Share

CHAPTER 1535

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2026-06-09 23:17:52

Mahigpit niyang hinawakan ang baso. Dapat noon pa nito naintindihan... Kung hindi siya nagpakita... Kung hindi siya nagparamdam... Ibig sabihin ay ayaw na niya. Tapos na. Wala nang dapat pag-usapan.

Ngunit mukhang hindi ganoon ang iniisip ni Victor.

Napabuntong-hininga siya. Kapag nalaman ni Tyler ang buong katotohanan... na may asawa siya... na hindi pa pala siya legal na hiwalay... wala na siyang pag-asa.

At kahit ayaw niya itong aminin, umaasa pa rin siyang balang araw ay mababawi niya si Ty
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (11)
goodnovel comment avatar
Jurma Gulam
bobo ka talaga tiffany mabuti pa sabihin mu na ang totoo ky tyler dahil malalaman nya din yan.. bakit si tyler ang gusto nyang patayin walang alam si tyler na may asawa ka tiffany ang landi mu kasi
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
naku ayan tayo eh kaya more update pls...thanks
goodnovel comment avatar
Arlene Pira-an
nako telyr lagi kau may kasma body gard wala talaga damay k nman thank you outhor s update
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1539

    Nagdaan pa ang mga araw, at pabalik-balik si Daniel sa Pampanga upang dalawin si Margie. Hindi na rin naulit ang insidente ng lalaking namaril, at wala na rin siyang nakitang misteryosong lalaking nagmamasid gabi-gabi mula sa poste.Marahil ay nagkataon lamang ang lahat. Mukhang hindi naman talaga sila ang binabantayan nito, taliwas sa mga hinalang gumugulo sa kanyang isip noon.Ngayon, natapos na ang isang buwang bakasyon ni Jolie at oras na para bumalik sila sa Maynila.Kasalukuyan silang nasa sasakyan, binabagtas ang mahabang kalsada pauwi. Hawak niya ang kamay ni Jolie habang ang isa naman niyang kamay ay nasa manibela.“Magiging busy ka na naman,” sambit niya.Napabuntong-hininga si Jolie. “Ayaw ko man bumalik sa trabaho, kailangan. May mga kontrata pa akong kailangang tuparin.”“It’s okay, love. Palagi naman akong nakasuporta sa’yo. Ako ang driver at bodyguard mo kahit saan ka magpunta.”Napangiti si Jolie.“Hihihi... ano ba ang plano mo sa sarili mo? Ayaw mo na ba talagang bumal

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1538

    Nagising si Tyler na mabigat ang pakiramdam at tila nanunuyo ang kanyang mga mata. Ilang sandali siyang nakatitig lamang sa kisame bago niya napagtanto ang katotohanan... Hindi naman pala siya nakatulog.Buong gabi siyang nakadilat, tahimik na nagbabantay habang nakayakap sa kanya si Jolie. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya ang lalaking nakita niya sa poste kagabi. Hindi niya maalis sa isip ang anyo nito at ang kakaibang pakiramdam na iniwan nito sa kanya.Pakiramdam niya ay may hindi tama. May kung anong panganib na hindi pa niya nakikita ngunit unti-unti nang papalapit.Naputol ang kanyang pag-iisip nang maramdaman niyang gumalaw si Jolie sa kanyang tabi. Dahan-dahang iminulat nito ang mga mata at agad na sumiksik sa kanyang dibdib."Good morning, love..." malambing nitong bati.Napangiti siya at hinigpitan nang bahagya ang yakap dito. "Good morning.""Kakagising mo lang din?""Oo. Kakagising ko lang."Mabilis ang naging sagot niya kahit alam niyang isa iyong malaking ka

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1537

    Agad na sumiksik si Jolie sa kaniyang katawan nang humiga ito sa kama. Para itong batang naghahanap ng mapagtataguan matapos makaranas ng matinding takot.Maingat niyang hinaplos ang mahaba nitong buhok."Are you scared?" mahina niyang tanong.Bahagyang tumango si Jolie habang nakadikit ang mukha sa kaniyang dibdib."Baka kasi tayo ang target dito..."Napangiti siya at mas hinigpitan ang yakap dito. "Hahaha... bakit mo naman nasabi 'yan?" malumanay niyang saad. "Walang mangangahas na lumapit sa atin. Sa dami ba naman ng bodyguards natin."Nang marinig iyon ni Jolie ay tila unti-unting lumuwag ang tensiyon sa katawan nito. Ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kaniyang damit ay dahan-dahang lumuwag.Lihim din siyang nakahinga nang maluwag. Sa totoo lang, ibang klaseng gabi sana ang nasa isip niya. Pagkatapos ng kanilang hapunan at ilang oras na magkasama, balak sana niyang sulitin ang pagkakataong makapiling si Jolie para maglabing-labing. Ngunit dahil sa nangyari sa labas ng mansion, t

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1536

    Kasalukuyan siyang nakasandal sa headboard ng kama habang hawak ang cellphone sa isang kamay. Kakakatapos lamang nilang maghapunan at bahagya pa ring umiikot ang kanyang ulo dahil sa mga nainom kanina kasama si Daniel.Napabuntong-hininga siya nang makita ang pangalang nakalagay sa screen.... Tiffany.Sa totoo lang, wala siyang balak sagutin ang tawag nito. Ilang beses na niya itong pinabayaan, ngunit hindi ito tumitigil sa pagtawag. Paulit-ulit na nagri-ring ang kanyang telepono na para bang hindi ito titigil hangga't hindi niya sinasagot.Sa huli, napilitan siyang pindutin ang answer button. At agad din niya iyong pinagsisihan. Kung anu-anong bagay ang pinagsasabi nito upang makuha lamang ang kanyang atensyon.Kung minsan ay nagmamakaawa, kung minsan naman ay nagagalit. Ngunit ang pinakanakakainis ay nang simulang takutin siya nito.May mga taong gustong manakit sa kanya? Sino naman? Wala naman siyang kilalang may galit sa kanya. Wala rin siyang nakaaway na maaaring umabot sa ganoon

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND    CHAPTER 1535

    Mahigpit niyang hinawakan ang baso. Dapat noon pa nito naintindihan... Kung hindi siya nagpakita... Kung hindi siya nagparamdam... Ibig sabihin ay ayaw na niya. Tapos na. Wala nang dapat pag-usapan.Ngunit mukhang hindi ganoon ang iniisip ni Victor.Napabuntong-hininga siya. Kapag nalaman ni Tyler ang buong katotohanan... na may asawa siya... na hindi pa pala siya legal na hiwalay... wala na siyang pag-asa.At kahit ayaw niya itong aminin, umaasa pa rin siyang balang araw ay mababawi niya si Tyler. Naniniwala siyang may natitira pa ring pagtingin ito sa kanya. Kaya hindi niya maaaring hayaan na masira ang lahat.Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Agad siyang napaupo nang tuwid. Nagliwanag ang kanyang mukha... Baka si Direk iyon.Kinuha kasi nito ang kanyang numero at nangakong tatawag para sa isang bagong proyekto. Mabilis niyang sinagot ang tawag."Hello?"Ngunit walang sumagot.Nagsimulang kumunot ang kanyang noo. "Hello?"Makalipas ang ilang segundo, isang pamilyar na bose

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1534

    Napatawa si Daniel. "Hindi naman siguro. Mukha namang okay lang kina Tyler.""Eh kasi..." Nag-iwas siya ng tingin. "Bakit mo naman ako dadalawin?"Napangiti si Daniel. "Bakit? Bawal ba?""Hindi naman sa bawal...""Kung gano'n?"Napakamot si Margie sa ulo. "Wala lang. Karaniwan kasi, dumadalaw lang kapag may sakit."Natawa si Daniel. "Ang kulit mo talaga."Nakapanguso itong tumingin sa kanya. "Ano? Totoo naman.""Iyon nga ang gusto ko sa'yo."Natigilan si Margie.Hindi rin agad napansin ni Daniel ang sinabi niya."I mean..." mabilis niyang dugtong habang napapailing. "Palagi mo kasi akong napapatawa."Biglang uminit ang magkabilang pisngi ni Margie. "Hihihi... ginawa mo naman akong clown!""Mas gusto ko ngang tawagin kang stress reliever."Natawa sila pareho. At sa pagkakataong iyon, unti-unting nawala ang ilang at hiya sa pagitan nila. Pakiramdam nila ay parang matagal na silang magkaibigan. Tila ba natural na lamang ang presensya ng isa't isa.Huminga nang malalim si Daniel bago muli

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1084

    CLARKSON'S POV:Nakapasok siya sa kanyang kwarto nang walang nakapansin. Galing siya sa kwarto ni Aria. Napakasaya niya dahil nobya na niya ang kanyang kinakapatid.Pero hindi pa siya lubusang masaya dahil maraming komplikasyon ang relasyon nila at itatago muna nila iyon. Walang dapat makakaalam na

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1066

    Napatingin siya kay Clarkson. Todo ngiti ito habang si Madison ay seryoso lang ang mukha. Hindi ito makapagsuplada sa kanya dahil madami ang nakatingin.“Tama ang Ninong Clark mo, iha. Malungkot kasi ako sa bahay dahil kami lang tatlo. Doon sa bahay nina Ninong Ken mo, madami na sila doon. Palaging

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1039

    Pagkaraan ng ilang oras ay nilipat na sila sa private room. Si baby Nathaniel ay sandaling dinala sa newborn section para sa iba pang tests. "Matulog ka na ulit, love. You need to rest. Alam kong pagod ka sa kaka-ere." "Ikaw din naman umere, nakita kita! Hihihi..." "Hahaha... I told you, sasama

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1074

    Hindi naman nagtagal ay pumasok si Clarkson.Umupo din ito sa upuan sa harap niya, sa desk ni Gov. Hindi niya ito pinansin. Nasa kay Gov lang ang atensyon niya.“Hi, bunso... next time be careful ha. Titingnan mo ang nilalakaran mo. Paano kung wala ako doon, eh di natumba ka?”Tiningnan niya lang s

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-01
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status