Share

CHAPTER 1321

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-02-24 23:43:52

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may marahang paggalaw. Bahagyang nagmulat ng mata si Jolisa, tila nasa pagitan pa ng panaginip at realidad.

“Tyler…” mahina nitong bulong.

Agad siyang napatingin dito.

“Nandito lang ako,” mahina niyang sagot.

Sandaling tumingin ang dalaga sa kanya, parang tinitiyak kung totoo siya. Pagkatapos ay muling pumikit, ngunit bago iyon ay marahan nitong hinawakan ang laylayan ng shirt niya... parang ayaw siyang pakawalan.

May kung anong kumirot sa dibdib niya. He f
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Michelle Marcelino
Mahal na nga nya c jolisa
goodnovel comment avatar
Honeybee
Update please next episode pls update update nman author please .........
goodnovel comment avatar
Athens Athena
update plss
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1466

    “Alright, guys,” nakangiting sabi ni Coach. “Before we start, magpakilala muna kayo isa-isa.”Walang pag-aalinlangang unang tumayo si Queenie. Confident nitong ipinakilala ang sarili pati ang pamilya nito. Halatang sanay na sanay itong maging center of attention.Sunod-sunod ding nagpakilala ang iba. Halos lahat ay may koneksyon sa politika, negosyo, o showbiz. Lahat galing sa mayayamang pamilya. Lahat may pangalan...Siya na lang ang natira.“Jolie, your turn.”Dahan-dahan siyang tumayo. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay muling nagtawanan ang apat na babae.“Girls, don’t be a bitch…” biglang sita ng isa sa mga lalaki. Narinig niya kanina, Xandro ang pangalan nito.“Kanina pa namin napapansin na pinagtatawanan n’yo si Jolie,” dagdag nito.“Xandro, mind your own business!” iritableng sabi ni Queenie.Umismid lang ang lalaki bago sumandal sa upuan.“Continue, Jolie,” sabi ni Coach Kitty.Mahina siyang tumango bago nagpakilala. Pangalan niya lang at kung saan siya nakatira ang sinabi n

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1465

    JOLISA’S POV:Start na ng workshop niya.Maaga siyang sinundo ni Mama Jess sa condo para ihatid sa training studio kung saan gaganapin ang acting at personality workshop nila. Buong biyahe pa lang ay halos hindi na siya mapakali. Paulit-ulit niyang inaayos ang laylayan ng suot niyang blouse habang tahimik na nakatingin sa bintana ng sasakyan.Hindi niya alam kung bakit sobrang kabado siya. Siguro dahil alam niyang ibang mundo na naman ang papasukin niya.Pagdating nila sa building ay lalo siyang nanliit. Halos puro mamahaling sasakyan ang nakaparada sa labas. Mukhang sosyal at elegante rin ang mga taong pumapasok at lumalabas roon.Huminga muna siya nang malalim bago sumunod kay Mama Jess papasok. Pagbukas pa lang ng pinto ng workshop room ay agad niyang nakita ang mga nauna nang dumating.Apat na babae... mga mestiza, mahahaba ang buhok, makikinis ang balat at halatang branded pati simpleng damit na suot. Mga matatangkad at mukhang sanay na sanay sa camera. Parang mga beauty queen an

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1464

    TYLER’S POV:Samantala, sa kabilang panig ng mundo…Kakauwi pa lang nila ni Tiffany sa hotel na kanilang tinutuluyan matapos ang buong araw na sunod-sunod ang kanilang schedule. Halos madaling-araw na roon kaya agad na nagtungo si Tiffany sa banyo upang maghilamos habang siya naman ay pabagsak na naupo sa kama.Bahagya niyang niluwagan ang kuwelyo ng suot na polo at napabuntong-hininga. Pagod ang buong katawan niya, pero kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Kaya naman, walang gana niyang dinampot ang cellphone at nagsimulang mag-scroll sa social media.Ilang sandali pa ay natigilan siya... Isang post mula kay Daniel Devera ang lumitaw sa kanyang newsfeed.Magkaibigan sila nito sa social media dahil minsan na rin silang nagkasama sa isang project noon, isang malaking campaign para sa pagpo-promote ng sikat na underwear brand sa Pilipinas. Hindi man sila sobrang close, civil naman sila sa isa’t isa.Ngunit ang simpleng post na iyon ang tila

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1463

    Pagkatapos mamili, umakyat na siya muli sa unit. Pagpasok pa lang niya, agad niyang narinig ang paulit-ulit na tunog ng ringtone. Nanlaki ang mata niya. Naiwan pala niya ang cellphone.Mabilis niyang inilapag ang mga pinamili sa mesa at dinampot ang telepono.“Hello?”“Hello, Jolisa…”Boses ni Daniel ang sumagot sa kabilang linya.“Kamusta ka na?” tanong nito. “Sabi ni Mama Jess, nasa condo ka na raw.”“Yeah, andito na ako,” sagot niya. “Thanks kay Mama Jess… pinahiram niya sa akin ang condo niya.”“It’s my con---”Biglang natigil si Daniel sa pagsasalita.Nakunot ang noo niya. “Huh?”“Ah… wala,” mabilis nitong bawi. “I’m glad okay ka na diyan.”Bahagya siyang nagtaka, pero hindi na niya iyon pinansin.“Kailan daw ang workshop mo?” tanong nito.“Aasikasuhin pa niya. Tatawag na lang daw siya, tapos susunduin ako dito.”“Hmm… that’s good to hear.”Sandaling natahimik ang dalawa, hanggang sa marahan siyang nagsalita. “Thank you nga pala, Daniel…”“Sa’n?” tanong nito.Napahinga siya nang

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1462

    Matiwasay ang naging pag-alis niya sa rancho, lalo na’t buong puso siyang sinuportahan nina Lola Beth at Lolo Gregore. Hindi naging mahirap ang desisyon dahil alam niyang may mga taong naniniwala sa kanya. Ngayon, nasa Maynila na sila, malayo sa tahimik na buhay sa probinsya, ngunit puno ng bagong pag-asa at oportunidad.Kasalukuyan silang nasa condo ni Mama Jess. Si Daniel naman ay umuwi na sa sarili nitong condo at hindi na sumama sa kanila, kaya silang dalawa na lang ni Mama Jess ang magkasama.Ngayon, magkatabi silang nakaupo sa sofa, parehong nagpapahinga matapos ang mahabang biyahe. Tahimik silang pareho “Jolisa,” tawag ni Mama Jess habang nakasandal sa likuran ng sofa, “dito ka muna titira sa condo ko, ha. Hindi ko na rin naman ito masyadong ginagamit, kaya ikaw muna ang bahala dito.”Napalingon siya rito, bahagyang nagulat. “Ha? Talaga po, Mama Jess? Pero… wala po akong pambayad sa renta!”Ngumiti si Mama Jess at bahagyang tumawa. “Don’t worry about the rent. Bayaran mo na la

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1461

    Pagkatapos nilang mag-usap ni Tyler ay parang may bagong pag-asang nabuhay sa kanyang dibdib. Agad siyang lumabas ng kwarto at pumunta kay Lola Beth.Sa sofa na ang dalawang matanda at nag-uusap.“Iha… akala ko ba magpapahinga ka na?” tanong nito nang makita siya.“Lolo, Lola, may sasabihin sana ako sa inyo.”Ngumiti ang mga ito at inaya siyang umupo sa tabi nila.“Ano ’yun, iha?” tanong ni Lolo Gregore.“Lolo, Lola… magpapaalam sana ako na aalis dito pansamantala.”“Saan ka naman pupunta?” nagtatakang tanong ng mga itoYumuko siya. Nahihiya siyang magsabi pero ito na ang pagkakataon.“Kailangan ko din magtrabaho para sa sarili ko, Lola.”“Bakit ka pa magtatrabaho? We can give all you want.”“Pero hindi n’yo po ako totoong apo. Ano na lang ang sasabihin ng mga apo n’yo na totoo?”“Hindi sila ganoon at hindi naman kami nagkulang sa kanila. I’m sure they will be happy too kapag nalaman nila na nasa poder ka namin.”Umiling siya. “Pero hindi po ako ganoong tao, Lolo, Lola. Bata pa lang a

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1242

    VICKY’S POV:Lihim siyang napangiti nang pumayag si Clarkson sa mungkahi niyang doon na lang siya matulog sa mansyon. Plinano nya talaga iyon. Wala naman talaga siya convention sa Manila, sinabi nya lang para kapani-paniwala. Sa wakas, unti-unti nang gumagana ang plano niya.Ang hindi alam ni Clar

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1287

    Habang natutulog ay nakaramdam siya ng may humahalik sa kanyang pisngi at balikat.“Ahhhmmm,” ungol niya.“Hindi ka magtatagumpay sa pinaplano mo…”Bigla siyang napamulat ng mata. Pati ba naman sa panaginip ay andoon pa rin si Tyler.Pero nagulat siya nang biglang may humawak sa kanyang dalawang ka

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1233

    Napatingin siya kay Clarkson na ngayon ay lumuluha na rin.“Are you crying?” biro niya.“Ah no… napuwing lang ako,” sambit nito sabay punas nang mabilis sa mga mata.“No… you’re crying!” asar niya.“And so are you, babe…” balik nito sa kanya. Iyak-tawa silang dalawa.Tiningnan niya ang singsing na

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1252

    CLARKSON'S POV:Isang linggo na siya sa Iloilo pero hindi pa din sila nakapag-usap ni Aria. Hindi naman niya matanong ang kanyang mga magulang dahil kasalukuyang nasa London ang mga ito at nagbabakasyon.Sinulit masyado ng kanilang mga magulang ang time na magkakasama. Matatandaang matagal na walan

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-04
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status