LOGINChapter 29Helena's POVHabang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, muli kong nakita ang pangalan ni Migo sa cellphone ko.May natanggap na naman akong message mula sa kanya.Pagkatapos ay mga missed calls.Hindi ko ulit pinansin.Bahala siya.Kung gusto niya akong kausapin, dapat ay ipaliwanag niya muna kung bakit niya ako iniwan nang ganoon. Hindi ako iyong babaeng basta-basta na lamang tatanggap ng kahit anong dahilan dahil lang mahal ko ang isang tao.At oo, kahit hindi ko pa aminin sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari niya na akong saktan.Habang nagmamaneho ako, napansin kong may sumusunod na sasakyan sa akin.Sa una ay hindi ko iyon pinansin. Marahil nagkataon lamang na pareho kami ng dinaraanan. Ngunit nang lumiko ako at nakita kong lumiko rin ito, nagsimula na akong maghinala.Tiningnan kong mabuti ang pickup at ang plate number.Si Migo nga!Natunton niya ako.At ang galing niya, ha!Napailing ako habang mahi
Chapter 28 Helena’s POV“Helena, puede ba tayong magkita? I missed you so much.”Ilang ulit nang nagmensahe sa akin si Migo. Paulit-ulit ang mga message niya, at sa bawat pagkakataon na nakikita ko ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko, may kung anong kumikirot sa dibdib ko.Marahil nakagawa na siya ng excuse para ipaliwanag kung bakit bigla na lang niya akong iniwan sa restaurant noong nagde-date kami. Pero sa totoo lang, hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa ba siya.Kitang-kita ko na sakay na sakay niya si Cielo sa sasakyan niya.Hindi ko alam kung saan sila umabot.O baka nga sa kama pa.Napapikit ako at napailing sa sarili kong naiisip. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano, pero hindi ko rin naman maiiwasang maghinala. After everything I had been through, it was difficult to trust someone without questioning his intentions.Pero pagkatapos, hindi man lang siya nagpaliwanag kung bakit. Ano ba naman iyong isang mensahe? Kahit isang simpleng text lang sana para malaman kong may
continuation, Just BelieveKinabukasan.“Wow naman! Ang breakfast natin, pangmaharlika!”Napangiti ako nang makita ang nakahandang almusal sa mesa. May mainit na sinangag, pritong itlog, longganisa, sariwang prutas, at mainit na kape. Mayroon ding mga bagong lutong tinapay na talagang nakakatakam sa bango pa lamang.Pagkatapos, humalik ako sa pisngi ni Nay Leticia.“Thank you po, Nay! Ang swerte talaga namin sa inyo.”Natawa rin si Don Isagani habang inaayos ang kanyang upuan.“Mukhang dito mauubos ang pera natin, Helena.”Napatawa ako.“Hindi naman po siguro. Baka nga po dumami pa ang pera ninyo dahil sa pagluluto ni Nay Letty.”“Talaga ba? Eh, di dapat dagdagan natin ang budget niya sa kusina!”“Kuya naman!” natatawang saway ni Nanay Leticia.Masaya akong pinagmamasdan silang dalawa. Sa simpleng almusal na iyon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap—ang pakiramdam na kabilang ako sa isang pamilya.Walang sigawan. Walang takot. Walang kailangang magtago ng luha.
Chapter 27Helena’s POVPumasok si Nanay Leticia sa kuwarto. Gaya ng dati, napakalambing niyang babae.Para talaga siyang ina para sa akin. Sa tuwing nararamdaman kong nag-iisa ako sa mundong ito, palagi siyang nandiyan upang ipaalala sa akin na mayroon pa ring mga taong handang umunawa, magmahal, at tumanggap sa akin nang walang hinihinging kapalit.Tiningnan niya ang silid ko.May magandang atmospera, mabango, at napakalinis. Para kang nasa isang mamahaling hotel. Maaliwalas ang kuwarto, malambot ang kama, at may banayad na halimuyak ng mga bulaklak na nagmumula sa maliit na plorera sa ibabaw ng mesa.Ngumiti siya.“Helena, okay ka lang ba?”“Ha?”Napansin niyang may bigat sa mga balikat ko. Marahil ay hindi ko naitago ang pagod at lungkot na kanina ko pa pilit na ikinukubli.“Ay, opo. Napagod lang po ako. Ang dami po kasing tao sa city hall.”Lumapit siya at marahang hinaplos ang aking balikat.“Okay ka na ba dito kay Kuya?”Tumingin ako sa kanya at pagkatapos ay lumapit pa. Hindi
Chapter 26Migo’s POV“Migo!” sigaw ng babae na mula sa likuran ko.Pamilyar na pamilyar iyon sa akin dahil kilalang-kilala ko ang kanyang tunay na pagkatao.At gaya ng kanyang ama, napakatuso rin niya.Kahit saan ako magpunta, parang lagi siyang sumusunod.Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon, pero tila wala siyang balak na basta na lamang mawala sa buhay ko.Huminga ako nang malalim bago ko siya hinarap.“Meeting someone?”“Yes, I have a date.”Pranka kong tugon sa kanya.Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa.Gusto kong maintindihan niyang tapos na ang lahat sa pagitan namin.“Sino?”Sigaw pa siya.Pero hindi ko siya sinagot.Hindi ko kailangang ipaliwanag sa kanya kung sino ang kasama ko.Hindi ko rin kailangang humingi ng permiso sa kanya kung sino ang gusto kong makasama.“Stop making a scene.”“Hindi ka na ba talaga nahihiya, Cielo?”“Sa lahat na lang ba talaga ng lugar?”Napatingin siya sa akin na para bang hindi niya matanggap ang mga sinasabi ko.Pero wala na akong pakialam.
Chapter 25Helena’s POVNaiinis ako.At sa totoo lang, kapag may nakikita akong nakakalapit kay Migo, selos na selos ako.Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kalakas ang selos ko sa kanya. Siguro dahil alam kong hindi ordinaryong lalaki si Migo. Maraming nakakakilala sa kanya, maraming humahanga sa kanya, at hindi maiiwasan na may mga babaeng gustong mapalapit sa kanya.Pero paano ko sasabihin sa babaeng iyon?“Hoy, malandi ka! Tigilan mo na iyang si Migo dahil may nobya na siya ngayon at ako iyon!”Kung nasabi ko lang sana iyon nang diretso sa mukha niya.Pero hindi ko naman magawa.Hindi ako ganoon.Kahit gusto kong ipakita sa kanya na may karapatan ako kay Migo, alam kong wala akong karapatang magwala dahil lamang sa selos.Pero ang totoo, gusto kong gawin iyon. Hindi pa ngayon. Kaya umatras ako.Napukpok ko pa man din ang busina ng kotse habang iniisip kung ano ang ginagawa niya ngayon kay Migo.Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nakita ko kanina.Si Cielo.Ang paraan ng







