แชร์

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate
ผู้แต่ง: Kara Nobela

Chapter 1

ผู้เขียน: Kara Nobela
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-29 14:35:20

Ako si Cacai pero mas kilala sa tawag na Tiktik. May lahi daw kasi kaming aswang kaya yun ang tawag saken ng mga kalaro ko noong nasa probinsya pa lang ako. 19 years old na ako ngayon pero senior high school pa rin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong magkasakit at mamatay ang lola kong nagpalaki sa akin.

……..

Manila – 4:27 PM (Present time)

Galing ako sa school at sakay ng taxi pauwi sa bahay ng aking ama.

Habang papalapit ang sinasakyan ko sa bahay ni Papa, natanaw ko na agad ang mga itim na sasakyan, ganun din mga lalaking naka-itim na nakatayo sa labas ng gate.

Bakit kaya sila puro naka-itim? May namatay ba?

Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad si Papa. Napasinghap ako at biglang napatakip ng aking bibig.

Baka may nangyaring masama sa kanya.

Naku po! Wag naman po sana!

Ilang buwan pa lang nang una kong makita at makilala si Papa, tapos ay mawawala na agad siya?

Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa naiisip.

Nang pumarada ang taxi malapit sa bahay namin ay dali-dali akong bumaba. Mabilis akong tumakbo at hindi alintana ang mga lalaking nakatayo sa labas ng bahay namin.

Napatingin sila sa direksyon ko nang makitang humahangos ako.

Mukha talaga silang namatayan dahil napakaseryoso ng mga mukha nila.

Nilagpasan ko sila at tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ganun na lang ang gulat ko nang makita si Papa na nakaluhod.

May dalawang lalaki ang nakatayo sa harapan niya. Ang isa ay may hawak na baril at nakatutok sa noo ng aking ama.

“Papa!” malakas na sigaw ko at patakbong lumapit sa kanya.

“Anak…” bulong ni Papa at may bahid ng pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ako.

“Papa..” usal ko at lumuhod na rin sa tabi niya.

“Hindi ka na sana pumasok dito.” pabulong niyang sabi sa akin.

“Anak mo?” boses ng lalaki.

Sabay kaming napalingon ni Papa sa nagsalita. Siya yung may hawak ng baril. Napangiwi ako nang matitigan siya. Mukha kasi siyang Hippopotamus.

Mukhang Hito naman yung isang kasama niya.

Basta, parehong nakakatakot ang pagmumukha nila. Lalo na at may hawak silang baril. Ngayon pa lang ako nakaramdam ng matinding takot nang marealized ang delikadong sitwasyon namin.

“Wag po!” pakiusap ko sabay yakap kay Papa na punong puno nang pag-aalala.

“Sagutin mo ang tanong ko. Anak mo ba yan?” tanong muli ni Hippo na ngayon ay mukhang galit na talaga.

Natahimik si Papa na parang nalunok ang dila.

“Opo...” ako na ang sumagot dahil mukhang walang balak magsalita si Papa.

Nakita kong napangiwi si Hippo habang pinapasadahan ng tingin ang aking school uniform. Yung tingin na para bang may mali sa suot ko.

“Bata?” nakangiwi pa rin at may pagtatakang usal nito.

Nagkatinginan pa sila ng kasama niya na tila hindi makapaniwala. Pero nang makabawi ay muli itong humarap sa akin.

“Tayo!” sigaw nito.

Nagulat at napatayong bigla ako dahil sa lakas ng boses nito.

“Sumama ka samin!”

Hinablot niya ang braso ko at naglakad palayo kay Papa. Halos makaladkad na nga ako dahil sa bilis ng mga hakbang nito.

“Pakiusap, wag siya!” malakas na sigaw ni Papa. Nakaluhod pa rin siya.

Gusto ko sanang kumawala at balikan si Papa pero pareho kaming natigilan nang biglang ikasa ng lalaki ang baril at muling tutukan ang aking ama.

“Parang awa nyo na, wag niyong sasaktan ang anak ko!” napayuko na lang si Papa habang nagmamakaawa ang boses njto.

“Hindi siya masasaktan kung hindi kayo magmamatigas.” galit na wika ng isa sa kanila.

Kitang kita ko ang emosyonal na tingin ni Papa sa akin. Tapos ay marahan niya akong tinanguan.

Sa kalagayan namin ngayon, kahit hindi kami mag-usap, alam namin pareho na wala na kaming magagawa pa. Kailangan naming sumunod kung ayaw naming masaktan.

Mabilis na naglakad si Hippo habang mahigpit ang hawak sa braso ko. Dire-diretso kami sa labas kung saan nakatayo pa rin ang mga lalaking naka-itim.

Pagtapat namin sa isang sasakyan ay pasalya niya akong ipinasok sa loob. Sunod ay nagtungo naman ito sa driver’s seat.

Maya maya pa, kasunod na namin si Hito. Naupo ito sa unahan sabay lingon kay Hippo.

“Bogs, dahan dahan lang sa paghila sa batang yan, baka magalusan. Malilintikan ka kay Boss Leon.” ani Hito.

Mahinang tumawa si Hippo.

“Tado, hindi ko akalaing ganyan pala ang mga type ni Boss.” malawak ang ngiting anito habang nagmamaneho.

“Nagsawa na siguro si Boss sa mga seksi.” nakangising tugon ni Hito.

Wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Last month lang ay tahimik akong namumuhay sa isang liblib na baryo sa Quezon province. Lumuwas ako ng Maynila para tumira sa bahay ng mayaman kong ama na si Benito Alcantara. Kasama niya sa bahay ang half sister kong si Ate Victoria na mala Dyosa sa ganda. Last month ko lang sila parehong nakilala. Tapos ngayon, dinukot naman ako ng mga goons na ‘to.

Ilang minuto pa ay tinatahak na namin ang isang pribadong kalsada. Walang ibang sasakyan na dumaraan. Hindi nagtagal ay natanaw ko ang isang napakalaki at napakataas na gate. May mga armadong lalaki ang nagbukas nito.

Dire-diretso ang sasakyan sa loob. Tapos ay huminto sa harapan ng isang napakalaking bahay.

“Baba!” napaigtad ako nang marinig ang malakas na boses ni Hippo.

Dali-dali naman akong bumaba.

“Sumunod ka.” utos nito.

Wala naman akong ibang choice kundi ang sumunod dahil nasa mukha ng mata ito na hindi sila magdadalawang isip na pumatay kung magmamatigas ako.

Mag-iisip na lang ako ng paraan kung paano makatakas sa lugar na ito. Tapos ay babalik ako sa probinsya namin. Mas gugustuhin ko pang tumira kasama ang mga tsismosang kapitbahay kesa sa mga gangster na ‘to.

Pagdating namin sa loob ay namangha ako sa laki at ganda ng bahay. Parang mga mansion na sa mga pelikula ko lang nakikita. Kaya lang.., ang pangit ng view, ang daming armadong lalaki ang nasa paligid.

Nakasunod lang ako kina Hippo hanggang sa makarating kami sa may swimming pool area. Huminto kami malapit sa isang matandang lalaking may hawak na tungkod at may napakalakas na presensya.

Akala ko ay nakakatakot na sina Hippo at Hito pero mas nakakatakot pa ang matandang ito. Kahit hindi sumisigaw, ang awra nito ay mas may awtoridad. Tingin pa lang ay parang unti unti ka nang malalagutan ng hininga.

Kunot noo itong tumingin sa dalawang dumukot sa akin.

“Sino naman yan?” tanong ng matanda.

“Anak ni Alcantara, Boss.” sagot ni Hippo.

Lalong kumunot ang noo ng matanda dahil sa narinig at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa, lalo na ang school uniform ko.

Tapos ay bigla na lang itong bumunghalit ng tawa.

“Hindi ko akalain ganyan pala ang mga tipo ni Leon.” anito habang patuloy na tumatawa.

Nagtataka ako kung ano bang nakita niyang nakakatawa sa akin at ganun na lang ang reaksyon nito. Eh maayos naman ang school uniform na suot ko.

Biglang huminto ang matanda sa pagtawa sabay tingin sa likuran ko na tila may nakita.

Kaya pumihit ako, curious kung anong tinitingnan nito.

At dun nakita ko ang isang lalaking naglalakad palapit nang palapit sa amin. May awra at presensya ito na kayang patahimikin lahat ng madaraanan nito. Napakatangkad din at sigurado akong hindi bababa sa anim na talampakan ang taas. Halatang malaki ang kanyang pangangatawan kahit natatakpan ng suot niyang itim na business suit.

Napaka-gwapo din nito pero may mga mata itong malalim, malamig at parang patalim kung tumingin.

“Son!” malawak ang ngiting bati ng matanda sa lalaking yun.

“Siguro naman ay tutupad ka na sa kasunduan natin, Leon. Nadala ko na rito sa mansion ang babaeng gusto mong pakasalan.” patuloy ng matanda sa masiglang boses.

Nagsalubong ang kilay ng gwapong lalaki.

“What?” kunot noong tanong nito na tila nabingi.

Lalong lumawak ang ngiti ng matanda sabay turo sa akin.

“Ito na ang anak ni Alcantara. She’s all yours.” nakangising sabi nito.

Bumaling ang tingin ni Leon sa akin. Agad na dumilim ang kanyang mukha matapos akong pasadahan ng tingin.

“What the f*ck!” bulalas nito na tila hindi nagustuhan ang nakita, saka muling binalingan ang matanda.

“She’s a freaking kid, Dad. She’s not Victoria Alcantara!”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
Marla Poral
yes! inaabangan ko to
goodnovel comment avatar
AcC
nako kasalanan pala ni boy hito at boy hippo ang pagkakamali eh :D
goodnovel comment avatar
AcC
sa wakas available na ilang araw na ako pabalik balik ms a lol
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 3

    Cacai POVHindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon, ngayong dito na ako nakatira sa bahay ng aking ama...., na ngayon ko pa lang nakilala. 19 years akong namuhay kasama si Lola Karing sa isang liblib na baryo sa Atimonan, Quezon. Ang sabi ni Lola ay dating katulong sa Maynila si Inay at pagbalik nito sa probinsya, buntis na raw siya sa akin. Nabuntis si Inay ng kanyang amo na isang pamilyadong tao, at yun nga ay ang aking amang si Benito Alcantara. Binayaran daw nito si Inay para lisanin ang Maynila dahil ayaw ng pamilya nitong ma-eskandalo. 3 years old pa lang ako nang mamatay si Inay dahil sa sakit sa baga. Kaya naman si Lola na ang nag-alaga sa akin. Manggagamot si Lola, albularyo sa paningin ng iba. Mangkukulam para sa mga tsismosa. Aswang naman para sa mga batang kalaro ko. At doon ko nakuha ang palayaw na ‘Tiktik' dahil may lahi daw kaming aswang.Naramdaman ni Lola na mamamatay na siya dahil unti unti na siyang nanghihina. Sinabi niya sa akin na nagpadala sya ng li

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 2

    One month ago….“Kailangan mo nang magpakasal.” may awtoridad na wika ni Subas Aragon. Kausap niya ang anak na si Leon. Narito sila ngayon sa kanilang mansion, nagdi-dinner. Minsan lang sila magkitang mag-ama dahil pareho silang abala sa kani-kanilang mga ginagawa.Walang emosyon si Leon na tinungga ang baso ng wine. Hindi na siya nagulat pa sa sinabi ng ama dahil hindi ito ang unang beses na binanggit nito ang tungkol sa kasal.“We need our allies to see we're still going strong. Mas kampante sila kung may lehitimo kang pamilya na ipapakita. If you're single and don't have an heir, they'll think we're done, and some of them might leave.” wika ng matanda.Labas sa ilong na natawa si Leon nang marinig ang sinabi ng ama. Gusto nitong magpakasal siya dahil sa grupong kinabibilangan nito, ang grupong ATLAS. Samahan ito ng isang local syndicate na umiikot sa mga illegal na gawain. Nahahati sa apat na division ang ATLAS. Ang Finance, Logistic, Nightlife at Cartel.Dalawa rito ay hawak ng

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 1

    Ako si Cacai pero mas kilala sa tawag na Tiktik. May lahi daw kasi kaming aswang kaya yun ang tawag saken ng mga kalaro ko noong nasa probinsya pa lang ako. 19 years old na ako ngayon pero senior high school pa rin. Nahinto kasi ako sa pag-aaral noong magkasakit at mamatay ang lola kong nagpalaki sa akin. …….. Manila – 4:27 PM (Present time) Galing ako sa school at sakay ng taxi pauwi sa bahay ng aking ama. Habang papalapit ang sinasakyan ko sa bahay ni Papa, natanaw ko na agad ang mga itim na sasakyan, ganun din mga lalaking naka-itim na nakatayo sa labas ng gate. Bakit kaya sila puro naka-itim? May namatay ba? Bigla akong kinabahan. Naisip ko agad si Papa. Napasinghap ako at biglang napatakip ng aking bibig. Baka may nangyaring masama sa kanya. Naku po! Wag naman po sana!Ilang buwan pa lang nang una kong makita at makilala si Papa, tapos ay mawawala na agad siya? Kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa naiisip. Nang pumarada ang taxi malapit sa bahay nam

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status