Share

Chapter 5

Author: Kara Nobela
last update Last Updated: 2025-12-12 00:40:10

Nasa loob na ng isang mas malaking silid si Cacai ngayon, dito siya dinala, hindi na sa maid’s quarter. Nasa pangalawang palapag ng mansion ang silid na ito. Mas maganda dito, parang guest room. Mag-isa na lang ulit siya dahil iniwan din agad siya ng gwapong lalaking naghatid sa kanya. Nagbanyo agad siya at nakita sa salamin kung gaano karumi ang kanyang school uniform. Wala siyang pakialam dahil ang tumatakbo pa rin sa utak niya hanggang ngayon ay kung paano makakatakas.

Matapos magbanyo ay nagtungo agad siya sa may bintana. Nabuhayan siyang muli ng loob nang malamang hindi na naman naka-lock ang bintana. Ngunit nang silipin niya ang labas, agad siyang napalunok.

“Ang taas!” sabi niya sa sarili saka bagsak ang balikat na napabuntong hininga.

“Mukhang hindi na talaga ako makakatakas dito.”

Pero ayaw niyang makulong dito. Tumalikod siya at humarap sa kabuuan ng silid. Sa laki ng silid na ito, siguradong may makikita siya ritong magagamit niya.

Binuksan niya ang mga closet at hindi nga siya nabigo. Napangiti siya nang makita ang hinahanap, mga kumot.

Mabilis ang kanyang naging pagkilos, agad na pinagbuhol buhol yun para mas humaba. Ito ang gagamitin niya para makababa sa bintana.

“Talino ko talaga!” usal niya.

Samantala…

Walang nagtangkang lumapit kay Leon nang pumasok ito ng mansion. Kita sa mukha nitong galit na galit kahit walang sinasabi. Mas nakakatakot ang katahimikan nito na halatang nagtitimpi.

Dire-diretso itong nagtungo sa CCTV room. Nadatnan niya si Renz sa loob na nakaupo sa harapan ng maraming monitor at tila nirereview ang record ng CCTV. Mukhang pareho lang sila ng iniisip na gagawin.

“Nakita mo ba kung paano nakatakas?” mainit ang ulong tanong nito sabay upo sa sofa at pinapakalma ang sarili.

Umiling si Renz nang hindi siya nililingon.

“Hinahanap ko pa.” anito habang ang mata ay nakatutok sa screen.

“Paanong natakasan ng bubwit na yun ang sangkaterbang tauhan ni Dad? Kung natatakasan sila ng bata, kayang kaya rin tayong lusutan ng mga nagtatangka sa atin.” wika ni Leon.

“I know, that’s why I want to see it for myself how she did it. Baka napapasok na kayo rito ng kabilang grupo nang hindi nyo namamalayan.” naiiling na wika nito.

Kanina ay wala silang kaalam-alam na nakatakas na pala ang kanilang bihag. Pupuntahan lang sana nila ang Pier kaya sila nasa sasakyan. At kung hindi sila lumabas ng bahay, baka nakalayo na ito nang hindi nila namamalayan.

Kaya ganun na lang ang galit ni Leon sa mga tauhan. Wala pa ni isa sa mga naging bihag nila ang nakatakas sa bakuran nila ng buhay. Ngayon pa lang. Nakakainsulto para sa kanya na isang babae pa nakagawa nun, at ang pinakamatindi sa lahat ay isang bata lang.

“Batang babae lang natakasan pa tayo” usal ni Leon.

“Don’t underestimate them. I’ve met several hard-to-control, dominant men.. apparently, bata lang pala ang makakapagpasunod sa kanila. Baka sa isang araw, ikaw naman ang sumunod.” wika ni Renz habang patuloy sa pagrereview ng video.., nang biglang may napansin.

“Gotcha!” aniya at napasandal sa likod ng upuan.

Agad na tumayo si Leon at lumapit sa monitor na tinitingnan ni Renz. Doon ay nakita nila pareho kung paano tumalon ng bintana si Cacai. Kitang kita rin nila kung paano nito ipinagpilitang isuot ang sarili sa napaka-kipot na siwang sa ilalim ng gate. Kapwa sila hindi makapaniwala sa napapanood.

“Panong nagkabutas dun?” takang tanong ni Leon.

“Mukhang may nagsisimula pa lang na gumawa ng daan para malaya silang makalabas masok dito ng hindi niyo namamalayan.” seryosong ani Renz.

“Kahit may CCTV? Anlalakas talaga ng loob.” tiimbagang na wika ni Leon,.

“Kung tama ang hinala mong may espiya si Paquito dito sa mansyon, magagawan talaga nila yan ng paraan.”

Si Paquito ay dating miyembro ng ATLAS, hawak niya ang isa sa mga Division. Ang droga, illegal firearms at fake money. Kahit noon pa man ay hindi na ito kasundo ng ibang miyembro.

Mas lumala pa ito nang mamatay ang ama ni Renz na orihinal na may hawak ng Pier. Isinalin ni Don Maximo kay Subas ang pamamahala ng Pier. Si Don Maximo ang orihinal na nagbuo ng grupong ATLAS kaya ito ang dating gumagawa ng mga desisyon. Subalit hindi yun matanggap ni Paquito dahil gustong gusto nitong makuha ang Pier para sa kanyang drug transactions. Kaya nang mamatay si Don Maximo, humiwalay na agad si Paquito sa grupo.

Wala mang ebidensya, alam nilang si Paquito ang nang-ambush sa kanila 8 taon na ang nakaraan, dahilan kung bakit namatay ang ama ni Renz at muntik na ring ikinamatay ni Leon. Kung pinabayaan lang siya ni Renz noon ay baka wala na siya ngayon.

“Tingnan mo kung sa labas o loob nila hinukay. Hayaan nating isipin nila na wala pa tayong alam. Para malaman natin kung ano talaga ang pinaplano nila.” ani Leon.

Tumango tango si Renz habang pinapanood pa rin nila si Cacai sa monitor kung paano ipinagpipilitan ang sarili sa maliit na butas.

“Isa pa yang Chihuahua na yan. Ang liit liit…, ang lakas ng loob.” ani Leon.

Mahinang natawa si Renz sa sinabi nito. Kabaligtaran ni Leon na madilim ang mukha.

“Sa itsura niya kanina, sigurado akong hindi pa yan tapos tumakas.” tila siguradong wika ni Leon.

“You called it! Look at her.” natatawang sabi ni Renz sabay turo sa monitor dahil hindi nga nagkamali si Leon sa hinala nito.

Nakatutok ang camera sa bintana ng silid kung saan kasalukuyang tumatakas si Cacai gamit ang pinagdugtong dugtong na kumot na animoy bumberong bumababa sa sunog.

“What the!” hindi makapaniwalang bulong ni Leon. Kahit inaasahan na niya ay parang nagulat pa rin siya.

Biglang tumunog ang radyo. Tawag mula sa guard house. Sinagot yun ni Renz.

“Boss, tumatakas yung bata.” boses ni Hippo sa kabilang linya.

Kasalukuyan din kasing pinapanood ng mga tauhan nila sa guard house at barracks ang ginagawang pagtakas ni Cacai sa mga oras na ito. Naging alerto na sila dahil ayaw na nilang maulit pa ang nangyari kanina. Kaya naman nakatutok na sila sa CCTV simula pa kanina.

Inagaw ni Leon ang radyo kay Renz at sinagot yun.

“Hayaan nyo lang... Itago nyo muna ang mga aso.” utos ni Leon.

“Copy, Boss.” sagot ng nasa kabilang linya.

Napatingin si Renz sa pinsan, nagtataka kung anong pinaplano nito. Mukhang nabasa ni Leon kung anong iniisip niya.

“I just want to see what she’s gonna do next.” malamig na ani Leon.

Samantala, malayang nakababa si Cacai mula sa silid. Animo’y magnanakaw na palinga-linga para makasigurong walang nakakita sa kanya. Walang kamalay malay na lahat ng mata ay nakatutok sa bawat galaw niya.

Wala siyang inaksayang oras at mabilis na nagtatakbo palapit sa bakod saka tumingala. Hindi niya kayang abutin ang tuktok nun sa isang talon lang, pero sigurado siyang kaya nya yung akyatin.

Tumingin siya sa paligid at naghanap ng pwede niyang tungtungan. Nakita niya ang isang Malaking basurahan. Mabuti na lang at nasa gilid na yun ng bakod kaya hindi na niya kailangang itulak pa.

Nang nakatungtong na siya sa ibabaw ng basurahan ay pilit niyang inabot ang tuktok ng bakod, pero hindi pa rin niya maabot. Sayang konting konti na lang.

Sa guard house….

“Parang tánga!” sabi ng isa sa mga tauhan habang nakangisi naman ang iba pa at naiiling na pinapanood ang bihag nila.

“Sinabi ko naman sa inyo, sasakit talaga ulo natin sa isang yan.” palatak ni Hippo. May sasabihin pa sana siya pero narinig niyang nagradyo si Leon.

“Boss?” sagot ni Hippo.

“Patayin nyo ang linya ng barbed wire.” utos ni Leon. Ang tinutukoy nito ay ang live wire na nasa tuktok ng bakod.

"Maglagay kayo ng hagdan malapit sa pwesto niya. Wag kayong magpapakita. Hayaan nyo lang siyang gawin ang gusto niya.” utos ni Leon at pinutol na ang tawag.

Nagtataka man ay sumunod na lang si Hippo. Pinatay nga nila ang linya ng barbed wire at pasimpleng inilagay ng isang tauhan ang hagdan malapit kung nasaan si Cacai.

Samantala, napabuntong hininga na lang si Cacai. Wala siyang makitang kahit ano na pwedeng tuntungan. Pero nang igala niya ang paningin ay natanaw niya sa di kalayuan ang hagdan.

Nilapitan nya yun, binuhat at isinandal sa bakod kaya walang kahirap hirap na naakyat niya ang tuktok. Pagdating dun, agad siyang humawak sa inaakalang simpleng alambre lang .., na kung hindi inutos ni Leon na i-off, siguradong tustado na siya ngayon.

Sinilip niya ang nasa kabilang bakod ngunit napakadilim. Makulimlim ngayon kaya walang liwanag na nagmumula sa buwan. Hindi niya tuloy alam kung anong nasa ibaba at kung anong babagsakan kung tatalon siya dun. Nakaligtas nga siya sa mga gangsters na yun, pero baka sa kabilang bakod naman siya mapahamak.

“Haist!” talunan niyang bulalas.

“Dun na nga lang ako ulit sa gate dadaan.” aniya kahit hindi niya alam kung saan ang daan papunta dun. Pagkuway pumihit siya para balikan ang hagdan.

Bababa na sana siya nang mapansing wala na ang hagdan at ganun na lang ang gulat niya nang makitang may mga lalaking nakatayo at nakatingala sa kanya mula sa ibaba, mga nakangisi habang pinapanood siya.

“Ay, demonyo!” gulat na sambit niya nang makita si Leon, nangunguna sa mga tauhan nito at madilim ang mukhang nakatingin sa kanya.

Napaisip tuloy si Cacai nang makitang pinagtatawanan siya ng mga tauhan nito at mukhang walang balak na tulungan siya.

Tutal ay wala rin naman siyang ibang choice kaya tatalon na lang siya kahit alam niyang pwede siyang mapilayan kung sakaling mali ang bagsak niya.

Pero bago pa man siya masaktan, sisiguraduhin muna niyang damay din ang promotor ng lahat ng gulong ito.

Hindi na siya nagdalawang isip pa. Huminga muna siya ng malalim saka pikit matang tumalon…, at siniguradong babagsak siya kay Leon.

Dun man lang ay makaganti siya.

Samantala, nagulat at hindi inaasahan ni Leon ang ginawa ni Cacai ngayon, pero naging mabilis ang kilos niya. Nasalo niya agad ito sa magkabilang gilid ng katawan bago pa man ito bumagsak sa kanya.

Magaan ang babae pero dahil sa bilis ng impact ay nawalan si Leon ng balanse.

Paupong bumagsak si Leon sa damuhan hanggang sa tuluyan na siyang napahiga kasama si Cacai na nakadagan paharap sa kanya.

Sumubsob ang mukha nito sa mukha niya, sabay lapat ng mga labi nila.

Pareho silang nagulat dahil sa bilis ng pangyayari….

Hindi agad nakapagsalita…., habang gulat na nakatingin sa isa't isa.

Nanlalaki naman ang mata ng mga tauhang nakasaksi sa hindi inaasahang eksenang naganap sa harap nila.

Kara Nobela

Maraming salamat po sa mga readers na nagparamdam. Sa mga nagcomment at nagbigay ng Gems, maraming salamat po. May readers pa pala ako kahit matagal akong nawala. Sana po ay maibigan nyo ang aking bagong akda. See you on Monday. Have a great weekend! God bless. (Schedule ng update ko: Mon-Fri, 12 Midnight gaya ng dati.) See you po sa face book ko, may pa-video ulit ang lola nyo.

| 62
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (24)
goodnovel comment avatar
H i K A B
Assistant din sya ni Chairman Tuazon kaya kabisado nya ang business. Kaya kahit wala si Chairman Tuazon ay kaya nitong humarap sa mga clients.
goodnovel comment avatar
AcC
excited na ako sa update mamaya
goodnovel comment avatar
Gonrecca Galasinao
Mukhang same na renz yung pag seselosn ah............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 17

    Mag-asawa pala yung nakakita sa amin, si Mang Rudy at si Aling Tesa. Mabuti na lang at naniwala sila sa kwento kong magkasintahan kami ni Leon at tinulungan nila kami. Si Mang Rudy na ang umalalay kay Leon. Nasa 6ft kasi ang height ni Leon at ang laki ng kanyang katawan kaya hirap na hirap ako. Isinama kami ng mag-asawa sa tirahan nila. Malayo layo rin ang ang aming nilakad at hindi nga ako nagkamali, may mga bahayan dito. Halos kagaya nung baryo na pinanggalingan ko. Yung payak lang ang pamumuhay. Dinala kami ng mag-asawa sa isang kubo. “Dito dati nakatira ang anak ko at asawa niya pero nasa bayan na sila ngayon. Pwede nyo munang gamitin ito. “ ani Aling Tesa. “Paano ba ang gagawin natin dyan sa nobyo mo? Mukhang kinukumbulsyon na yan. Wala pa naman si Mang Igme na manggagamot at isa pa yung nasa ospital at may sakit.” tanong ni Mang Rudy pagkatapos niyang maihiga si Leon sa nakalatag na banig. “Magtanong ka muna sa kapitbahay kung sinong marunong gumamot.” baling nito sa a

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 16

    Nakita ko na lang ang sarili ko na naka-upo sa backseat, katabi si Leon. Pareho kaming nakapwesto sa tabi ng bintana. Samantalang si Hippo ang driver at kasama na naman nito si Hito na nakaupo sa unahan.May dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin. At isa sa unahan.Base sa narinig ko sa pag-uusap nila kanina, papunta raw kami sa San Pablo, Laguna dahil dun daw namataan si Ate Victoria.Narinig ko rin sa usapan ni Leon at Renz na isasama daw ako ni Leon para mapilitang sumama si Ate kapag nakita niya ako.Gustong gusto kong sabihin na hindi naman yun gagana kay Ate dahil wala siyang pakialam sa akin. Pero sigurado akong hindi naman sila maniniwala. Kaya minabuti ko na lang na manahimik. Isa pa ay mabuti na ito para hindi na nila ako ikulong basement, hindi ko alam kung anong merun dun.Isa pa, baka sakaling maghimala. Baka nga makunsensya si Ate kapag nakita niyang nahihirapan na ako. At maisipan niyang bumalik na, tutal magkadugo naman kami kahit paano.Palibhasa’y hapon na ng uma

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 15

    Tinuruan ako ni Joan kung paano umorder online ng Funeral flower gamit ang cellphone ko. May sariling card naman ako galing kay Papa. Sabi ni Joan ay pwede ka raw gamitin yun pambayad sa oorderin ko.Pumili ako ng pinakamagandang design ng bulaklak. Dapat sa una pa lang, ma-impress ko na agad sila. Wala akong pakialam kahit pa sobrang mahal. Kung kapalit naman ay ang kapayapaan ng buhay ko. “Salamat Joan.” sabi ko bago kami maghiwalay para umuwi.Nagtungo ako lugar kung saan kami maghihintay ng sundo pabalik sa mansion. Nakita ko agad si Dina at ang iba pa naming mga kasama. Wala doon ang iba na kasabay namin kaninang umaga. Ang sabi ni Dina ay iba iba raw ang oras ng uwi mga ito. Nakauwi na ang iba, samantalang nasa school pa rin yun ilan. Wala akong ganang sumakay ng sasakyan dahil naiisip kong sa mansion pa rin ni Leon ang uuwian ko.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang si Dina naman ay busy sa pagbabasa ng pocketbook nito. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. May nag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 14

    Cacai POV Alas sais pa lang ng umaga ay ginigising na agad ako ng mayordomang si Manang Lourdes. Mumukat mukat pa akong humarap sa kanya. “Ayusin mo na ang sarili mo para hindi ka mahuli sa klase.” bungad nito at saka inilapag ang paper bag sa paanan ng kama. “Uniporme mo, ipinadala ng ama mo.” wika pa nito. Napabalikwas ako ng marinig ang sinabi niya. “Po? Nandyan si Papa?” tanong ko. “Ipinadala lang niya yan. Bilisan mo kung gusto mong umabot sa almusal.” wika nito saka ako tinalikuran na naman. Nakakalungkot man na wala si Papa, masaya pa rin ako kahit paano dahil tuloy naman pala ang pag-aaral ko. “Salamat po. Akala ko di nyo maaalala.” sabi ko kay Manang Lourdes na ngayon ay nasa pintuan na. Akala ko talaga ay inisnab niya yung sinabi ko kagabi na may pasok ako sa school. “Wag ka sakin magpasalamat. Hindi naman ako ang nagdedesisyon sa bahay na ‘to.” anitong hindi ako nililingon at tuluyan nang lumabas ng silid. Dali dali akong tumayo at kinuha ang paper bag.

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 13

    Nahihirapan akong matulog kahit madaling araw na. Mayat maya akong nagigising. Sino naman kaya ang makakatulog sa ganitong lugar at sa ganitong sitwasyon? Tumayo ako para magbanyo. Pagkatapos ay naglakad na ako pabalik sa kama nang may marinig akong sigaw ng isang lalaki. Akala ko ay guni guni lang pero narinig kong muli ang pagsigaw. Baka may masamang nangyayari sa labas. Mabuti na lang at gising pa ako . Paano na lang pala kung may sunog? Inihanda ko ang ang aking sarili. Para kung sakali mang magkatakbuhan ngayong gabi ay hindi ako mapapag-iwanan dito sa loob ng bahay. Parang may sariling isip ang mga paa ko na dahan dahang naglakad palapit sa pintuan at marahan yung binuksan. Mabuti na lang at si Dina ang huling lumabas kanina at iniwan niyang hindi naka-locked ang pintuan. Madilim sa pasilyo pero may naririnig akong mga boses na hindi ko naman masyadong naiintindihan. Konting hakbang pa ang ginawa ko para malinaw na marinig ang mga nag-uusap. Wala naman akong balak na magtag

  • LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate   Chapter 12

    Cacai POV Katatapos ko lang kumain nang biglang bumukas ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng pangkasambahay na halos kaedad niya ang pumasok. “Kukunin ko lang yang pinagkainan mo.” sabi nito at tinungo ang table ng kinainan ko. Mukha siyang mabait kaya hindi ako nag alangan na kausapin siya. “Matagal ka na ba dito?” pag usisa ko sa kanya. Ngumiti at tumango ito habang patuloy sa kanyang ginagawa. “Bakit ganun ang mukha ng mga tao dito? Ang dilim, may namatay ba?’ pangungulit ko pa. Nahinto ang kasambahay sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin na tila gulat at nag-aalala. “Shhh… wag ka ng maingay baka marinig ka nila.” tulirong anito na parang ito pa ang mas takot kesa sa akin na bihag nila. So, kaya naman pala. Sa reaksyon pa lang niya ay mukhang tama nga ang hinala ko. Namatayan ang mga taga rito kaya ganun kadilim ang awra sa bahay na ito, walang kabuhay buhay at wala ni isa mang ngumingiti. Kaya pala sobrang bitter nila. Sabagay ganun naman talaga kapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status