Home / Romance / LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE / CHAPTER 3 - THE BATTLE BEGINS

Share

CHAPTER 3 - THE BATTLE BEGINS

last update Huling Na-update: 2022-12-17 17:26:21

Mismong sa tapat ng malaking mansyon ni Dustin, lumapag ang private Plane nito. Bumaba silang dalawa sa private plane at si Rihanna na mismo ang nagtulak sa wheelchair ng kanyang asawa. Mabilis naman silang sinalubong ni Mr. Stuart, ang mahigit sampung taon na butler ni Dustin.

Agad itong sumaludo sa kanyang boss, at nagbigay ng pagbati. “Maligayang pagdating, Master,” pagkatapos ay siya naman ang binalingan nito at sinaluduhan. "Welcome home, Senyorita,”

“Wife, siya si Mr. Stuart. Kung ano ang mga kailangan mo sa loob ng bahay, huwag kang mag-atubiling lumapit sa kanya.” wika ni Dustin sa kanya.

“Ikinagagalak kong makilala kayo, Mr. Stuart.” magalang niya ring bati sa mid fifties na matanda, at nginitian ito.

Nang maramdaman ang init ng sikat ng araw, agad na pumalakpak ng dalawang beses si Mr. Stuart, habang nakatingin sa mga nakahilerang maids na nakauniform sa labas ng mansyon. Agad namang tumakbo ang dalawang katulong upang dalhan ng payong ang kanilang master. Sinabihan na sila kanina ni Mr. Stuart, na darating ang kanilang master at ang bagong asawa nito. Batid nilang limang taon na itong diborsyo sa dating asawa. Hiniwalayan siya nito, matapos malaman na isa na siyang lumpo at bulag, dahil sa isang aksidente. Ikinahihiya ng dating asawa ang nangyari sa kanya, kaya, nag file ito ng divorce, at tuluyan ng iniwan ang master nila.

“Master, nais ko lang po ipaalam sa inyo, na sa loob po ng mansyon ang senyora, kasama ang kapatid mo.” pagbibigay alam ni Mr. Stuart kay Dustin, habang papasok sila sa loob ng mansyon.

Kunot-noong, tinanong niya si Mr. Stuart. “Ano daw ang pakay nila? Ilang taon na silang hindi pumupunta sa bahay ko.” Simula ng maaksidente siya, nawala na rin ang kanyang pamilya. Ikinahihiya siya ng mga ito, and worst, pinag-aagawan nilang pamahalaan ang mga negosyo na naipundar niya. Now that he already has a wife, alam na niya kung bakit biglaan ang pagpunta ng mga ito sa bahay niya.

“Hindi ko alam, master, ngunit sa palagay ko, dahil siguro sa muling pag-aasawa mo.”

Sumilay ang ngiti sa labi ni Dustin. Kung ganun, tama siya sa kanyang hinala, natatakot ang mga ito na mawawalan sila ng mana, dahil sa asawa niya, mapupunta ang lahat ng kayamanan niya kapag may nangyaring masama sa kanya. Nitong mga huling araw lang, laging pinag tangkaan ang buhay niya. Hindi niya alam kung sino sa kanyang pamilya o kaaway, ang may kagustuhan na patayin siya. Minsan nagdududa siya, kung isa sa pamilya niya ang gumagawa nun, dahil kamatayan lang niya ang hinihintay ng mga ito, upang tuluyang angkinin ang mga pinaghirapan niya ng ilang taon. “Wife,” tawag niya sa kanyang asawa, na tahimik lang habang nagtutulak ng wheelchair niya.

“Yes, Mi Tesoro?”

Biglang natigilan si Dustin dahil sa endearment ng kanyang asawa, dahilan upang iba ang tanong na lumabas sa bunganga niya. "Bakit Mi Tesoro?"

"Hehe, Mi Tesoro, in Italian, means, My Treasure. Ikaw ang kayamanan ko. Pangit naman kung tawagin kitang Mi Querido, nasa pilipinas tayo, baka sabihin ng iba, kerido kita. Di ba pangit pakinggan?"

Lihim na napangiti si Dustin dahil sa kalokohan ng asawa niya. Isang linggo lang sila sa New Hampshire, dami na nitong kalokohan, nahawa yata, sa italyana nilang kasambahay doon. Muli na lang niya itong tinanong.

“Are you ready to face them?” Huminto si Rihanna sa pagtulak ng wheelchair niya at bahagyang lumuhod upang pantayan siya. Ginagap nito ang palad niya at pinag-isa ang kamay nilang dalawa. Sa loob ng isang linggo na magkasama sila sa New Hampshire, nakapag palagayan na nila ng loob ang isa’t-isa. Naging maasikaso na rin ito at talagang ginagampanan ni Rihanna ang pagiging asawa nito sa kanya.

"Do you mean your family? Of course, Mi, Tesoro, I'm prepared to deal with them. Since you'll be by my side, I have nothing to worry about.” nakangiti nitong sagot sa kanya. Kinuwento na niya sa kanyang asawa ang tungkol sa kanyang pamilya, kaya alam na nito ang dapat niyang gawin sakaling, pahihirapan siya ng mga ito.

Ngunit sa lobby palang sila ng mansyon, agad na silang sinalubong ng pamilya nito.

“My son, we miss you. Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin na nag-asawa ka na pala. Hindi mo man lang kami inimbitahan.” wika ni Senyora Madeline, habang niyayakap si Dustin. Nasa mid fifties na ang edad nito, ngunit hindi halata dahil alaga ang katawan. Marami itong mga alahas na suot sa katawan, animoy, parang may-ari ng jewelry store. Hindi naman nakapagtataka dahil sobrang yaman nila. Pagkatapos yakapin si Dustin, ay umangat ito ng mukha at tinapunan ng masamang tingin si Rihanna. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo, hanggang paa, saka tinaasan ng kilay. “So, ikaw pala, ang naka bingwit sa anak ko. Sigurado ka bang hindi lang pera ng anak ko, ang habol mo? Thirty years old na ang anak ko, at ikaw ang bata-bata mo pa.”

Ngumiti si Rihanna sa Senyora. “Thank you mommy, but actually, 25 years old na po ako. Mukha lang po akong eighteen years old, dahil gifted na po ang kagandahan ko. Don’t worry, mahal ko po ang anak ninyo, kaya ko siya pinakasalan.”

Halatang nagtitimpi sa galit ang donya, dahil sa naging sagot niya. Lihim namang napangiti si Dustin dahil, nag-eenjoy siya sa pagiging palaban ng kanyang asawa. To the point na mas inasar pa nito ang kanyang stepmom, sa pamamagitan ng pagtawag ng mommy sa kanya.

“Narinig kong sa Twilight X-Club ka nagtatrabaho, at dun ka rin nakuha ng aking anak, tapatin na kita, ayoko ng isang puta, na katulad mo para sa anak ko. Alam kong ginagamit mo lang ang kahinaan ni Dustin, upang pakasalan ka niya, ngunit wag ka ng mangarap, dahil bukas mismo, ipapa annul ko ang kasal ninyong dalawa!”

“Mommy, kung isa akong puta, bakit pa ako magtitiis na alagaan itong anak niyo na hindi mo naman, inaalagaan. Eh di sana, mas pinili ko na lang na manatili sa twilight X club, hihiga lang ako at bubukaka, hindi lang ako masasarapan, magkakapera pa ako.”

Biglang nagkasalubong ang dalawang kilay ni Dustin matapos marinig ang sinabi ng kanyang asawa. Bakit parang hindi siya nasiyahan sa sagot nito?, ayaw niyang isipin na may plano pa itong bumukaka sa ibang lalaki, sakaling hindi ito pumayag noon na magpakasal sa kanya. Nanatili lamang siyang tahimik at muling pinakinggan ang dagdag sa sinabi nito.

“At kung tungkol sa annulment namin, si Dustin lang po at ako ang may karapatan na gawin yun dahil una, hindi ka naman kasama nung kinasal kaming dalawa. Bakit, alam mo ba kung saan kami, ikinasal?”

“P*****a! Nakita mo na Dustin, kung anong klaseng babae itong naging asawa mo!? Hindi man lang marunong rumespeto sa akin! Palibhasa isa siyang puta!”

“Enough!” sigaw ni Dustin sa kanyang ina. “Bakit ba kayo nandito!? Pera na naman ba ang kailangan nyo!?”

“Son, hindi, yan ang pinunta ko dito. Magkakaroon ng board meeting ang Crawford Empire…”

“Wala akong pakialam sa Crawford Empire. Di ba ang mahal n'yong anak na si Thomas Crawford na ang bagong CEO ng kumpanya simula ng maaksidente ako?” singit ni Dustin sa gusto pa sanang sabihin ng kanyang ina.

“Kuya, marami, kasing umatras na mga investors, dahil lahat sila lumipat sa DC Bank Corporations. Napaka Misteryoso naman kasi ng may-ari ng DC Banks na yan, hanggang ngayon, hindi pa rin ako makakuha ng appointment kung paano ko makakausap ang may-ari. Ano naman ang panama natin doon, halos 80% ng bangko sa buong mundo, pagmamay-ari na ng DC Bank Corp.”

“Kasalanan mo yan dahil hindi ka marunong na magpalago ng kumpanya. Palibhasa, araw-araw kang naglalaro sa casino, at pati pera ng kumpanya, winawaldas mo. Umalis na kayo ngayon sa aking harapan!”

“Kuya, kailangan ko ngayon ng tulong mo. Kahihiyan din ng pamilya natin kapag nalaman ng lahat na lumubog na ang Crawford Empire. Sampung banko na lang ang mayroon tayo, dahil yung iba, tuluyan na rin nahatak ng DC Bank Corp. Malaki kasi ang utang ng kumpanya sa kanila kaya, noong hindi tayo nakapagbayad, sampung bangko natin ang napunta sa kanila.”

“Tutulungan ko ang Crawford Empire, sa isang kondisyon, bumaba ka sa pwesto mo, at ibigay sa asawa ko ang pagiging CEO.”

Biglang nagulat ang lahat, dahil sa sinabi ni Dustin, maging si Rihanna, ay hindi na rin inaasahan na sasabihin yun ng kanyang asawa.

“Son, naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao, kapag nalaman nila na isang puta, ang namamahala ng kumpanya natin?”

“My decision is final. Take it, or leave it? Ginusto n’yo yan! Kayo ang nagpapababa sa akin sa pwesto bilang CEO, dahil naniniwala kayong wala na akong silbi sa kumpanya. Wala na akong magagawa, dahil sa paningin nyo, isa na akong bulag at lumpo, hindi ba? Ngayon, kung ayaw niyo na ang asawa ko mismo ang magiging CEO ng Crawford Empire, pwede na kayong umalis. Anyway, kahit wala ang Crawford Empire, magiging CEO pa rin siya ng aking kumpanya.”

“How dare you son! Mas pinili mo pa na tulungan ang putang ito, na ngayon mo lang nakilala, kaysa sa amin na pamilya mo!?” galit na galit si Senyora Madeline dahil sa naging desisyon ni Dustin. Halos gusto na niyang durugin ang mukha ni Rihanna, at kung nakakamatay lang ang mga titig niya, kanina pa ito natumba.

“Get out!” namumula sa galit si Dustin, dahil kanina pa niya naririnig na isang puta ang tawag ng pamilya niya sa babaeng pinakasalan niya. Sarili lang niya ang nakakaalam na siya ang ang unang lalaki sa buhay ni Rihanna. Kahit pa sa mga halik nito, siya pa ang unang nagturo nun sa asawa niya. Naiirita siyang marinig mula sa mga ito na isang puta ang turing sa asawa niya.

“Senyora, Madeline, please, gusto na pong magpahinga ng aming master.” pakiusap ni Mr. Stuart sa senyora, upang umalis na ang mga ito.

“Tandaan mo ito, babae ka, gagawin ko ang lahat, mawala ka lang sa landas ko! Kahit asawa ka pa ng anak ko, hindi pa rin nawawala ang dungis sa pagmumukha mo! Isa ka paring Puta!”

Bang! Crack!

“Throw them out!” nanginginig sa galit na sigaw ni Dustin, matapos ihagis ang mamahaling crystal vase sa harapan ng kanyang step mom. Nauubos na ang pasensya niya dito. Tinuring niya itong tunay niyang ina, kahit pa na wala man lang itong pagmamahal sa kanya. Five years old pa lang siya noon, ng muling mag-asawa ang kanyang ama, pagkatapos mamatay ng kanyang tunay na ina. Tiniis niya ang kalupitan mula sa mga kamay ng kanyang madrasta, dahil sa kanyang ama. Lumaki siya mula sa sariling sikap, at pinamunuan ang kumpanya na iniwan sa kanya ng kanyang ama, ngunit dahil sa garapal sa salapi ang kanyang step mom at mga kapatid, kaya siya bumaba sa posisyon ng pagiging CEO.

Kahit si Rihanna nasindak din sa ginawa ni Dustin. Kaya pala kinakapa nito kanina ang vase sa tabi niya yun pala ihahagis niya sa ina habang nagngangalngal ito. Mabuti na lang hindi natamaan ang senyora ng vase. Ngayon niya lang nakita kung paano magalit si Dustin. Nang makitang, lumabas na si Senyora Madeline, binalingan ni Rihanna ang asawa.

“Tesoro, Bakit mo sinabi sa kanila na ako ang ipapalit mo bilang CEO, inaasar mo lang naman sila di ba?” narinig niya na tanong sa kanya ni Rihanna. .

“No, wife, seryoso ako sa sinabi ko. Wala na silang magagawa doon, bukas mismo, ikaw na ang bagong CEO ng Crawford Empire.”

“Huh? Kung ganun seryoso ka talaga? Paano kung hindi ko alam, kung paano, pamunuan ang kumpanya mo?”

Napapa-iling na lang si Dustin dahil sa inasal ng kanyang asawa. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin niya upang maniwala ito sa kanya. "Kaya ikaw ang gusto kong maging CEO, dahil may tiwala ako sayo. Isa pa, nandito lang ako, lagi sa tabi mo. Gagabayan kita at tuturuan kung paano pamahalaan ang Crawford Empire. For now, I want us to rest in our room. I need you to calm my anger."

Bigla na naman kinabahan si Rihanna, dahil sa huling sinabi ni Dustin. Alam na niya kung ano ang kailangan nito, ang paligayahin ito sa kama.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (12)
goodnovel comment avatar
Marsha Manmuth
nakakainspire
goodnovel comment avatar
Ning Meneses
very nice story .
goodnovel comment avatar
Adoracion Agojo Lopez
Nice story
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 78 - THE END

    Pagdating sa garden-themed reception area na punong-puno ng fairy lights at hanging flowers, may isang malambot at romantic na instrumental music ang tumutugtog. May personalized na photo wall sa gilid na may neon sign: The Wedding of the Century: “From Crawford - Albrecht” ganun din sa kabilang side, may neon sign naman na rin na nakalagay “From Crawford - Lockheart” Umupo na sa bridal table ang mag-asawa, Seidon at Dharylle.At umupo naman sa table ang mag-asawang Dharyne at Luke, pero bago pa makakain ang lahat,, Tumayo si Dustin at kinuha ang mic. “Bago pa lamunin ng gutom ang lahat… isang toast muna para sa bagong Mr. and Mrs. Luke and Dharyne Lockheart, ganun din sa Bagong Mr. and Mrs. Dharylle Albrecht!”“Cheers!” sigaw ng lahat, sabay taas ng wine glasses. Clinking and laughter filled the air. Sa di kalayuan, napatingin si Dharylle kay Seidon. “Feeling mo ba may one up na tayo sa vows?” Seidon smirked. “Feeling ko may sequel na ang comedy ng kasal natin.”Tawanan ulit ang p

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 77 - WEDDING VOWS (CRAWFORD+LOCKHEART)

    Seryoso ang tono ni Luke nang una siyang magsalita, ngunit may laging nanlalarong ngiti sa kanyang labi habang tinititigan si Dharyne na parang wala nang ibang tao sa mundo."I never dreamed of a perfect woman until I met the most unpredictable one. You were never easy to understand. Sometimes, you push me away just to see if I’d stay. Other times, you build walls just to check if I’d break them down. But sweetheart, I loved every version of you, even when you were too hard to love yourself."(Tumawa ang ilan, ngunit muling naging malambing ang tono ni Luke.)"Hindi ko makakalimutan ang araw na hiniling ko sa Diyos na sana huwag kang gawing monghe, bagkus ibigay ka Niya sa akin, at pareho tayong dalawa ang magsisilbi sa Kanya, kasama ang ating binubuong pamilya. Salamat na lang at binigay ka Niya sa akin kahit ayaw mo pa. Gusto mo yata magmadre!" (Tumawa ang buong crowd, lalo na ang pamilya ni Dharyne. Napahampas si Dharyne sa braso ni Luke. Naudlot ang pagsinghot niya dahil sa kapil

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 76 - WEDDING VOWS (CRAWFORD-ALBRECHT)

    Huminga muna ng malalim si Seidon upang maibsan ang sobrang kaba at sandaling katahimikan. Pagkatapos ay ngumiti sa asawa habang hawak ang kamay at hinahanda ang ipasuot na singsing. “Luv,They say men are bad with words. But the truth is, I just didn’t know how to say sorry without breaking. I didn't know how to love you right until I almost lost you for good. I thought I was strong, but the day you walked away, I realized… I was never whole without you.Nagpause muna si Seidon upang pigilan ang pagbadya ng luha dahil halata na sa boses niya na para na siyang iiyak. Muli siyang nagpatuloy.Noong mga panahon na binitawan mo ako, doon ko narealize na nasaktan na pala kita nang hindi ko alam. And honestly, mahal…ang hirap mong suyuin. Daig ko pa ang isang kulog na nakikipagtagisan sa kidlat. But you know what was the most exciting part? It was when you didn’t want to marry me…but your dad did.Nagtaas ang dalawang kilay ni Dustin nang marinig ito. Ngunit sumabay na rin sa tawanan ng mg

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 75 - THE WEDDING (CRYSTAL AETHERIALES)

    Wala nang mas marangya pa sa kasalang ito. Ang langit ay bughaw na bughaw, at sa gitna ng walang katapusang dagat ay unti-unting umaangat ang dambuhalang plataporma ng yelo at kristal—ang tinaguriang Crystal Aetherealis, isang eksklusibong wedding sanctuary na dinisenyo lamang para sa mga pinakamakapangyarihan sa mundo. Lumulutang ito sa ibabaw ng Glacemer Sea, at sa paligid nito'y tila naglalaro ang mga ulap at sinag ng araw, sumasayaw sa ibabaw ng salamin ng dagat.Ang buong ceremonial hall ay gawa sa translucent crystal, bawat detalye ay handcrafted mula sa pinakamahal na yelo ng hilaga—glass flowers, frozen archways, snowflake chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng liwanag. Sa pinakagitna, ang aisle na tila isang dumadaloy na ilog ng liwanag at tubig, umiilaw ang ilalim na parang bahagyang alon sa bawat yapak.Mula sa himpapawid, nakatutok ang mga drone cameras na live na nagbo-broadcast sa buong mundo. Sa bawat dako ng siyudad, malls, at luxury lounges, nakapako ang mata ng

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 74 - LIHAM NG PAGBABAGO

    Two Weeks Later Mainit ang araw pero malamig sa puso ni Seidon habang dahan-dahan siyang naglalakad palabas ng ospital. Kasama niya si Dharylle na mahigpit na nakahawak sa kanyang braso. "Sure ka bang kaya mo na?" tanong nito habang pinapahiran ng pawis ang kanyang noo. Ngumiti si Seidon, matipid. "Kailangan kong gawin ‘to. Kailangan ko siyang kausapin." Inside the Detention Facility Sa malamig na silid ng kulungan, nakaupo si Scarlet sa luma at kalawangin na bangko. Tahimik siyang nakatingin sa pader nang marinig ang pagbukas ng bakal na pinto. “Ms. Zimmer, may bisita ka.” ani ng pulis. Lumingon siya na may bakas ng pagtataka. Lumabas siya at pumunta sa visitor’s lounge. Doon siya pinapahintay ng pulis. Di nagtagal, pumasok si Seidon. Tila huminto ang oras para sa dalaga. Napatitig si Scarlet, bakas sa mata ang gulat at pagkalito. Hindi siya makapaniwala sa presensyang kaharap niya ngayon—ang taong akala niyang wala na. "You’re alive…" aniya, halos pa-whisper. "Bakit ka nandi

  • LOVE GAME WITH THE CRIPPLED ZILLIONAIRE   BOOK 5 CHAPTER 73 - BALA NG KATOTOHANAN (BULLET OF TRUTH)

    Sa kalagitnaan ng pag-uusap nina Dharylle at Rhayan sa labas ng operating room, biglang bumukas ang pintuan. Sumilip ang ilaw mula sa loob, kasabay ng paglabas ng doktor na suot pa rin ang kanyang surgical mask."Doctor!" Agad na salubong ni Dharylle, nanginginig ang tinig. "Kumusta na po si Seidon?"Inalis ng doktor ang kanyang mask at tumango. "Ligtas na siya. Agad naming natanggal ang bala mula sa kanyang dibdib. Sa awa ng Diyos, hindi tinamaan ang puso, pero ilang milimetro na lang at baka hindi na siya umabot."Bumuhos ang luha ni Dharylle. Napaluhod siya sa sahig, parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod. Agad siyang inalalayan ni Rhayan habang pilit ding tinatago ang nag-uumapaw na emosyon."Salamat, Doc..." mahinang sambit ni Rhayan."Makikita n’yo na siya mamaya, pagkatapos naming mailipat sa recovery room."Pagkaalis ng doktor, muling lumitaw ang hologram ni Ciela AI sa ere. Makinis, malamig ang boses nito, ngunit dala ang katotohanan."Detecting critical data," anito.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status