Mula sa kotse ay nakikita niyang aliw na aliw ito sa anak nila. Binigay ng nanay si Clarkson kay Clark para mabuhat nito at sinayaw-sayaw iyon ni Clark. Nagtatawanan din ang nanay at tatay niya kasama si Clark. Mukhang boto ang mga magulang niya kay Clark.Nang makitang pabalik na si Clark, agad siyang nag-iwas ng tingin."Pasensya ka na ha, medyo natagalan ako. Nakakagiliw kasi ang anak natin, kamukha ko! Hehehe. I'm sure mom and dad will be happy kapag nalaman nilang may anak na tayo at may apo na sila.""Hindi siya pupunta ng Manila, Clark." putol niya sa sinabi nito. Ang akala kasi ni Clark ay okay lang ang lahat sa kanya. Oo nga't tinanggap niya ito at pinayagan na makilala ang anak nila, pero hindi naman ibig sabihin na pati ang mga pamilya nito ay makikilala din ang anak niya. Mahirap na, baka ma-attach na naman siya sa pamilya nito. Mas maganda na yung wala siyang emotional connection sa pamilya ni Clark."Ahm, pasensya na, Fe. It's not what I meant. Hindi ko naman aagawin si
Pasimpleng pinagmasdan niya si Clark. Mag-isa lang ito doon sa bar counter at umiinom, tila nagmamasid lang sa maraming bisita. Hindi ito nakikihalubilo, maging kay Ken at James na masayang nakikipagkwentuhan sa ibang mga bisita."Ahm, excuse me, Ma'am Fe, Ma'am Jonie, Ma'am Bebe… Pahintulot lang po, ha? Magvi-video lang kami sa paligid," paalam ng mga ito sa kanila."Go ahead. Thank you, ha..." sagot niya. Agad namang umalis ang mga ito. Ang paalam ay magvi-video, pero nakita nilang kay Clark naman pumunta at parang ini-interview."Walang hiyang mga 'yun, ah… Ang sabi, magvi-video. Nakipaglandian lang kay Clark, eh!" komento ni Bebe. Parehas pala silang tinitingnan."Mukhang mabenta ngayon si Clark sa market, ah. Single na kasi ulit, eh… Wala ka bang ibang nararamdamang ngitngit, Fe?" biro ni Jonie sa kanya."Bakit naman? Wala akong pakialam sa kanya. Mag-nobya siya kung gusto niya.""E paano kung ikaw ang gusto niya? May anak kayo, Fe. Hindi mo ba mabibigyan ng isa pang pagkakataon
Napayuko siya, pilit itinatago ang sakit na muling bumabalik."Clark, matagal na iyon. Wala nang dahilan para pag-usapan pa natin." pag-iwas niya."Pero kailangan nating pag-usapan. Gusto kong magpaliwanag sa’yo. Hindi ko na kayang palampasin ito. Matagal na kitang gustong kausapin pero palagi kang lumalayo. Palagi mo akong iniiwasan.""Hindi kita iniiwasan, Clark!" agad na sabi niya, pero alam niya sa sarili niyang hindi iyon totoo. Kung pwede lang siyang magkulong sa bahay nila para hindi sila magkaroon ng pagkakataon ni Clark tulad nito, gagawin niya. Parang pinipiga kasi ang puso niya sa tuwing naaalala niya ang nakaraan."Fe, alam kong nasaktan kita noon. At nagsisisi ako. Pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako sumuko sa’yo. Oo, nagkamali ako, pero kung kaya kong ibalik ang lahat, gagawin ko. Gagawin ko para sa’yo at para sa anak nating si Clarkson."Napatingin siya dito. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa anak nila."Anak ko siya. Alam kong matagal na akong nawala sa buhay m
Nagising siya mula sa masarap niyang pagtulog. Hinatid siya kagabi ni Clark sa bahay niya pagkatapos ng party. Naiilang pa rin naman siya, pero kahit paano ay nakakapag-usap na sila.Napangiti siya nang makita ang anak sa tabi niya. Kamukhang-kamukha ito ni Clark. Hindi maipagkakailang anak niya talaga ito. Hinaplos niya ang malambot na pisngi ng anak, mahimbing ang tulog nito. Maya-maya naman ay dahan-dahan niyang hinawakan ang maliliit nitong kamay."Para sa'yo ito, anak. Pipilitin kong kalimutan ang mga sakit na dinulot ng daddy mo sa akin para magkaroon ka ng buong pamilya."Kung dati ay mapait sa kanyang puso, ngayon masasabing medyo nakahinga na siya nang maluwag. In fairness naman kay Clark, ginagawa naman nito ang lahat para matanggap niya muli.Dahan-dahan siyang tumayo para hindi magising ang baby niya. Nilipat niya ito sa kuna at maliligo siya nang mabilisan, plano nayng pumunta ng resort. Paglabas niya ng kwarto ay nagulat siya nang wala na ang anak niya sa kuna. Napaling
Nakita niyang malungkot si Clark. Hindi niya alam, pero she had the urge to comfort him. Lumapit siya at umupo sa tabi nito saka niyakap.Sa pagdantay ng mga katawan nila... pakiramdam niya hindi sapat ang yakap lang. Siya na mismo ang lumapit kay Clark para halikan ang labi nito.Noong una ay nagulat ito, pero sa huli siya na rin ang nagpatiayon. Nilamnan nito ang paghahalikan nila habang ang anak nila ay nasa pagitan nila. Pumikit siya at ninanamnam ang kanilang paghahalikan. Na-miss niyang hinahalikan siya ni Clark. Maingat itong gumagalaw sa paghalik, walang pagmamadali. Ilang minuto pa silang nasa ganoong posisyon nang umiyak ang anak nila... malamang ay nasisikipan na sa kanila.Agad silang tumigil. "Shit! What have I done?!" Hindi niya napigilang sisihin ang sarili."It’s okay, babe. I feel the same way. I've always wanted to kiss you, so you can kiss me whenever you want. I don’t mind." biro nito saka siya natawa.Napuno ng tawanan ang kwarto nila. Bumalik na ang relasyon nila
Nasa kasarapan sila ng kanilang pagroromansahan nang biglang may kumatok sa kwarto niya. Mabilis silang naghiwalay!... Para silang mga binatilyo at dalagita na natakot mahuli ng mga magulang."Anak, andito na ang mga pinamili mo. Lulutuin ko na ba?" sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto."Ahm, ako na ang magluluto, Nay. Susunod na ako sa baba." sagot niya.Agad siyang bumaba sa kama, pero bago siya lumabas ay binalikan niya si Clark, na nasa kama pa at muling dinampian ng halik saka dali-daling lumabas.Napapangiti na lang siya sa ginawa niya.Pagbaba niya, nasa harap ng TV ang nanay at tatay niya at nanonood ng balita. Dumiretso siya sa kusina saka inumpisahan nang magluto. Habang hinihiwa ang mga ingredients, napapangiti na lang siya sa naganap sa kanila ni Clark kani-kanina lang.Maya-maya, nakita niyang pababa ng hagdan ang kanyang mag-ama. Ahhh... ang sarap banggitin ang "mag-ama." Tila natanggap na niya talaga si Clark sa buhay niya."Andito na pala ang apo kong pogi!" masayang
*************CLARK'S POV:Kasalukuyan na siyang nasa airport. Hinatid siya ng mga kaibigan niya kasama ni Fe. Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon. Kung hindi lang talaga importante, ay hindi siya uuwi ng Manila. Mas gusto niya na lang sa Iloilo kasama si Fe at si Clarkson. Sa ilang araw ng pananatili niya doon, ay narealize niyang pwede naman pala siyang magkaroon ng tahimik na buhay.Pero pinapangako niya, matapos lang ang lahat ng ito ay babalikan niya ang mag-ina niya. Magpo-propose siya kay Fe at sana ay pumayag itong magpakasal sa kanya.Napapangiti siyang maalala ang mga tagpo nila ni Fe. Sa tantiya niya ay parehas naman sila ng nararamdaman. Alam niyang mahal pa siya ni Fe at ganoon din naman siya. Hindi naman agad nawawala iyon. Halos magkadikit na ang bituka nila dahil naging mag-bestfriend muna sila bago naging lover.Nang marinig ang announcement ng piloto na nakarating na sila sa Manila airport, ay naghanda na siyang bumaba. Kailangan niyang
"Fe? Huhuhu… si Clark!""Tita, ano po ang nangyari kay Clark?" Agad siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari."Fe, makinig kang mabuti. Si Clark… binaril siya! Huhuhu!"Parang gumuho ang mundo niya sa narinig niyang balita. Nanginginig siyang napahawak sa dibdib niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Tila iniisip pa niya ang sinabi ng mommy ni Clark."A-Anong ibig mong sabihin, Tita?!" muli niyang tanong. Kailangan niyang makasigurado na tama ang narinig niya. Baka bigla na lang nitong sabihin na prank lang iyon at wala talagang nangyaring ganoon."Hindi ko pa alam ang buong detalye, pero tinambangan siya sa airport. Si Bryan ang may pakana!..."Napaupo siya sa sahig, nanginginig ang buong katawan at nawzlan ng balance. Ang takot at pangamba ay bumalot sa kanya. "C-Clark..." bulong niya habang nagsisimulang tumulo ang kanyang luha."Tita… kamusta na po si Clark? Gusto ko pong pumunta diyan… saan po siya dinala? Huhuhu…" Hindi na niya napigilan ang pag-iyak."Kritikal an
Tumalikod na siya at pumunta sa kwarto ni Gray. Kumatok siya ng marahan. Pero isang katok pa lang ay bigla na itong bumukas at nagulat siya nang biglang may humatak sa kanya papasok ng kwarto at sinarado iyon."Gray, ano ba... baka may makakita sa atin!" wika niya dahil niyakap agad siya nito."I miss you na kasi...""Huh? Kanina pa lang tayo naghiwalay, miss agad?""Bakit? Ako ba, hindi mo na-miss?" kunwaring tampo nito."Dapat nag iingat tayo kapag andito sa bahay. Kanina ay muntik na tayong mahalata ni Mila!" saway niya sa nobyo."Hayaan mo siya. Katakot lang nun sa akin.""Hindi pwede!... malaki ang inggit nun sa akin kaya siguradong isusumbong ako nun sa nanay kapag nalaman niyang may relasyon tayo!" galit na wika niya. Naiinis siya dahil parang hindi siya siniseryoso ni Gray."Sige, sorry na... next time, mag-iingat na ako." wika nito habang nakahawak sa bewang niya. Ngayon niya lang narealize na sobrang lapit na pala ng mga katawan nila. Tinulak niya ito ng bahagya pero lalo ni
Hindi niya mapigilang ngumiti habang naglalakad papunta sa maid's quarter. May nobyo na siya... at iyon ay ang lalaking matagal na niyang crush. At hindi niya lubos maisip na may pagtingin din pala si Gray sa kanya. Ang sarap sa feeling na crush ka din ng crush mo.“Andito ka na pala, mahal na prinsesa?... Bakit parang baliw ka diyan na nakangiti?” sita ni Mila sa kanya. Hindi niya napansin na nadaanan niya ito. Ganoon pala kapag in love ka, parang wala kang nakikita?“Alam mo, may kakaiba sa’yo. May kakaiba sa ngiti mo... may ginagawa kang kababalaghan, ano?”Agad na namula ang mukha niya. Ganoon ba siya kahalata? Hindi maaaring malaman ni Mila ang tungkol sa kanila ni Gray. Hindi ito pwedeng magkaroon ng suspetsa na may relasyon na sila dahil siguradong isusumbong siya nito sa nanay niya... and worse, malalaman ng mga amo nila! Sa ugali ni Mila, ay alam niyang hindi siya nito sasantuhin. Ikakatuwa pa nito na mapahamak siya.“Ano bang pinagsasabi mo, Mila?” asik niya dito.“Bakit ka
"Don't be scared, babe... ako ang bahala sa'yo. Promise, hindi malalaman nina Mommy at Daddy ang tungkol sa atin. Hindi ko na kasi kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Ayaw kong maagaw ka ng iba sa akin. Please say you're mine, Rosie... please say it..."Pagmamakaawa nito. Ramdam niya ang sinseridad sa mga mata ni Gray. Ahh! Bahala na!... "Yes, Gray... I'm yours..." nahihiyang sagot niya. Sandaling nagulat si Gray sa sinabi niya. Nakatingin na lang ito sa mga mata niya. Hanggang sa unti-unti na itong ngumiti... "Girlfriend na kita, Rosie?" pagkukumpirma nito saka hinawakan ang mukha niya. Marahan siyang tumango. Lalong lumaki ang ngiti nito sa labi. "Yes!" sigaw nito. Wala namang nakakarinig sa kanila dahil nasa loob sila ng kotse. Maya-maya ay muli nitong nilapit ang mukha sa mukha niya saka siya muling hinalikan sa labi... napapikit siya at ninanamnam ang unang halik at unang lalaki sa buhay niya. "Alam mo bang ikaw ang first kiss ko, babe?" Nagulat siya sa sinabi ni Gr
********* ROSIE'S POV: Tiningnan niya lang habang papalayo si Gray sa kanila. Galit ba ito sa kanya? Kanina lang ay masaya itong nakapasok siya sa team. Bakit ngayon ay nag-iba ang timpla nito? "Rosabel..." tawag-pansin ni Peter sa kanya. "Huh?" sagot niya pero ang mata ay nasa kay Gray pa rin na palabas na ng gym. Napaka-tampuhin naman ng lalaking 'yun! "Rosabel..." Muling tawag-pansin ni Peter, saka niya tiningnan ito. "Tara na?" "Ahm, sige, tara." Nagpaalam na sila sa dalawang kaibigan na sina Emilio at Justine saka umalis. Hindi na siya nagpalit ng damit niya. Wala na din naman siyang pasok at uwian na. Dinala siya ni Peter sa isang snack house. "Thank you, Peter ha.." "Ako dapat ang mag-thank you sa'yo kasi pinaunlakan mo ang imbitasyon ko. Now that you're part of the volleyball team, number one fan mo na ako. Hahaha... Ang galing mo, Rosabel." "Naku, wala 'yun!... Ako lang 'to!" biro din niya. "Nagtataka lang ako... bakit nga pala ang daming alam ni Gray tungkol sa'
“Really?” Tiningnan ni coach si Rosabel mula ulo hanggang paa. “Mukhang magaling ka nga maglaro, and I like your height. Tamang-tama, kailangan ko ng player ngayon. Sige nga, tingnan natin kung ano ang kaya mong gawin."Tumingin si Rosie sa kanya na parang nahihiya pero hinawakan nya ito sa kamay para bigyan ng lakas ng loob. “May pamalit ka ba ng damit mo diyan? May tryout kami ngayon. You can join the tryout if you want.”“Ah, he... meron coach...” wika ni Rosie saka dali-daling nilabas ang uniform sa dating school.“Sige, magbihis ka muna."“Samahan na kita?" Pag-presenta niya.“Wag na. Kaya ko naman. Ako na lang.” sagot ni Rosie sa kanya. Wala siyang nagawa kundi umupo malapit doon sa bench. Ang mga kaibigan niya ay tahimik lang habang nagmamasid.Hindi naman nagtagal ay bumalik na si Rosie at nakabihis na ito ng complete uniform na maiksing leggings at jersey ng dating eskwelahan. May knee pads din ito saka elbow pads.Sandaling tumigil ang mundo niya habang papalapit si Rosie.
Pagdating ng gym ay andoon na din ang mga barkada nitong sina Emilio at Justine. Medyo nakahinga siya ng maluwag nang wala doon si Peter. Nahihiya siya sa lalaki.“Bro, dito na pala kayo. Nakita niyo ba si Coach Patrick?” tanong ni Gray sa mga kaibigan habang hindi inaalis ang pagkakaakbay sa kanya.“Ah eh... wala, bro,” wika ng dalawa saka ang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Gray.“Rosabel, right?” tanong ni Emilio habang nakatingin sa kanya. “Ikaw ang pinakilala ni Peter sa amin last week, right?”“Ahm, oo ako nga.”Muli na namang nagtinginan ang dalawa.“Ahm Gray, babalik na muna ako ng room. May kasunod pa kasi akong subject.”“Ganun ba. Sige, ihatid na kita.”“Wag na, kaya ko naman.”“Sige. Pagkatapos ng school mo, dito na lang tayo mag-meet sa gym. Puntahan mo ako dito, okay?”“S-sige,” nahihiyang wika niya.Akmang lalabas na siya ng gym nang dumating na din si Peter. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ang lalaki. Agad na itong nilapitan. Ngumiti din ito ng mal
Pagdating sa classroom ay tumahimik ang mga estudyante at nakatingin sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan."Hi.." nakangiting bati ng katabi niyang babae. "Are you new here?""Oo. Transferee ako.""Ah, ganun ba... I'm Julie, by the way." Ngumiti ito habang nakikipagkilala sa kanya.Nginitian niya din ito pabalik. "Rosabel.." banggit niya sa pangalan niya.Tumahimik na din sila nang dumating ang prof. Pinakilala siya nito sa buong klase dahil transferee siya. Nahiya nga siya dahil panay ang tukso sa kanya lalo na ang mga boys."My boyfriend ka na ba, miss? Pwede ba ako mag-apply?" sigaw ng isang lalaki saka sila tinukso.Yumuko siyang bumalik sa kanyang upuan."Don't mind them, Rosabel. Nagandahan lang ang mga 'yan sa'yo.." pabulong na sabi ni Julia.Tipid siyang ngumiti pero nahihiya pa din siya. Nang mag-umpisa nang magturo ang prof nila, kahit paano ay naging komportable na din siya. Saka tinutulungan siya ni Julia sakaling may mga tanong siya.Nagpapasalamat siya at nakipagkaibi
Dali-dali siyang pumunta ng parking dahil baka andoon na si Gray, pero wala pa pala. Umupo naman siya sa bench saka naghintay ng kaunti. Pero sampung minuto na ang nakakalipas ay wala pa din ito. Napagdesisyunan niyang puntahan na ito sa kwarto, baka kasi ma-late na siya.Pagdating niya sa kwarto nito ay kumatok siya. "Kuya Gray?... Kuya Gray?" mahina niyang tawag."Iha!" Nagulat siya nang marinig ang tawag ni Sir Ken sa kanya."G-good morning po, Sir Ken. Tinatawag ko lang si Kuya Gray. Baka kasi ma-late na ako sa school. Sabi niya sabay na daw kami pupunta sa university.""Ganun ba? Ngayon pala ang first day mo, ano?""Opo." Nahihiya siyang makipag-usap kay Sir Ken. Alam niyang mabait ito pero hindi pa din siya komportable sa presensya nito. Amo pa din kasi niya ito kahit pa hindi naman talaga siya ang nagtatrabaho doon na katulong. Binuksan ni Sir Ken ang pinto ng kwarto ni Gray para tingnan ito. Pero nagulat sila nang tulog pa ang lalaki."Naku, tulog pa si Kuya Gray..." komento
Nakayuko siyang lumabas ng CR. Nahihiya siya sa damit niya. Alam niyang bagay sa kanya, pero hindi naman siya lalabas sa publiko na ganoon ang suot. Ang crop top ay halos boobs niya lang ang natatakpan. Ang palda naman ay konti na lang ang galaw niya ay lalabas na ang panty niya.Nang makita siya ni Lilly ay napatili ito. Si Gray naman ay napamalik-mata at napapatulala."Eiiihhhh! Ang ganda at ang sexy mo, ate! Bagay talaga sa’yo maging model. You’re so perfect! ‘Di ba, kuya?""Huh… ah, eh… hmmm…""See? Hindi makapagsalita si kuya sa ganda mo, ate. Mukhang may crush na si kuya sa’yo.""Shut up, Lilly," saway ni Gray.Hindi ito pinansin ni Lilly, saka siya nilapitan at inikutan. "Damn, ate! Total makeover ka diyan?""Ano ba, Lilly. Bihis na ako. Hindi ako komportable sa suot na ito kaya hindi ko ’to isusuot.""Isuot mo ’yan kapag magmo-malling tayo. For sure, pagtitinginan ka ng mga babaeng inggitera."Napasimangot siya. Ayaw niyang pinapansin siya, mahiyain siya.Agad na siyang pumaso