แชร์

Chapter 7

ผู้เขียน: Kara Nobela
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-15 00:09:51

Cacai POV

Muli kong naalala ang nangyari, walong taon na ang nakalipas. 

Kasama ko si lola na naghahanap ng iba’t ibang  halamang gamot sa gubat. Ordinaryong araw lang dapat yun at wala kaming makamalay malay sa mangyayari.

Kabisado ko ang kagubatan kaya kahit humihiwalay ako kay Lola sa paglalakad ay kampante lang siya kahit mawala ako sa kanyang paningin. Kung si Lola ay naghahanap ng halamang gamot, ako naman ay naghahanap ng pagkain. 

Pagdating talaga sa pagkain, nakakalimutan ko ang lahat. Siguro dahil sa kakapusan namin sa buhay. Kaya kahit simpleng pagkain ay napaka-importante sa akin. 

Kanina pa ako naghahanap ng saging ng unggoy pero wala akong makita. Yun ang tawag ng mga kababaryo ko sa saging na ligaw at may malalaking buto.

Kaya naman naisip ko na lang na maghanap ng singkamas basahan. Yun naman ang tawag namin sa  singkamas na ligaw. Halos kamukha yun ng ordinaryong singkamas na nabibili sa palengke  pero mas magaspang at medyo tabingi ang hugis. May konting pait pero pwede nang pagtyagaan lalo na sa kagaya kong laging gutom.

Naglakad ako malapit sa batis dahil doon ako laging nakakahanap ng singkamas basahan. May nakita akong  dahon na pamilyar sa akin kaya alam kong singkamas na yun. Gamit ang tangkay ng kahoy na nalimot ko lang sa daan, hinukay ko ang lupa kung nasaan ang singkamas.

Ngunit habang naghuhukay, parang may mga boses akong naririnig. 

Nakakainis.., baka narito na naman ang mga batang uhugin na lagi na lang nang-aaway sa akin. Sisilipin ko muna at kung sila nga yun ay aalis na lang ako para iwas sa gulo.

Patago at mula sa malayo ay may natanaw ako. Kumunot ang noo ko dahil hindi mga pamilyar na tao ang nakita ko. Dahan dahan akong bumaba sa ilog hanggang sa medyo malinaw at tanaw ko na yung mga tao. 

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.

Maingat akong umakyat palayo sa ilog para hindi makagawa ng ingay, saka ako kumaripas ng takbo para puntahan si Lola. Alam ko naman kung saan siya pupuntahan.

Ilang sandali pa ay nakita ko na siya.

“Lola!” malakas kong tawag sa kanya. 

Nagulat si Lola nang makita ang itsura kong parang hinahabol ng aso. Sobrang init ng hininga ko at hindi agad nakapagsalita. 

Nilapitan ako ni Lola at pinakalma niya. Nang makabawi, saka ako nagsumbong sa kanya.

“May tao po! May dugo!” sabi ko habang habol ang hininga at nakaturo sa direksyon ng ilog.

Kumunot ang noo ni Lola.

“Ano? Saan?” aniyang parang nag-aalala.

“Sa ilog po.” tugon ko.

Nagmamadaling nilisan ni Lola ang lugar,, Sa halip na matakot at umuwi na ay nagtungo siya sa ilog bitbit ang mga halamang gamot na nakuha niya. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

“Dyan po.” turo ko sa kanya sa eksaktong lugar kung saan ko nakita yung mga tao.

Mabilis na nagtungo dun si Lola, pababa sa ilog.  

Malayo pa lang ay tanaw na agad namin yung mga tao. Habang papalapit kami ay nakikita kong dalawang lalaki pala ang mga yun. Nakahiga ang isa, habang ang isa naman ay nakaluhod at parang nakahawak sa braso ng kasama.

“Dito ka lang.” utos sa akin ni Lola saka patuloy na nilapitan ang mga estranghero.

Napalingon pa yung lalaking nakaluhod nang marinig ang kaluskos. Parang nagulat pa ito at nakitaan ko ng takot sa mukha nang makita si Lola na palapit sa kanila. Ako naman ay nagpaiwan dito sa likod ng malaking bato at pasilip silip na nakamasid sa kanila.

Nakita kong kinakausap ni Lola ang dalawa. Maya maya pa ay nilapitan niya ang nakahiga. Tiningnan nito ang parteng balikat. 

Nakita ko yung lalaking naka-luhod  na biglang tumayo. Hinubad nito ang suot na pang-itaas tapos ay inabot kay lola. Pinunit yun ni Lola gamit ang gunting na palaging nakalagay sa basket niya. Ibinalot ni Lola ang pinunit na tela paikot sa braso ng lalaking nakahiga.

Ilang sandali pa ay magkatulong nilang itinayo ang lalaking sa tingin ko ay sugatan. 

“Iska!” sigaw ni Lola habang nakatingin sa direksyon ko.

Saka pa lang akong lumabas sa aking pinagtataguan at  mabilis na tumakbo palapit sa kanila. Ang mata ko ay nakatuon sa lalaking inaakay nila. Mukhang gising naman ito pero halatang pagod at nahihirapan.

“Hawakan mo muna itong basket ko para maalalayan ko siya ng maayos.” utos ni Lola na sinunod ko naman. Kinuha ko ang basket at sumunod sa kanila.

Habang papalayo ay nilingon ko pa yung pwesto nung hinuhukay kong singkamas basahan  kanina nang may panghihinayang.

Naglakad kami pabalik sa kubo namin. Pero malayo pa lang kami ay huminto muna sila dahil parang nahihirapan yung lalaking may sugat. 

“Tulungan nyo na lang po akong isakay siya sa likod ko.” sabi ni Kuya. 

“Sigurado ka bang kaya mo?” tanong ni Lola?

“Opo. Baka lalo siyang  mapahamak kung pipilitin niyang maglakad.” wika ng  lalaki saka yumuko para makasampa sa likod niya ang kasamang mukhang hirap na hirap talaga.

Nung una ay ayos lang pero habang papalapit kami ng papalapit sa kubo ay nakikita kong napapangiwi na si kuya,  mukhang nahihirapan na rin sa pagkarga sa kasama nito pero hindi man lang ito nagrereklamo at tuloy tuloy lang. 

Narinig ko pang sinabi nya na “Pinsan, wag kang bibigay.”

Kaya naman pala medyo hawig sila, dahil magpinsan sila.

Awa ng Diyos ay nakarating din kami sa kubo.  Agad na inasikaso  ni Lola ang lalaking sugatan. Yung kasama nito ay nanlalatang napahiga na lang sa sahig naming kawayan, at pagod na pagod.

Ako ay nakamasid lang at natutuwa dahil mukhang may kalaro na ako. Pwede na akong magpagawa sa kanila ng saranggola.

Maya maya pa ay nakita ko si Kuya na bumaba ng kubo. Sinundan ko siya dahil kating kati na akong kausapin siya para itanong kung marunong ba siyang gumawa ng saranggola.

Naabutan ko siya nakaupo sa putol na puno at malayo ang tingin. Napalingon siya sa direksyon ko nang maramdaman ang presensya ko.

Maluwang akong ngumiti saka kumaway sa kanya. 

Tumingin lang siya sa akin. Kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata.

“Kuya, marunong ka pong gumawa ng saranggola?” masiglang tanong ko sa kanya.

Kaso, nadismaya ako nang bigla itong tumayo at talikuran ako. Saka siya muling bumalik sa loob ng kubo.

Napanguso ako dahil sa ginawa niya. Ang sungit.

“Panget!” sabi ko.

Nilakasan ko talaga para siguradong maririnig niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Ano kayang nangyari kay Cacai? o may malaki nabago kaya sa mga mukha nina Leon at Renz kaya hindi sila nakilala ni Cacai..
goodnovel comment avatar
Sima
Leon at Renzy .........️
goodnovel comment avatar
A Cua
ayyyy si renz at leon kaya yern???
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 17

    Mag-asawa pala yung nakakita sa amin, si Mang Rudy at si Aling Tesa. Mabuti na lang at naniwala sila sa kwento kong magkasintahan kami ni Leon at tinulungan nila kami. Si Mang Rudy na ang umalalay kay Leon. Nasa 6ft kasi ang height ni Leon at ang laki ng kanyang katawan kaya hirap na hirap ako. Isinama kami ng mag-asawa sa tirahan nila. Malayo layo rin ang ang aming nilakad at hindi nga ako nagkamali, may mga bahayan dito. Halos kagaya nung baryo na pinanggalingan ko. Yung payak lang ang pamumuhay. Dinala kami ng mag-asawa sa isang kubo. “Dito dati nakatira ang anak ko at asawa niya pero nasa bayan na sila ngayon. Pwede nyo munang gamitin ito. “ ani Aling Tesa. “Paano ba ang gagawin natin dyan sa nobyo mo? Mukhang kinukumbulsyon na yan. Wala pa naman si Mang Igme na manggagamot at isa pa yung nasa ospital at may sakit.” tanong ni Mang Rudy pagkatapos niyang maihiga si Leon sa nakalatag na banig. “Magtanong ka muna sa kapitbahay kung sinong marunong gumamot.” baling nito sa a

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 16

    Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uusap nila kanina, papunta raw kami sa San Pablo, Laguna dahil dun daw namataan si Ate Victoria.Narinig ko rin sa usapan ni Leon at Renz na isasama daw ako ni Leon para mapilitang sumama si Ate kapag nakita niya ako.Gustong gusto kong sabihin na hindi naman yun gagana kay Ate dahil wala siyang pakialam sa akin. Pero sigurado akong hindi naman sila maniniwala. Kaya minabuti ko na lang na manahimik. Isa pa ay mabuti na ito para hindi na nila ako ikulong basement, hindi ko alam kung anong merun dun.Isa pa, baka sakaling maghimala. Baka nga makunsensya si Ate kapag nakita niyang nahihirapan na ako. At maisipan niyang bumalik na, tutal magkadugo naman kami kahit paano.Palibhasa’y hapon na ng uma

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 15

    Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila. Wala akong pakialam kahit pa sobrang mahal. Kung kapalit naman ay ang kapayapaan ng buhay ko. “Salamat Joan.” sabi ko bago kami maghiwalay para umuwi.Nagtungo ako lugar kung saan kami maghihintay ng sundo pabalik sa mansion. Nakita ko agad si Dina at ang iba pa naming mga kasama. Wala doon ang iba na kasabay namin kaninang umaga. Ang sabi ni Dina ay iba iba raw ang oras ng uwi mga ito. Nakauwi na ang iba, samantalang nasa school pa rin yun ilan. Wala akong ganang sumakay ng sasakyan dahil naiisip kong sa mansion pa rin ni Leon ang uuwian ko.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Dina naman ay busy sa pagbabasa ng pocketbook nito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 14

    Cacai POV Alas sais pa lang ng umaga ay ginigising na agad ako ng mayordomang si Manang Lourdes. Mumukat mukat pa akong humarap sa kanya. “Ayusin mo na ang sarili mo para hindi ka mahuli sa klase.” bungad nito at saka inilapag ang paper bag sa paanan ng kama. “Uniporme mo, ipinadala ng ama mo.” wika pa nito. Napabalikwas ako ng marinig ang sinabi niya. “Po? Nandyan si Papa?” tanong ko. “Ipinadala lang niya yan. Bilisan mo kung gusto mong umabot sa almusal.” wika nito saka ako tinalikuran na naman. Nakakalungkot man na wala si Papa, masaya pa rin ako kahit paano dahil tuloy naman pala ang pag-aaral ko. “Salamat po. Akala ko di nyo maaalala.” sabi ko kay Manang Lourdes na ngayon ay nasa pintuan na. Akala ko talaga ay inisnab niya yung sinabi ko kagabi na may pasok ako sa school. “Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay na ‘to.” anitong hindi ako nililingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Dali dali akong tumayo at kinuha ang paper bag.

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 13

    Nahihirapan akong matulog kahit madaling araw na. Mayat maya akong nagigising. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganitong lugar at sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako para magbanyo. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kama nang may marinig akong sigaw ng isang lalaki. Akala ko ay guni guni lang pero narinig kong muli ang pagsigaw. Baka may masamang nangyayari sa labas. Mabuti na lang at gising pa ako . Paano na lang pala kung may sunog? Inihanda ko ang ang aking sarili. Para kung sakali mang magkatakbuhan ngayong gabi ay hindi ako mapapag-iwanan dito sa loob ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko na dahan dahang naglakad palapit sa pintuan at marahan yung binuksan. Mabuti na lang at si Dina ang huling lumabas kanina at iniwan niyang hindi naka-locked ang pintuan. Madilim sa pasilyo pero may naririnig akong mga boses na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Konting hakbang pa ang ginawa ko para malinaw na marinig ang mga nag-uusap. Wala naman akong balak na magtag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 12

    Cacai POV Katatapos ko lang kumain nang biglang bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng pangkasambahay na halos kaedad niya ang pumasok. “Kukunin ko lang yang pinagkainan mo.” sabi nito at tinungo ang table ng kinainan ko. Mukha siyang mabait kaya hindi ako nag alangan na kausapin siya. “Matagal ka na ba dito?” pag usisa ko sa kanya. Ngumiti at tumango ito habang patuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit ganun ang mukha ng mga tao dito? Ang dilim, may namatay ba?’ pangungulit ko pa. Nahinto ang kasambahay sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na tila gulat at nag-aalala. “Shhh… wag ka ng maingay baka marinig ka nila.” tulirong anito na parang ito pa ang mas takot kesa sa akin na bihag nila. So, kaya naman pala. Sa reaksyon pa lang niya ay mukhang tama nga ang hinala ko. Namatayan ang mga taga rito kaya ganun kadilim ang awra sa bahay na ito, walang kabuhay buhay at wala ni isa mang ngumingiti. Kaya pala sobrang bitter nila. Sabagay ganun naman talaga kapa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status