เข้าสู่ระบบ“Tama na yang papak mo kay Boss.” wika ni Hippo at hinila nito si Cacai palayo kay Leon.
Hindi pa siya nakakabawi nang marinig niyang magsalita si Renz.
“Follow me.” anito at tumalikod.
Walang pag-aalinlangan na sumunod agad si Cacai kay Renz dahil ito lang ang nag-iisang tao sa mansyon na hindi mukhang mamamatay tao.
Samantala, naiwan si Leon sa damuhan na nakahiga. Bumangon siya at saka lang niya napansin ang mga tauhang nakahilera at pinapanood siya.
Binato niya ang mga ito ng matalim na tingin. Saka pa lang ang mga ito parang natauhan at nagkanya-kanyang pulasan pabalik sa kani-kanilang mga pwesto.
“Nadali si Boss ng bata.” tumatawang sabi ni Efren, isa sa mga tauhan.
Nasa barracks na sila at ngayon lang malayang makapagsalita dahil wala na sa harap ang amo.
“Bukas makalawa, hindi na ako magugulat kung malalaman kong bata na ni Boss yang si Alcantara.” balewalang wika ni Hippo habang nililinis ang kanyang baril.
Pinagtawanan lang siya ng mga kasamahan.“Bogs, hindi pumapatol si Boss sa fetus.” anang mga ito.
Pero hindi nagpatalo si Hippo.
“Hindi ako pwedeng magkamali dyan sa bunso ni Alcantara. Unang kita ko pa lang. Ramdam ko na agad…, iba ang batang yan. Kahit ipusta ko pa.” tila siguradong wika nito.
“Singkwenta mil… Hindi yan matitipuhan ni Boss. Isa pa, parausan lang nun ang mga babae.” hamon ni Efren. Sumang-ayon din sa kanya lahat ng kasamahan.
Pero hindi siya uurungan ni Hippo.
“Isang daang libo… Wala pang isang buwan, tatamaan na si Boss dyan.” kumpiyansang sagot nito.
“Sama ako sa pusta mo, Bogs. Sigurado akong hindi tayo ipapahiya ng bilot na yun.” pagsingit ni Hito.
Napangisi si Hippo dahil sa narinig.
At mula nga sa isang biruan…, nauwi ang usapan sa isang pustahan.
Samantala sa loob ng mansyon, isang may edad na babae ang sumalubong kina Cacai at Renz na sa tingin niya ay nasa late 50’s na ang edad pero mukha pa ring maligsi kung kumilos. Nakasalamin ito at nakasuot ng uniporme. Malinis ang dating at nakapusod ang buhok.
“Manang Lourdes, kayo na ho ang bahala sa kanya. Pakibalik ulit siya sa silid na inihanda para sa anak ni Alcantara.” magalang na sabi ni Renz.
Tumango ang matanda sa lalaki at bahagyang ngumiti.
“Sige, Iho.” tugon nito.
Sabay pang nilingon ng dalawa si Cacai.
“Siya si Manang Lourdes, ang mayordoma dito. Siya na ang bahala sayo.” baling ni Renz kay Tanya.
Tatalikod na sana ito pero muli nitong nilingon si Cacai.
“Sumunod ka sa lahat ng sasabihin ni Manang. Wag mo na ring susubukan pang tumakas pa, dahil baka sa susunod, hindi lang ikaw ang mapahamak, baka pati na rin ang ama mo. Maswerte ka’t narito ako at nahila kita agad dun. Kung nagkataon baka….” huminto ito sa pagsasalita at hindi na lang itinuloy ang huling sasabihin.
Tumahimik muna ito saglit saka nagpatuloy.
“Instead of wasting your time figuring out how to escape, use it to figure out how to survive. Use your brain wisely and just go with the flow.” naiiling na wika nito saka tinalikuran si Cacai na nakasunod lang ang tingin hanggang sa makalabas ito ng mansion.
Hindi siya ganun kahusay sa english pero sapat na ang ilang salitang binitawan nito para maunawaan ng bahagya ang ilan sa mga sinabi nito.
“Sumunod ka sa akin.” napaigtad si Cacai nang marinig nang boses ni Manang Lourdes.
Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Tinalikuran din siya at tuloy tuloy sa paglalakad. Napapakamot na lang ng ulo si Cacai.
“Ano ba naman ang mga tao rito? Ang hilig nilang tumalikod kahit hindi pa tapos makipag-usap.” bulong niya sa sarili habang nakasunod sa mayordoma.
Umakyat sila sa second floor. Pagkatapos ay pumasok sa magandang silid na pamilyar sa kanya. Dito siya dinala ni Renz kanina. So, base sa sinabi ng lalaki, ito pala dapat ang silid ng Ate Victoria niya.
Pagpasok nila ay nadatnan pa niya ang kumot na pinagbuhol buhol niya kanina at itinali sa paa ng mabigat na kama.
Napapailing na hinila yun ni Aling Lourdes pabalik sa loob ng silid. Nakatayo lang si Cacai at nag-aalangan kung tutulong ba sa matanda.
Nang matapos ang maypordoma ay nakita niyang ini-locked nito ang bintana gamit ang susi saka muling hinarap si Cacai.
“Pasalamat ka’t buhay ka pa.” anito saka sinimulang tupuin ang mga kumot.
Hindi mabasa ni Cacai ang mukha ng matanda kung mabait ba ito o hindi. Hindi ito ngumingiti, hindi rin ito nagsusungit.
“Kung gusto mong maligo, kumpleto sa banyo. May mga bagong damit diyan sa closet. Para dapat yan sa kapatid mo. Pwede mong isuot kahit alin dyan. Bukas na kita babalikan.” anito at naglakad palapit sa pintuan, bitbit ang mga kumot na tinupi.
“Manang…” pigil ni Cacai sa mayordoma.
Agad naman siya nitong nilingon.
“May pasok po kasi ako bukas sa school.” ani Cacai.
Bukod sa Papa niya, inaalala rin niya kung paano siya papasok sa school kung nakakulong siya.
Ilang saglit siyang tinitigan ng matanda. Tapos ay basta na naman siya nitong tinalikuran at lumabas ng silid nang walang sabi sabi.
Narinig na lang ni Cacai ang pagclick ng seradura ng pinto. Lumapit siya dito at pinihit pero mukhang pati yun ay ini-locked ng matanda.
Bagsak ang balikat niyang pumihit paharap sa kabuuan ng silid. Magsesenti na sana siya pero nahagip ng kanyang paningin ang ibabaw ng desk na may mga takip. Malakas ang kutob niyang pagkain ang mga yun.
Dali dali siyang lumapit at inalis ang takip. Hindi nga siya nagkakamali. Puro pagkain nga yun. Isang buong lechon manok, sawsawan, fried rice, gulay, prutas, juice at tubig.
“Wow! Kung alam ko lang, hindi na sana ako tumakas. Kanina pa sana akong nakakain.” nanghihinayang na aniya at agad na naupo saka nilantakan ang pagkain sa harapan.
Makalipas ang ilang minuto, isang malakas na dighay ang kanyang pinakawalan habang hinihimas ang tiyan. Sobrang sarap at sobrang gutom na talaga siya kaya sobrang dami niyang nakain.
Bigla niyang naalala ang sinabi ni Renz sa kanya kanina. Nakapag-aral naman siya kahit paano kaya naunawaan niya ng bahagya ang sinabi nito. Go with the flow lang daw.
Sabagay tama nga ito. Bakit nga ba niya pahihirapan ang sarili sa katatakas. Mapapahamak lang lalo siya dahil wala siyang kalaban laban sa mga ito.
Bigla niya tuloy naalala ang dalawang tao na nakilala niya may walong taon na ang nakalipas, si Sungit at si Kuya Anghel. Ang mga poging binatang tinulungan ng lola niya, 10 years old pa lang si Cacai noon.
Malinaw pa rin sa alaala niya ang sinabi ni Kuya Anghel…, na sa oras ng kapahamakan, wag kang basta iiyak na lang. Umiwas at tumakbo ka sa gulo hanggat kaya mo. Kaya naman ganun na lang ang pagtakbo at pagpupumilit ni Cacai na makawala sa mga dumukot sa kanya.
Pero isang bagay pa ang muli niyang naalala. Ang mga katagang iniwan sa kanya ni Kuya Anghel.
“Lumaban ka pero kung talagang hindi mo sila kaya, sabayan mo sila, saka mo alamin ang kahinaan nila. If you can’t beat them, join them.”
At yung nga ang gagawin niya.
Susundin niya ang sinabi ni Kuya Anghel para makaalis sa poder ng dem0nyong Leon na yun.
Mag-asawa pala yung nakakita sa amin, si Mang Rudy at si Aling Tesa. Mabuti na lang at naniwala sila sa kwento kong magkasintahan kami ni Leon at tinulungan nila kami. Si Mang Rudy na ang umalalay kay Leon. Nasa 6ft kasi ang height ni Leon at ang laki ng kanyang katawan kaya hirap na hirap ako. Isinama kami ng mag-asawa sa tirahan nila. Malayo layo rin ang ang aming nilakad at hindi nga ako nagkamali, may mga bahayan dito. Halos kagaya nung baryo na pinanggalingan ko. Yung payak lang ang pamumuhay. Dinala kami ng mag-asawa sa isang kubo. “Dito dati nakatira ang anak ko at asawa niya pero nasa bayan na sila ngayon. Pwede nyo munang gamitin ito. “ ani Aling Tesa. “Paano ba ang gagawin natin dyan sa nobyo mo? Mukhang kinukumbulsyon na yan. Wala pa naman si Mang Igme na manggagamot at isa pa yung nasa ospital at may sakit.” tanong ni Mang Rudy pagkatapos niyang maihiga si Leon sa nakalatag na banig. “Magtanong ka muna sa kapitbahay kung sinong marunong gumamot.” baling nito sa a
Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uusap nila kanina, papunta raw kami sa San Pablo, Laguna dahil dun daw namataan si Ate Victoria.Narinig ko rin sa usapan ni Leon at Renz na isasama daw ako ni Leon para mapilitang sumama si Ate kapag nakita niya ako.Gustong gusto kong sabihin na hindi naman yun gagana kay Ate dahil wala siyang pakialam sa akin. Pero sigurado akong hindi naman sila maniniwala. Kaya minabuti ko na lang na manahimik. Isa pa ay mabuti na ito para hindi na nila ako ikulong basement, hindi ko alam kung anong merun dun.Isa pa, baka sakaling maghimala. Baka nga makunsensya si Ate kapag nakita niyang nahihirapan na ako. At maisipan niyang bumalik na, tutal magkadugo naman kami kahit paano.Palibhasa’y hapon na ng uma
Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila. Wala akong pakialam kahit pa sobrang mahal. Kung kapalit naman ay ang kapayapaan ng buhay ko. “Salamat Joan.” sabi ko bago kami maghiwalay para umuwi.Nagtungo ako lugar kung saan kami maghihintay ng sundo pabalik sa mansion. Nakita ko agad si Dina at ang iba pa naming mga kasama. Wala doon ang iba na kasabay namin kaninang umaga. Ang sabi ni Dina ay iba iba raw ang oras ng uwi mga ito. Nakauwi na ang iba, samantalang nasa school pa rin yun ilan. Wala akong ganang sumakay ng sasakyan dahil naiisip kong sa mansion pa rin ni Leon ang uuwian ko.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Dina naman ay busy sa pagbabasa ng pocketbook nito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag
Cacai POV Alas sais pa lang ng umaga ay ginigising na agad ako ng mayordomang si Manang Lourdes. Mumukat mukat pa akong humarap sa kanya. “Ayusin mo na ang sarili mo para hindi ka mahuli sa klase.” bungad nito at saka inilapag ang paper bag sa paanan ng kama. “Uniporme mo, ipinadala ng ama mo.” wika pa nito. Napabalikwas ako ng marinig ang sinabi niya. “Po? Nandyan si Papa?” tanong ko. “Ipinadala lang niya yan. Bilisan mo kung gusto mong umabot sa almusal.” wika nito saka ako tinalikuran na naman. Nakakalungkot man na wala si Papa, masaya pa rin ako kahit paano dahil tuloy naman pala ang pag-aaral ko. “Salamat po. Akala ko di nyo maaalala.” sabi ko kay Manang Lourdes na ngayon ay nasa pintuan na. Akala ko talaga ay inisnab niya yung sinabi ko kagabi na may pasok ako sa school. “Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay na ‘to.” anitong hindi ako nililingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Dali dali akong tumayo at kinuha ang paper bag.
Nahihirapan akong matulog kahit madaling araw na. Mayat maya akong nagigising. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganitong lugar at sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako para magbanyo. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kama nang may marinig akong sigaw ng isang lalaki. Akala ko ay guni guni lang pero narinig kong muli ang pagsigaw. Baka may masamang nangyayari sa labas. Mabuti na lang at gising pa ako . Paano na lang pala kung may sunog? Inihanda ko ang ang aking sarili. Para kung sakali mang magkatakbuhan ngayong gabi ay hindi ako mapapag-iwanan dito sa loob ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko na dahan dahang naglakad palapit sa pintuan at marahan yung binuksan. Mabuti na lang at si Dina ang huling lumabas kanina at iniwan niyang hindi naka-locked ang pintuan. Madilim sa pasilyo pero may naririnig akong mga boses na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Konting hakbang pa ang ginawa ko para malinaw na marinig ang mga nag-uusap. Wala naman akong balak na magtag
Cacai POV Katatapos ko lang kumain nang biglang bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng pangkasambahay na halos kaedad niya ang pumasok. “Kukunin ko lang yang pinagkainan mo.” sabi nito at tinungo ang table ng kinainan ko. Mukha siyang mabait kaya hindi ako nag alangan na kausapin siya. “Matagal ka na ba dito?” pag usisa ko sa kanya. Ngumiti at tumango ito habang patuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit ganun ang mukha ng mga tao dito? Ang dilim, may namatay ba?’ pangungulit ko pa. Nahinto ang kasambahay sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na tila gulat at nag-aalala. “Shhh… wag ka ng maingay baka marinig ka nila.” tulirong anito na parang ito pa ang mas takot kesa sa akin na bihag nila. So, kaya naman pala. Sa reaksyon pa lang niya ay mukhang tama nga ang hinala ko. Namatayan ang mga taga rito kaya ganun kadilim ang awra sa bahay na ito, walang kabuhay buhay at wala ni isa mang ngumingiti. Kaya pala sobrang bitter nila. Sabagay ganun naman talaga kapa







