"So... tomorrow is Sunday, what's our plan? Dapat may bonding ulit tayo bago mag-Monday. We are all going to be busy again!" wika ni Lilly."Pupunta ako sa Cebu tomorrow. May convention ako sa Monday doon. 'Wag na kayong lumabas ni Rosabel sa bahay dahil wala ako. Doon lang kayo mag-bonding sa bahay." sabi ni Gray."No. Plan ko umuwi ng Baguio bukas. Bibisitahin ko lang sina Nanay sandali pero babalik din agad ako sa gabi dahil may pasok na sa Monday." sabi nya. Plano na nya iyon kanina pa"Sama ako, Ate!" agad na sabi ni Lilly."Sure! I'm sure matutuwa si Nanay na makita ka.""Yehey! Magpa-drive na lang tayo kay Mang Berting.""No..." sabat ni Gray sa usapan nila ni Lilly."Anong NO, Kuya? Di mo kami papayagan na pumunta ng Baguio?" tinaasan nito ng kilay ang kapatid."Hindi ko kayo papayagan kapag hindi ako kasama... Sasama ako bukas sa inyo.""Huh? Di ba may flight ka pa-Cebu?" nagtatakang tanong nya"That can wait. Pwede naman akong magbiyahe sa madaling araw sa Monday.""Sigurado
"Ugh! Here we go again… lover's quarrel na naman!" wika ni Lilly saka tinalikuran na sila. "Doon tayo sa steak house na paborito ko. Sumunod na lang kayo kapag tapos na kayong mag-away." pahabol nitong sabi saka iniwan sila doon ni Gray.Naghalukipkip siya ng kamay sa dibdib… Kapag ito ang naglalandi sa iba, ay okay lang? Pero pag siya, bawal? sigaw ng isip niya.Nandoon lang sila nakatayo ng ilang minuto, walang nagsasalita. Humugot muna ito ng malalim na hininga na tila nag-iipon ng pasensya. Binitawan nito ang mga paper bag sa sahig saka lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. Hinalikan siya nito sa pisngi...sa kanang pisngi niya, dahil si Peter ay sa kaliwa humalik kanina."Don’t you dare make me jealous, Rosie… hindi mo alam ang kaya kong gawin sa'yo…" wika nitong may pagbabanta. Aaminin niya, natakot siya sa banta nito. Ano ba ang kaya nitong gawin sa kanya?Hindi pa man nasagot ng utak niya ang tanong ay muli nitong kinuha ang mga paper bag sa sahig at hinawakan siya ng
"See?" Malapad ang ngiti niya, sabi ni Gray sa kanya. "Akala mo ba sa'yo nakatingin? Hahaha!..." Hindi na nito napigilang tumawa.Nainis siya at kumawala sa pagkakaakbay nito. "Edi ikaw na! Ikaw na ang habulin ng mga babae at bakla!" Biglang nagkaroon siya ng insecurities sa kantawan. Gandang-ganda pa naman siya sa sarili niya sa araw na 'yon."Wag kang magpakampante, tingnan mo mamaya may magpapakilala din sa akin na lalaki." Wika niya na tila siguradong-sigurado para pagtakpan ang pagkapahiya."Bakit ko naman papayagan 'yon?" Muli na namang kumunot ang kilay nito."Gusto mo sa'yo lang may magpapakilala, ganun?" Supladang sabi niya."Bakit ka pa maghahanap, andito naman ako?""Ayaw kong pumila at makipag-agawan sa mga babae mo, noh!" Natigilan siya sa sinabi niya... tila hindi niya iyon pinag-isipan. Bakit 'yon ang lumabas sa bibig niya? Parang lumalabas tuloy na nagseselos siya sa mga babae nito!"Walang pila dahil ikaw lang ang babae ko ngayon, Rosie. I'm yours..." wika nito saka m
"Rosabel!" sigaw ni Gray habang sinusundan siya ng tingin. Hindi siya tumigil, dire-diretso lang siya papunta kay Lilly na abala sa paghahanap ng mabibiling blouse. Ayaw niyang makita ni Gray ang reaksyon ng mukha niya dahil alam niyang namumula na siya. Ayaw niyang makitang nagtagumpay na naman ito sa pagpapakilig sa kanya."Ate, okay ka lang?" tanong nito nang magulat sa pagsulpot niya sa tabi nito."Y-eah..." pilit niyang ngiti. "Excited lang ako mamili ng bagong blouse." pagsisinungaling niya.Pero ang totoo ay hirap na hirap na siya tuwing nasa tabi lang si Gray dahil hindi niya kontrolado ang sarili niya. May mga pagkakataon na gusto na niya itong yakapin at halikan muli pero pilit niyang nilalabanan.Ang sabi pa nito ay magiging loyal na daw sa kanya ngayong andito na siya?! Neknek mo! Sinong maniniwala samantalang sa opisina pa lang ay ka-fuck buddy nito ang sekretarya niya?!Nanggigigil cya sa inis habang naaalala ang nakita sa opisina kahapon. Nakasimangot ang mukha niya na
Paglabas ni Lilly ay napangiti siya dahil halos magkaparehas ang porma nila. Nakapalda din ito pero mahaba lang ng konti kesa sa kanya. Suot din nila ang twinning bag nila na pasalubong niya kay Lilly. "Look, Ate, we're like twins! Hihihi." Maging siya ay natawa sa sarili nila. Magkahawak-kamay silang bumaba ng hagdan. Alas-dyes na ng umaga at bukas na ang mall sa mga oras na 'to. For sure ay buong araw na naman sila sa mall nito. But she doesn’t mind dahil gusto niyang mag-unwind muna bago sasabak sa trabaho sa Lunes. Plano niya din bumisita sa nanay at lolo’t lola niya bukas sa Baguio. Pagdating nila sa parking ng kotse ay nagulat siya na andoon na si Gray, nakasandal sa kotse at tila naghihintay sa kanila. Ang akala nya ay hindi ito sasama dahil ayon kay Lily ay natutulog pa ito. "Bakit ang tagal niyo?" nakasimangot nitong tanong. Tumingin ito sa kanya. "Bakit ganyan ang suot mo, Rosabel? Change your clothes. Halos kita na ang kuyukot mo d'yan sa iksi ng palda mo!" Nap
Kinabukasan ay late na silang nagising ni Rosie. Late na rin naman silang natulog dahil madami pa silang napag-usapan. Tila miss na miss nila ang isa’t isa. Napuyat din siya kakahintay kay Gray na bumalik sa kwarto ni Lilly, pero wala talaga. “Good morning, Ate Rosabel,” wika ni Lilly saka siya niyakap at tumanday sa kanya. Kahit matagal na silang hindi nagkita ay gano’n pa rin ito ka-sweet sa kanya. “Ate, sana totoong sister na lang kita. Though wala naman akong reklamo kay Kuya Gray kasi simula nang umalis ka, naging sweet na siya sa akin. Lagi niya akong dini-date, we eat outside, at sinasamahan niya akong mag-shopping.” “Talaga ba? ‘Di ba naiirita siya sa’yo dahil maarte ka?” “Hmp! Dati ‘yun. Pero ngayon love na niya ako. Hihihi.” Lihim siyang napangiti. May good news naman pala siyang aabutan doon. “Tara na… mag-breakfast na tayo then mag-malling tayo.” aya nni Lilly Napangiti na lang siya sa mga plano ni Lilly. Tila wala ito kapagod-pagod mamili ng kung anu-ano, na kung
ROSABEL'S POV:Pag-alis ni Gray sa kwarto niya ay agad niya itong sinara at ni-lock. Naiwan siyang mag-isa, nakatingin sa pinto at nanginginig ang mga kamay niya. Pinilit niyang maging matatag, pinikit ang mga mata, at huminga ng malalim.Umuwi siya doon sa pag-aakalang tulog na ang lahat. Nagulat siya nang makitang nandoon sa loob ng kwarto niya ang binata at hinihintay siya.Gray said he missed her. God knows how she also missed him. Oo nga’t galit siya dito, pero hindi naman maipagkakaila na na-miss niya talaga si Gray... lalo pa’t first love niya ito.Lalo na nang halikan siya ng binata. She doesn't mind na naka-inom ito, masarap pa rin kahit lasang alak ang halik ni Gray. Aaminin niyang nadarang siya. Muntik na siyang mapapikit kung hindi niya lang naalala ang tagpong nakita niya sa opisina nito. Agad niyang tinulak ang binata at sinampal.Nakita niya sa mga mata nito ang pagkabigla at sakit. But what can she do? Nasaktan din siya. Nasaktan siya dahil iba’t ibang babae ang kaulay
May condo pala si Rosabel sa Manila? Ngayon niya lang nalaman. Wala naman siyang alam tungkol kay Rosie simula nang umalis na ito 2 years ago.Baka nga doon ang dalaga. Hindi naman niya alam kung saan iyon kaya wala siyang magagawa kung hindi ito magpakita sa kanya.It’s past 10 PM already, naka-dinner na sila ni Lilly. Nagpapahinga na din ang mga tao sa loob ng bahay. Siya… eto nasa kwarto niya at hawak-hawak ang baso na may wine habang paroo’t parito sa loob ng kwarto niya.Napag-isip-isip niyang pumunta sa kwarto ni Rosie… doon niya hihintayin ang dalaga kung sakaling uuwi man ito ngayong gabi.Bitbit niya ang isang bote ng wine at ang kanyang baso, lumipat sya sa kwarto ni Rosabel na nasa katabi lang ng kwarto niya.Umupo siya sa vanity mirror na naroon at nilapag ang bote ng whiskey. Tinaas pa niya ang paa na parang pagmamay-ari niya ang kwartong iyon.Maya-maya ay narinig niyang bumukas ang pinto. Hinintay niya kung sino ang pumasok… and it’s Rosabel!Nakatalikod ito sa kanya ha
Pagdating ng mansion ay agad siyang tumakbo sa kwarto ni Rosabel. Hindi na doon, nagtatrabaho si Yaya Cynthia kaya tinalaga na ang isang guest room kay Rosie doon.Kumatok siya doon ng kumatok. “Rosabel? Rosabel, andiyan ka ba? Rosie, please open the door...”“Sir Gray?....”Tawag-pansin ni Mila sa kanya, ang katulong nila.“Sino po ang kinakatok niyo d’yan?”“Si Rosabel? Dumating na ba siya?”“Huh? Hindi naman dumating si Rosabel dito, sir.”Lalo siyang naguluhan. Pinihit niya ang doorknob at binuksan ang pinto. Wala nga doon si Rosabel. Maayos pa rin ang kama, ibig sabihin, walang gumamit.“Where is she?” tanong niya sa sarili.Naka-isip naman siya... 'Di kaya nasa kwarto ni Lilly? Doon iyon natutulog dati sa kwarto ng kapatid niya. Agad naman siyang pumunta sa kwarto ni Lilly. Nagtataka na si Mila sa mga kinikilos niya pero wala siyang pakialam. Agad niyang binuksan ang pinto ng kapatid, hindi na siya nag-abala na kumatok.“Ayyy, ano ba!” sigaw ni Lilly nang magulat ito sa biglaang