LOGIN“Let’s go, Ma’am Jolisa,” mahinang sabi ni Kurt sa kanya.Bago siya tuluyang umalis, muli siyang napatingin kay Pretzel. Ang dating matapang na babae na kayang magmanipula ng lahat… ngayon ay parang gulay na lamang na nakahiga sa kama. Wala nang bakas ng yabang at tapang na dati nitong ipinapakita.Si Mayor naman ay nakaupo sa tabi ng kama, humahagulgol sa iyak habang paulit-ulit na humihingi ng tawad at nagsisisi sa lahat ng ginawa.Hindi na siya nagpaalam. Tahimik siyang tumalikod at lumabas ng silid. Nakasunod lamang si Kurt sa likuran niya.Paglabas nila sa hallway, natanaw niya sa unahan sina Tyler at Tiffany. Mabilis ang lakad ng dalawa. Nakahawak si Tiffany sa braso ni Tyler, tila takot na muling mawala ito.Nakatitig lamang sia sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang iisipin o mararamdaman.Pagdating sa car park ay nakita niya ang kotse ni Tyler na naroon pa. Nakabukas ang pinto sa harap… at si Tiffany ang nakaupo sa front seat... sa upuang dati ay para sa kanya.“Ano pa ang h
“Si Pretzel na-disgrasya kagabi… car accident. At 50-50 ang lagay niya ngayon.”“Oh my God…”Hindi siya makapaniwala sa narinig. Parang biglang bumigat ang buong paligid.“Doon ba si Tyler buong gabi? Kasama si Pretzel?” muli niyang tanong.“Hindi.”Napakunot ang noo niya. Kung ganoon, nasaan si Tyler buong gabi?Magtatanong pa sana siya, ngunit huminto na ang sasakyan sa harap ng ospital. Sabay silang bumaba ni Kurt at mabilis na pumasok sa loob. Dumaan sila sa mahabang hallway na amoy disinfectant at malamig dahil sa aircon. Nang makarating sila sa isang private room, dahan-dahang binuksan ni Kurt ang pinto.Pagpasok pa lamang ay agad niyang nakita si Pretzel na nakaratay sa hospital bed. Maraming tubo ang nakakabit dito, may oxygen mask sa mukha, at tila halos hindi na makilala sa dami ng benda at pasa sa katawan.Naroon din si Tyler… at ang mayor na ama ni Pretzel.Ngunit ang tunay na nakakuha ng kanyang atensyon ay ang babaeng nakatayo sa tabi ni Tyler.Parang nakita na niya ito
JOLISA’S POV:Napamulat siya nang tamaan ng liwanag ang kanyang mga mata. Bahagya siyang napangiwi at napatakip sa mukha. Diretso nang sumisilip ang sikat ng araw sa silid. Nakabukas pala ang kurtina at hindi na niya iyon naisara kagabi.Napatingin siya sa wall clock. Alas-siyete na ng umaga. Ngunit hindi pa rin dumarating si Tyler. Alam niyang wala pa ito dahil halos hindi rin siya nakatulog buong gabi sa kakahintay. Sa katunayan, mabigat ang kanyang ulo ngayon at tila may pumipintig na sakit sa sentido niya.Hindi niya alam kung saan ito pumunta. Ang sabi nito kagabi ay hindi ito magtatagal at babalik din agad. Pero buong magdamag itong nawala. Wala ring tawag o kahit text man lang para sabihing ayos lang ito o kamustahin siya. Hindi ba nito naisip na natatakot pa rin siya na mag-isa roon?Bagama’t ligtas naman siya dahil may mga pulis sa labas, nakapagtataka pa rin na hindi siya niyaya ni Tyler na sumama. Kung mahalaga ang pupuntahan nito, bakit hindi siya isinama?Naalala niya ang
Si Tyler ang unang nagsalita.“Paano nangyari ito, Tiffany? Paano nangyaring nandito ka sa Sagada? Ang sabi mo sa sulat… mag-aabroad ka.”Yumuko si Tiffany. Mahigpit nitong pinisil ang sariling mga kamay bago nagsalita.“Mahabang kwento, Tyler…”“Umpisahan mo nang magpaliwanag.” Diretsahan ang tono niya.Hindi niya maitago ang galit at pagkalito. Pakiramdam niya ay niloko siya sa loob ng maraming taon.Unti-unting nag-angat ng tingin si Tiffany. Namumugto ang mga mata nito.“Si Pretzel… binalak niya akong patayin.”Napahigpit ang panga ni Tyler.“Actually… ang akala niya ay napatay na niya ako.”Parang bumigat lalo ang paligid. Hindi makapaniwala si Tyler sa narinig.“Pero may tumulong sa akin. Dinala ako sa ospital… at nang magising ako, nandito na ako sa Sagada.”Napalapit si Tyler sa mesa. “Sino ang nagdala sa’yo rito?”Huminga nang malalim si Tiffany. At ang sumunod na sagot ay lalo pang nagpagulo sa lahat.“Si Mayor… ang ama ni Pretzel.”Sandaling natigilan si Tyler. “Si Mayor?”
“Saan ka ba talaga pupunta?”Huminto siya.Unti-unti siyang lumingon at tinitigan ito nang diretso sa mga mata. Ilang segundo siyang natigilan. Gusto niyang sabihin ang lahat, pero wala pa siyang kasiguraduhan.“Lock the door. Huwag kang magpapapasok kahit sino pa ’yan.”Iyon lamang ang nasabi niya bago tuluyang lumabas.Paglabas, agad na tumayo ang mga pulis nang makita siya.“Aalis lang ako sandali. Pakibantayan n’yo nang mabuti si Jolisa. Walang makakalapit sa kanya habang wala ako.”“Ayos po, Sir Tyler.”Pagkatapos magbigay ng instructions ay sumakay siya sa kanyang kotse. Mahigpit ang hawak niya sa manibela habang umaandar ang sasakyan sa madilim na kalsada.Si Kurt ang kausap niya kanina, ang kaibigan niyang pulis. May nadiskubre ito. Hindi pala talaga nasira nang kusa ang CCTV sa bahay niya, may sadyang sumira roon... at hindi nga siya nagkamali.Sa narekober na footage, malinaw na si Pretzel ang may kagagawan.Kung noon ay kutob lamang niya at ang kwento ni Jolisa ang pinangha
SAMANTALA SA OSPITAL…“Kayo muna ang bahala dito,” sabi ni Mayor sa kanyang mga tauhan. Halatang bagsak na ang kanyang katawan at isip sa sobrang pagod. “Uuwi muna ako sandali.”“May balita na ba kay Pretzel? Nakita na ba siya?” agad niyang dagdag na tanong.“Wala pa po, Mayor.”Napakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Para bang bawat paghinga niya ay may kasamang bigat na matagal nang nakadagan sa kanyang dibdib. Saan na kaya ang batang iyon?Ang ikinakatakot niya ay baka may mangyaring masama kay Pretzel. Wala ito sa tamang pag-iisip, at alam niyang sa ganoong kalagayan ay kung ano-ano ang maaaring maisip nitong gawin sa sarili.Sana lang ay walang masamang nangyari sa’yo, Pretzel… sambit niya sa sarili.Napatingin siya sa entrance ng ospital. Wala na ang mga taga-media roon. Pinagbawalan na ng pamunuan ng ospital ang mga ito na makapasok dahil na rin sa kanyang utos. Sa wakas ay tahimik na rin ang paligid. Marahil ay ligtas na siyang makakaalis nang walang haharang at walang
CLARKSON'S POV:Nanlulumo siyang bumalik sa kotse. Paano niya sasabihin kay Aria ang nadiskobrehan niya. Mukhang matagal tagal itong gamutan.Speaking of Aria... Ilang araw na silang hindi nag-uusap. Sa tuwing tinatawagan niya ito ay nakapatay pa din ang cellphone ng nobya.Bago pinaandar ang kotse
"Mam Aria, ano ang nangyari sayo?" tanong ni Phern nang pumasok ito sa kanyang opisina at makitang halos maglumpasay siya sa kakaiyak sa kanyang upuan. Dali-dali siya itong dinaluhan. “May masakit ba sayo? May dinadamdam ka ba?”“Phern… huhuhu!”“Bakit? Anong nangyari?” Halos matataranta na si Pher
Nakita pa niyang sumimangot si Vicky pero wala siyang pakialam.Pagpasok sa resort ay agad siyang sinalubong ni Jolisa, ang kanyang secretary.“Welcome back, Sir Clarkson!” Malapad ang ngiti nitong sabi.“Thank you, Jolisa. Kamusta kayo dito?”“Okay naman po, sir. Wala namang naging problema.”Kahi
Sa eroplano ay hindi siya mapakali. Parang gusto niyang sabihin sa piloto na bilisan ang pagpapalipad sa eroplano. Uwing-uwi na siya sa kanyang fiancé. Hindi niya alam kung mae-excite o matatakot sa aabutan niya.May stopover pa siya sa Istanbul, lalong nagpapahaba ng biyahe niya. Wala na kasi iban







