تسجيل الدخولNang tuluyan na itong makalayo, hinarap ni Jolie si Catriona.“Catriona…” mahinahon niyang sabi. “Manang is just concerned. Hindi mo kailangang magalit sa kanila.”Tumingin sa kaniya si Catriona, tila hindi nagustuhan ang pagsaway niya. “Hindi ko gusto ang pakikialam nila.”“Pero concern lang naman siya,” paliwanag niya “Wala naman siyang ginawang masama sa’yo.”Saglit itong natahimik bago umiwas ng tingin.Hindi na lang siya nagsalita, pero habang naglalakad sila palabas ng bahay, hindi niya maiwasang isipin ang naging asal ni Catriona. Hindi niya alam kung bakit tila napakadali nitong magalit sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kaniya.“Let’s go, Jolie. Sayang ang oras natin. Nasisira lang ang araw ko.”Wala na siyang nagawa kundi sumunod kay Catriona. Sa totoo lang, parang nasira na rin ang araw niya dahil sa ugali nito. Ngunit pinili na lang niyang huwag nang palalain ang sitwasyon. Baka sakaling maging maayos din ang lahat kapag nakapag-shopping na sila. Pakikisamahan n
Matapos nilang magpaalam ay marahan niyang ibinaba ang cellphone. Ilang sandali siyang nakatitig lang sa screen bago tuluyang napabuntong-hininga.“Ang lungkot naman…”Muli siyang napahiga at niyakap ang unan. Sa unang pagkakataon mula nang makarating siya sa bahay ng mga Mackenzie, bigla niyang hiniling na sana ay nasa Blacksmith Estate na lang siya. Doon, kahit kailan, hindi siya kailangang mag-isip kung kanino siya makikipag-usap.Sa kaniyang pagkainip ay napagpasyahan niyang bumaba na lang sa kusina. Tutal, wala rin naman siyang ibang mapagkakaabalahan sa kaniyang kwarto.Makikipagkuwentuhan na lang siya sa katulong habang kumakain. Mas mabuti na iyon kaysa manatili siyang nakahiga at paulit-ulit na tititig sa cellphone. Masakit na rin ang kaniyang likod sa kakahiga, at pakiramdam niya ay lalo lang siyang inaantok kapag wala siyang ginagawa.Pagdating niya sa kusina ay agad siyang napansin ng katulong.“Senyorita, nagugutom na ba kayo?” mabilis nitong tanong habang pinupunasan ang
Pagkatapos nilang mag-usap ni Catriona ay bumalik na siya sa kaniyang kwarto at doon na lang tumambay. Aminado siyang medyo nababagot na siya sa bahay ng mga Mackenzie. Tahimik ang buong paligid at halos wala siyang mapagkaabalahan.Ang kaniyang Daddy Blair at Kuya Lewis ay parehong umalis para asikasuhin ang kanilang negosyo. Samantala, ang kaniyang Lolo Craig naman ay nanatili lang sa kaniyang kwarto para magpahinga. Ayaw naman niyang istorbohin ito. At kung pupunta man siya roon, ano naman ang pag-uusapan nila? Hindi rin naman siya sanay na basta na lang nakikipagkuwentuhan sa kaniyang lolo nang walang partikular na dahilan.Ayaw rin niyang kausapin si Catriona, kahit pa sinabi ng kaniyang daddy na mag-bonding silang dalawa habang naroon siya sa bahay. Nag-usap na rin naman sila kanina, at bukas ay magkasama pa silang aalis para mag-shopping. Sapat na muna siguro iyon.Bukod doon, may kakaiba rin siyang nararamdaman kay Catriona… isang bagay na hindi niya mawari at hindi niya maipa
Pagkatapos nilang kumain, nagpasya sina Jolie at Tyler na maglakad-lakad muna sa malawak na hardin ng Mackenzie Estate. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang dahan-dahan silang naglalakad sa sementadong pathway na napapaligiran ng mga bulaklak at matatandang puno.Paminsan-minsan ay napapatingin si Tyler sa kanya, at sa bawat pagkakataon, hindi nito maiwasang ngumiti.“Are you happy, love?” tanong nito habang marahang hinihimas ng hinlalaki ang likod ng kamay niya. “Hindi ko akalain na isang heiress din pala ang mapapangasawa ko. You are full of surprises, baby.”Napatawa si Jolie at napailing. “Hihihi… Hindi ko nga alam na may mga heiress-heiress na gano’n pala. Akala ko sa mga pelikula lang sila nage-exist.”Tumawa si Tyler. “Believe me, baby. You’re definitely one of them.”“Parang ang weird pakinggan,” natatawang sagot niya.“Why? It’s true.”Saglit siyang tinitigan ni Tyler bago muling nagsalita. “Lolo Sebastian and Lolo Craig are going to love you even more. Ikaw ang naging
Samantala, sa hapag-kainan…Tahimik na kumakain si Jolie nang magsalita si Daddy Blair. Maingat ang tono nito, na para bang pinag-iisipan muna ang bawat salitang sasabihin upang hindi siya ma-offend.“Iha, pagpasensyahan mo na si Catriona,” sambit ni Daddy Blair. “Mahirap din para sa kanya ang lahat ng ito. Nakulong ang daddy niya, at sa pamilyang ito, siya lang ang naging prinsesa sa mahabang panahon. Kaya hindi rin nakapagtataka kung ganoon na lang kalalim ang tampo at galit niya ngayon sa amin at pasensiya ka na kung nadamay ka sa galit niya.”“H-hindi naman po galit si Catriona sa akin dad. Maayos naman kaming nag-uusap. Baka nagtatampo lang. Lets just give her time.” pagtatanggol niya kay Catriona.Saglit itong huminga bago nagpatuloy. “Sana habaan mo pa ang pasensya mo sa kanya. Kahit ampon lang siya, minahal din namin siya. Nag-iisa ang kapatid ko noon, naging malungkot si Frazer sa pag-alis ng kanyAng asawa at binuhos nya ang lahat ng pagmamahal kay Catriona. Pero masasabi kon
Agad na tumayo si Catriona mula sa kinauupuan niya.“Saan ka pupunta, Catriona?” tanong ni Blair nang mapansing bigla itong aalis.“Ahm… papanhik na ako sa kwarto ko, Uncle. I want to take a shower,” sagot niya, pilit na pinanatiling normal ang boses.“Sige, iha.”Ngumiti siya nang matamis, isang ngiting halos walang bahid ng anumang masamang balak, bago isa-isang tingnan sina Uncle Blair, Lewis, at Tyler pero kahit isang sulyap ay hindi niya ibinigay kay Jolie.Sa totoo lang, naiirita siya sa mukha nito. Sa tuwing nakikita niya ito, lalo lang kumukulo ang dugo niya. Para bang anumang sandali ay gusto niyang burahin ang presensya nito sa buhay ng kanilang pamilya.Walang imik na tumalikod si Catriona at mabilis na umakyat sa hagdan. Pagkarating sa kaniyang silid, agad niyang isinara at ni-lock ang pinto. Saglit siyang nanatiling nakasandal doon habang nakikinig kung may sumusunod sa kaniya.Nang makasiguro siyang walang ibang tao, mabilis siyang nagtungo sa kaniyang bedside table at k
"Busy ka pala…" wika ni Clarkson nang makapasok sa kwarto niya. May dala itong pagkain para sa kanya.“Sino ’yun?” tanong ni Ben sa kabilang linya. “Sino ang kasama mong lalaki d’yan? Si Clarkson ba ’yun?” Naka-loud speaker pa naman siya dahil tinatamad siyang maghawak ng cellphone, narinig tuloy n
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising at pumunta sa lobby. May nakita siya doon na restaurant kagabi habang nagcheck-in siya. Mukhang masarap doon mag-breakfast at mag-kape. Doon na din niya aabangan si Aria. Siguradong makikita niya ang dalaga sakaling darating na ito.“Good morning, sir.” tila ki
“H-hi bunso…”“H-hi kuya Clarkson…”Gusto niyang maiyak. Babalik ba sila sa dati?... sa pagiging magkapatid?“K-kamusta ka na? Ano na ang balita sa’yo?” tanong nito bagamat nahihiya. Halatang naghahanap ng paraan na makausap siya.“I’m okay… ako ang nagma-manage ng Blacksmith Hotel. Thanks sa exper
“Babe…”Sambit ni Madison saka kumapit sa braso niya pero iwinaksi niya iyon.“Paano nangyaring buntis ka, Madison? We haven’t had sex lately?” singhal nya“What do you mean? We have sex countless times! Kanino pa ba ang batang ito, eh ikaw ang boyfriend ko?”“Tama na yan!” sigaw ng dad niya.Napasa







