Share

CHAPTER 1422

Author: dyowanabi
last update publish date: 2026-04-18 19:21:53
JOLISA’S POV:

Napamulat siya nang tamaan ng liwanag ang kanyang mga mata. Bahagya siyang napangiwi at napatakip sa mukha. Diretso nang sumisilip ang sikat ng araw sa silid. Nakabukas pala ang kurtina at hindi na niya iyon naisara kagabi.

Napatingin siya sa wall clock. Alas-siyete na ng umaga. Ngunit hindi pa rin dumarating si Tyler. Alam niyang wala pa ito dahil halos hindi rin siya nakatulog buong gabi sa kakahintay. Sa katunayan, mabigat ang kanyang ulo ngayon at tila may pumipintig na sakit s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
naawa ako kay jolisa ang lamig mo Tyler sa kanya
goodnovel comment avatar
rhea duenas
Si tyler parang gago,pag bembang ang lambing ky jolisa,pag normal lagi nakasinghal..Dka pa din ba magigising Jolisa,magdesisyon ka nmn ng srili mo,ginagawa ka ng tanga jan..hehehe
goodnovel comment avatar
Aiza Gap
hold your breath jolisa ..mag isip kana ng maayos at magdesisyon ..buti hindi mo pa nasasabi kay tyler tunay mong nararamdaman sakanya ...may porpose pala ang hindi mo pag amin kay tyler
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1577

    Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ni Tyler. Unti-unting nanghina ang kanyang mga tuhod. Muling bumalik sa kanyang isip ang mga pangyayaring muntik nang ikapahamak ni Jolie noon.Hindi... hindi maaaring mangyari iyon muli! Mariin niyang kinuyom ang kanyang mga kamao."Close all the entrances and exits. I-lock down ninyo ang buong building. Isa-isahin ninyo ang bawat kuwarto.""Sir, kahit occupied po?""I don't care!" sigaw niya, dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat. "Okupado man o hindi, buksan ninyo lahat! Search every single room!" Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Hanapin ninyo si Jolie. Now!"Muli na namang nagsipaghiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan."Mr. Blacksmith..." Muling lumapit ang host ng programa. Halata na rin ang pag-aalala sa mukha nito. "Wala pa rin po ba si Miss Jolie? Naghihintay na po ang mga bisita. Kanina pa nila hinihintay ang celebrant."Ngunit hindi na siya nakasagot. Paano siya makakasagot kung maging siya ay hind

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1576

    "Hindi naman siya gano'n kaespesyal! Is she good in bed?" mapait itong natawa. "I can be good in bed too! I'll do everything to make you happy, Tyler. Mahalin mo lang ako... ako na lang!"Halos sabay-sabay napasinghap ang mga taong nakarinig. Maging sina Lola Beth at Lolo Gregore ay hindi makapaniwalang ganoon kababa ang kaya nitong sabihin.Samantala, tuluyang nagdilim ang mukha ni Tyler. Ang kanina'y kalmadong ekspresyon ay napalitan ng matinding galit. Dahan-dahan siyang lumapit kay Raquel hanggang ilang pulgada na lamang ang pagitan nila."You don't get to talk about Jolie like that!" Malamig ang kanyang boses ngunit sapat iyon upang manginig ang buong katawan ni Raquel. "Wala kang karapatang bastusin, maliitin, o insultuhin ang babaeng mahal ko. At sa mga sinabi mo ngayon... lalo mo lang pinatunayan kung gaano kasama ang ugali mo!"Mariin ang bawat salitang lumabas sa kanyang bibig. Napailing siya habang puno ng pagkadismaya ang kanyang mga mata. "Sinayang mo ang magandang kinabu

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1575

    TYLER'S POV:Abala si Tyler sa pag-asikaso sa mga natitirang bisita. Ang birthday na dapat sana'y puno ng tawanan, musika, at masasayang alaala para kay Jolie ay nauwi sa isang napakalaking eskandalo.Wala na sina Queenie at ang mga kaibigan nito. Dinala na sa presinto para interogahin sa mga kasalanan ng mga ito. Napag-alaman na hindi lang pala si Jolie ang biktima ng pambu-bully ng apat. May mga babaeng sinaktan at tinakot din kung kaya't hindi nagkapagsampa ng kaso. Pero dahil sa nangyari ay nagkaroon ang mga ito ng lakas ng loob. Samantala, si Raquel ay nanatiling nakaluhod sa harapan nina Lolo Gregore at Lola Beth. Halos hindi na ito makatingin sa dalawa habang patuloy sa pag-iyak at pagsusumamo.Kahit paano ay naaawa ang mga matatanda rito. Matagal na ring nagtatrabaho si Raquel sa Miller Hotel. Sa katunayan, siya mismo ang nagrekomenda rito sa kanyang mga lolo at lola noong naghahanap ito ng disenteng trabaho. Dahil sa sipag at magandang performance nito noon, mabilis nitong

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1574

    Galit na galit na hinarap siya ni Queenie. "How could you do this to us, Tyler?! Saan mo nakuha ang video na 'yan? Sino ang nag-record niyan?"Hindi pa man nakakasagot si Tyler ay may isang matipunong lalaki ang dahan-dahang lumapit at huminto sa tabi nito.Nang makita iyon ni Queenie ay halos mawalan ito ng kulay. "I-Ikaw?"Nanlaki ang kanyang mga mata. "You were in our house! You leaked that video? You recorded us! Isusumbong kita kay Daddy! Sisiguraduhin kong mananagot kayong dalawa!"Bahagyang ngumiti ang lalaki. Si Yuki-- ang private investigator ni Tyler."I'm afraid... wala nang magagawa ang daddy mo, Queenie. Tapos na ang panahon na natatakasan niya ang batas. Sa oras na ito, may operasyon na ang NBI, at ang daddy mo... ay inaaresto na rin."Parang binagsakan ng langit at lupa si Queenie. "Ano...? Hindi... Impossible!""Queenie!" Sigaw ni Meagan habang galit na itinulak siya. "You dragged us into this! Sabi mo ikaw ang bahala!""Oo nga!" sabat ni Heather. "Ikaw ang nag-organiz

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1573

    Napuno ng pagtataka ang mukha ni Jolie. Remote?... Si Tyler ang may hawak ng remote? Paano napunta sa kanya iyon?At kung nasa kanya ang remote... bakit niya hinayaang umabot sa puntong mapanood ng lahat ang video? What the hell is happening?Unti-unting nanlisik ang kanyang mga mata. Saglit siyang humakbang palayo, balak sana niyang komprontahin si Tyler pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang pulsuhan."I said relax, love."Mahigpit ngunit mahinahon ang boses nito. Pagkatapos ay dire-diretso itong lumapit sa gitna ng entablado, kinuha nito ang mikropono mula sa host na hanggang ngayon ay tulala pa rin sa nangyari.Humarap si Tyler sa daan-daang bisita at ngumiti."Alright..." Mahinahon nitong inayos ang mikropono. "The video's finished."Huminto ito sandali bago muling ngumisi. "Did you guys enjoy the show?"Tahimik, walang sumagot. Ang ilan ay napayuko, ang iba nama'y unti-unting ibinaba ang kanilang mga cellphone matapos ihinto ang pagre-record. Halos lahat ay naghihintay sa sus

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1572

    Ngunit sa mismong sandaling umilaw ang napakalaking LED screen sa gitna ng ballroom, tila huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo.Nanlamig ang buong katawan ni Jolie, para bang may isang timba ng nagyeyelong tubig na biglang ibinuhos sa kanya. Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa screen."H-Hindi..."Namutla siya. Sa harapan ng daan-daang bisita... sa harapan ng media... ng buong pamilya... Isang video nila ni Tyler ang biglang lumabas.Video iyon ng gabing magkasama sila sa parking lot. At sa sumunod na segundo, kitang-kita sa napakalaking screen ang eksaktong sandaling hinila siya ni Tyler palapit dito bago siya marahang hinalikan.Nawalan siya ng hininga. Parang may kamay na mariing pumisil sa kanyang dibdib. Hindi siya makagalaw, hindi siya makapagsalita. Tila nawala ang lahat ng ingay sa paligid.Biglang nabalot ng nakakabinging katahimikan ang buong ballroom. Halos walang sinuman ang makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.Makalipas lamang ang ilang segundo

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 941

    Habang binabaybay niya ang kalsada, ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang dibdib. Sumasakit na ang ulo niya at medyo lumalabo ang paningin, pero pinipilit niyang mag-focus sa daan. Hindi siya pwedeng mawalan ng malay sa gitna ng kalsada, lalo na ngayon na hawak niya ang ebidensyang magpa

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 950

    FINN'S POV:Sa wakas ay tapos na ang problema niya kay Vanessa. Makukulong na ito sa kasong libel sa pagpapakalat ng maling balita tungkol kay Lilly, at sa kanya naman na panloloko.Kumpleto siya sa ebidensya kaya wala nang lusot pa si Vanessa. Kasama pa nito si Kardo na kasangkapan nito sa kaso. M

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 942

    It’s been two days pero hindi pa rin nagigising si Finn. Halos doon na siya natutulog sa ospital sa pagbabantay, kasama niya si Precious. Nagpapasalamat siya sa kaibigan dahil hindi rin siya iniwan nito. Ang mga bodyguards niya ay todo-bantay din sa kanya.Galing din doon ang mommy at daddy ni Finn

    last updateLast Updated : 2026-03-30
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 939

    DYLAN CRUZ' POV:"Diretso tayo sa bahay." Seryosong sabi niya sa kanyang driver. Galing sila sa bahay ng mga Enriquez at sa kamalas-malasan ay wala doon si Ken Enriquez, ang ama ni Lilly.Gusto sana niya itong makausap para hingin ang kamay ni Lilly. Magkakilala na sila ni Ken. Pinakilala na siya n

    last updateLast Updated : 2026-03-30
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status