Share

Chapter 8

Author: MATECA
last update Last Updated: 2022-02-23 20:24:56

"Saan ka nanggaling, Shan?"

Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito.

"Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito.

"Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito.

"Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.

Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 10

    "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Shan. Huwag kang gumawa ng kuwento," galit na wika ni Tamia nang sitahin ito ni Shan tungkol sa kanyang natuklasan na binabalak nitong gawin kay Prinsipe Cane."Huwag ka nang magkaila pa, Tamia. Inamin na sa akin lahat ni Sasa. Pero huwag kang mag-alala dahil wala naman akong balak na isumbong ka o di kaya ay hadlangan ang binabalak mong gawin. Nandito pa nga ako para tulungan ka," nakangiting sabi ni Shan sa nabiglang dalaga.:Sa tingin mo ay maniniwala ako sa'yo? Siguradong pinapasakay molang ako para wala akong lusot," hindi naniniwalang sagot ni Tamia."bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ikaw na nga itong tinutulungan ay ayaw mo pa," inis na sabi niya rito. Hindi niya ipagpipilitan ang kanyang sarili kung ayaw nitong maniwala sa kanya. Akmang tatalikuran na niya ito nnag bigla siyang pigilan.

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 9

    "Saan n'yo ako dadalhin? Bitiwan n'yo ako!" malakas na sigaw ni Sasa habang kinakaladkad ng mga tauhang inutusan ni Shan para iharap sa kanya ang maid ni Consort Jhing. "Ipasok 'yan dito," utos niya sa mga tauhang inutusan niya."Ikaw ang may pakana nito? Ano ang binabalak mong gawin?" nanlalaki sa galit ang mga mata na tanong ni Sasa sa kanya."Wala naman. Ibabalik ko lang sa'yo ang ginawa mo sa akin noong isang araw," nakangiting sagot niya rito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa kanang pisngi nito na agad namula. "Ito naman ay para sa pag-aastang reyna sa harapan ko," isa pang malakas na sampal ang pinadapo naman niya sa kaliwang pisngi nito."Walang hiya ka! Hindi ka ba natatakot na makarating kay Konsorte Jhing ang ginagawa mong ito sa akin?" nanlilisik sa galit ang mga mata na tanong nito sa kanya. Bilib siya sa tapang nito. M

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 8

    "Saan ka nanggaling, Shan?"Mula sa tangkang pagpasok sa loob ng kanyang kuwarto ay biglang napahinto si Shan nang marinig ang malakas na boses na iyon ni Consort Jhing. Walang anuman na nilingon niya ito."Pumunta lamang ako sa bahay namin para kunin ang bag ko," sagot niya rito."Baka naman nakipagkita ka lamang sa iyong kasintahan kaya ka umalis. Kunwari ay kinuha mo iyang, bag-bag na tinutukoy mo pero ang totoo ay nakipagkita ka sa lalaki," nanlilisik ang mga matang wika nito."Ina, baka naman nagsasabi ng totoo si Shan. Hindi naman siguro siya nakipagkita sa Rasmun na iyon," pagtatanggol sa kanya ni Tamia.Napaikot na lamang niya ang kanyang mga mata. Ang galing talagang umakto ni Tamia. Malakas ang kutob niya na nagbabait-baitan lamang ito sa harapan ng a

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 7

    Hindi mapigilang kabahan ni Shan habang pinapalibutan sila ng mga assassin. Ang lakas ng dagundong nang kanyang dibdib. Sa sobrang lakas ay naririnig na niya ang pagtibok ng kanyang puso. Tila gusto ng lumabas sa kanyang rib cage ang kanyang puso dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagtibok niyon."Binibining Shan, ano ang gagawin natin ngayon?" tila maiiyak na tanong sa kanya ni Manda. Mukhang hindi ito sanay na malagay sa ganoong sitwasyon. Kung hindi ito sanay ay lalo na siya. Never pa siyang nakaharap ng mga assassin sa buong buhay niya."Hindi ko alam," kinakabahan din niyang sagot. Kinuha niya ang bag niya sa kanyang likuran at kinipkip itong mabuti na para bang maililigtas sila ng bag niyang iyon. Pero ano nga ba ang kailangan nila sa kanya? Wala naman siyang kaaway kaya sino ang magtatangka sa buhay niya? "Ano ang kailangan ninyo sa amin? Wala naman kaming kasalanan sa inyo."Mamamatay na siya kaya mas mabuting malaman niya kung ano ang dahilan at bakit sila pina

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 6

    Kanina pa si Shan palakad-lakad sa loob ng kanyang kuwarto. Pangatlong araw pa lamang niya sa manor ni Prinsipe Cane ay sobrang nabo-bored na siya. Hindi siya masyadong lumalabas sa kuwarto niya dahil ayaw niyang makadaupang-palad ang ina ni Prinsipe Cane pati na rin si Tamia na mukhang mabait naman ang hitsura ngunit hindi pa rin siya kumbinsido sa kabaitang ipinapakita nito sa kanya."Wala man lang mapaglibangan sa mundong ito. Mababaliw ako kung magtatagal pa ako rito," himutok ni Shan. Sa dinami-rami ng puwede niyang mapasukan ay sa loob pa siya ng komiks nakapasok. Masarap lamang basahin ang kuwento ng komiks na pinasukan niya ngunit hindi maganda kung mai-experience niya mismo. Walang cellphone walang internet, kahit ano wala. "Ano ba ang ginagawa ko dati kapag naiinip ako?""Nagbuburda po kayo, Binibining Shan. Iyan ang gustong-gusto mong gawin para palipasin ang oras at hindi ka mainip," sagot sa kanya ni Manda.

  • LOVE ME AFTER MARRIAGE   Chapter 5

    Magli-limang oras nang nakaluhod si Shan sa sahig habang may asin sa ilalim ng kanyang mga tuhod. At pati si Manda na ipinagtanggol lamang siya ay kasama na rin niyang nakaluhod. Hindi siya sanay sa ganitong klaseng parusa dahil kahit minsan ay hindi siya pinarusahan ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito sa tunay na mundo at hindi dito sa mundo ng komiks. Pinagpapawisan na siya ng malapot lalo at nakasuot pa siya ng veil sa kanyang ulo. Nanginginig na rin ang kanyang mga tuhod at ramdam na niya ang hapdi ng asin sa kanyang balat. Gusto niyang maiyak sa sitwasyong nasangkutan niya. Araw ng kasal niya ay heto siya't nakaluhod na parang nakagawa siya ng malaking kasalanan. Dapat nga ay magsaya siya dahil araw ng kasal niya sa isang prinsipe ngunit kabaliktaran ng nangyayari. Nagdurusa siya ngayon dahil sa kasalanang hindi naman niya masasabing kasalanan talaga. Kasalanan ba niya na nakakapagsalita siya? Hindi ba dapat matuwa ang ina ni Prinsipe Can

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status