Mabilis na inayos ni James ang lahat ng kailangan nila para sa biyahe papuntang Scotland. Ngayon ay nasa eroplano na sila papunta roon, at excited na siya. Marami na siyang napuntahang ibang lugar noon dahil palagi siyang sinasama ni Ate Jonie. Pero ngayon, hindi kasama ang pinsan niya. Mahilig siyang maglakbay, at gustung-gusto niyang mag-explore ng ibang bansa. Agad siyang nag-search tungkol sa Scotland nang kumpirmahin ni John ang pag-alis nila. Akala niya kasi noong una ay nagbibiro lang ito. Ayon kay G****e, maraming kastilyo doon, kaya excited siyang makakita ng castle. Parang prinsesa lang ang peg kapag ganun! Mag-gown kaya siya tulad ng nakikita niya sa mga pelikula na may Scottish movie? Magaganda rin ang mga tanawin doon na para bang nasa medieval ages ka talaga. Excited na siyang makakita ng kalikasan at mga bundok, hindi katulad ng London na puro gusali at isang busy city. Magkatabi sila ni John habang nakaupo sa eroplano. Business class pa ang kinuha nito, at nagulat p
Napukaw ang atensyon niya nang magsalita ang piloto na magla-landing na ang eroplanong sinasakyan nila. Napaupo siya nang tuwid at muling kinabit ang seatbelt niya."I'm excited!" sabi niya kay John, hindi maitago ang kanyang kasabikan.Hehehe… I promise you'll love it here. I’ll make sure this is going to be your best vacation ever!"Ngumiti siya nang todo at lalo siyang na-excite. Ayon sa mga kwento ni John kanina, malaki raw ang bahay nito at may mga kabayo pa. Parang rancho lang ng ate niyang si Jonie. Na-miss niya ang Pilipinas, kaya sigurado siyang mag-e-enjoy siya sa bakasyon nila."There's only one thing I'd like to ask of you, though," putol ni John sa pag-iimagine niya. Napalis ang ngiti niya dahil naging seryoso ang mukha nito."What is it?" nag-aalangan niyang tanong sa kaibigan."P-Pwede bang ipakilala kita sa mga magulang at kuya ko bilang girlfriend ko?""What? Ano na namang kalokohan 'to, John!" Ayaw niyang magsinungaling sa iba, kaya hindi siya papayag sa plano ni Joh
Habang papalabas ng limousine, pasimpleng tinignan niya ang mga magulang ni John. Magiliw ang salubong ng ginang sa kanila.Mukhang masayahin ang ina ni John at sa tantiya niya ay nasa edad singkwenta. Maganda ito at glamorosa ang galaw kaya batang-bata pa ring tingnan. Samantala, ang ama ni John ay sinipat niya nang mabilis... Alam na niya kung saan nagmana si John ng kagwapuhan. Seryoso ito habang nakatingin sa kanila, mukhang kilabot ito ng mga babae noong kabataan dahil sa angkin nitong kakisigan kahit halata na rin ang tanda. Nakaupo ito ngayon sa wheelchair, hindi na siya nagtanong kay John kung ano ang nangyari sa ama nito dahil rude iyon. "Anak!" masayang bati ng ina ni John sa kanila at agad na yumakap sa kanila."Mom!" malugod ding bati ni John sa ina at niyakap ito nang mahigpit, pagkatapos ay bumaling sa ama. "Dad... I miss you." Nakatingin lang ang ama sa kanya, seryoso ang mukha."Sino ang kasama mo?" tanong ng ama habang tinitingnan siya. Bigla siyang nanginig, kung ga
"Anong meron dito?" Napalingon silang lahat sa dumating na lalaki.... Napatigil ang mundo niya nang makita niya ang lalaking lumalapit sa kanilla. Hindi siya makapaniwala. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig, at halos mapatid ang kanyang hininga. Siya ang lalaking matagal na niyang tinatakasan, ang taong akala niya ay hindi na niya makikita muli, lalo na dito sa Scotland.... si James. “Kuya!” masayang bati ni John, agad na tumayo mula sa kanyang kinauupuan upang yakapin ang nakatatandang kapatid. Niyakap ni James si John ng mahigpit, halatang close ang magkapatid. Siya, na pinipilit na maging invisible, ay palihim na umaasang hindi siya mapapansin ni James. Ngunit ang kinatatakutan niya ay nangyari—nabaling ang tingin ni James sa kanya, at ang ngiti nito sa labi ay unti-unting naglaho. Nanatili si James sa kinatatayuan, nakatitig sa kanya nang mataimtim. Mabilis siyang yumuko, nagdarasal na sana’y hindi siya makilala nito pero alam niyang imposibleng hindi siya makilala nito
"So, ano ang pakiramdam na malapit nang ikasal, Kuya?" tanong ni John habang kumakain sila."M-masaya... dahil finally, may babae na talaga para sa akin. Napagod na rin kasi ako sa kakahanap ng ‘the one.’ Saan-saan ko pa siya hinanap, ‘yun pala andito lang sa Scotland," sagot ni James, sabay tingin sa kanya. Siya ba ang pinaparinggan ni James?"Amber is beautiful and hot... and she likes me, hindi tulad ng iba kong nakaraan na pinaasa lang ako, hindi naman pala ako gusto." sabi pa ni James, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba dapat cya ang magsasabi nun? Narinig niya mismo iyon sa usapan nila ni Clark. Bakit siya ang sinisisi nito ngayon? Nasaktan cya lalo ng sinabi ni James na maganda at hot si Amber... bigla cyang nagselos. "Mukhang may hugot ka, Kuya ah... mukhang masakit ang heartbreak mo sa Pilipinas," kantiyaw ni John sa kapatid. Nagkibit-balikat lang si James at nalungkot ang mukha; parang nakita niyang namasa ang mga mata nito, o baka imagin
Nang matapos na ang kanilang lunch ay pinahatid na siya ng mommy ni John sa kanyang kwarto.Magkahawak-kamay silang naglalakad ni John patungo sa kwarto niya, at naiilang pa rin siya."Impressed ako, sweetie. Hindi ko alam na mayaman ka din pala. Mas mayaman ka pa ata kaysa sa akin," sabi ni John."Hindi ako mayaman. Ang pinsan ko iyon," nahihiyang sagot niya, dahil ginamit na naman niya ang pangalan ng pinsan niya para sa kanyang personal na dahilan. Gusto sana niyang magpaka-low-key, pero ayaw naman niyang mapahiya sa pamilya ni John, lalo na sa ama nitong mukhang matapobre."Ganun na din iyon. Nabasa ko rin ang tungkol kina Jonie at Gregore Miller sa mga business magazines, at isa sila sa pinakamayayamang tao sa buong mundo."Nagkibit-balikat lang siya. Ayaw na niyang magbida tungkol sa pinsan niya. Tama na yung nabanggit niya ito ng isang beses; ayaw niyang ipagkalandakan na connected siya dito dahil nahihiya siya sa pinsan niya. Wala itong kaalam-alam na ginagamit niya ang connec
Maya-maya ay tumigil sa paghalik si James sa kanya. Dahan-dahan itong umupo sa kama at pareho silang nagkatitigan. Namamasa ang kanilang mga mata… umiiyak din ba ito? Pero bakit?Umupo lang ito doon ng ilang minuto na tila nag-iisip. Maya-maya ay tuluyan na itong tumayo. Akmang lalabas na ito ng kwarto nang biglang may kumatok. Nagkatinginan sila ni James. Sinenyasan siya nitong buksan ang pinto at nagtago ito sa banyo.Tumango lang siya bilang pagsang-ayon. Ayaw niyang magduda ang mga tao sa kanila. Hangga't maaari, gusto niyang sila lang ni James ang makakaalam ng totoong relasyon nila. Hinintay niyang makapasok si James sa banyo bago buksan ang pinto.Si John ang kumakatok. "Bakit ang tagal mong magbukas, sweetie?" malambing na wika ni John sabay akbay sa kanya."Ha? Ah, eh… galing kasi ako sa banyo. What brings you here?" pag-iiba niya ng usapan."Wala lang. Masaya lang ako dahil dinala kita dito," sabi ni John habang umupo sa kama niya. Siya naman ay nanatiling nakatayo at pasul
Napaupo siya sa kama, hapong-hapo kahit wala naman siyang ginawa. Nakatingin lang siya sa pinto kung saan lumabas si James, iniisip ang mga sinabi nito sa kanya.Hindi ito makakapayag na may ibang lalaki sa buhay niya? Ano ba ang ibig nitong sabihin? Ikakasal na siya, 'di ba? Gagawin na naman ba niya akong laruan tulad ng ginawa niya noon sa Pilipinas na kinidnap ako at ginawang parausan?Agad na tumulo ang mga luha niya. Bumalik ang takot niya kay James, ang tanging lalaking kinakatakutan niya dahil alam niyang kaya siyang mapasunod kahit anong sabihin nito sa kanya. Parang siya ay isang robot kapag si James ang nagsasabi sa kanya. Ayaw niyang mangyari iyon muli dahil maaring makompromiso na naman ang puso niya."Hindi!... Hindi ako makakapayag," bulong niya sa sarili. "Ginawa na niya akong laruan noon, at nadarang ako kaya nasasaktan ako hanggang ngayon. Imbes na magalit sa kanya, kabaligtaran ang nangyari... na-inlove ako."Kaya ayaw na niyang mangyari ulit iyon. Hindi na siya papa
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis