LOGINAgad niya itong hinawakan sa kamay. "Hayaan mo na, love. Hindi ko naman iyon isusuot kahit pa iyon ang pinagawa niya."Napatingin naman ito sa kanya. Bahagya siyang ngumiti."Baka sobrang busy lang siya at siningit niya lang itong birthday ko sa schedule niya kaya hindi niya masyadong natutukan."Alam niyang mahina ang depensang iyon. Maging siya ay hindi lubos na naniniwala sa sariling dahilan. Ngunit ayaw niyang lumaki pa ang gulo. Ayaw rin niyang mawalan ng trabaho si Raquel dahil lamang sa isang damit.Kahit papaano ay matagal na rin itong nagtatrabaho para sa pamilya nina Tyler. Kung malalaman ni Tyler o ni Lola Beth ang ginawa nito, siguradong hindi iyon matatapos sa simpleng pagsesermon lamang.Ngunit tila hindi kumbinsido si Tyler. "Busy?" Napailing ito. "Jolie, birthday mo ito. Hindi ito ordinaryong event. At kahit gaano pa siya ka-busy, hindi niya dapat pinabayaan ang bagay na siya mismo ang nangakong aasikasuhin."Bahagya nitong pinisil ang kanyang kamay. Natahimik siya, da
Pagdating nila sa boutique sa loob ng mall ay naroon na si Raquel, nakasimangot at nakahalukipkip habang nakatayo sa may entrada. Halatang kanina pa ito naghihintay dahil bakas sa mukha nito ang pagkainip.Ngunit nang makita sila, lalo na nang mapansin nitong kasama niya si Tyler, agad nagbago ang ekspresyon nito."Hi, Tyler!" masiglang bati nito bago lumapit at magbeso kay Tyler.Nakipagbeso din ito sa kanya, ngunit halatang napilitan lang. Hindi man nito direktang ipinapakita, ramdam niya ang malamig na pakikitungo nito."I didn't know na sasama ka pa kay Jolie," sabi ni Raquel habang nakangiti kay Tyler. "Hindi ka na sana nag-abala. Andito naman ako to assist Miss Jolie.""It's okay, Raquel. Kasama talaga ako ni Jolie kahit saan siya pupunta." Kasabay ng sinabi ni Tyler ay mahigpit nitong hinawakan ang kanyang kamay "Saan na ang damit na isusukat niya?""Huh? Ah... andito sa loob. Kanina pa naghihintay ang stylist sa atin."Agad silang pinangunahan ni Raquel papasok. Ngunit pagpas
JOLIE'S POV:Kasalukuyan siyang nagluluto ng almusal nilang dalawa ni Tyler nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone na nakapatong sa kitchen counter.Agad siyang napasimangot nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Raquel.Simula nang makilala niya ito sa Miller Hotel ay hindi na sila muling nagkaroon ng maayos na pag-uusap. At ngayon, ito na naman ang tumatawag.Hindi na niya kailangang hulaan pa kung bakit. Siguradong tungkol iyon sa nalalapit niyang birthday party. Ngunit sa halip na ma-excite, kabaligtaran ang kanyang naramdaman. Pakiramdam niya ay sasakit na naman ang kanyang ulo.Balak sana niyang balewalain ang tawag nito, ngunit agad niyang naisip si Lola Beth. Kapag hindi niya sinagot ang tawag, siguradong magsusumbong si Raquel sa matanda. At kapag nagtanong si Lola Beth kung bakit hindi sila magkasundo, alam niyang hindi siya titigilan nito hangga't hindi niya naikukuwento ang lahat.Ayaw niyang mag-alala pa ang matanda, marami na itong iniisip at pinagdaraana
QUEENIE'S POV:Lumipas ang mga araw at unti-unti ring humupa ang kaba sa kanyang dibdib.Ang kinatatakutan niyang mangyari... na may magpadala ng mga larawan sa kanyang ama o kaya naman ay may biglang lumantad tungkol sa nangyari noong gabing iyon... ay hindi naman nangyari.Dahil doon ay nakahinga siya nang maluwag. Marahil ay isa lang talaga iyong kalokohan ng kung sinumang nakakita sa kanila noon. Posible ring isa sa mga kaibigan nila na nagpasya lang na paglaruan siya.Ang lalaking nakasama niya sa kuwarto noong gabing iyon ay hindi na rin muling nagpakita. Nag-imbestiga pa nga siya nang palihim. Nakipag-ugnayan siya sa manager ng gay bar na dati niyang kinokontak tuwing naghahanap siya ng mga lalaking maaaring i-hire para sa iba't ibang okasyon. Inilarawan niya rito ang hitsura ng lalaking hinahanap, ngunit paulit-ulit na umiling ang manager. Wala raw itong kilalang taong tumutugma sa kanyang deskripsyon.Doon niya tuluyang kinumbinsi ang sarili. Baka nga mataas lang talaga amats
Hindi niya napigilang ngumiti. Ngunit bahagya lamang. Isang pilit at tipid na ngiti, dahil sa kabila ng mga salitang iyon, hindi pa rin lubusang nawala ang bigat na nararamdaman niya.Napansin ni Tyler ang kanyang pananahimik. "Hey... May problema ba?" Marahan nitong hinaplos ang likod ng kanyang kamay.Saglit siyang natigilan. Gusto niyang sabihin ang lahat, gusto niyang ikuwento kung paano siya nilait-lait ni Raquel, kung paano nito ipinamukha na hindi siya karapat-dapat para kay Tyler, kung paano nito paulit-ulit na ipinaramdam na wala siyang halaga.Ngunit nang maisip niya si Lola Beth, agad siyang nagdalawang-isip. Sigurado siyang magkakagulo kapag nalaman ito ni Tyler, at mas siguradong masasaktan si Lola Beth. Napakalaki ng tiwala ng matanda kay Raquel, ayaw niyang maging dahilan ng panibagong problema... kaya pinili niyang manahimik."Wala naman." Umiling siya at pinilit ngumiti. "Napapagod lang siguro ako.""Don't worry mamasahein kita mamaya pagdating sa condo. Napagod ka at
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Tyler. Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Raquel. Parang isang iglap lang ay nawala ang malamig at mapanlait nitong anyo at napalitan ng napakabait at propesyonal na ngiti.Kung hindi pa niya nakita kung paano ito umasta kanina, malamang ay mapapaniwala rin siyang mabait talaga ang babae."Are you done, guys?""Yes, Tyler. We're done." Si Raquel agad ang sumagot."Madali naman kausap si Miss Jolie. Ang gusto niya ay simple lang daw at ayaw niya ng masyadong maraming arte sa birthday party niya."Ngumiti si Tyler. "Yeah. Ganyan nga palagi ang sinasabi niya."Napatingin si Jolie kay Raquel. Wala naman silang napag-usapan. Sa katunayan, puro pang-iinsulto lang ang ginawa nito sa kanya mula nang umalis si Tyler. Pero ngayon ay para bang matagal silang nagkaroon ng maayos na pag-uusap."Pero ayoko ng simple lang, Raquel," sabi ni Tyler. "I want the best for her. Dapat bongga ang party niya. Iyon din ang gusto nina Lola para sa kanya.""Per
Ang plano nilang puntahan si Madison sa ospital ay hindi nangyari. Mataas na tao sa lipunan si Lucio kaya maraming press agad ang dumating at gustong mag-interview sa kanila. Dumating na rin ang mommy at daddy niya... kasalukuyang iniinterview ito ngayon.“Gov., ano ang masasabi niyo sa pagkakahuli
Pagdating sa labas ng condo ni Madison ay tinigil niya ang kotse.“Lumabas ka na, Madison.”“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa loob? Akala ko ba magpapahinga ka pa?”“Pagod na ako. Sa bahay na ako magpapahinga.”“Baka naman nagmamadali ka lang makauwi dahil nandoon na si Aria.”“Say bad things a
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa
Habang naglalakad sila ni Phern palabas ng function hall, biglang lumapit si Ethan, halatang nagmamadali at may bahid ng kaba sa mukha.“Lady Aria, we have a problem!”Napatigil siya. “What is it?”"There's a couple scheduled for the wedding tomorrow… they are here. The bride and groom’s family is







