ログインHabang naglalakad sila ni Phern palabas ng function hall, biglang lumapit si Ethan, halatang nagmamadali at may bahid ng kaba sa mukha.“Lady Aria, we have a problem!”Napatigil siya. “What is it?”"There's a couple scheduled for the wedding tomorrow… they are here. The bride and groom’s family is furious. Apparently, their reservation for the ballroom was accidentally double-booked!”“What?” Nanlaki ang mga mata niya. “Double-booked? Paano nangyari ‘yon?”“I’m checking with the reservations team right now,” sagot ni Ethan habang hinid mapakali. “May isa pang client na corporate event ang na-confirm sa parehong oras at lugar. Both paid deposits.”Bigla siyang kinabahan. Isang malaking pagkakamali iyon! At unang araw pa lang niya sa hotel. Napatingin siya kay Phern na halatang kabado rin.“Okay,” mahinahon niyang sabi. “Papuntahin mo ang pamilya ng ikakasal sa opisina ko. I want to talk to them personally. We’ll fix this.”“Yes, Lady Aria,” sabay-sabay sagot ni Ethan at Phern bago mabi
Kinabukasan ay sa hotel nga siya nag-report. Suot niya ay ternong white blazer and squared pants. Crop top naman ang nasa loob niya kaya labas ang kanyang pusod kahit sa konting galaw niya. Sa wakas ay masusuot na niya ang mga pinamili niyang damit sa Lilly Rose noong mag-uumpisa na siyang magtrabaho sa opisina ni Ninong Clark. Feel na feel niya sana ang magtrabaho, pero pagdating sa opisina ni Ninong Clark, ang mga katrabaho niya ay palaging naka-pantalon at t-shirt na uniform lang. Nahiya siya kaya ‘yun na lang din ang sinuot niya. Nakakahiya naman kasi, baka sabihin nagmamataas siya. “Good morning, Lady Aria,” bati sa kanya ng kanilang front desk. Hindi pa niya kilala ang mga ito, pero siya, kilala ng lahat. “Good morning, Lovely,” bati niya pabalik sabay tingin sa name tag na nakaipit sa kaliwang bahagi ng uniform nito saka dumiretso na. Sinalubong siya ng kanyang secretary na si Phern. “Good morning, Lady Aria.” “Good morning, Phern. How’s everything here?” “Good, Lady Aria
Pagkalabas nila ni Ben sa distillery ay naramdaman niya agad ang lamig ng simoy ng hangin na dumampi sa kanyang mukha.“Naalala ko noong mga bata pa tayo, kung hindi doon sa bahay n’yo ay dito tayo naglalaro. May batis din kasi dito.”Napangiti siya sa sinabi ni Ben. “Oo nga, eh.” Nagulat siya nang hawakan siya nito sa bewang para alalayan sa paglakad. Medyo pababa kasi ang daan.“Ahm Ben, kaya ko na,” nahihiyang sabi niya.Agad naman nitong kinuha ang kamay sa bewang niya.Sa loob ng compound ng distillery nila ay may kainan. Doon kumakain at nagkakape ang mga tauhan nila. Doon na sila pumunta ni Ben.Pagpasok pa lang nila ay binati na agad siya ng kanilang mga tauhan.“You see the difference, Aria? Dito boss ka, pero doon sa Pilipinas, utusan ka lang ni Madison.”“H-hindi naman ako nagtatrabaho talaga doon. Pinakiusapan lang ako ni Ninong na tumulong. Parang training ground ko na din iyon.”“‘Yun nga ang masama. Di ka naman talaga nagtatrabaho doon pero ikaw ang napagbuntunan ng la
Nagdaan pa ang mga araw ay tuluyan na siyang gumaling. Nag-umpisa na din siyang magtrabaho sa kanilang kompanya. Meron silang tobacco and whisky company. Ang pamilya nila ang isa sa may pinakamalaking kompanya na nag-e-export ng Scottish whisky sa buong bansa.Kasalukuyan siyang nasa kanilang distillery, isa iyong pabrika kung saan isinasagawa ang pagproseso ng whisky nila.“Good morning, Lady Aria Blacksmith,” bati sa kanya ng katiwala nila sa distillery.“Good morning, Lewis.”Nilibot niya ang tingin sa paligid. Malapad ang kanilang lupain, sa gitna ay may burol at may malinaw na lawa na nagsisilbing pinagmumulan ng malinis na tubig para sa paggawa ng whisky.Ang building ay gawa sa lumang bato, isa pa iyong tradisyunal na disenyo na nagmula pa sa mga unang panahon. Dahil din sa malalaking puno ay madarama ang malamig na simoy ng hangin.“It’s good to be back...” sambit nya“Welcome back, Lady Aria.”“Thank you, Lewis.”Pumasok na siya sa kanyang opisina. Ang mga tauhan nila ay ngum
Lumipas pa ang ilang araw ay nakalabas na siya ng ospital.Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa kanilang bahay. Nakaupo siya sa veranda habang umiinom ng kanyang lemon tea. Nakatitig lang siya sa malayo, tanging berdeng malawak na lupain nila ang kanyang nakikita.Nang mamatay ang kanyang lolo at lola na mga magulang ng daddy James niya ay sila ang nagmana sa palasyo kung saan sila ngayon nakatira. Literal na palasyo iyon at nasa gitna sila ng malawak na lupain. Meron din silang batis kung saan doon sila naliligo ni Tyler noong mga bata pa sila.Masaya sana na nakauwi na siya sa kanilang bahay, pero hindi siya lubusang masaya dahil naiwan ang kanyang puso sa Pilipinas.Bago nangyari ang tangkang pagpatay nina Lucio at Madison sa kanya ay nakapag-usap pa sila ni Clarkson.They danced as if they were the only people inside that venue. Naalala pa niya kung paano siya tingnan ni Clarkson. Pero pilit niyang nilalabanan ang kanyang damdamin noong gabing iyon dahil galit siya kay Clarkson. Na
ARIA'S POV:Hindi niya alam kung ano ang nangyari, pero nang magising siya ay nasa ospital siya sa Manila at puno ng benda ang katawan.Tapos, nang sumunod siyang nagising ay nasa Scotland na siya. Hindi niya alam kung nanaginip lang siya dahil napakabilis ng pangyayari.Kasalukuyan siyang nasa ospital ng Scotland. Sigurado siya doon dahil Scottish ang nurse niya."You're already awake, Miss Blacksmith," nakangiting sabi nito."Where are my mom and dad?""They left for a while to talk to the doctor. Any minute, they will be here. Do you need anything?"Umiling siya... hindi nga siya nananaginip lang... nasa Scotland siya. Pero paano?Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang mommy at daddy niya."Anak, gising ka na pala... kamusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong ng mommy nya. Umupo ang mga ito sa tabi ng kanyang kama. Hinawakan ng daddy niya ang kanyang kamay."Mom, nasa Scotland ba tayo?""Yes, anak. Andito na tayo.""Pero bakit? Di ba nasa Pilipinas ako? Ano ang nangyari s







