LOGINTahimik lang silang dalawa sa loob ng kotse.“Aria,” tawag ni Ben sa kanya. “Hindi ka pa rin ba talaga handa na bigyan ako ng chance? Matagal na rin naman kitang nililigawan...”Huminga siya nang malalim. “Ben, akala ko ba nag-usap na tayo na magiging magkaibigan na lang tayo?”“Yes, pero wala namang dahilan para pigilan ko pa ang sarili ko, di ba? Tita Bebe likes me for you. Ano pa ba ang hino-hold back mo?”Natahimik siya. “Hindi ko sinasabing ayaw ko sa’yo. Mabait ka, at lahat ng babae siguro gugustuhing makasama ka. Pero... hindi ko pa kaya. Hindi pa ako handa.”“Si Clarkson pa din ba?”Hindi siya agad nakasagot. Pero alam niyang hindi na niya kailangang umamin, malinaw na ang sagot sa mga mata niya.“Aria,” masinsinang sabi ni Ben, “hindi pwedeng habambuhay kang magpakalugmok. Bakit hindi mo subukang magmahal ng iba? Malay mo, hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa.”Nalungkot siya sa sinabi ni Ben. Parang hindi niya matanggap.“Bakit hindi mo ako sagutin? Pangako, hindi ka mags
Pagka-approve ng kanilang project ay hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Pinagawa na niya agad ang gusto niya. Kasalukuyang kino-construct ang lobby area kung saan ang café at shopping area na pinagplanuhan nila.“Lady Aria, kinikíta ko na kung gaano kaganda ang hotel kapag matapos na ang construction,” sabi ni Phern habang nakatingin sila sa mga gumagawa.“Ikaw lang pala ang hinihintay para lalong mapaganda ang hotel, Madam,” sabi naman ni Ethan. “Mga matatanda na kasi ang mga board kaya hindi na nila alam ang mga "What's hot and what's not" ngayon.”“Sshhh… wag kang maingay at baka may makarinig sa’yo, hihihi…” saway niya kay Ethan saka sila nagtawanan.“Hi, sweetie…”Napalingon sila sa nagsalita sa likod nila. Si Ben ang paparating at may dalang bouquet of roses at chocolate. Pasimple siyang tinulak ni Phern na parang ito ang kinikilig.“Hi… andito ka lang pala,” wika nito saka humalik sa kanyang pisngi. “For you.” Binigay ang bulaklak at chocolate.“Ahm, thank you…” naiilang na s
Sumunod pa ang mga araw ay naging abala siya sa hotel. Kasalukuyan siyang nakaupo sa office chair at nakatingin sa glass wall ng kanyang opisina. Kita ang buong siyudad ng Scotland sa pwesto niya. Nag-iisip siya kung ano ang sasabihin sa board mamaya para ma-approve ang café at shopping mall na sinusulong niya.Napatingin siya sa pinto nang may kumatok. Si Ethan ang pumasok at may dalang folder.“’Yan na ba ang presentation para mamaya sa board?” tanong niya.“Yes, Madam.”“Ethan, gusto kong maging maayos ito. Walang puwang sa pagkakamali. Kahit gaano pa kaganda ang ideya natin ay dapat pa din nila maintinhan ang pakay natin... hindi lang ito basta kapritso." “Understood, Madam,” sagot ni Ethan habang sinimulan na ang paghahanda ng materials. Sila ni Ethan at Phern ang a-attend sa board. Hindi pa niya alam kung sino-sino ang mga naroroon. First time niyang humarap sa board.Maya-maya ay si Phern naman ang pumasok. “Madam Aria, ready na ang conference room, andoon na din ang ibang boa
Kinabukasan ay maaga siyang pumunta sa hotel. Sisiguraduhin niyang maayos ang magiging reception ng kasal. Hindi na sila pwedeng pumalpak dahil nangako siya sa mga magulang ng ikakasal.Pagdating niya sa reception area ay bago na ang flower arrangement, napalitan na din at kasalukuyang pinapalitan ang mga kupas na carpet at bagong ilaw.“Good morning, Lady Aria,” bati ng front desk sa kanya. Tumango lang siya at dumiretso na sa grand room kung saan gaganapin ang kasal. Nandoon na din sina Ethan at Phern na nag-aasist.“Lady Aria, andito ka na pala.”Tumango lang siya. Napangiti siya sa ganda ng buong lugar. Siguradong matutuwa ang bride and groom pati na ang mga magulang nito.“Ethan, make sure that everything is perfect, okay? Please also check the lights and sounds.”“Yes, Lady Aria. You have nothing to worry about.”Nang makitang maayos na ang lugar ay saka siya pumunta sa kanyang opisina. Nakasunod si Phern sa kanya.“Coffee, Madam?”“Yes please, Phern,” nakangiting sabi niya.Umu
Habang naglalakad sila ni Phern palabas ng function hall, biglang lumapit si Ethan, halatang nagmamadali at may bahid ng kaba sa mukha.“Lady Aria, we have a problem!”Napatigil siya. “What is it?”"There's a couple scheduled for the wedding tomorrow… they are here. The bride and groom’s family is furious. Apparently, their reservation for the ballroom was accidentally double-booked!”“What?” Nanlaki ang mga mata niya. “Double-booked? Paano nangyari ‘yon?”“I’m checking with the reservations team right now,” sagot ni Ethan habang hinid mapakali. “May isa pang client na corporate event ang na-confirm sa parehong oras at lugar. Both paid deposits.”Bigla siyang kinabahan. Isang malaking pagkakamali iyon! At unang araw pa lang niya sa hotel. Napatingin siya kay Phern na halatang kabado rin.“Okay,” mahinahon niyang sabi. “Papuntahin mo ang pamilya ng ikakasal sa opisina ko. I want to talk to them personally. We’ll fix this.”“Yes, Lady Aria,” sabay-sabay sagot ni Ethan at Phern bago mabi
Kinabukasan ay sa hotel nga siya nag-report. Suot niya ay ternong white blazer and squared pants. Crop top naman ang nasa loob niya kaya labas ang kanyang pusod kahit sa konting galaw niya. Sa wakas ay masusuot na niya ang mga pinamili niyang damit sa Lilly Rose noong mag-uumpisa na siyang magtrabaho sa opisina ni Ninong Clark. Feel na feel niya sana ang magtrabaho, pero pagdating sa opisina ni Ninong Clark, ang mga katrabaho niya ay palaging naka-pantalon at t-shirt na uniform lang. Nahiya siya kaya ‘yun na lang din ang sinuot niya. Nakakahiya naman kasi, baka sabihin nagmamataas siya. “Good morning, Lady Aria,” bati sa kanya ng kanilang front desk. Hindi pa niya kilala ang mga ito, pero siya, kilala ng lahat. “Good morning, Lovely,” bati niya pabalik sabay tingin sa name tag na nakaipit sa kaliwang bahagi ng uniform nito saka dumiretso na. Sinalubong siya ng kanyang secretary na si Phern. “Good morning, Lady Aria.” “Good morning, Phern. How’s everything here?” “Good, Lady Aria







