Share

CHAPTER 1378

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-03-28 23:07:36
Dahan-dahan niyang ipinikit ang mga mata habang yakap siya ni Tyler. Ngunit sa halip na guminhawa ang pakiramdam niya, mas lalo lamang bumigat ang dibdib niya. Parang may mabigat na batong unti-unting dumidiin sa kanyang puso.

Hindi dahil sa nangyari kay Mayor… kundi dahil sa katotohanang siya lang ang nakakaalam kung gaano kapanganib ang babaeng nakatayo sa harapan nila.

“Let’s eat first,” masiglang sabi ni Tyler habang inaabot ang mga pagkaing binili nito. “Kailangan niyo ng lakas.”

Tumango si
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1474

    Bago tuluyang bumaba ng stage si Daniel, muli pa itong lumingon sa kanya, at kinindatan siya. Tuluyan na siyang namula sa hiya.Lagot ka talaga sa akin mamaya!... inis na sambit niya sa isip.Pagkatapos noon ay ipinagpatuloy ng interviewer ang pagtatanong sa iba pa niyang kasama. Ngunit kapansin-pansin, hindi na ganoon kainit ang reaksyon ng audience. Hindi na ganoon ka-interesado ang mga tao, dahil malinaw na may isang pangalan lang na tumatak ngayong gabi... at iyon ay siya at si Daniel.Pagkatapos ng launching ay halos hindi na siya makaalis sa dami ng gustong magpapicture sa kanya.Sunod-sunod ang paglapit ng mga tao, media, staff, ilang executives, at maging mga fans ni Daniel na tila agad siyang tinanggap dahil sa naging eksena nila kanina sa stage.“Miss Jolie, one picture please!”“Ma’am, dito naman po!”“Jolie! Smile!”Pilit siyang ngumiti kahit nahihiya. Sa gilid ay nakita niyang nagpapapicture rin ang mga boys na kasama nila sa launch. Masaya ang mga ito at mukhang nae-enjo

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1473

    Nakita niyang nagkatinginan ang mga kasamahan niya nang umakyat siya sa entablado. May mga matang tila nagtataka, may naiinggit, at mayroon ding halatang hindi natutuwa sa naging reaksyon ng audience para sa kanya.Pero hindi na niya iyon pinansin. Wala siyang oras para intindihin ang mga ito dahil sa sobrang kaba ay halos hindi na siya makahinga nang maayos. Pakiramdam niya’y anumang oras ay bibigay ang tuhod niya.Dahan-dahan siyang naupo sa bakanteng upuan sa gitna ng mga bagong artists habang pilit pinapakalma ang sarili. Isa-isang tinanong ng host ang bawat isa sa kanila.Halatang sanay na sa spotlight sina Queenie, Heather, Diane at Megan. Kumpiyansa ang mga sagot ng mga ito, palangiti, at halos hindi kinakabahan kahit sandamakmak na media ang nasa harapan nila.Paminsan-minsan ay may nagtatawanan pa sa audience dahil sa mga pabibong sagot ng iba.“This question is for Jolie.”Bigla siyang natigilan nang marinig ang pangalan niya. Parang may humigpit agad sa dibdib niya.Dahan-d

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1472

    AFTER 3 MONTHS…“Jolie, be ready. Ngayon na ang araw ng launch mo.” masayang sabi ni Mama Jess habang inaayos ang laylayan ng damit niya. “Huwag kang kabahan, ha? Just be yourself.”Napakagat-labi si Jolie habang nakatitig sa sarili sa malaking salamin sa loob ng hotel suite.“Natatakot ako, Mama Jess…” mahina niyang amin.Agad siyang hinawakan nito sa balikat at ngumiti nang nakapagpapalubag-loob.“Don’t worry. They will love you.”Huminga siya nang malalim.Kasalukuyan silang nasa isang mamahaling hotel sa Maynila kung saan ginaganap ang grand artist launch ng bagong batch ng mga artista ng isang sikat na TV network. Abala sa paligid, may mga stylist na paikot-ikot, makeup artists na nagmamadali, photographers na sumusubok ng ilaw, at staff na walang tigil sa pag-uutos.Sa loob ng tatlong buwan, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-training. Singing workshop, dance rehearsal, acting lessons.Ilang beses siyang napagod, umiyak nang palihim, at muntik nang sumuko. Ngunit tiniis niya

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1471

    Mariin niyang kinuyom ang kamao habang pilit nilulunok ang matinding selos na sumisiklab sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang mas nangingibabaw... galit, takot, o pagkabigo.Bakit ganoon? Parang napakadali lang siyang palitan?“Iho? Are you still there?”Napakurap siya. “Lola…” mahina niyang tugon. Ngayon lang niya tuluyang naramdaman ang bigat ng lahat. “I’m scared.”“Bakit naman, apo?”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone. “B-baka mawala si Jolisa sa akin…” halos pabulong niyang sabi, garalgal ang boses.Sandaling natahimik si Lola Beth bago ito marahang nagsalita. “Apo… kung kilala mo si Jolisa at nagtitiwala ka sa kanya, hindi mo dapat nararamdaman ’yan.”“I trust her…” bulong niya habang napapikit. Parang may kamay na sumasakal sa kanyang lalamunan. “But… I don’t trust Daniel.”Marahang natawa si Lola Beth. “Tyler… let her live her life!”Tahimik siya matapos marinig ang sinabi ng kanyang lola.... Let her live her life.Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip niya haban

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1470

    TYLER'S POV:Tahimik lang na nakatitig si Tyler sa cellphone niya, mahigpit ang pagkakahawak sa aparatong tila ilang araw nang naging dahilan ng kanyang frustration.Muli niyang pinindot ang pangalan ni Jolisa...Calling…Ilang segundo ang lumipas bago muling tumunog ang automated voice message.... "The number you are trying to call is out of service…"Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka napamura sa ilalim ng hininga. Isang bwan na... Isang buong buwan na wala silang komunikasyon ni Jolisa.Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla na lamang itong nawala na parang bula. Hindi na sumasagot sa messages, hindi matawagan, pati ang mga social media nito ay deactivated na rin. Tila kusang pinutol ang lahat ng koneksyon sa kanya.Napabuntong-hininga siya habang pinapatong ang ulo sa sandalan ng sofa. Aaminin niyang kasalanan din niya. Pagkatapos niyang umalis ng bansa, halos hindi siya nakipag-communicate kay Jolisa. Gusto niya itong bigyan ng oras at space para makapag-isip. Akala niya, m

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1469

    Pagkasakay niya sa kotse ay agad niyang napansin ang isang napakalaking bouquet ng bulaklak sa backseat. Halos mapuno nito ang kalahati ng likurang upuan dahil sa laki. Imposibleng hindi iyon mapansin.Lihim siyang napabuntong-hininga. Pakiramdam niya ay alam na niya kung para kanino iyon kahit hindi pa nagsasalita si Daniel.Ilang segundo pa ay sumakay na rin ito sa driver’s seat. Ngunit nang mapansin nitong nakatingin siya sa bouquet ay tila bigla itong nailang.“Para pala sa’yo ’yan,” nahihiyang sabi nito habang umiiwas ng tingin. “Nadaanan ko lang kasi ’yung batang nagbebenta sa labas… naawa naman ako.”Napapikit siya sandali bago marahang napailing. “Daniel…” mahina ngunit seryoso niyang putol. “Ginamit mo na ’yang alibi na ’yan kagabi.”Napakamot ito sa ulo saka napatawa nang pilit. “Ganun ba? Buking na pala ako.”“Daniel…” muli niyang sabi. Ngayon ay tuluyan na siyang humarap dito. Ayaw na niyang paligoy-ligoy pa.“Alam mo namang kakabreak lang namin ni Tyler, ’di ba?”Natahimi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 867

    Tahimik lang sila sa kotse habang nagba-biyahe, ihahatid na siya ni Finn sa bahay nila kahit wala pang alas dose."Galit ka ba, Finn?" putol niya sa katahimikan. "H-hindi... bakit ako magagalit?" sagot nito pero halatang may tampo ito sa kanya "Salamat nga pala sa pagdala mo sa akin sa birthday n

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 885

    Nagsimula na silang mag-practice. Nakita niya si Precious na umupo sa bench. Madami din itong mga kasama na nakikinood ng practice. Nilapitan ito nina Shelie at pinansin. Nagiging magkaibigan na din ang mga ito simula noong nangyari kina Shelie at Lilly. Nakapagpatawaran na ang lahat at nakapag-mov

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 857

    LILLY'S POV:Nakatitig lang siya sa papalayong kotse ni Finn… hinalikan na naman siya nito. Kahit pa smack lang iyon ay hindi pa rin siya komportable. Pinapanindigan talaga nito ang pagiging mag-nobyo nila. Ayaw man niyang aminin pero may kilig siyang nararamdaman. Hindi niya akalaing sweet pala s

    last updateLast Updated : 2026-03-29
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 853

    Finn did not stop kissing her. Hindi lang iyon basta kiss. In fact, ginagalaw pa nito ang labi. Hindi siya marunong kaya parang tuod lang siyang naningas doon."Ggrrr!"Narinig niyang inis na sabi ni Shelie saka nagmartsa palayo sa kanila kasama ng mga alipores nito.Nang makaalis na ang mga ito ay

    last updateLast Updated : 2026-03-29
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status