Share

Chapter 69

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2026-01-22 00:24:30
3rd Person POV

“How is she?” tanong ni Leon kay Manang ng pumasok ang matanda sa opisina niya na may dalang merienda.

Nakasandal siya sa swivel chair habang hilot ang sintido.

Hapon na nun. Hindi pa siya nakakabalik sa silid ni Cacai dahil nagkaroon ng importanteng online conference kasama ang ilang international business partners.

Kaya naman inusap niya si Manang na dalaw dalawin si Cacai sa silid nito. Na siya namang ginagawa ng mayordoma. Halos andun na nga ito buong maghapon sa silid para samahan ang dalaga.

“Nanonood ng tv. Pero mukhang masama talaga ang loob.” sabi ni Manang habang inilalapag ang dala.

“Bakit mo kasi pinagalitan?” wika pa nito sa malumanay na boses.

“Ang sabi niya, hindi naman daw siya ang nauna.” dugtong ni Manang.

“I know… But that’s not the point…. It’s not about who started the fight or kung sino man ang kaaway niya. I expect her to take care of herself as much as I do.”

Napabuntong hininga si Leon bago muling nagsalita

“I took some time
Kara Nobela

Thanks for reading....

| 87
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (14)
goodnovel comment avatar
rosselleela
kikiligin ka lang leon pag nabuo mo na card nilagyan ng puso na may pangalan mo
goodnovel comment avatar
Celine Cabantac
Naku nakonsensya c Leon, Pagbutihin mo ang pagbuo ng bulaklak na tuyo... pero pinaiyak mo at galit sayo c Cacai dahil sa mga sinabi mo... Ang Tanong Kong Tatanggapin ba ni Cacai yang pinagdikit² mong tuyong Bulaklak?
goodnovel comment avatar
emiluvs
buti na lang andyan si Manang Lourdes na laging handang makinig Kay Cacai at magpaliwanag sa shunga shungang si Leon..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 72

    Inulit ng presenter ang tanong. “Do you think we’ll be able to meet the schedule for the quarter?” Palibhasa’y personal niyang inasikaso ang tungkol dito kaya mabilis na nakabawi si Leon at sumagot ng eksakto at walang butas. “Based on current projections, the schedule for the next quarter is realistic., but only if we lock in our aircraft availability and avoid operational disruptions. I also want a weekly progress report.” Sumang-ayon ang mga nasa paligid. Walang kumontra. Kaya muling nagpatuloy ang nagpipresent sa gitna. Inayos ni Leon ang sarili at ibinalik ang sarili sa seryosong anyo. Saka niya itinuon ang atensyon sa meeting upang hindi mapahiya kung sakali. Habang nagpapatuloy ang diskusyon, nag vibrate ang cellphone niya sa bulsa. May tumatawag pero nakasilent yun. Sinilip niya at nakita ang number ni Manang. Napailing na lang siya. Baka nakaligtaan nito ang bilin niya kagabi na hindi siya sa mansyon magdidinner. Ilang beses na rin itong nangyari kaya sanay na siya. Hin

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 71

    Alarm clock ang gumising sa kanya. Agad siyang bumangon para maghanda para sa pagpasok sa eskwela. Pagpasok niya sa banyo ay napatingin agad siya sa salamin. Kitang kita ang bahagyang pamumugto ng mata. Hindi naman sobra , pero mas malaki kesa sa normal. Maayos na ang pakiramdam niya. Hindi na siya kagaya kahapon na masyadong emosyonal. Madali naman kasing mawala ang galit niya. Pagkatapos nyang ayusin ang sarili para sa pagpasok ay nagtungo na siya sa kusina para mag-almusal. Doon ay nadatnan niya ang iba pa na kumakain na. Ramdam niyang nasa kanya ang atensyon ng mga ito kahit walang sinasabi. Hindi yun nanghuhusga pero nakikiramdam. Malamang ay dahil sa nakita ng mga itong pagtakbo niya papasok ng mansyon kahapon, habang malakas ang boses na tinatawag siya ni Leon. Si Dina ay kausap niya habang sakay sila ng service papunta sa school pero wala naman itong binabanggit tungkol sa nangyari kahapon. Yun ang dahilan kung bakit sa kabila ng mga hindi magagandang nagyayari, maga

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 70

    “Sh*t!” gigil na usal ni Leon.Kanina pa siya napapamura dahil hindi niya mabuo buo ng maayos ang bulaklak. Napagdugtong dugtong nga niya pero hindi naman kaaya-aya at parang nilaro ng mga bata ang itsura.Dumako ang tingin niya sa mesa na may nakapatong na plato ng pagkain. Dinala yun ni Mamang para sa hapunan niya pero lumamig na’t lahat ay ni hindi pa rin niya nagalaw. Hindi rin niya masyadong naintindihan ang pinag-uusapan sa online conference kanina dahil frustrated siya sa pagbuo nitong bulaklak.Sumandal siya sa upuan at tila pagod na inilapat ang likod ng katawan. Napatingin siya sa digital clock niya. Magmamadaling araw na. Sigurado siyang tulog na si Cacai lalo na't may pasok pa ito bukas.Napapailing siyang ipinikit ang mga mata saka marahang hinilot ang sintido dahil medyo sumasakit na rin ang kanyang ulo. Maya maya pa ay narinig nyang may kumatok ng tatlong beses. Hindi siya sumagot, alam niyang si Manang yun. Wala namang ibang magtatangkang pumasok dito sa opisina niya

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 69

    3rd Person POV “How is she?” tanong ni Leon kay Manang ng pumasok ang matanda sa opisina niya na may dalang merienda. Nakasandal siya sa swivel chair habang hilot ang sintido. Hapon na nun. Hindi pa siya nakakabalik sa silid ni Cacai dahil nagkaroon ng importanteng online conference kasama ang ilang international business partners. Kaya naman inusap niya si Manang na dalaw dalawin si Cacai sa silid nito. Na siya namang ginagawa ng mayordoma. Halos andun na nga ito buong maghapon sa silid para samahan ang dalaga. “Nanonood ng tv. Pero mukhang masama talaga ang loob.” sabi ni Manang habang inilalapag ang dala. “Bakit mo kasi pinagalitan?” wika pa nito sa malumanay na boses. “Ang sabi niya, hindi naman daw siya ang nauna.” dugtong ni Manang. “I know… But that’s not the point…. It’s not about who started the fight or kung sino man ang kaaway niya. I expect her to take care of herself as much as I do.” Napabuntong hininga si Leon bago muling nagsalita “I took some time

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 68

    Tumakbo ako para magtungo sa silid ko. Pero narinig ko ang boses ni Leon na tinatawag ako.“Cacai!” Hindi ako lumingon, at lalo ko lang binilisan ang takbo ko. Masama ang loob ko kaya ayoko siyang makita at makausap.Narinig ko ulit na tinawag niya ang pangalan ko. Mas malakas pa ngayon ang tawag niya pero tuloy tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nakasalubong ko pa nga ang ilang kasambahay na nagtataka nang makitang humahangos ako papasok ng mansyon habang umiiyak hanggang sa makarating ako sa silid ko.Pagpasok ko sa loob at padapa akong tumalon sa kama saka ako umiyak nang umiyak habang nakasubsob sa unan habang umeecho pa rin sa utak ang huling sinabi niya. Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang pinto ng silid ko at pumasok si Leon. Sigurado naman akong siya yun. Pero hindi ko siya nilingon.“Why did you do that?” bungad agad nito. Galit ang boses nito.Huminto ako sa pag-iyak. Nagsalita ako pero hindi ko siya tiningnan. Basta nakasubsob pa rin ako sa unan pero sapat na yun laka

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 67

    Mahigpit ang hawak ko sa buhok ni Karla at gigil na gigil ko siyang sinabunutan. Nag-iisa lang ang bulaklak na yun at hindi na yun maibabalik sa dati kailan.“Ouch!” sigaw nito pero hindi nagpatalo.Hinagip niya rin ang buhok ko at gumanti nang sabunot. “Aray ko!” daing ko. Ang sakit kasi sa anit kapag hinihila niya. Kanina pa kami kung saan saan nakarating dahil sa pagsasabunutan namin. Ayokong magpatalo pero mukhang mas dehado ako dahil di hamak namang mas matangkad siya kesa sa akin. Kaya mas madali niya akong nahihila kapag mas nilalakasan niya.Ang laban ko lang ay mas malakas ako dahil batak ang katawan ko sa trabaho. Ilang buwan pa lang naman ako dito sa Maynila pero malakas pa rin ako.“Kunyari ka pa, malandi ka rin pala!” gigil na sabi ni Karla na ayaw magpatalo.Naghilahan kami hanggang sa makarating na kami sa gilid ng pool. Ilang hakbang na lang ay pwede na akong mahulog, ako ang mas malapit sa gilid at nakatalikod pa. At mukhang yun din ang nasa isip ni Karla dah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status