Share

Chapter five

Maaga akong nagising at natutulog pa si Ralph habang nakadapa kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama.

Naisip ko na natutulog rin pala sila pinaliwanag na niya ito sa akin kaya naunawaan ko na, dahil sa tagal na nila na nabubuhay dito ay kailangan rin nila ng tulog at pahinga.

Nagkwentuhan kami kagabi at marami akong nalaman tungkol sa kanya iyon nga lang ay hindi ko pa alam kung ilang taon na siya ang sabi lang niya ay matanda na siya.

Pero kahit pa ilang taon na siya ay bata pa rin siyang tignan at sabi niya huminto ang edad niya noong mag thirty na siya.

Ibig sabihin nito ay thirty years old lang siya sa itsura niya ngayon.

Napailing na lang ako sa naiisip ko dumiretso na ako ng banyo para maligo buti na lang at may maligamgam na tubig dito kaya hindi ako lalamigin.

Habang naliligo ako ay hindi ko sinasadya na may masalat sa kaliwa ko na tagiliran kaya muli ko itong kinapa.

Isang mahabang peklat kaya nagtataka ako kung saan ko ito nakuha hanggang sa matapos ako ay hindi ko pa rin makalimutan ang pilat na nakapa ko.

Paglabas ko ay nakita ko na gising na si Ralph at kung hindi pa ako nasanay sa kanya ay magugulat pa rin ako.

Nakalutang na naman siya at nakabaliktad na tila nag medetation kaya pumasok ako sa closet para magbihis.

Sa eskwelahan na papasukan ko ay walang uniform at pwede na ang jeans and t-shirt lang kaya ito na lang ang susuutin ko.

Nang lumabas ako ay tapos na siya at n*******d baro na at nagpupunas ng pawis napatingin siya sa akin at ngumiti.

Napalunok ako at bahagyang ngumiti kinakabahan ako lalo na ng lumapit siya sa akin.

"Good morning sweetheart." Bati niya sa akin at hinalikan ako sa labi kaya bahagya kong naibuka ang bibig ko dahilan para lumalim ang halik niya kaya napahawak na ako sa balikat niya.

Napapikit ako at pilit na tinutugunan ang matamis niyang mga halik naramdaman ko na lang na umangat ako sa sahig at kasunod nito ay ang naramdaman ko na nakahiga na ako sa kama at nakaibabaw na siya sa akin habang naghahalikan pa rin kami.

Napaungol ako ng hawakan niya ang dibdib ko dahilan para mapaungol ako at nabitawan niya ang labi ko.

"This is the best morning indeed my love." Bulong niya na nakatitig sa akin.

Bigla akong namula sa sinabi niya at kinabig ko na lang siya payakap sa akin kaya narinig ko siyang tumawa ng mahina.

Bumangon na ako at inayos ang damit ko na medyo nalukot at ang medyo basa ko pa na buhok.

"Emilia come here i have something for you." Napatingin ako kay Ralph ng nakaupo na siya at pinalapit niya ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya at kinabig niya ako patalikod sa kanya at may naramdaman ako na malamig na bagay sa leeg ko kaya napahawak ako sa isang kwintas.

"This necklace is my family heirlom." Sabi ni Ralph at muli niya akong pinaharap sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.

Hinawakan ko ito at tinitigan isa itong amulet na kulay pula ang isang bato na parang nagliliwanag.

Napatingin ako kay Ralph na nakatitig lang sa akin.

"Ang ganda salamat Ralph." Nakangiti ko sa kanya na turan.

"That amulet will protect you againts other vampire, hindi nila maaamoy ang dugo mo kapag suot mo yan kaya wag na wag mog huhubarin yan." Seryooso niya na turan sa akin kaya napatango na lang ako.

Lumapit siya sa akin hinalikan niya ang amulet at may naramdaman ako na kakaiba sa katawan ko.

"Halika na bumaba na tayo baka hindi ka na makaasok sa unang araw mo sa eskwela at imulong na lang kita dito sa silid natin." Medyo pilyo niya na sabi kaya napatingin ako sa kanya at namula ako.

Minsan hindi ko mintindihan si Ralph may oras na seryoso siya at tila galit lalo na kung kumukunot ang noo niya at tumataas ang kilay, at itong ugali niya ngayon na tila isang pilyo at laging may balak na hindi maganda pero tiyak na magugustuhan ko.

Habang kumakain kami ng almusal ay napapatitig ako kay Ralph na nakatitig rin sa akin at bigla niya akong kikindatan kaya para akong malulusaw sa hiya.

Kanina pa siya ganya pagbaba namin napakaganda ng araw niya hanggang dito sa hapagkainan.

"Manang Bening matamis po ang sinangag at pritong itlog na naluto niyo mukhang asukal ang nailagay niyo baka puntahan tayo dito ng mga langgam." Napatingin ako kay Raul na kumakain habang kaharap ko at katabi ko si Belinda na panay ang siko sa akin ng palihim kanina pa.

"Mukha nga hijo umagang-umaga." Pakikisakay rin ni manang kaya napayuko na lang ako dahil sa hiya.

"Kumain na lang kayo para mabusog kayo." Biglang nagsalita si Ralph na patuloy lang sa pagkain.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Raul at Belinda kaya lalo akong namula dahil sa hiya.

Matapos ang medyo maingay namin na agahan ay naghanda na ako sa pagpasok.

"Hindi kita masasamahan sa eskwela mo Emilia may maaga akong meeting pero ako ang susundo sa iyon mamaya." Sabi ni Ralph kaya napatango na lang ako sa kanya.

"Nandito naman ako Emilia kaya wag kang mag-alala." Sabi ni Raul na siyang makakasama ko na pumasok.

"Ikaw na ang bahala kay Emilia tandaan mo kapag may nangyari sa kanya." May halong pagbabanta ni Ralph kay Raul kaya hinawakan ko sa braso si Ralph at pinatigil na.

"Ralph walang mangyayari sa akin nandun si Raul." Sabi ko ss kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Sige basta kapag may kailangan ka magsabi ka lang sa kapatid ko." Sabi niya saka ako niyakap ng mahigpit at hinalikan sa noo tapos ay sa labi kaya lumakas na naman ang tibok ng puso ko.

"Ralph come on bitiwan mo na si Emilia mala-late kami." Sabi ni Raul kaya napangiti ako sa kanya at nahihiya na napayuko.

"Emilia remember never bow to anyone you are my queen got that?" Seryoso na turan ni Ralph kaya napatango ako.

Napatingin ako kay Kuya Victor na bahagyang ngumiti at yumuko.

Sumakay na kami ni Raul sa sasakyan niya at nag-drive na siya napatingin na lang ako sa rearview para tanawin si Ralph na nakatingin rin pala sa akin.

"Masanay ka na sa kapatid ko masyado siyang over-protective pero masasanay ka rin." Sabi ni Raul kaya napatingin ako sa kanya at tumango.

Nakarating kami sa eskwelahan at napatingin sa mga kaibigan ni Ralph na nag-aabang sa amin.

Binuksan agad ni Raul ang pinto at pumunta siya sa gawi para pagbuksan ako, medyo hindi pa rin ako sanay pero bumaba na ako.

"Good morning Miss Emilia." Bati agad ng isa sa kanila na may hikaw at mukhang pilyo dahil nakangiti siya pero kakaiba ang ngiti niya.

"Ito si Vlad at ang isang ito ay si Rowan." Pakilala ni Raul sa dalawa kaya napatango ako.

"Ikinagaglak ko kayong makilala." Bati ko sa kanila.

Nagkatinginan sila at parang may pinagusapan kaya napailing na lang ako.

Pagpasok namin sa loob ay dito ko nakita ang ilan sa mga estudyante rito at napalunok dahil alam ko na lahat sila ay mga bampira.

Napahawak ako sa kwintas ko na binigay kanina ni Ralph at huminga ng malalim.

Hinatid ako ni Raul sa mismong silid ko at parang ayaw kong pumasok lalo na at tinitigan ako ng mga magiging kaklase ko.

"Mr. Reinhart so this is Miss Emilia?" Tanong ng teacher na sinalubong kami agad.

"Yeah this is Emilia Burnsworth." Napatingin ako kay Raul may nagbago sa kanya medyo nagbago ang prisensya niya.

At saka nagulat ako sa apelyido na binaggit niya pero dahil halos hindi ko pa rin maproseso sa utak ko sinabi niya hindi na lang ako nagsalita pa.

"You can seat now Ms. Burnsworth." Nakangiti na turan ng teacher kaya napatingin ako kay Ryan na nginitian ako.

"Sige na nadyan lang ako sa labas." Sabi niya saka siya lumabas ng kwarto.

Napatingin ako sa mga kaklase ko na nakatingin pala sa akin.

"Dito ka tabi tayo." Napatingin ako sa isang magandang babae na kinawayan ako napakaamo ng mukha niya kaya gumaan ang pakiramdam ko.

Umupo ako sa tabi niya at nginitian ko siya.

"Ako si Dani nice to meet you." Pakilala niya na binigay ang kamay sa akin kaya kinuha ko ito at naramdaman ko ang lamig nito.

"Emilia ikinagagalak rin kitang makilala." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya lalo.

"Tama na kayong dalawa magsisimula na ang klase natin." Pareho kaming napatingin sa teacher namin at umayos na ako ng upo.

Nagtawanan ang ilan sa mga kaklase ko kaya napayuko ako.

Ang ilan sa kanila ay kinawayan ako at nakangiti pero yong iba ay medyo hindi maganda ang buska ng mukha.

Hindi ko na lang ito pinansin at ng magsimula na ang klase ay naging abala na ang lahat.

Hindi ako nahirapan sa unang oras mo ng klase at dahil nasa tabi ko si Dani na nakaalalay lang sa akin.

Nang matapos ang unang bahagi ng klase namin ay nakahinga na ako ng maluwag, mamaya ulit ay ang pangalawang bahagi.

Palabas na kami ng kwarto namin ay nakita ko si Raul at Vlad na nakaabang sa amin at seryoso lang na nakatayo kahit na may ilan na mga babaeng estudyante na kinakausap sila.

"Nandito na ang sundo mo." Sabi ni Dani kaya napatingin ako sa kanya.

"Emilia gutom ka na ba?" Tanong ni Raul sa akin ng lumapit na sila sa amin.

"Hindi pa naman pero gusto ko kasama si Dani." Sabi ko at hinawakan sa kamay si Dani kaya agad na nagningning ang mga mata nito.

Sa unang araw ng klase ko ay naging maayos naman ang lahat masaya ako dahil ang ilan sa mga kaklase ko ay mababait.

Nakita ko sa kanila kung gaano nila ginagalang si Ralph na bihira raw nilang makita dahil mas tutok ito sa kumpanya at sa mga buseness matter ng buong academy.

Dito ko nalaman na ito pala ang headmaster ng school kaya nahiya ako sa mga kaklase ko.

Masyado silang magalang at madalas ay nakayuko kaya hiniling ko na lang na wag nila akong ituring na iba kundi isang normal na kaklase lang nila.

Palabas na kami ng gate kasabay ko pa rin si Dani at magkahawak kami ng kamay nasa likod namin si Raul.

Naramdaman ko ang prisensya ni Ralph kaya napatingin ako sa unahan at paparating ang kotse niya at huminto mismo ito sa harap namin.

"Ralph." Mahina pero narinig ko na turan ni Dani kinabahan ako sa paraan ng titig niya kay Ralph ng bumaba ito.

Pero sa akin nakatingin si Ralph nabitawan ko ang kamay ni Dani dahil hinila ako ni Ralph at niyakap ng mahigpit.

Napangiti ako lalo na ng halik-halikan niya ako sa ulo ko.

"Kumusta ang unang araw mo?" Malambing niyang tanong kaya napabitaw ako sa kanya at tinitigan siya.

"Okay naman wala akong naging problema." Sagot ko sa kanya at napatingin kay Dani na nakatingin pala sa amin.

"Ralph si Dani pala kaibigan ko." Pakilala ko sa kanila pero tumango lang si Ralph at hinila na ako at pinapasok sa sasakyan.

Sinara niya ang pinto pero nakita ko na tumingin siya kay Dani at parang may sinasabi ito pero hindi ko marinig.

Tumango si Dani at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kaya kinabahan ako at yumuko ito matapos maglakad paalis.

Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan ni Ralph kay Dani at nakakaramdam ako ng kakaiba kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Gusto kong tanungin si Ralph pero hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa malalaman ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status