Share

Kabanata 45

last update Last Updated: 2025-05-29 18:47:27

Sa madilim na bahagi ng hagdanan, mahigpit ang yakap ni Xander sa baywang ni Margaret. Ang kanyang matipuno at matikas na katawan ay halos balutin ang makurbang katawan ng babae. Tanging tunog ng kanilang mga labi at dila ang maririnig, tila animo'y tunog ng munting alon sa katahimikan ng gabi.

Pagkalipas ng ilang saglit na pakikipagbuno, tuluyan siyang nakawala at itinulak ito palayo.

“What the fuck was that, Xander?!”

May galit sa mga mata niya habang pinupunasan ang kanyang mga labi na labis na namula sa halik. Galit ang sumiklab sa mga matang tila pusang mapanukso.

Muling sinubukang yakapin ni Xander ang babae ngunit sinampal siya nito.

“’Wag mo akong hawakan! Nakakadiri ka!”

Bahagyang tinapik ni Xander ang kanyang nasaktang kamay, saka dahan-dahang itinukod ang palad sa pader sa tabi ng tenga ni Margaret. Yumuko siya, pinapanaigan ng matinding emosyon habang nakatitig sa babaeng napapako sa dingding, saka ngumisi ng pilyo.

“Nakaka-diri ako?”

“Yes, bakit hindi ka ba madumi?” sarka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 65

    Pagkatapos ng mahabang panunuyo, sa huli ay hindi na nakatakas si Margaret kay Shaina. Sa huli, natulog silang magkatabi sa kama—parang bata kung yumakap si Shaina, na parang ayaw siyang pakawalan kahit saglit.Kinabukasan, hindi pa man nagigising nang husto si Margaret ay hinila na siya ni Shaina para mamili."Dalawang araw na lang, Pasko na. Since pareho naman tayong walang trabaho ngayon, magpahinga muna tayo, 'di ba? Hindi masamang mag-chill paminsan-minsan. 'Wag mong sabihing gusto mong mabulok na lang sa bahay kakatrabaho?" sabi ni Shaina habang inaabot ang coat niya.Napailing na lang si Margaret habang naka-upo sa café, hawak ang isang baso ng mainit na chocolate—hindi naman iyon ang gusto nya pero walang siyang choice."Ang sakit pa rin ng ulo ko... dapat sa bahay na lang ako. Tahimik. Walang istorbo." parinig ni Margaret.Pero umiling si Shaina. "Eh hindi naman kita kinukulit ng todo, hangin lang ang kailangan mo. Pampatanggal ng amag. Kung hindi lang sobrang ulan, dinala n

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 64

    Pagkarating nila Margaret at Shaina sa hotel suite na ni-reserve ni Anastasia, agad silang sinalubong ng malamig na ambiance. Nakaupo si Anastasia sa isang corner ng private dining room, halatang iritado at masama ang loob.Pero parang hindi ‘yun ininda ni Shaina. Sa kanyang usual na lively na ugali, agad siyang sumugod kay Anastasia at tinawag itong, “Auntie! Auntie! Miss na miss kita!”Dahil dati silang close noong panahon na madalas magkasama si Margaret at si Anastasia, parang hindi sila nagkahiwalay ng matagal kahit ilang taon na rin ang lumipas. At kahit bad trip si Anastasia, napangiti ito nang bahagya sa kakulitan ni Shaina.“Bakit naka-sombrero ka pa rin?” biglang tanong ni Anastasia kay Margaret, nang mapansin siyang nakasuot pa rin ng cap kahit nasa loob na at may heater pa.Nagkunwaring nagkakamot sa ilong si Margaret. “May konting sipon po ako, ayokong makahawa…”Sumabat si Shaina, “Oo nga po, Auntie, iba talaga dito sa Pilipinas, paiba iba ang panahon, minsan maulan, min

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 63

    Si Kin ng pamilyang Perez.Isa sa mga matalik na kaibigan ni Xander noong bata pa sila—kasama ni Matthew—at malapit din kay Cassandra.At oo, isa rin siya sa mga taong hindi gusto si Margaret.Hindi man siya tulad ni Matthew na lantaran kung mang-insulto, ramdam pa rin ni Margaret ang pagkasuklam nito sa kanya tuwing nagkakasalubong sila.Naalala niyang nakita rin niya ito sa private club noon, yung nagpunta siya para humingi ng tulong kay Xander tungkol sa kaso ni Shaina. Isa sa mga may-ari ng club na iyon si Kin.Pero anong ginagawa niya ngayon sa ospital?Nagulat din si Kin nang makita si Margaret. Napatingin ito sa puting benda sa noo niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatanggal.Napataas ang kilay nito."Unbelievable. You’ve gone as far as hurting yourself just to get Xander’s attention?"Napangiwi si Margaret. "Ha? Anong problema mo?"Lumapit pa ito sa kanya, may bahid ng pangungutya ang tono."Margaret, stop it already. You're not getting anything out of this. Xander has

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 62

    Tahimik na tahimik ang buong kwarto ng ospital. Walang kahit isang tunog maliban sa mabigat na paghinga ni Margaret. Nakayuko siya, nanginginig ang balikat, tila ba nahihirapang huminga. Ramdam niya ang init sa gilid ng kanyang mga mata at ang hapdi ng kanyang ilong.Ngayon lang niya napagtanto… Matagal na silang tapos. Hindi na ngayon, kundi noon pa.Ang isang relasyong nagsimula sa kasinungalingan, hinding-hindi magtatagal.Dapat noon pa lang, naintindihan na niya ‘yon.Ang divorce agreement na kanina’y itinapon lang ni Xander sa kanya ay dahan-dahang nahulog sa kanyang kamay. Napakabigat ng papel na iyon, na para bang dala-dala nito ang lahat ng sakit at kabiguan.Pinisil niya iyon nang mahigpit, halos umungol sa sakit."Oo nga, You never deserve it."Malamig ang boses ni Xander. Marahan niyang pinilas ang papel, nilamukos ito, at pinabayaan sa sahig na parang wala itong halaga.Muling itinaas ni Margaret ang tingin. Nakita niya ang titig ni Xander—malamig, walang emosyon, parang t

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 61

    Tahimik ang gabi sa loob ng hospital room ni Margaret, may bumabagabag sa kanya na hindi nya mawari kung ano. Pagkaalis ni Marie para kumuha ng nutritious meal sa malapit na hotel, agad-agad siyang bumunot ng cellphone na pinagka-tago tago nya pa sa loob ng kanyang hospital gown.Hindi siya nag-aksaya ng oras. Tinawagan niya ang isang kaibigan sa media—isang taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan, lalo na sa mga confidential Information.“Bebs,” aniya agad pag sagot sa kabilang linya. “I really need your help. Like now na." Sinadya niyang artehan ang boses. "Mag-iimbestiga ka lang ng isang tao para sa akin. Lalo na sa mga koneksyon niya, kung sino-sinong kasama niya nitong mga nakaraang araw. Ise-send ko 'yung pangalan nya mamaya.”Narinig niya ang reklamo ng binata sa kabilang linya. “Ate Marga naman, ilang araw na lang Christmas na. Tambak ang expose ko! Busy ako. Ang dami kong balitang ico-cover, idagdag mo pa yung countdown dito sa studio. Pass muna ako.”“Babayaran naman kita

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 60

    Simula nang magising si Rin, hindi na ito tumigil sa pag-iyak. Habang umiiyak, pinagsabihan at sinisigawan niya si Madrid. Pinagmumura niya ito sa panlilinlang at pang-aapi. Wala na nga ang ipinangakong pera, kinuhanan pa siya ng maraming dugo—na lubhang masama para sa bata. Kapag may nangyaring masama sa dinadala niya, kasalanan ni Xader ang lahat!Hindi alam ni Madrid na hindi talaga buntis si Rin. Hindi ito sinabi ni Xander sa kanya. Kaya’t habang pinapalo at pinagsisigawan siya, wala siyang nagawa kundi magpakumbaba at pilit na pakiusapan ito.“Promise, hahanap ako ng paraan,” wika niyang marahan.“Paraan? Anong paraan ang naiisip mong gawin? Nilait-lait ako ng pamilya Ramirez tapos ikaw, inutil ka!” galit na sigaw ni Rin habang hinahampas si Madrid.Nang maalala niya ang kahihiyang dinanas mula sa pamilya Ramirez, muling kumulo ang kanyang dugo. Ilang beses niya itong sinampal nang malakas.Pero bago pa siya makatawag ulit gamit ang kanyang cellphone, biglang nag-vibrate ito. Is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status