MasukNagdaan pa ang mga araw at lalo pang naging masaya ang samahan nila ni Tyler. Sa bawat umaga at gabing magkasama sila, mas lalo niyang nararamdaman ang pag-aalaga nito sa kanya. Si Tiffany naman ay sinasadya niyang iwasan kahit iisa lamang ang bubong na kanilang tinitirhan. Ayaw niyang magkaroon ng gulo, kaya hangga’t maaari ay lumalayo siya rito. Mabuti na lang at hindi rin ito makasingit kay Tyler, dahil halos palagi silang magkasama. Kung may oras mang mawala si Tyler sa kanyang tabi, sandali lamang iyon at agad din itong bumabalik.Ngunit sa hapon na iyon, may hindi nila inaasahang bisita ang dumating sa mansion.May narinig siyang sasakyang huminto sa labas. Dahil sa pagtataka, mabilis siyang lumabas ng bahay. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang dalawang pamilyar na mukha.“Lola! Lolo!” masigla niyang sigaw habang mabilis na lumalapit sa mga ito.Hindi niya napigilan ang saya sa dibdib nang makita sina Lola Beth at Lolo Gregore. Matagal din niyang hindi nakita ang dalawa ka
Pagpasok nila sa kwarto ay agad siyang niyakap ni Tyler mula sa likod. Napahinto siya at hindi agad nakagalaw.“I missed you, love…” mahinang bulong nito sa kanyang tainga habang nilalanghap ang bango ng kanyang bagong ligo at marahang isinubsob ang mukha sa kanyang buhok.Kahit tutol siya sa plano nitong buntisin siya, pinaghandaan pa rin niya ang pagdating ni Tyler. Alam niyang hindi niya rin naman mapipigilan ang binata na angkinin siya. Kaya sa halip na tutulan pa, pinili na lang niyang namnamin ang bawat sandaling siya pa ang mahal nito. Hindi niya alam kung hanggang kailan iyon mananatili sa kanya. Ang mahalaga, umiinom na siya ng pills.Mula sa kanyang bewang ay dahan-dahang umakyat ang kamay ni Tyler, humawak sa kanyang dibdib at marahang minasahe iyon.“Hmmm… na-miss mo rin ba ako, love?” tanong nito, may bahid ng tampo sa tinig.Aminado siyang hindi siya vocal kay Tyler. Lagi siyang kinakain ng takot. Kaya sa halip na salita, sa kilos na lamang niya ipinapadama ang nararamda
“H-Huh? Hindi ah! Hindi ko iniisip ’yan!”Pagsisinungaling iyon. Ngunit mali rin ang pagkakaintindi ni Tyler sa naging reaksiyon niya. Ang akala nito’y umaasa siyang singsing ang laman ng kahon. Hindi nito alam na kabaligtaran ang totoo, ipinagdarasal pa nga niyang huwag sana iyong singsing.Marahang hinawakan ni Tyler ang kanyang mukha at itinuon iyon sa sariling mukha nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata, punong-puno ng lambing.“Don’t worry, love,” mahina ngunit matatag nitong sabi. “Next time, singsing na ang laman ng box na ’yan.”Napatigil siya. “A-Ano ka ba… hindi ko iniisip ’yan. Saka marami ka pang plano sa buhay. Kailangan mo pang tapusin ang trabaho mo.”Huminga nang malalim si Tyler. Bahagyang yumuko ang ulo nito bago muling tumingin sa kanya.“Kung puwede nga lang na hindi na ako aalis…”Sa simpleng linyang iyon, ramdam na ramdam niya ang lungkot sa tinig ni Tyler.“Kailan na ba ang alis n’yo? Okay na ba ang papeles ni Tiffany?”“Yeah, okay na. Sa susunod na linggo na ang
Lumipas pa ang mga araw at sa wakas ay araw na ng pag-uwi nina Tyler at Tiffany sa Pampanga. Kanina pa siya tinawagan ni Tyler upang sabihing nasa biyahe na sila. Simula nang marinig niya ang boses nito, halo-halong emosyon ang gumulo sa dibdib niya, matinding pananabik na makita muli ang nobyo, at kaba na hindi niya maipaliwanag.Sa bawat gabing hindi sila magkasama, palagi siyang pinapahiwatigan ni Tyler kung gaano siya nito nami-miss. Halos gabi-gabi ay tumatawag ito, minsan pa’y may kasamang lambing at pagbibiro.“Maghanda ka sa pagdating ko,” madalas nitong sabihin sa malambing ngunit mapanuksong tinig. “Pagdating ko, magkukulong tayo sa kwarto.”Sa tuwing naaalala niya iyon ay hindi niya maiwasang mapailing at mapangiti. Ngunit sa likod ng kilig, may kung anong bigat pa rin siyang dinadala sa dibdib.Kung ganoon kalaki ang pananabik ni Tyler sa kanya, ganoon naman kalaki ang pagkayamot niya kay Tiffany.Gabi-gabi na lamang ay nagsesend ito ng mga larawan nila ni Tyler na magkasa
Hindi na siya sumagot.Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin pa niyang umuwi agad sa Pampanga para makasama si Jolisa kaysa maglibot pa sa siyudad kasama si Tiffany.Habang tahimik silang kumakain, may isang tanong na biglang pumasok sa isip niya.“Habang nasa Sagada ka, Tif... wala ka bang naging nobyo doon?”Biglang natigilan si Tiffany. Para bang nabigla ito sa tanong niya.“B-bakit mo naman natanong ’yan, Ty...?”“Wala lang,” sagot niya habang nakatingin dito ng diretso. “Matagal ka ring nanirahan doon. Sa ganda mong ’yan, imposibleng walang nanligaw sa’yo.”Unti-unting ngumiti si Tiffany, at tila nabuhay ang pag-asa sa mga mata nito.“Maganda ba ako, Ty? Hanggang ngayon... nagagandahan ka pa rin ba sa akin?”Bahagya niyang pinigilan ang sariling mapataas ang kilay. Maganda naman talaga si Tiffany. Kaya nga minahal niya ito noon.Pero wala nang malisya ang tanong niya ngayon. Isa na lamang iyong simpleng usisang nagmula sa curiosity.“Well... may mga nanligaw naman sa akin,” sa
TYLER'S POV:Napatingin siya sa kanyang cellphone. Pinatayan ba siya ng telepono ni Jolisa? Kasasabi pa lamang niya ng I love you, ngunit hindi man lang ito nagsabing 'I love you too?' Sa halip, bigla na lamang naputol ang tawag.Aksidente lang ba iyong pagkamatay ng linya, o sadyang ibinaba talaga ni Jolisa ang tawag?Huminga siya nang malalim at mariing ipinikit ang mga mata. Sabagay, hindi naman talaga sanay si Jolisa na sagutin ang bawat pag-amin niya. Ilang beses na niyang sinabi rito ang salitang iyon, ngunit ni minsan ay hindi siya nakarinig ng kapalit.Para bang may kung anong pumipigil sa dalaga na takot at pag-aalinlangan.Paano nga ba ito magsasabing mahal siya kung hindi pa siya tunay na mahal?Ngunit ganoon nga ba talaga? Kung wala itong nararamdaman, bakit iba ang kilos nito sa kanya? Bakit sa bawat tingin, sa bawat pag-aalala, at sa bawat simpleng pag-aasikaso ay tila may init na hindi maitatanggi? Siguro naman, kahit kaunti… kahit katiting lang… ay may puwang siya sa p
Nang matapos na niyang maisukat ang dalawang suit ay mas nagustuhan niya ang puting kulay kesa sa itim. Bagay iyon sa damit ni Aria dahil nakaputi din ito... terno sila.“I’ll get this one, Ate... please charge to my credit card.”Lumabas na si Ate Precious para makapagbihis siya ng maayos. Paglaba
MADISON'S POV:Napapangiti siya habang kinakain ang mga pagkain na mga inorder ni Clarkson para sa kanya. Ramen lang ang request niya pero meron pang mga sushi, tempura, and rice with tonkatsu. Alam ni Clarkson na paborito niya ang Japanese food.Mukhang nag-aalala na ito para sa kanya at sa kanyan
CLARKSON’S POV: “Fuck!” sigaw niya sa utak habang naghihintay sa doctor. Nasa loob ito kasama si Madison. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang sumakit ang tiyan nito. Madami pa siyang gustong itanong at sabihin kay Madison pero hindi na niya nagawa nang nagreklamo itong sumakit ang tiyan. Aya
Habang pinagtimpla niya si Clarkson ng kape, hindi niya alam kung bakit nanginginig ang mga kamay niya. Di kaya dahil guilty siya? Parang ngayon niya lang narealize... Di kaya may nalalaman na ito kaya bigla itong sumulpot? Kinalma niya ang kanyang sarili bago bumalik kay Clarkson.Dahan-dahan siya







