Share

CHAPTER 413

Penulis: dyowanabi
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-29 23:30:14

Si Tita Evelyn na ang may hawak kay Tyler. Tinulungan siya nito dahil nangangawit na siya.

"My apo..." wika nitong maluha-luhang mata habang tinititigan si Tyler. Nakakaiyak ang tagpong iyon pero mas napunta ang atensyon niya sa kalagayan ni James. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nalalaman ang totoong nangyari dito.

"Tita, ano ba talaga ang nangyari kay James?" tanong niya. Malapit na sila sa ospital pero hindi na siya makapaghintay.

"Nandito na tayo sa ospital, iha." yun lang ang sagot nito sa kanya. Napatingin siya sa labas ng kotse. Andoon na nga sila. Agad silang pinagbuksan ni Logan ng pinto saka lumabas na.

Kung kailan naman andoon na sila ay parang ayaw na niyang pumasok. Natatakot siya sa maaaring malaman na nangyari sa nobyo niya. Bakit kasi hindi na lang sabihin ni Tita Evelyn sa kanya?

Nagpatuloy ito sa unahan. Nakasunod lang siya sa likod nito. Pumunta sila sa isang private room. Malayo pa lang ay nakita niyang may mga bodyguard na nakabantay sa labas ng kwarto.

"W
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Winny
lesson learned huwag kain ng kain ng kipay para di magkaroon ng pancreatic cancer! imbes kasi healthy food kinakain eh nilalantakan umaga, tanghali at gabi ang kipay ni jonie ayan nalagyan ng bacteria at nagkakanser tuloy!
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
kawawa pala si James nagkasakit ng cancer
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1251

    Pagdilat ng kanyang mga mata, unang sumalubong sa kanya ang puting kisame… at ang amoy ng naghalo-halong gamot... nasa ospital ba siya?Kumurap siya nang ilang beses, pilit inaalala kung paano siya napunta dito. Mabigat ang ulo, parang umiikot ang paligid. Paglingon niya sa kanan, nakita niya si Phern, nakayuko at naka-sandal sa gilid ng kama, halatang ilang oras nang hindi umuuwi.“P-Phern…” mahina niyang tawag.Napatingala agad si Phern, gulat at sabay namuo ang luha sa mga mata nito. “Mam Aria! Diyos ko po! Akala ko talaga kung ano na… muntik na akong sumunod na himatayin sa’yo!”Nasaid ang boses niya, paos at mahina. “A-anong… nangyari?”“Himatay ka, Mam. Sabi ng doktor, sobrang pagod… sobrang stress… tapos wala kang kain. Kaya ka nag-collapse.”Napapikit siya, habang naramdaman niyang humapdi ang kanyang lalamunan. Parang ang bigat-bigat ng katawan… at mas mabigat pa ang dibdib niya.Nabaling ang atensyon nila sa pagbukas ng pinto.“I’m glad gising na ang pasyente ko…” nakangitin

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1250

    ARIA'S POV:Napasimangot siya nang ibaba na ni Phern ang telepono. Kausap nito si Clarkson pero ayaw niyang kausapin ang lalaki.“Mam, bakit naman ayaw mong kausapin si Sir Clarkson? Ako tuloy ang napapagitna!”“Hayaan mo siya diyan. Bakit niya ako kakausapin? Dahil nag-guilty siya?” basag ang boses na sabi niya.Sinadya niya talagang hindi paandarin ang kanyang cellphone dahil alam niyang tatawagan siya ni Clarkson. Umiinit lang ang kanyang ulo kapag mag-uusap sila at magkunyaring parang walang nangyari samantalang kitang-kita naman niya sa picture ang kataksilan na ginawa nito sa kanya.“Mag-usap na kasi kayo, Mam. Tingnan mo ‘yan sarili mo, napapabayaan mo na. Ilang araw ka nang hindi kumakain. Tingin ko ay nagbawas ka ng timbang!”“Ang sakit lang kasi, Phern… ang sakit lang na umaasa ako na sa simbahan ang hahantungan namin… tapos ‘yun pala… may iba na siyang kayakap habang ako, dito, hinihintay siya araw-araw.” humihikbing sabi nya“Mam… tama na po ‘yan. Paano aayos ang problema

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1249

    CLARKSON'S POV:Nanlulumo siyang bumalik sa kotse. Paano niya sasabihin kay Aria ang nadiskobrehan niya. Mukhang matagal tagal itong gamutan.Speaking of Aria... Ilang araw na silang hindi nag-uusap. Sa tuwing tinatawagan niya ito ay nakapatay pa din ang cellphone ng nobya.Bago pinaandar ang kotse ay muli niyang tinawagan ang ina.“Hello anak, kamusta ka na d’yan?” bungad nito nang sagutin ang tawag niya.“Mom… andito ako sa ospital for my check up.”“Kamusta daw ang results mo?”Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita. “Mukhang matatagalan bago ako gumaling, Mom.”“Pero may lunas?”“‘Y-yun ang sabi ni Doc JM...”“Wag kang mawalan ng pag-asa anak. Madami pang oras. Pwede ka namang magpa-therapy habang kasal na kayo ni Aria.”“Paano kung hindi ako gumaling, Mom. I need to be sure na gagaling ako bago kami magpakasal. Naawa ako kay Aria.”Huminga nang malalim ang kanyang ina. Halatang hindi kumbinsido sa kanyang desisyon pero wala naman itong magagawa kung ‘yun ang desis

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1248

    Kinabukasan ay maaga siyang naligo at nag-prepare. Pupunta siya sa ospital para umpisahan ang pagpapagamot kay Doc JM. Naalala niya ang bangayan nila ni Vicky kagabi. Kung hindi man siya nito samahan kay JM ay okay lang.Matapos siyang magbihis ay lumabas na siya ng cottage. Sa kanyang pagkagulat ay naroon na si Vicky sa labas ng kanyang pinto at mukhang hinihintay siya.“Good morning, Clarkson,” nakatitig sabi nito. Hindi niya ito pinansin, naiinis pa din siya.“Look, I’m sorry… I was wrong. Na-realize ko na hindi na dapat ako nanghihimasok sa inyo ni Aria. Ngayon tanggap ko na… tanggap ko na kaibigan lang ang turing mo sa akin. Kung hindi man tayo maging magkarelasyon, at least we save our friendship?”Tiningnan niya ito ng mariin, kung nagsasabi ito ng totoo.“Okay. Just don’t do it again…” sabi niya sa kaibigan.“Great. Tara na, baka naghihintay na si Doc JM sa atin.” Sabi ni Vicky saka nauna nang umalis. Kung dati ay humahawak pa ito sa braso niya, ngayon ay mukhang umiiwas na ito

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1247

    Nakita pa niyang sumimangot si Vicky pero wala siyang pakialam.Pagpasok sa resort ay agad siyang sinalubong ni Jolisa, ang kanyang secretary.“Welcome back, Sir Clarkson!” Malapad ang ngiti nitong sabi.“Thank you, Jolisa. Kamusta kayo dito?”“Okay naman po, sir. Wala namang naging problema.”Kahit nasa Scotland siya ay palagi namang nagrereport si Jolisa sa kanya.“Saan na po ang pasalubong ko, sir?”Ngumiti siya sabay iling. “Grabe ka talaga, Jolisa. Holdap kaagad?”Sumimangot ito. “Ibig sabihin ba niyan wala kang dala kahit na ano sa akin, sir?” ang tanong nito, parang obligasyon niyang dalhan ito ng pasalubong. Ang lakas ng tawa niya.“Oh, ito…” sabi niya sabay bigay ng isang malaking paper bag. Biglang lumiwanag ang mukha nito. “Ang perfume diyan, sa’yo. Ikaw na ang bahala magbigay sa iba ng mga chocolates at biscuits. Paghatian n’yo na lang.”“Wow, ang dami!” bulalas ni Jolisa.“Bigyan mo sila ha. Huwag mong angkinin lahat!” natatawang sabi niya.“Opo sir, ako na po ang bahala,

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1246

    Kasalukuyan silang nasa airport ni Doc Vicky at pauwi na ng Iloilo pero hindi pa rin niya nakausap si Aria simula nang bumalik siya ng Pilipinas. Nag-text lang ito kahapon kung kamusta ang flight niya… pagkatapos nun ay hindi na sila nakapag-usap. Ilang beses niya ring tinatawagan si Aria pero nakapatay pa rin ang cellphone nito. Imposible namang hindi mahahalata ni Aria na lowbat siya? Importante sa nobya ang cellphone dahil businesswoman ito. Marami itong kausap lagi sa telepono.Tahimik lang siya doon nakaupo habang naghihintay ng flight nila. Hawak ang cellphone at umaasang tatawag o magme-message si Aria sa kanya.“Hey Clarkson, kanina ka pa tahimik diyan.” Pansin ni Vicky na nasa tabi niya. Ang kamay nito ay nasa kanyang hita at tumagal doon, pasimple niya iyong kinuha.“I’m just thinking of Aria… hindi pa kami nakapag-usap simula ng dumating ako dito sa Pilipinas, nakapatay din ang cellphone niya.”“Baka busy lang...” sabi ni Vicky.Nagkibit-balikat lang siya. “Baka nga.”Nabal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status