LILLY'S POV:Sandaling natigilan siya nang makita si Shelie sa opisina ng director. Galit na galit siya sa ginawa nito sa kanya. Hindi niya akalain na aabot sa gano'n ang pagseselos nito sa kanya. "Maupo ka, Ms. Enriquez," wika ng director. Naupo siya doon sa harap nina Shelie. Napagitnaan siya nina Finn at Precious. Nagpapasalamat siya at nandoon ang mga kaibigan niya... especially Finn.Masama ang tingin nina Shelie sa kanya. Hindi din siya nagpatalo. Hindi na siya magpapabully sa mga ito. Makikita ng mga ito kung sino talaga siya. "Ms. Enriquez, sina Shelie ba at ang grupo niya ang nag-bully sa’yo kahapon?" tanong ng director. "Yes po, Director. Inisprayan nila ako sa mukha ng pepper spray at pinukpok sa ulo kaya ako nawalan ng malay. Kung di pa ako nakita ni Finn at Precious doon, baka patay na ako ngayon." diretsahang sabi nya"That’s not true, Director! Nambibintang siya dahil naiinggit siya sa akin! Gawa-gawa nya lang ito para pagtakpan ang kasalan nya. Masama siyang babae,
Habang naghihintay silang mailabas si Lilly ay tumabi si Precious sa kanya sa upuan."Finn?" mahinang sabi nito. "Di ba si Mr. and Mrs. Enriquez 'yan? Ang major stockholder ng school natin?""Sila nga."Nanlaki ang mga mata nito. "Ibig sabihin, anak ni Mr. and Mrs. Enriquez si Lilly?... Mayaman si Lilly?""Oo, Precious. Sadyang mabait lang talaga si Lilly at ayaw niyang malaman ng iba ang totoong pagkatao niya.""Shit! Lagot ngayon ang nag-bully kay Lilly. Siguradong expelled sila! O di kaya makukulong pa!""Dapat lang sa kanila 'yun. Hindi nila dapat ginagawa 'yun kahit pa hindi kay Lilly. Masama ang mam-bully.""Sa tingin mo sino kaya ang gumawa nito?" tanong ni Precious."Pakiramdam ko ay sina Shelie... siya na lang naman ang galit na galit kay Lilly.""’Yun din sa palagay ko. Dapat talaga bigyan ng leksyon ang babaeng ‘yun. Napakasama niya."Natigil ang pag-uusap nila nang lumabas na si Lilly mula sa emergency room. Naka-wheelchair ito, may benda sa ulo, at namumula ang mukha dulo
FINN'S POV:Nagmamadali siyang pumunta sa classroom ni Lilly. Late siya ng 30 minutes at alam niyang kanina pa siya hinihintay ng dalaga. May inutos pa kasi ang professor niya at hindi naman siya maka-alis agad. Pagdating niya sa classroom nina Lilly ay wala nang tao doon.Nanlumo siya. Baka umuwi na si Lilly, sambit niya sa sarili. Wala naman siyang mapagtanungan doon dahil wala na rin ang mga classmates nito.Kinuha niya ang cellphone at dine-dial ang number ni Lilly pero nagri-ring lang ito.Damn! Baka nagalit sa akin si Lilly?... sa isip niya.Laglag ang balikat na naglakad siya papunta sa kanyang kotse. Iniisip niya kung didiretso siya sa bahay ni Lilly para makapag-usap sila. Hihingi siya ng tawad pero baka lalo lang itong magalit.Habang naglalakad papuntang parking ay nakasalubong niya si Precious.“Finn!” tawag nito sa kanya.“Precious...""Hindi mo ba kasama si Lilly?”“Hindi eh, iniwan niya ata ako. Na-late kasi ako ng punta. Pagdating ko sa classroom niyo, wala na siya doo
Nakaalis na si Finn at nasa loob na rin siya ng classroom nila, pero ang utak niya ay nasa kay Finn pa rin. Sa sinabi nito kanina na love siya nito… excited siya sa hapon para makapag-usap na silang dalawa at masabi na rin niya ang totoong nararamdaman niya."Huuuy!"Nagulat siya nang sigawan siya ni Precious."Bakit tulala ka diyan? Hindi ka nakikinig sa professor natin.""Huh? Ah, eh... wala.""Anong wala? Kanina ka pa tahimik. Ano ba ang iniisip mo?""Wala lang... excited lang ako. Mag-uusap daw kami ni Finn mamaya.""Eh ano naman kung mag-uusap kayo? Bakit, di ba kayo nag-uusap dati? Jowa mo na sya ‘di ba?""Basta..." Hindi na niya masabi kay Precious na situationship pa lang sila ni Finn at wala pa silang label.Natahimik naman silang dalawa nang makita ng kanilang prof na nagdadaldalan sila. Hindi siya makapag-concentrate sa kanilang klase dahil lumilipad ang utak niya. Mabuti na lang at wala silang quiz, kung hindi ay baka bokya ang score niya dahil wala siyang maisagot.Sa wak
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Ang sabi ni Finn ay susunduin siya nito.She is wearing a black crop top with high-waisted, fitted, ripped jeans. Hinayaan niyang nakalugay ang kanyang mahabang buhok. Pakiramdam niya ay sexy siya sa araw na ‘yon. Hindi naman sa naghanda siya pero parang gano’n na nga. She wants to look perfect in Finn's eyes.“Senyorita...” tawag-pansin sa kanya ni Yaya. “Andyan na daw ‘yung sundo mo sabi ni Damian."“Sige po, Yaya. Thank you,” sambit niya. Hindi na niya pinapasok ang kotse ni Finn. Siya na lang ang lalabas sa gate.Nagmamadali siyang kinuha ang kanyang bag at tumakbo na papunta sa gate. Excited siyang makita muli si Finn.Paglabas niya ng gate ay nakita na agad ang binatang nakasandal sa kotse nito. Bigla siyang namula. Ewan kung bakit sa tuwing nakikita niya si Finn ay automatikong namumula ang pisngi niya.Ewan kung guni-guni niya lang pero parang nakita niya din si Finn na namalik-mata sa kanya.“H-hi...” nahihiyang bati niya.“Ahm... hi...
Hindi niya alam kung ilang minuto silang naghahalikan doon. Wala na siyang pakialam dahil gusto niya din naman iyon. She missed Finn so much dahil halos buong araw silang hindi nagkita.Maya-maya ay ito na mismo ang humiwalay sa kanya.“Sorry, girlfriend... hindi ko lang napigilan ang sarili ko.” wika nito, sabay pahid sa kanyang bibig gamit ang daliri nito.Ngumiti siya. Hindi niya alam kung ano ba talaga sila ni Finn... nagpapanggap pa ba silang mag-jowa o sila na? Wala silang malinaw na usapan.Maya-maya ay humatsing siya. “Hinawaan mo ba ako ng sakit mo?” natatawang sabi niya.“Oh no!... sorry, girlfriend. Di ko naalala, may sakit pala ako. Pumasok ka na sa bahay nyo, tapos uminom ka kaagad ng gamot ha? Baka ikaw naman ang absent bukas.”“Hihihi... sige... good night, boyfriend...” sambit niya. Hindi na din siya nahihiyang ipakita ang kanyang damdamin sa lalaki. Sobrang saya niya na hindi na niya kayang itago. Nakalimutan niyang kani-kanina lang ay iba ang ka-date niya, tapos eto