saglit lang na tumingin sa akin si Ate. Walang reaksyon kahit ano, tapos ay ipinagpatuloy nito ang pagkain ng damo. Parang damo kasi yung kinakain niya, puro hilaw na dahon. Samantalang ang daming putaheng nakahain sa mesa na agad nakapagpatakam sa akin.

Kaya naman dali-dali akong naupo at sumandok nang para sa akin.

“Dahan dahan Cacai. Baka mabulunan ka.” nakangiting sabi ni Papa sa mahinahong boses.

Hindi ko namalayan na nagmamadali pala akong kumain. Sobrang sarap kasi ng mga nakahain sa mesa na ngayon ko lang natikman. Pero nang marinig ko ang sinabi ni Papa ay medyo nahiya ako at sumunod sa kanya.

Ilang minuto pa ay narinig kong nagsalita si Ate.

“I’m done.” anito at tumayo saka naglakad palayo.

Napatingin ako sa pinggan niya. Konti na nga lang ang laman nun, hindi pa naubos. Sabagay, para kasing walang lasa yung kinakain niya kaya siguro hindi nito nagustuhan. Samantalang ako, busog na busog. Kung hindi pa sumakit ang tiyan ko ay hindi pa ako titigil sa pagsubo.

Sa ilang araw kong pagtira sa bahay ni Papa, unti-unti ay natutunan ko na ang bagong buhay na ginagalawan nila. Pero napakarami ko pa ring hindi alam tungkol sa modernong pamumuhay.

In-enroll ako ni Papa sa isang exclusive school. Ilang buwan na lang ay gagraduate na ako ng highschool. Nahinto kasi ako dahil kapos talaga kami ni Lola mula nang magkasakit siya. Ngayong kasama ko na si Papa ay matutupad na rin ang pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral.

Mabait naman si Papa. Ramdam kong bumabawi siya sa mga taong napahiwalay sa akin. Matagal na rin siyang biyudo. Kaya sila na lang ni Ate ang magkasama.

Si Ate naman ay minsan ko lang makita. Nalaman ko mula kay Papa na isa pala itong modelo kaya pala lagi itong wala sa bahay. At kapag nasa bahay naman ay palagi lang ito sa loob ng kanyang kwarto. Hindi naman niya ako tinatatarayan pero hindi rin niya ako pinapansin. Hindi niya ako kinakausap kahit nagkakasalubong kami na para bang hindi niya ako nakikita. Para lang akong hangin.

Okay na ako dun, kesa naman mapagaya ako sa mga napapanood kong drama na may half sister at inaapi siya.

Isang araw, paglabas ko ng aking silid ay narinig kong nagtatalo sina Papa at Ate. Kahit hindi ako mag-usyoso ay naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila dahil sa lakas ng kanilang mga boses.

“No way, Dad, I'm not marrying someone I don't even know!” galit na galit na sabi ni Ate.

“Victoria, napakalaki ang utang ko sa mga Aragon. Wala ka nang magagawa dahil umoo na ako sa kanila.” boses ni Papa.

“Then, ikaw na lang ang magpakasal. Tutal, ikaw naman itong umutang sa kanila.” mas nilakasan pa ni Ate ang sigaw niya.

“Victoria!” sigaw ni Papa.

Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Ate, habang si Papa naman ay panay ang tawag sa kanya. Nakatayo pa rin ako sa labas ng aking silid. Nakita ko na lang si Ate na naglalakad palapit sa direksyon ko na nakakunot ang noo at halata ang galit na nakarehistro sa kanyang mukha.

Nagsalubong ang mga mata namin. Tinapunan lang niya ako ng mataray na tingin saka niya ako nilagpasan. Tapos ay pumasok ito sa kanyang silid at pabalibag na isinara ang pintuan. Narinig ko pa ang gigil niyang sigaw kahit nasa loob na siya ng silid.

Grabe! Parang live drama yun ah. Sigurado ako na pati mga kasambahay namin ay narinig ang pagtatalo nilang dalawa.

Bumaba ako at nakita ko si Papa na nakaupo sa sofa habang nakasubsob sa kanyang dalawang palad na halatang problemado. Naawa akong bigla sa kanya. Pero naaawa rin ako kay Ate.

Konti lang ang narinig ko sa sagutan nila pero maliwanag kung bakit sila nag-aaway. Gusto siyang ipakasal ni Papa para makabayad sa utang nito.

Kahit ako si Ate, ganun din siguro ang mararamdaman ko. Parang drama talaga. Ganitong ganito yung drama sa radyo na pinapakinggan namin dati ni Lola. Arranged marriage at hindi nila gusto ang isa't isa. Nakakakilig yun, pero sa totoong buhay, mukhang hindi naman pala.

Isang araw bago ako pumasok sa school ay may kumakatok sa pinto ng silid ko. Nagulat ako nang makita si Papa na mukhang problemado.

“Andyan ba ang Ate mo?” tanong nito.

Nagtaka ako kung bakit niya hinahanap si Ate. At sa lahat ng tao, saken pa talaga? Eh, mukhang allergic yun saken.

“Wala po.” tugon ko at mabilis na tumalikod si Papa.

Nang magtanong ako sa mga kasambahay kung anong nangyayari, sinagot agad nila ako.

Tulog na raw ako nung umuwi si Ate kagabi at narinig daw ulit nilang nagtatalo ang dalawa. At ngayong umaga nga, ay wala na ito sa kanyang silid, ganun din ang ilan sa mga gamit nito.

“Narinig ko po sa usapan nila kagabi..., ngayon daw siya dapat susunduin ng mapapangasawa niya. Kaso mukhang tumakas na po ang Ate nyo.” wika ng isa sa mga kasambahay.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
AcC
exciting na agad sana every day ang update
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 3

    Cacai POVHindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, ngayong dito na ako nakatira sa bahay ng aking ama...., na ngayon ko pa lang nakilala. 19 years akong namuhay kasama si Lola Karing sa isang liblib na baryo sa Atimonan, Quezon. Ang sabi ni Lola ay dating katulong sa Maynila si Inay at pagbalik nito sa probinsya, buntis na raw siya sa akin. Nabuntis si Inay ng kanyang amo na isang pamilyadong tao, at yun nga ay ang aking amang si Benito Alcantara. Binayaran daw nito si Inay para lisanin ang Maynila dahil ayaw ng pamilya nitong ma-eskandalo. 3 years old pa lang ako nang mamatay si Inay dahil sa sakit sa baga. Kaya naman si Lola na ang nag-alaga sa akin. Manggagamot si Lola, albularyo sa paningin ng iba. Mangkukulam para sa mga tsismosa. Aswang naman para sa mga batang kalaro ko. At doon ko nakuha ang palayaw na ‘Tiktik' dahil may lahi daw kaming aswang.Naramdaman ni Lola na mamamatay na siya dahil unti unti na siyang nanghihina. Sinabi niya sa akin na nagpadala sya ng li

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 2

    One month ago….“Kailangan mo nang magpakasal.” may awtoridad na wika ni Subas Aragon. Kausap niya ang anak na si Leon. Narito sila ngayon sa kanilang mansion, nagdi-dinner. Minsan lang sila magkitang mag-ama dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga ginagawa.Walang emosyon si Leon na tinungga ang baso ng wine. Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng ama dahil hindi ito ang unang beses na binanggit nito ang tungkol sa kasal.“We need our allies to see we're still going strong. Mas kampante sila kung may lehitimo kang pamilya na ipapakita. If you're single and don't have an heir, they'll think we're done, and some of them might leave.” wika ng matanda.Labas sa ilong na natawa si Leon nang marinig ang sinabi ng ama. Gusto nitong magpakasal siya dahil sa grupong kinabibilangan nito, ang grupong ATLAS. Samahan ito ng isang local syndicate na umiikot sa mga illegal na gawain. Nahahati sa apat na division ang ATLAS. Ang Finance, Logistic, Nightlife at Cartel.Dalawa rito ay hawak ng

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 1

    Ako si Cacai pero mas kilala sa tawag na Tiktik. May lahi daw kasi kaming aswang kaya yun ang tawag saken ng mga kalaro ko noong nasa probinsya pa lang ako. 19 years old na ako ngayon pero senior high school pa rin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong magkasakit at mamatay ang lola kong nagpalaki sa akin. …….. Manila – 4:27 PM (Present time) Galing ako sa school at sakay ng taxi pauwi sa bahay ng aking ama. Habang papalapit ang sinasakyan ko sa bahay ni Papa, natanaw ko na agad ang mga itim na sasakyan, ganun din mga lalaking naka-itim na nakatayo sa labas ng gate. Bakit kaya sila puro naka-itim? May namatay ba? Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad si Papa. Napasinghap ako at biglang napatakip ng aking bibig. Baka may nangyaring masama sa kanya. Naku po! Wag naman po sana!Ilang buwan pa lang nang una kong makita at makilala si Papa, tapos ay mawawala na agad siya? Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa naiisip. Nang pumarada ang taxi malapit sa bahay nam

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status