Share

Kabanata 62

last update Last Updated: 2025-06-03 19:32:45

Tahimik na tahimik ang buong kwarto ng ospital. Walang kahit isang tunog maliban sa mabigat na paghinga ni Margaret. Nakayuko siya, nanginginig ang balikat, tila ba nahihirapang huminga. Ramdam niya ang init sa gilid ng kanyang mga mata at ang hapdi ng kanyang ilong.

Ngayon lang niya napagtanto… Matagal na silang tapos. Hindi na ngayon, kundi noon pa.

Ang isang relasyong nagsimula sa kasinungalingan, hinding-hindi magtatagal.

Dapat noon pa lang, naintindihan na niya ‘yon.

Ang divorce agreement na kanina’y itinapon lang ni Xander sa kanya ay dahan-dahang nahulog sa kanyang kamay. Napakabigat ng papel na iyon, na para bang dala-dala nito ang lahat ng sakit at kabiguan.

Pinisil niya iyon nang mahigpit, halos umungol sa sakit.

"Oo nga, You never deserve it."

Malamig ang boses ni Xander. Marahan niyang pinilas ang papel, nilamukos ito, at pinabayaan sa sahig na parang wala itong halaga.

Muling itinaas ni Margaret ang tingin. Nakita niya ang titig ni Xander—malamig, walang emosyon, parang t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 70

    Sa isang tahimik na hapon sa kumbento, abala si Anastasia sa pakikipagkuwentuhan sa mga Pari at Madre habang humihigop ng mainit na tsaa. Payapa ang paligid, parang walang anumang problema sa mundo.Biglang dumating sina Margaret at Marie, at may pag-aalalang inaya si Anastasia palabas ng kumbento.“Uy, bakit ang aga niyo akong pinapauwi?” tanong ni Anastasia na halatang nagtataka. “Wala naman akong gagawin sa bahay!”“Paano mo po nasabing wala kang gagawin? Ang dami pa nating pupuntahan!” tugon ni Margaret, sabay hila sa kanya palabas ng simbahan.Pagkalabas nila sa labas, bumulong si Margaret, “Auntie, hindi lang dapat dito ka nagdarasal. Mas effective kung marami kang pinupuntahang simbahan.”Napaisip si Anastasia. May sense nga naman. Pero parang may mali?Samantala si Margaret at si Marie naman ang may pakana ng pag-aaya sa auntie niya. Kanina pa kasi sila paikot ikot sa simbahan at naiinip na sila. Isa pa, amoy kandila na yung utak nila dahil naka-ilang sindi na sila bawat stati

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 69

    Isinama ni Anastasia sina Margaret at Marie sa malaking simbahan upang magsindi ng kandila at magdasal.Tahimik si Margaret sa loob ng sasakyan habang paulit ulit na patingin-tingin sa kanyang cellphone. bukod sa mga pagbati mula sa mga kaibigan, wala siyang natanggap na ibang mensahe. Ni isang text o tawag mula kay Leo.Kanina pa siyang gising. Binati na niya ang kanyang tiyahin ng "Happy New Year," at tinawagan pa sa video call ang kanyang biyenan para kamustahin ito at batiin. Pero si Leo… wala. Kahit simpleng “Happy New Year,” wala."Siguro puyat kagabi. Baka hindi pa gising."Pinilit niyang kumbinsihin ang sarili, kahit ang totoo, masakit. Pero hindi na rin siya umaasa. Kaya't pinatay na niya ang screen ng cellphone at ipinasok sa bag.---Pagdating nila sa simbahan, Napaka-raming tao. Siksikan pero narating rin nila ang bandang altar. Mabuti na lang talaga at may mga kasama silang body guard at hindi na nila kinakailangang makipagsiksikan pa sa mga tao sa paligid. Halata kay Mar

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 68

    Papalapit na ang Bisperas ng Pasko.Plano sana ni Margaret na sa villa niya sa magdiwang kasama ang kanyang tiyahin, pero dahil kasalukuyan pa siyang nagpapagaling mula sa tinamong injury sa ulo at madalas siyang mapagod, hindi na niya itinuloy ang balak.Kaya sa halip, sa bahay na lang ng tiyahin siya nanatili. Doon na lang siya tumambay at nagpasarap sa pagkain, parang batang bisita na pinaglilingkuran.Buti na lang din at silang dalawang lang naman—ang tiyahin niyang si Anasta, at si Margaret. Simple lang ang handaan, pero ramdam pa rin ang init ng selebrasyon.Maagang gumising ang magtiyahin sa umaga ng Bisperas. Pagkatapos ikabit ang mga decorations sa mga pinto, kumain sila ng almusal habang nanonood ng TV, nagtsitsikahan, at nagmimiryenda ng prutas at tsitsiryang naihanda na kanina pa.Kinagabihan, dumating ang in-order nilang handang Christmas Eve dinner galing sa hotel. Pero dahil bihira nang mag-celebrate si Anastasia kasama ang pamilya, naging masaya ang mood niya at naglut

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 67

    Sa tahimik na lumang bahay ng pamilyang Ramirez, nakatayo si Margaret sa pintuan ng master bedroom. Halos hindi na niya kayang tumayo—pagod na ang katawan, basag ang loob. Dahan-dahan siyang sumandal sa malamig na pader at tinakpan ng isang kamay ang mga mata niya, pilit pinipigil ang pagpatak ng mga luha.Ang bawat hininga niya ay mabigat, parang may hinahabol, parang may iniinda. Sa loob ng ilang minuto, walang ibang tunog kundi ang malamlam niyang paghinga. Ilang saglit pa, bumuntong-hininga siya at muling lumakad papasok sa loob ng silid. Marahan niyang isinara ang pinto, at kasabay noon, ang katahimikan ay muling bumalot sa paligid.Lumapit siya sa kama kung saan naroroon ang isang babaeng nakabalot ng kumot—si Mama Imee. Kahit tila natutulog ito, may bakas ng takot at pagod sa mukha nito, parang isang batang nangungulila.Tahimik na naupo si Margaret sa gilid ng kama. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kamay ng matandang babae. Kahit natatakpan ng kumot, ramdam niya ang lamig—i

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 66

    Magkahawak ang kamay nina Margaret at Shaina habang naglalakad sa loob ng mall. May bitbit silang ilang bags na puro pagkain at laruan—mga bagay na hindi man kapaki-pakinabang, pero binili pa rin nila. Masaya silang naglibot, pero ngayon ay pareho na silang napagod.Umupo sila sa isang tahimik na bookstore. May hawak na mainit na inumin si Margaret habang si Shaina naman ay tila abala sa pagbubukas ng isang travel magazine.Tahimik muna silang dalawa. Ramdam ni Margaret ang kaunting ginhawa. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakapagpahinga, ilang beses na tumunog ang cellphone sa ibabaw ng mesa.Nang tiningnan niya, si Xander ang tumatawag.Nagbukas ang message, "Lumabas ka. Nagkasakit si Mama dahil sa'yo."Napakunot-noo si Margaret.Kanina lang ay tumawag ang biyenan niya. Medyo malungkot nga ito sa huling bahagi ng usapan nila, pero wala namang indikasyon na may sakit ito. Pero kung si Xander na mismo ang nagsabi—hindi ito nagsisinungaling pagdating sa ina niya.Agad na nagpaalam si

  • LOVED TOO LATE: THE COLD HUSBAND'S REGRET   Kabanata 65

    Pagkatapos ng mahabang panunuyo, sa huli ay hindi na nakatakas si Margaret kay Shaina. Sa huli, natulog silang magkatabi sa kama—parang bata kung yumakap si Shaina, na parang ayaw siyang pakawalan kahit saglit.Kinabukasan, hindi pa man nagigising nang husto si Margaret ay hinila na siya ni Shaina para mamili."Dalawang araw na lang, Pasko na. Since pareho naman tayong walang trabaho ngayon, magpahinga muna tayo, 'di ba? Hindi masamang mag-chill paminsan-minsan. 'Wag mong sabihing gusto mong mabulok na lang sa bahay kakatrabaho?" sabi ni Shaina habang inaabot ang coat niya.Napailing na lang si Margaret habang naka-upo sa café, hawak ang isang baso ng mainit na chocolate—hindi naman iyon ang gusto nya pero walang siyang choice."Ang sakit pa rin ng ulo ko... dapat sa bahay na lang ako. Tahimik. Walang istorbo." parinig ni Margaret.Pero umiling si Shaina. "Eh hindi naman kita kinukulit ng todo, hangin lang ang kailangan mo. Pampatanggal ng amag. Kung hindi lang sobrang ulan, dinala n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status