"Gusto ko sanang mag-enjoy ka sa bakasyon mo dito kasama kami, kaya kung ano man ang kailangan mo, nandiyan ang dalawa kong anak. Huwag kang mahiyang lumapit sa kanila, okay?""O-opo, Tita," maikli sagot nya sabay lagok ng red wine. "Hmm... ang sarap naman ng wine na 'to, Tita!" Biglang lumiwanag ang mukha ng ginang. "Family business namin ito. May winery kami, at ito ang best-selling wine namin dito sa Scotland."Namangha siya sa sinabi nito. "Mayaman pala talaga sila," sa isip niya."Kaya nga nalulungkot ako kapag wala ang dalawa kong anak at kung saan-saan pa pumupunta. Kailangan namin sila dito sa Scotland dahil tumatanda na ang daddy nila, at may mga negosyo kaming kailangang asikasuhin." wika ng ginang."Kay James talaga kami umaasa dahil siya ang panganay, at magaling sa negosyo ang anak ko. Namana niya sa ama niya ang pagiging negosyante." dagdag pa nito.Napaisip siya... Eh, easy-go-lucky lang naman si James sa Pilipinas. Wala naman itong pinagkakaabalahan na negosyo doon. P
"Mom, what are you doing here?" tanong ni James na nakatayo sa pinto. Hindi niya pala naisara ang pinto kaya nasilip sila ni Tita Evelyn."I'm just having a chit chat with Beverly, anak. Miss ko na kasing magkaroon ng babaeng kausap dito sa bahay. Come join us," anyaya ng ginang sa anak.Pumasok si James at tumabi sa kanya. Napaigtad siya nang pasimpleng hinawakan ni James ang kanyang likod. Mabilis niya itong tiningnan nang masama, pero hindi ito tumingin sa kanya. Jerk! mura niya sa utak niya.Kumuha rin si James ng sarili niyang kopita at nagsalin ng wine. Tatlo na silang nag-iinuman sa kwarto."Kinukwento ko kay Beverly, anak, na galing ka sa Pilipinas at doon ka namalagi. Nabenta mo na ba ang mga properties mo doon? How about the house you were telling me about in Baguio? Nabenta mo na ba iyon?"Nagkatinginan sila ni James; pareho sila ng naiisip. Gusto niyang umiyak. Naiisip pa lang niya na mawawala ang bahay ay nalulungkot na siya. Iyon lang ang natitirang alaala nilang dalawa.
********* JAMES POV:"Damn!" mura niya sa isip pagkalabas ng kwarto ni Bebe. Hindi niya napigilan ang sariling halikan muli ang dalaga. Kahit anong pilit niyang lumayo, parang may humihila sa kanya palapit dito. Hindi niya mapigilang mahalin ulit si Bebe.Hindi naman nawala ang pagmamahal niya sa dalaga. Kung hindi niya ito totoong minahal, siguro’y hindi siya masasaktan nang ganito.Pero huli na... ikakasal na siya. Oo nga, wala namang relasyon si John at si Bebe—narinig niya iyon noong nag-usap ang dalawa. Pero may magagawa pa ba siya? Siya itong may sabit na. Ikakasal na siya sa babaeng hindi niya mahal. Nagpadalos-dalos kasi siya ng desisyon.Nang makita niyang umiiyak si Bebe, hindi niya napigilang mapaluha rin. Pareho kaya sila ng nararamdaman? Pero hindi eh... alam niyang iniwan siya nito sa Baguio para sumama sa ibang lalaki, hindi ba?At saka, bakit gusto nitong makuha ang property sa Baguio? Ano naman ang gagawin nito roon? May sentimental value din ba iyon sa dalaga? Magin
"Bro... cancel the deal. I changed my mind. Hindi ko na ibebenta ang bahay.""Huh? Bakit? Ang gulo mo! Nakakahiya sa kausap ko. Baka sabihin wala akong isang salita.""Ikaw na ang bahala dumiskarte, pero hindi ko na iyon ibebenta," sagot niya kay Ken."Ano naman ang gagawin mo dun? Doon ka ba titira? Ang layo-layo nun sa Manila. Oo nga’t maganda ang place, pero kung hindi mo naman titirhan dahil nandiyan ka sa Scotland, masasayang lang. Madami pa namang mumu sa Baguio. Baka tirhan yun ng mga ligaw na kaluluwa doon! Hahaha," biro ni Ken sa kanya."Basta, huwag mong ibenta. Ako na ang bahala dun. Ipakuha ko ang titulo sa sekretarya ko.""Sige, ikaw ang bahala. Anyway, pwede ba kaming pumunta diyan? Nabo-bored kasi kami dito sa Pinas. Baka pwede kaming magbakasyon sa kaibigan naming 'Lord of the Rings'?""Ulol!" natawa siya sa tawag nito sa kanya. Simula nang malaman ng mga kaibigan niya na isa siyang baron sa Scotland, "Lord of the Rings" na ang tawag nila sa kanya. Si Ken at Clark lang
“Ahmmm, I miss you, honey. Can we continue what we started?" bulgar na sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang naudlot nilang pagtatalik noong una. Nagulat siya sa pagiging direkta ng dalaga, at doon siya nawalan ng gana... na-turn off siya.Alam niyang dapat niyang ituon ang atensyon kay Amber. Ito ang magiging asawa niya, kaya kailangan niyang tanggapin ang dalaga. Pero siguro, nawalan siya ng gana dahil sa puso at isip niya kinukumpara niya ito kay Bebe... na hindi dapat. Unfair iyon para kay Amber na walang alam tungkol sa tnay na relasyon nila ni Bebe.Napapikit siya nang halikan siya ni Amber. Hinayaan lang niyang halikan siya nito, hindi siya nagprotesta. Pilit niyang iniisip na dapat na niyang kalimutan si Bebe at ituon ang atensyon kay Amber.“Hmmm… I've been dreaming of this for a long time, honey. "You know I've liked you since we were kids, right?" sabi ni Amber habang hinalikan siya sa mukha. Ang mga kamay nito ay naglalakbay na kung saan-saan sa katawan nya.Malaya si Amber
************** BEBE POV: Masama ang tingin niya sa pinto kung saan lumabas si James. Parang nauupos siyang kandila habang napaupo sa kama. Kakalabas lang ni James, at muli na naman silang nag-away.“Shit!” mura niya sa isip. Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya nito. Ayaw sana niyang pagbuksan ito ng pinto kung hindi lang siya tinakot na sisirain nito ang kanyang pintuan. Ayaw niyang gumawa ng eksena doon.Ayaw niyang pagbuksan ito dahil kakatapos lang niyang umiyak. Paano kasi, nagselos siya nang makita niyang may ibang babaeng nakapatong sa pinakamamahal niyang lalaki. At ang mas masakit, si James ay tila nagustuhan din ang ginagawa ng dalaga. Wala itong ginawa para pigilan si Amber, parang nagpaubaya na lang ito sa mga ginagawa ng dalaga. Kaya naman, ayan siya ngayon, kakatapos lang umiyak."Sino ba naman ang hindi magkakagusto kung gano'n naman ka-hot na babae ang magroromansa sa'yo?" tanong niya sa isip.Oo, nagselos siya nang makita niyang kahalikan ni James si Amber. Ang s
"Sige, let's go shopping para naman makagala ako dito sa Scotland," aya niya kay John."Sige, bihis ka na. Babalikan kita after a minute. Magbibihis din ako," excited na sabi nito saka tumayo at lumabas ng kwarto niya.Naghanap siya ng maisusuot. Kahit paano, sumaya siya dahil kay John at panandalian niyang nakalimutan si James.Fitted ripped jeans ang sinuot niya, may malaking butas iyon sa bandang binti kaya kita ang mapuputi nyang legs, pinaresan niya din iyon ng itim na tube blouse at white sneakers. napangiti cya habang nakatinigin sa salamin, na-miss nyang magsuot ng mga ganoong sexy na damit. Kahit paano, may natira pa naman pala siyang damit na sexy. Mabuti na lang at nailagay niya iyon sa maleta niya.Naglagay din siya ng manipis na makeup at lipstick. Ayaw niyang magmukhang boring habang gumagala sa Scotland. Mamaya, magpipicture-picture sila ni John kaya dapat maganda rin siya sa mga pictures.Maya-maya, may kumatok sa pinto niya. Excited siyang pagbuksan iyon dahil alam ni
"Oh bakit parang wala kang gana d'yan? Kanina lang ay excited ka ah," tanong ni John sa kanya."Ah, eh, wala. Mukhang tinamaan na naman ako ng sakit ng ulo ko," wika niya, saka kunyaring hinawakan ang ulo niya para makatotohanan ang drama niya."Ganun ba? Napansin ko lately, parang laging sumasakit ang ulo mo. Di kaya buntis ka?" biro ni John sa kanya."Sinong buntis?" nagulat sila at napalingon sa likod nila. Andoon pala si James, nakasunod sa kanila. Napasimangot siya. Hindi talaga siya tatantanan ng damuho."Hey, kuya, andiyan ka pala. Si Bevs kasi laging nagrereklamong masakit ang ulo. Kaya kako baka buntis siya," nakangising kwento ni John sa kapatid.Masakit ang tingin na pinukol ni James sa kanya kaya nagtataka siya. What? Joke lang yun, bakit galit na galit ito? Iniisip ba nito na buntis nga siya? Biglang napangisi siya sa isip."Are you pregnant, Bevs?" diretsahang tanong ni James sa kanya. First time nitong tawagin siyang "Bevs". Kung silang dalawa lang, "Bebe" ang tawag nit
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n
Hindi siya napansin ng babae. Patuloy lang ito sa paglangoy paroo’t parito sa pool, at mukhang nag-e-enjoy.Hindi niya maalis ang mga mata sa dalaga. Lalong nag-init ang katawan niya, para siyang manyak na naninilip kay Rosie na walang kaalam-alam na andoon na siya. Naramdaman niyang gusto nang kumawala ang junior niya.“Fuck! Ano ang gagawin ko?” Hindi siya pwedeng magpakita kay Rosie nang nasa ganoong sitwasyon. Hindi rin pwedeng hindi niya ito mailabas dahil sasakit ang kanyang puson! Pwede din siyang lumabas, hanapin si Samantha at yayain ito dahil mukhang game naman ang dalaga... pero ayaw niya.Pumasok siya sa CR. Hindi pa rin siya nakita ni Rosie dahil may glass door na nakapagitan sa kuwarto at sa swimming pool area.Pagpasok niya sa banyo ay dali-dali siyang naghubad ng damit at binuksan ang shower. Kahit doon man lang ay maibsan ang init ng katawan niya. Pero parang hindi sapat ang pagligo lang...Wala sa sariling kinapa niya ang kanyang alaga. Matigas na ito sa galit... gan
GRAY'S POV:Hindi siya papayag na umuwi sila ng Manila na hindi matikman ang labi ni Rosabel. Ang akala niya kagabi ay 'yun na 'yun... pero napurnada pa.Kung magiging first kiss siya ni Rosie, ay ganoon din naman siya. He never kissed a girl on the lips before... ayaw niya. Ang gusto niya, kapag gustong-gusto na niya ang babae, ay 'yun ang magiging first kiss niya. Si Rosabel na ba 'yon? tanong niya sa sarili.Alam niyang bad move 'yong desisyon niyang mag stop-over sila roon dahil sarili lang din niya ang pahihirapan niya. Ilang libong pagtitimpi ang inipon niya na walang gagawin kay Rosie. Ginagalang niya ang babae at ayaw niyang pagsamantalahan ito.Pero kung ibang babae lang iyon, ay baka naikama na niya ito. He's in heat, malibog siyang lalaki, at hindi uso sa kanya ang nagtitimpi.Inaamin niyang inaakit niya si Rosie sa pamamagitan ng paghuhubad sa harap ng dalaga, sa pasimpleng pagdadantay ng katawan niya sa katawan nito. Lalaki pa rin siya at hindi santo. Umaasa siyang bibig
Nag-drive na ito pabalik sa Manila... Wala na naman silang pansinan. Hindi man lang nito pinaandar ang audio para sana may konting ingay sa loob ng kotse. Pumikit na lang sya para kunyaring natutulog. Ayaw naman niyang mag-open ng conversation, hindi niya alam kung gusto din ni Gray na kausapin niya. Hihintayin na lang niyang kausapin siya nito. Ang pagtulog-tulogan niya ay natuluyan. Dahil na din siguro sa antok at sa sarap ng aircon kaya mahimbing siyang nakatulog sa passenger's seat.Nang maalimpungatan ay napansin niyang nakatigil ang kotse. Pagmulat niya ng mata ay nakita niyang nasa isang beach resort sila. "Where are we?" "Mag-stop over muna tayo dito... Pagod na akong mag-drive eh." Napatingin siya ng diretso dito. Ngayon pa ito nagreklamong pagod mag-drive samantalang nakapagpahinga naman ito sa bahay nila!?Hindi na siya nakapagreklamo ng nauna na itong bumaba ng kotse. Bumaba na din siya at sumunod sa likod nito, pumunta ito sa front desk."1 room, please." "Overnight