Share

CHAPTER 6 - YES I DO

Ang daming tumatakbo sa isipan ni Katleah sa mga nangyari kanina. Mayroong naiinis siya kay Marco, parang lalo lang kasi nitong ginugulo ang buhay niya. Ayaw niyang isipin na may nararamdaman na ito para sa kanya, ngunit sa lahat ng mga magagandang ipinakita ni Marco sa kanya nitong mga huling araw kailangan ba niyang umasa?

"Hindi.. Hindi pwedeng mahulog ang loob niya sa lalaki. Natatakot siyang masaktan. Kaya ayaw niya na munang isipin yon hanggat hindi pa niya nakikita ang tunay niyang mga magulang." Agad siyang nakabawi ng marinig niya na nagsalita si Marco.

"Bakit ba atat na atat kang bumalik ng supermall? Di ba sinabi ko na sayo na wala kang ibang gagawin kundi ang magpahinga na muna sa bahay?"

"How sweet mo naman Mr. Dela Vega, pero hindi lahat ng gusto kong gawin ay dapat ko pa na ipaalam sayo. Kaano-ano ba kita? Ano ba ako sayo? Wala tayong relasyon para isipin ko pa ang magpaalam sayo bago ako umalis."

Na froze siya sa sagot ng dalaga, "pero teka bakit iba yata ang sagot niya sa tanong ko?, bakit napunta sa kung anong relasyon mayroon kami.?" Sumilay ang pilyong ngiti sa kanyang mga labi ng binalingan niya si Katleah.

"Ang tinatanong ko sayo Mrs. Dela Vega ay kung bakit ka umalis imbes na nagpapahinga ka ngayon doon sa bahay? Bakit napunta sa relasyon natin? pambubuking nito sa iniisip niya.

Namula siya sa tanong nito sa kanya. Ibinaling niya sa labas ng bintana ang kanyang paningin para maitago ang pagka pahiya. Huli na ng marealize niya na hindi match ang naging sagot niya kanina. nag o overthink na naman siya.

"And besides, dapat pa bang tinatanong yan? dagdag sa sinabi nito. Sooner or later you will become my wife at yan ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa, ayaw kong may mga taong gawing appetizer ang buhay mo."

"Ah, ganun? Kaya mo ipinangangalandakan sa lahat na soon to be wife mo ako? Eh mas lalo mo lang akong tinutulak sa sulok para pagkainteresahan nila ang buhay ko eh. Paano ba naman kasi may isang Marco DelaVega na hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote niya na ako ang pinag diskitahan na pakasalan." Inirapan niya muna ito bago idagdag, "Alam mo Marco, hindi kana nakakatulong. Dinagdagan mo lang ang problema ko eh."

"Paano naman ako nakakadagdag sa problema mo?" Ginawa ko na ngang madali ang lahat eh." Isipin mo ha, kung hindi kita pinuntahan siguro babalik kapa doon bukas para magtrabaho. At Least sa ginawa ko may rason ka kung bakit ka mgreresign kaagad diba? At saka bakit mo pa ba pinoproblema yan, kung ako lang ang masusunod tinanggal ko na sa trabaho yang manager mo na yan.

Ayaw ko lang na makaramdam ka ng hiya, kaya mabait pa ako kanina.. Okay? kaya ang paghandaan mo ngayon ay ang pagiging personal secretary at soon to be wife ko."

Tumahimik na lang si Katleah at nag focus sa mga magagandang tanawin na kanilang madadaanan habang nakadungaw sa labas ng bintana ng kotse. Hindi naman siya nananalo kapag nakikipagtalo pa siya sa lalaki. Ito laging nasusunod.

" Tomas, sa daan mo ituon yang mga mata mo!"

" Y-yes Boss.. Tsk. tsk. Grabe talaga si boss, akalain mo napapansin pa niya akong tumitingin sa kanila mula sa rear view mirror, samantalang ang mga mata niya ay nakapako lang kay Katleah habang nakadungaw sa labas ng bintana. Tsk.tsk. In Love na talaga si Boss. hindi niya lang napapansin." Sa loob loob ni Mang Tomas habang nagmamaneho ng kotse.

Di nagtagal huminto muna sila sa tapat ng mansion habang hinihintay na tuluyang mabuksan ng dalawang guard ang gate para makapasok sila.

Habang nasa loob ng kotse ngayon lang si Katleah nalula sa sobrang lawak ng Mansion. Pinagmasdan niya itong mabuti at namangha siya sa kakaibang disenyo nito na animoy parang Palasyo ng Eden. Nakatayo ito sa gitna ng malawak na hardin at napapalibutan ng ibat-ibang naggagandahang bulaklak. Sa dulo ng mga halamanan ay may nakita siyang maliit na lagusan papunta sa may mga kakahuyan.. Naintriga siya sa kung saan patungo ang lagusan na yon. "May pumasok kaagad sa isip niya. Mamaya aalamin niya at babaybayin kung saan papunta ang lagusan na yon." Bumaba siya kaagad sa kotse ng huminto na ito sa garahe at dali daling pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

Sinundan na lang siya ni Marco ng tingin, alam niyang nag aadjust pa ang dalaga sa ugali niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si James. Hindi na niya ito pinasama kanina dahil marami pa itong aayusin sa loob ng kanyang opisina.

"Hello, Boss?"

".mm.. James.. may girlfriend ka na ba?"

"Nagtataka na tiningnan ni James ang kanyang cellphone, bago ulit binalik sa kanyang tainga. Boss, huwag mong sabihin... ahh.. m..may girlfriend na ako boss, kaya hindi na ako pwede sayo. Natataranta na sagot ni James, sa takot na baka ligawan ng boss niya.

"Isa ka talagang ulol, James, ginawa mo pa akong bakla sa katangahan mo." Ang ibig ko na sabihin kung nakaranas ka na bang ma inlove?"

"Huh? napakamot si James sa tanong ng boss niya. Ah, syempre naman boss nakaranas na akong mainlove sa girlfriend ko ngayon." agad niyang sagot kay Marco.

"Uhhmm.. ano ba ang nararamdaman ng isang tao pag nai-inlove? curious nitong tanong kay James.

" Syempre boss, malalaman mo na pag inlove ka, kung sa unang kita mo pa lang sa kanya, parang sasabog na ang dibdib mo sa sobrang kaba, tapos lagi kang nae-excite na muli siyang makita at makasama. Lagi ka namang hindi mapakali sa tuwing hindi mo siya makikita. Gusto mong lagi siyang mapasaya, mayakap at kapag hinalikan mo na siya, pakiramdam mo, nakalutang ka sa alapaap at abot mo na ang langit sa sobrang saya."

Ngunit ang mga sumunod na sagot ng kanyang boss ang nag paawang sa mga labi niya.

"James, bumili ka ng maraming magandang set ng mga pantulog na damit. Bumili ka din ng mga dress at... kalimutan mo na, ako na lang ang bibili, baka kung ano-ano pa ang bilhin mo, imbes na matuwa ang bibigyan ko hindi na lang. Pinatay na nito ang tawag at inutusan ang driver na pumunta ng luxury mall.

Habang sa kabilang linya kunot noo na nakatitig si James sa kanyang cellphone. Nahihiwagaan na siya sa mga pinagsasabi ng kanyang boss. "Ano kaya nangyari sa kanya? Wait.. hindi kaya dahil in-love na siya kay Katleah?" Napakamot siya sa batok at nagpatuloy nalang sa kanyang ginagawa.

Samantala sa Mansion...

Dahan-dahan si Katleah na lumabas ng kanyang kwarto at maingat na bumaba ng hagdan. Nasa labas na siya ng hardin ng makabangga niya si Mang Ador, isang hardinero sa mansion.

"Kayo pala Ma'm Katleah, naikwento kayo ni Martha sa akin, saan pala kayo pupunta Ma'am?"

"Mag papahangin lang ho ako dito sa hardin manong."

"Tatay Ador nalang Ma'am. Yan kasi yung tawag sa akin ni Sir Marco. Sige Ma'am, gusto mo bang samahan kita mag ikot-ikot?"

"Naku hindi bale na ho Tatay Ador. Ipagpatuloy nyo nalang po yang ginagawa ninyo. Ako nalang po ang bahala sa sarili ko."

"Ah ganun ba, O sige, mam iwanan na muna kita mag-ingat ka ha baka madulas ka ang lakas pa naman ng ulan kahapon. Medyo hindi pa tuyo ang lupa." pagpapal nito sa kanya.

"Sige ho tatay ador, salamat po.

Inantay muna niyang makaalis si tatay ador saka mabilis na tumungo sa dulo ng mga halaman at pumasok sa isang sikretong lagusan. Ng makapasok na siya sa loob, kaunti pa ang nilakad niya bago tuluyang mamangha sa kanyang nakita.

Mula sa kanyang kinatatayuan makikita niya sa di kalayuan ang dalawang mataas at magkabiyak na bato na nagpaligsahan ang tubig sa pag-agos pababa ng swimming pool. Para itong isang Shower Fall. Agad siyang naakit sa sobrang linis at linaw ng tubig na nanggagaling sa itaas nito mismo.

Ano kaya kung maliligo siya?

Namimiss niya na kasi ang sapa sa kanilang probinsya. Bigla siyang naexcite ng lumusong sa pool. Tumingin muna siya sa paligid. Nang mapagtanto niyang walang ibang tao agad siyang naghubad ng kanyang damit at ang panloob lamang ang natirang saplot niya sa katawan.

"Whaahh,wow! ang Ginaw!" natutuwang sambit, niya nang tuluyan na niyang ilublob ang katawan sa swimming pool na parang nagyeyelo sa lamig. Hanggang leeg niya ang tubig kaya patalon talon siya sa pool na parang batang naglalaro. Ilang taon na siya pero parang gusto pa rin niyang bumalik sa pagkabata. Wala naman sigurong makakakita sa kanya dito, dahil maliban sa pagtatakipsilim, Marami namang nakapalibot na kahoy sa paligid. Di nga niya makikita sa labas ang Mansion eh. Kaya alam niyang safe siyang maligo dito.

Tumingkayad siya at nagfloating sa tubig habang pinipikit ang kanyang mga mata. Ninanamnam niya ang agos ng tubig na galing sa itaas at bumabagsak sa dulo ng pool. Kahit nasa gitna siya ng pool ay ramdam pa rin niya ang tilamsik ng tubig sa kanyang katawan. Parang gusto niyang matulog habang nakahiga sa tubig. "Pwede kaya yun? hindi kaya siya malunod?" sa loob-loob niya.

Samantalang inikot na ni Marco ang buong hardin hindi parin niya makita si Katleah.

Sabi ni tatay Ador nandito lang daw si Katleah nagpapahangin ah? bulong niya sa sarili. Mula ng dumating siya kanina deretso niyang pinasok ang kanyang mga pinamili sa silid nito at doon niya nalaman na wala ito sa kanyang kwarto.

Pero saan naman kaya siya pumunta? Inikot ng kanyang paningin ang buong paligid ng mansion at napansin niya ang isang lagusan sa dulo ng hardin. Kusa niyang pinagawa ang lagusan na yon dahil mayroong, Shower falls yon sa loob ng kakahuyan.. Ni renovate niya ang paligid nito at nilagyan ng swimming pool sa loob. Siya lang ang exclusive na naliligo doon. Hindi niya iyon pinapalinisan sa iba dahil siya ang kusang naglilinis nito. "Di kaya doon siya pumunta? tanong niya sa sarili.

Binaybay niya ang lagusan at nang makarating siya ay agad siyang namangha sa kanyang nakita. Lagi siyang naliligo dito tuwing linggo na wala siyang pasok, gayunpaman ngayon niya lang napagtanto na mas maganda pala tingnan ang Shower falls na ito lalo na pag may isang magandang diwata na nakapikit habang palutang lutang sa tubig. Hindi niya man lang naramdaman na may ibang tao na, sa paligid niya.

Dahan dahan din siyang naghubad ng damit at boyleg shorts nalang ang naiwang sapin niya panloob. Bigla siyang tumalon sa tubig habang sumisigaw nang..

"Hooohhh!"

"Aayy Kabayo!" Aho! aho!aho! sa sobrang pagkagulat ni Katleah ay nakalimutan niyang nag floating pala siya sa tubig. Plano sana niyang tumayo mula sa pag kakalutang pero hindi niya naabot ang talampakan ng swimming pool kaya lumubog siya pailalim na nakatihaya dahilan para makainom siya ng maraming tubig.

Agad naman siyang pinangko ni Marco at tinulungan siya na makaahon sa tubig.

"Baby Okay ka lang? Nag-aalala na tanong niya dito.

Galit siyang tinapunan ng matalim na tingin ni Katleah! "Baby baby mo yang pagmumukha mo, Ahhh!!.. nakakainis ka talaga! Bakit mo ba ako, ginugulat?"

"Huh? Baby, di ko naman alam na may ugali ka pa lang natutulog sa tubig kaya di ko na naisip na magugulat ka, akala ko kasi napansin mo akong dumating eh, pagsisinungaling niya", habang buhat-buhat parin si Katleah.

"Aho! aho! Kahit kailan talaga Marco nakakabwisit ka, Ano pa ba ang pwede mong gawin sa akin maliban na lang sa igulat ako ha?"

Bigla siyang tumingala habang nagsasalita. Hindi niya inaasahan na yuyuko din si Marco para humarap sa kanya. Aksidenting naglapat ang mga labi nilang dalawa, dahilan para ma froze sila sa isa't-isa.

Matagal silang nagtitigan, habang mgkalapat parin ang kanilang mga labi at ramdam nila sa bawat isa ang lakas ng pintig ng kanilang mga puso. Ang usbong ng mainit at magkadikit nilang mga balat ay lalong nagpadagdag ng kuryente sa kanilang sistema. "Hindi na mapigilan ni Marco ang sarili niya. Gustong-gusto na niyang iparamdam sa dalaga ang init ng mga halik niya.

"Katleah. Will you marry Me?" paos ang boses ni Marco habang binubulong ang mga katagang yon sa tainga ni Katleah.

Parang malulunod naman sa kaligayahan si Katleah habang nakayakap pa rin ang kanyang mga kamay sa batok ni Marco. Nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito na dumadampi sa kanyang batok at tainga.

Parang mayroong kakaibang sensasyon na bumabalot sa kanyang buong pagkatao at nag-iba bigla ang ikot ng kanyang mundo. Nahuhulog na ang loob niya sa lalaki. Nararamdaman niya yon. Kahit anong pigil niya sa sarili hindi niya magagawa dahil sa ngayon puso niya ang umiiral. Sa isang iglap tuluyan niyang nakalimutan ang kanyang plano sa buhay. Kahit mahirap itong magiging desisyon niya susugal parin siya. Umaasa siya na balang araw sabihin din nito sa kanya na mahal na rin siya. Narinig niya ulit ang tanong nito sa kanya.

"Please answer me Katleah. Will you marry me? Are you willing to be, beside me for the rest of your life?"

"Y..yes. I Do Marry you Marco.". Nauutal at kinakabahan na sagot ni Katleah.

Lumiwanag agad ang mukha ni Marco ng marinig ang sagot ng dalaga. Siya lang ang nakakaalam na sobrang saya niya ngayon dahil sa wakas magpapakasal siya sa babaeng dinidikta ng puso niya. Bigla siyang siniil ni Marco ng isang masuyong halik. Ang simpleng halik na yon ay mas lalong naging mapusok at nakakalibog ng ginantihan din iyon ni Katleah ng isang mainit at nagliliyab na halik. Ang halik ay tumagal hanggang sa kapwa sila huminto upang maglanghap ulit ng hangin. Nagyakapan sila sa isa't-isa ng matagal at dinama ang bawat pintig na nais ipahiwatig ng kanilang mga puso. Mga ilang minuto pa sila ulit na naligo sa pool, nagtatawanan at naghaharutan na parang mga bata.

Hindi man niya sinasabi na mahal nila ang isa't isa pero ramdam nilang dalawa na may umusbong na bagong pag-asa sa pagitan nilang dalawa.

Naunang umahon si Katleah sa tubig at hinanap ang kanyang damit. Akmang bibihis na siya ng marealized niya na mula pa kanina wala pala siyang ibang suot kundi panty lang at bra.

"Diyos ko naman Katleah! Ang tanga tanga mo talaga. Umibig kalang naging tanga kana?" Kumaripas siya ng takbo at nagtago sa malaking punong kahoy at doon nagbihis.

Sumilay ang ngiti sa labi ni Marco ng makita niya ang reaction ng dalaga. Parang lalo itong mas maging cute sa paningin niya kapag namumula. Di nagtagal, umahon na rin siya sa tubig at nagsuot na rin ng kanyang damit.

Nagtataka pa ang mga katulong  nang makitang magkahawak kamay pa sila habang papasok sa loob ng mansion.

"Siya nga pala Baby, pupunta tayo nextweek sa Dela Vega Mansion. Ipapakilala na kita kay Dad. Kaya be ready okay?" sabay akbay sa kanya.

" Dad? ipapakilala mo ako sa dady moh?" di makapaniwala na  tanong ni Katleah.

" Oo di ba kailangan na kitang ipapakilala baka mamaya maunahan pa niya ako at sa iba ng babae pa niya ako ipakasal."

Oo nga pala bakit ba niya nakalimutan na kaya pala siya inaalok ni Marco ng kasal ay dahil sa term ng dady nito?

Parang may kung anong biglang kumurot sa kanyang puso ng maisip niya ang tunay na dahilan kung bakit sila magpapakasal. Gayunman, hindi na niya ito pinahalata. "Okay. Sa tingin mo magugustuhan kaya niya ako? ang naging tanong, na lang niya.

"Syempre naman. Mabait ka at maganda, wala naman siyang maipipintas sayo at sigurado akong magugustuhan ka niya." Masuyo siya nitong hinalikan sa kanyang noo.

"Don't Worry baby okay? "Halika ihahatid na kita sa kwarto mo para makapagbihis ka na."

Scorpion Queen

HELLO MY FANREADER, Thank you dahil nagustuhan ninyo ang story na ito, Hihingi sana ako ng favor, Pwede mo ba akong supportahan, sa pamamagitan ng pagbigay ng gems sa story ko? Maraming salamat, sana isa ka sa number 1 fan ko.

| 3
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jadexanne
ang Ganda una q tlga binasa ung kwento NG anak Nilang c allaric tpos nbsa q Don n cnabi mo Miss A Na unahon bsahin kwento NG mga magulang nila Allaric st Adira kya d q muna tinuloy ung kila Allaric ito muna bsahin q pra maintindihan q
goodnovel comment avatar
Jekk
Ang Dami kong Account Ms.A mga 7 hehe. lahat un nka follow sau..
goodnovel comment avatar
Jekk
Sobrang nagustuhan ko talaga tong kwentong ito..gusto ko ang ugali ni katleah palaban sa hamon ng buhay... sayang lng Otor late ako now ko lng nabasa to.. from now on number 1supportive mona ako Ms. A
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status