Share

Future

Author: Ely
last update publish date: 2026-10-10 06:48:45

continuation, Just Believe

Kinabukasan.

“Wow naman! Ang breakfast natin, pangmaharlika!”

Napangiti ako nang makita ang nakahandang almusal sa mesa. May mainit na sinangag, pritong itlog, longganisa, sariwang prutas, at mainit na kape. Mayroon ding mga bagong lutong tinapay na talagang nakakatakam sa bango pa lamang.

Pagkatapos, humalik ako sa pisngi ni Nay Leticia.

“Thank you po, Nay! Ang swerte talaga namin sa inyo.”

Natawa rin si Don Isagani habang inaayos ang kanyang upuan.

“Mukhang dito mau
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Future

    continuation, Just BelieveKinabukasan.“Wow naman! Ang breakfast natin, pangmaharlika!”Napangiti ako nang makita ang nakahandang almusal sa mesa. May mainit na sinangag, pritong itlog, longganisa, sariwang prutas, at mainit na kape. Mayroon ding mga bagong lutong tinapay na talagang nakakatakam sa bango pa lamang.Pagkatapos, humalik ako sa pisngi ni Nay Leticia.“Thank you po, Nay! Ang swerte talaga namin sa inyo.”Natawa rin si Don Isagani habang inaayos ang kanyang upuan.“Mukhang dito mauubos ang pera natin, Helena.”Napatawa ako.“Hindi naman po siguro. Baka nga po dumami pa ang pera ninyo dahil sa pagluluto ni Nay Letty.”“Talaga ba? Eh, di dapat dagdagan natin ang budget niya sa kusina!”“Kuya naman!” natatawang saway ni Nanay Leticia.Masaya akong pinagmamasdan silang dalawa. Sa simpleng almusal na iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap—ang pakiramdam na kabilang ako sa isang pamilya.Walang sigawan. Walang takot. Walang kailangang magtago ng luha.

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Just Believe

    Chapter 27Helena’s POVPumasok si Nanay Leticia sa kuwarto. Gaya ng dati, napakalambing niyang babae.Para talaga siyang ina para sa akin. Sa tuwing nararamdaman kong nag-iisa ako sa mundong ito, palagi siyang nandiyan upang ipaalala sa akin na mayroon pa ring mga taong handang umunawa, magmahal, at tumanggap sa akin nang walang hinihinging kapalit.Tiningnan niya ang silid ko.May magandang atmospera, mabango, at napakalinis. Para kang nasa isang mamahaling hotel. Maaliwalas ang kuwarto, malambot ang kama, at may banayad na halimuyak ng mga bulaklak na nagmumula sa maliit na plorera sa ibabaw ng mesa.Ngumiti siya.“Helena, okay ka lang ba?”“Ha?”Napansin niyang may bigat sa mga balikat ko. Marahil ay hindi ko naitago ang pagod at lungkot na kanina ko pa pilit na ikinukubli.“Ay, opo. Napagod lang po ako. Ang dami po kasing tao sa city hall.”Lumapit siya at marahang hinaplos ang aking balikat.“Okay ka na ba dito kay Kuya?”Tumingin ako sa kanya at pagkatapos ay lumapit pa. Hindi

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Temptation

    Chapter 26Migo’s POV“Migo!” sigaw ng babae na mula sa likuran ko.Pamilyar na pamilyar iyon sa akin dahil kilalang-kilala ko ang kanyang tunay na pagkatao.At gaya ng kanyang ama, napakatuso rin niya.Kahit saan ako magpunta, parang lagi siyang sumusunod.Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon, pero tila wala siyang balak na basta na lamang mawala sa buhay ko.Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap.“Meeting someone?”“Yes, I have a date.”Pranka kong tugon sa kanya.Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.Gusto kong maintindihan niyang tapos na ang lahat sa pagitan namin.“Sino?”Sigaw pa siya.Pero hindi ko siya sinagot.Hindi ko kailangang ipaliwanag sa kanya kung sino ang kasama ko.Hindi ko rin kailangang humingi ng permiso sa kanya kung sino ang gusto kong makasama.“Stop making a scene.”“Hindi ka na ba talaga nahihiya, Cielo?”“Sa lahat na lang ba talaga ng lugar?”Napatingin siya sa akin na para bang hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.Pero wala na akong pakialam.

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Escape

    Chapter 25Helena’s POVNaiinis ako.At sa totoo lang, kapag may nakikita akong nakakalapit kay Migo, selos na selos ako.Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalakas ang selos ko sa kanya. Siguro dahil alam kong hindi ordinaryong lalaki si Migo. Maraming nakakakilala sa kanya, maraming humahanga sa kanya, at hindi maiiwasan na may mga babaeng gustong mapalapit sa kanya.Pero paano ko sasabihin sa babaeng iyon?“Hoy, malandi ka! Tigilan mo na iyang si Migo dahil may nobya na siya ngayon at ako iyon!”Kung nasabi ko lang sana iyon nang diretso sa mukha niya.Pero hindi ko naman magawa.Hindi ako ganoon.Kahit gusto kong ipakita sa kanya na may karapatan ako kay Migo, alam kong wala akong karapatang magwala dahil lamang sa selos.Pero ang totoo, gusto kong gawin iyon. Hindi pa ngayon. Kaya umatras ako.Napukpok ko pa man din ang busina ng kotse habang iniisip kung ano ang ginagawa niya ngayon kay Migo.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina.Si Cielo.Ang paraan ng

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    A Simple Gaze

    Chapter 25Helena’s POVAbalang-abala ako noon sa Gani’s dahil sa napakaraming dapat asikasuhin.Hindi naman nakakapagod, dahil nagamay ko na ang trabaho. Masasabi kong naging bahagi na ng araw-araw kong buhay ang pag-aasikaso sa mga tao, sa mga dokumento, sa mga supplier, at maging sa mga problemang kailangang mabilis na maresolba. Unti-unti ko nang natutunan kung paano patakbuhin ang negosyo ni Don Isagani na parang sarili ko na rin itong responsibilidad.Isang araw, pinapunta ako ni Don Isagani sa kanyang home office.Maaliwalas na ang kanyang mukha, hindi gaya dati na parang ang dilim-dilim ng kanyang bawat araw. Ngumingiti na siya at madalas tumatawa. Pati ang hacienda at mansyon, mas gumanda na ito gaya ng dati. Pinalinis pa niya ang pool.Para daw kapag nakuha ko ang aking mga anak ay magagamit ito.Napapangiti ako tuwing sinasabi niya iyon.Parang unti-unti na rin niyang nakikita ang mga anak ko bilang bahagi ng pamilya niya.Nagkaroon si Don Isagani ng isa pang pagkakataon pa

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Secret Lover's

    Chapter 25Migo’s POVHindi ako makapaniwalang, nahalikan ko si Helena.Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin sa isip ko ang nangyari. Para bang isang panaginip na ayaw kong matapos. Ang sandaling iyon na sa wakas ay nailapit ko siya sa akin, nahawakan, at naipadama ang matagal ko nang itinatago sa aking puso.Naikulong ko siya sa aking mga bisig.Naipadama ko ang pagmamahal ko.Parang ito ang unang pagkakataong umibig ako.Nang walang hinihintay na kapalit.Walang kondisyon.Walang hinihinging anumang bagay mula sa kanya.Para sa akin siya ang pinakamahalaga.Higit pa sa buhay ko.Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ang alam ko lang, sa bawat pagtingin ko sa kanya, mas lalo kong nararamdaman na siya ang babaeng matagal ko nang hinahanap. Ang babaeng hindi ko man maangkin, ngunit sa bawat araw ay lalo kong minamahal.Naramdaman kong ang bawat pintig ng puso niya ay para sa akin.O baka gusto ko lang isipin na ganoon.Pero sa pagkakataong iyon, ayokong mag-isip nang sobra.Ayokong si

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status