Mag-log inONGOING pa lang itong BOOk 2. Meaning HINDI PA TAPOS.
Kaya sa mga mainipin, hintayin nyo munang ma-complete ito bago nyo basahin.
Mon-Fri….. 12 Midnight po ang schedule ko.
2 to 3 chapters a day lang po akong mag-update. Hindi po madaling magsulat, bukod doon ay may scoliosis po ako. Hindi ko po kayang umupo ng matagal dahil masakit po sobra sa likod.
Kaya wag nyo po akong mumurahin o sisisihin kung mabitin kayo kasi pinaalalahanan ko na kayo.
Mahaba din po ang pagbabalik tanaw nito. Sa Book 1 kasi, pati naman yung pagbabalik tanaw ay pinoproblema pa ng ibang readers.
May mga nagrereklamo na masyado raw mahaba yung scene ni Iska noong bata pa siya. Pasensya na po pero ganun din po dito sa BOOK 2. Kaya sa mga ayaw ng mahabang balik tanaw, hindi po ito para sa inyo. Hanap na lang po kayo ng ibang babasahin nyo. Marami pong magagandang kwento dito sa GoodNovel na mas magugustuhan nyo.
Hindi ko rin po alam kung ilang chapters ito dahil nga ongoing pa lang ito. Sa mga ayaw ng mahabang kwento, may mga short stories po ang GoodNovel, siguro yun ang para sa inyo.
Please naman po, magbasa kayo ng note sa ibaba ng chapters at intindihin nyo naman ang note na iniiwan naming mga writers. Doon namin isinusulat kung sakaling may problema para alam nyo.
Yun lang po at maraming salamat sa mga mababait na readers na marunong umunawa. Sa mga hindi mababait, magbago na kayo… charot :)
Ipagpatuloy na po natin ang pagbabasa….
Hindi lang dahil sa itsura kaya kilala ang magpinsan Aragon, kundi sa talino. Sa katunayan ay pareho silang honor students at top ng kanilang batch. Ang kaibahan ay mas popular si Leon dahil nga mas madali itong lapitan. At kasundo halos ng lahat, kahit ng mga janitors at guards. Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit walang kahirap hirap itong naging Student Council President.Samantalang si Renz kahit tahimik ay madalas itong hingan ng tulong ng mga guro gaya ni Mr. Sanchez, ang chemistry teacher nila. Madalas nitong kunin si Renz na assistant sa laboratory experiments at preparations gaya ngayon. Narito siya sa sa Science laboratory, nakayuko at seryosong inaayos ang microscope kasama si Mr. Sanchez nang pumasok ang mga estudyante. Ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ang mga ito. Kailangan niyang matapos agad ginagawa dahil aalis din siya agad.“Nandito pala si Renz…” kilig na sabi ng isa sa mga estudyante.Agad na napalingon si Azeneth na naroon din ngayon at nakita n
Naglalakad sina Jonas at Arah sa hallway para pumunta sa susunod nilang klase. “Ay may mga bruha.” pabulong na sabi ni Jonas habang papalapit sila sa grupo ng mga kababaihan. Maraming estudyante sa paligid pero kapansin pansin ang grupo nila dahil bukod sa malalakas nilang tawanan ay sila din ang sikat na cheerleaders ng kanilang school.Kumunot ang noo ni Arah nang makita kung saang locker nakatapat si Azeneth, sa locker ni Renz. Matamis ang ngiti ni Azeneth, hinalikan muna nito ang hawak na card bago ipinasok sa loob.“Kapag hindi naging kayo ewan ko na lang.” sabi ng isa sa mga ito.“Magiging kami talaga.” confident na sabi ni Azeneth.Pagkuway inilabas nito ang isang maliit na teddy bear na nasa loob ng locker ni Renz na mukhang bigay ng ibang estudyante. “Kaya wag na silang umasa.” patuloy nito sabay hagis ng teddy bear sa basurahan.Sa halip na sawayin siya ng mga kasama ay nagtawanan pa ang mga ito saka naglakad palayo. “Ang yabang talaga!” iritang sabi ni Jonas.Si Ara
(Ongoing pa po itong BOOK 2, meaning hindi pa tapos. Kaya sa mga mainipin, hintayin nyo munang ma-complete ito bago nyo basahin. Mon-Fri, 2 to 3 chapters a day lang po ang update ko.)***BOOK 2 (POLICE AND THE SYNDICATE)***Riverdale Academy, isa sa mga kilalang private school sa bansa. Pagpasok mo pa lang sa bukana ng school, makikita mo na agad ang karangyaan. Karamihan ng mga estudyante dito ay galing sa mayayamang pamilya. Kaya naman normal na lang na makita ang mga estudyanteng hatid sundo ng mga mamahaling mga sasakyan. Hindi na rin nakakagulat kung makakakita mong bitbit ng mga estudyanteng ito ang mga branded na gamit.Habang papasok ng malinis at malawak na hallway, maririnig mo ang ingay dahil sa halo halong boses ng mga estudyanteng nagkukwentuhan habang nasa tapat ng kani kanilang locker. Nagkukulitan at may mga magseselfie muna bago pa magsimula ang klase. Maya maya pa ay biglang humina ang ingay nang maagaw ang buong atensyon ng hallway sa sa pagpasok ng dalawang
ONGOING pa lang itong BOOk 2. Meaning HINDI PA TAPOS.Kaya sa mga mainipin, hintayin nyo munang ma-complete ito bago nyo basahin. Mon-Fri….. 12 Midnight po ang schedule ko. 2 to 3 chapters a day lang po akong mag-update. Hindi po madaling magsulat, bukod doon ay may scoliosis po ako. Hindi ko po kayang umupo ng matagal dahil masakit po sobra sa likod.Kaya wag nyo po akong mumurahin o sisisihin kung mabitin kayo kasi pinaalalahanan ko na kayo. Mahaba din po ang pagbabalik tanaw nito. Sa Book 1 kasi, pati naman yung pagbabalik tanaw ay pinoproblema pa ng ibang readers. May mga nagrereklamo na masyado raw mahaba yung scene ni Iska noong bata pa siya. Pasensya na po pero ganun din po dito sa BOOK 2. Kaya sa mga ayaw ng mahabang balik tanaw, hindi po ito para sa inyo. Hanap na lang po kayo ng ibang babasahin nyo. Marami pong magagandang kwento dito sa GoodNovel na mas magugustuhan nyo.Hindi ko rin po alam kung ilang chapters ito dahil nga ongoing pa lang ito. Sa mga ayaw ng mahab
— PAGTATAPOS (Book 1)— Nang gabing yun sa likod ng bahay, nakapalibot silang lahat sa simpleng bonfire. Sapat na yun para magbigay ng liwanag sa madilim na gabi at magdagdag ng init sa lamig na hangin ng baryo. Malinis na ang lahat. Dahil pagkarating na pagkarating ng mga lalaki mula sa palayan ay agad silang naligo sa poso upang alisin ang putik sa katawan. Nasa kani-kaniya silang upuan habang masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan. May hawak silang pinggan dahil doon na rin sila kumakain ng hapunan. Habang kumakain, si Leon ay abala sa ibang bagay. May hawak itong mahabang stick habang iniihaw ang kanyang nag-iisa huli. Tahimik lang siya at tutok sa kanyang ginagawa. Sa tabi niya ay si Cacai, nakaupo at excited na pinapanood ang kanyang ginagawa habang panaka naka ay sinusubuan siya ng adobong niluto nito. “Leon, mukhang luto na yan.” sabi ni Kuya Rudy habang nakatingin sa iniihaw ni Leon. Tumango si Leon at inalis ang stick mula sa apoy. Hinipan niya ng bahagya para
Dire-diretso ang lakad ni Leon papunta kay Cacai. Kita sa mukha ni Leon ang pag-aalala na baka galit sa kanya ang asawa. Pero nagulat siya ng mabilis na naglakad si Cacai palapit sa kanya at tila sabik na sabik na niyakap siya.“Akala ko, nasa Japan ka?”“Hindi ka galit?”“Bakit naman ako magagalit?”“Yung Ate mo–”“Oo, pinuntahan niya ako kanina sa school. Nagpaalam siya sa akin bago siya umalis.” masayang pagbabalita ni Cacai. “Bati na kami.”Nakahinga ng maluwag si Leon. Akala niya ay galit sa kanya ang asawa. Pero agad ding kumunot ang kanyang noo.“So, bakit naka-off ang cellphone mo?” tila galit ang boses na sabi ni Leon.“Sorry, nalobat eh. Nakacharge. Akala ko naman nasa Japan ka na.” paliwanag ni Cacai.Yumakap siya kay Leon, pinag-alala pa niya ito. “Sorry.”Napabuntong hininga na lang si Leon. Hindi niya magawang mainis sa asawa. Sa halip ay masaya siyang makita na maayos ang kalagayan nito.“I’m glad you’re okay.” aniya at hinalikan si Cacai sa noo. Doon lang muna dahil







