MasukChapter 31Migo’s POV“Lola!”Masiglang sigaw ng mga bata nang makita nila ang kanilang lola na galit na galit na sumugod sa bahay ko. Halos mag-unahan pa ang kambal sa paglapit sa kanya.“Mga apo!”“Did you miss me?”“Of course, Lola! Na-miss po namin kayo nang sobra.”“Really?”“Mukhang hindi naman dahil mukhang ang saya-saya ninyo noong nawala ako.”“Of course not, Lola! We missed you every seconds!”“Ows! Parang hindi naman kapani-paniwala iyan.”“It’s true, Lola. We both swear!”Nagtinginan pa ang kambal dahil on sync ang kanilang bawat salita at galaw. Para silang may pinag-aralang script bago humarap sa kanilang lola.“Halika na nga kayo, pahalik.”“Mmmmm…”“Oh, Lola, you smell like alcohol!” natatawang puna ng isa sa kanila.“Siyempre! I’ve been to it.”Natawa ang kambal habang niyayakap ang kanilang lola. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ni Mama, agad kong napansin na hindi pa rin siya kumbinsido sa mga nangyayari.May nagsabi kasi sa kanya na nakikipag-usap ako kay Hel
Chapter 31Helena's POVBiglang kumatok si Migo sa kuwarto ko. Hindi siya pumasok. Naghihintay lang siya sa akin sa labas ng kuwarto bilang respeto sa may-ari ng bahay.Kumakaway pa sa kaniya sina Andreia at Andrew.“Aba, hindi pa kayo natutulog?” natatawang tanong ni Migo nang makita ang dalawa.“Naku, ang taas pa ng energy ng dalawang iyan. Mukhang walang tulugan ngayong gabi,” natatawa kong sagot.Ngumiti nang malawak si Migo habang nakatingin sa mga bata. Halatang masaya rin siya sa nakikita. Marahil ay gusto rin niyang makita akong masaya kasama ang aking mga anak. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, alam niyang sila ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.Bumulong pa siya sa akin.“Hon, aalis na ako.”“Nagpaalam na ako kay Don Isagani.”Tumango ako at humarap sa mga bata.“Mga anak, mag-toothbrush na kayo. Ihahatid ko lang si Tito ninyo.”“Goodnight, guys. Enjoy with your mom,” paalam ni Migo.“Thank you! Take care, Titi Migs!” masayang sagot nila
Chapter 30Helena’s POVInihatid ni Migo ang mga anak ko sa mansiyon ni Don Isagani. Sekreto lang ito para hindi malaman ni Doña Engracia. Pumayag din si Don Gani, at nagpadagdag pa siya ng karagdagang kama sa silid ko para maging komportable ang mga anak ko habang nananatili sila roon.Pumasok din si Migo sa mansiyon, at walang anumang tensiyon ang nabuo sa pagitan nila ni Don Isagani. Malumanay si Don Isagani na tinanggap si Migo, yamang lagi niya akong tinutulungan at alam niyang malaki ang naitutulong nito sa akin.Unang pagkakataon na nakapasok si Migo sa mansiyon kaya namangha rin siya sa kabuuan ng bahay. Mula sa malawak na sala hanggang sa magagandang dekorasyon at mamahaling muwebles, hindi maikakailang marangya ang lugar. Gayunpaman, hindi siya nagpakita ng anumang pagmamataas. Sa halip, magalang siyang nakitungo sa lahat.“Maguusap tayo, Migo,” sabi ni Don Isagani.Sumunod lamang siya sa home office nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Don Isagani, pero alam kong w
Chapter 29Helena's POVHabang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, muli kong nakita ang pangalan ni Migo sa cellphone ko.May natanggap na naman akong message mula sa kanya.Pagkatapos ay mga missed calls.Hindi ko ulit pinansin.Bahala siya.Kung gusto niya akong kausapin, dapat ay ipaliwanag niya muna kung bakit niya ako iniwan nang ganoon. Hindi ako iyong babaeng basta-basta na lamang tatanggap ng kahit anong dahilan dahil lang mahal ko ang isang tao.At oo, kahit hindi ko pa aminin sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari niya na akong saktan.Habang nagmamaneho ako, napansin kong may sumusunod na sasakyan sa akin.Sa una ay hindi ko iyon pinansin. Marahil nagkataon lamang na pareho kami ng dinaraanan. Ngunit nang lumiko ako at nakita kong lumiko rin ito, nagsimula na akong maghinala.Tiningnan kong mabuti ang pickup at ang plate number.Si Migo nga!Natunton niya ako.At ang galing niya, ha!Napailing ako habang mahi
Chapter 28 Helena’s POV“Helena, puede ba tayong magkita? I missed you so much.”Ilang ulit nang nagmensahe sa akin si Migo. Paulit-ulit ang mga message niya, at sa bawat pagkakataon na nakikita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko, may kung anong kumikirot sa dibdib ko.Marahil nakagawa na siya ng excuse para ipaliwanag kung bakit bigla na lang niya akong iniwan sa restaurant noong nagde-date kami. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba siya.Kitang-kita ko na sakay na sakay niya si Cielo sa sasakyan niya.Hindi ko alam kung saan sila umabot.O baka nga sa kama pa.Napapikit ako at napailing sa sarili kong naiisip. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hindi ko rin naman maiiwasang maghinala. After everything I had been through, it was difficult to trust someone without questioning his intentions.Pero pagkatapos, hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit. Ano ba naman iyong isang mensahe? Kahit isang simpleng text lang sana para malaman kong may
continuation, Just BelieveKinabukasan.“Wow naman! Ang breakfast natin, pangmaharlika!”Napangiti ako nang makita ang nakahandang almusal sa mesa. May mainit na sinangag, pritong itlog, longganisa, sariwang prutas, at mainit na kape. Mayroon ding mga bagong lutong tinapay na talagang nakakatakam sa bango pa lamang.Pagkatapos, humalik ako sa pisngi ni Nay Leticia.“Thank you po, Nay! Ang swerte talaga namin sa inyo.”Natawa rin si Don Isagani habang inaayos ang kanyang upuan.“Mukhang dito mauubos ang pera natin, Helena.”Napatawa ako.“Hindi naman po siguro. Baka nga po dumami pa ang pera ninyo dahil sa pagluluto ni Nay Letty.”“Talaga ba? Eh, di dapat dagdagan natin ang budget niya sa kusina!”“Kuya naman!” natatawang saway ni Nanay Leticia.Masaya akong pinagmamasdan silang dalawa. Sa simpleng almusal na iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap—ang pakiramdam na kabilang ako sa isang pamilya.Walang sigawan. Walang takot. Walang kailangang magtago ng luha.







