Share

Mixed Emotion

Penulis: Ely
last update Tanggal publikasi: 2026-08-20 08:25:18

Chapter 115

Migo’s POV

Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Helena. Sa pakiramdam ko, nagkamali talaga kami.

Hindi siya dapat inakusahan noon.

Kinakalibutan ako habang naisip kung papaano siya nagtiis ng limang taon sa kulungan. Batang-bata pa siya noon. Isang batang babae na dapat sana ay nag-aaral, nangangarap, at kasama ang kanyang pamilya, pero sa halip ay nakulong dahil sa isang bagay na hindi naman niya ginawa.

“Oh Mama, anong nagawa ninyo,” sa isip-isip ko.

Nilalamon na ako ng konsiye
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Straighforward

    Chapter 33Helena's POVHabang nag-iikot pa ako sa mga stores, nakasalubong ko si Guillermo. Siya ang taong tumulong sa akin sa munisipyo habang nilalakad ang permit para sa bagong branch. Malaking tulong ang ginawa niya noon kaya naman natuwa akong makita siya.Mukhang relax siya at masayang bumati sa akin.“Helena!”“Uy, Guillermo, kamusta?”“Puede bang magkape tayo?” direktang aya niya sa akin.At sa tingin ko, hindi naman masama kung papaunlakan ko. Tutal, napakalaki rin ng pabor na hiningi ko noon. Bukod doon, wala naman akong nakikitang dahilan para tanggihan ang isang simpleng coffee invitation.“Sure.”“Teka, saan ba masarap ang kape dito?”Itinuro ko ang isang shop na madalas kong pinupuntahan.Lalo kapag nag-iisip ako.Maliit lang ang coffee shop pero maganda ang ambiance. Hindi masyadong maingay at nakakarelaks ang lugar. Tamang-tama para sa mga taong gustong magpahinga kahit sandali mula sa kanilang mga responsibilidad.“Oh, it's nice here.”“Oh, yeah.”“At ang bango ah.”

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Delusional

    Chapter 32Helena’s POVAbalang-abala ako sa Superstore nang may masamang hanging dala ang mag-amang Benito at Cielo Contreras. Hindi ko man sila direktang tinitingnan, rinig na rinig ko naman ang kanilang pag-uusap. Mukhang napakasaya pa ng dalawa habang pinag-uusapan ang isang bagay na alam kong may kinalaman na naman sa akin.“Papa, naalala mo ba ang sinabi ni Dona Engracia? Gusto niya raw magpakasal na kami ni Migo.”“Oo naman, anak. Halatang-halata namang botong-boto sa iyo si Dona Engracia. At kahit sino, walang makakapigil sa kasalan na ninyo ni Migo.”“Siyempre naman, Papa. Sino ba naman ang pinaka-karapat-dapat kay Migo, maliban sa akin?”“Oo, anak. Ikaw lang ang pinakamaganda sa bayang ito at lahat ng lalaki ay gusto kang pakasalan.”“At saka dalagang-dalaga ka, pure at naka-wife material.”Hindi ko maiwasang mapatawa nang palihim sa isip.Ang husay ding magbolahan ng mag-amang ito. Kung makapagsalita sila, para bang wala nang ibang babaeng mas karapat-dapat sa mundo kundi s

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Almost Caught

    Chapter 31Migo’s POV“Lola!”Masiglang sigaw ng mga bata nang makita nila ang kanilang lola na galit na galit na sumugod sa bahay ko. Halos mag-unahan pa ang kambal sa paglapit sa kanya.“Mga apo!”“Did you miss me?”“Of course, Lola! Na-miss po namin kayo nang sobra.”“Really?”“Mukhang hindi naman dahil mukhang ang saya-saya ninyo noong nawala ako.”“Of course not, Lola! We missed you every seconds!”“Ows! Parang hindi naman kapani-paniwala iyan.”“It’s true, Lola. We both swear!”Nagtinginan pa ang kambal dahil on sync ang kanilang bawat salita at galaw. Para silang may pinag-aralang script bago humarap sa kanilang lola.“Halika na nga kayo, pahalik.”“Mmmmm…”“Oh, Lola, you smell like alcohol!” natatawang puna ng isa sa kanila.“Siyempre! I’ve been to it.”Natawa ang kambal habang niyayakap ang kanilang lola. Ngunit nang magtama ang mga mata namin ni Mama, agad kong napansin na hindi pa rin siya kumbinsido sa mga nangyayari.May nagsabi kasi sa kanya na nakikipag-usap ako kay Hel

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Panic

    Chapter 31Helena's POVBiglang kumatok si Migo sa kuwarto ko. Hindi siya pumasok. Naghihintay lang siya sa akin sa labas ng kuwarto bilang respeto sa may-ari ng bahay.Kumakaway pa sa kaniya sina Andreia at Andrew.“Aba, hindi pa kayo natutulog?” natatawang tanong ni Migo nang makita ang dalawa.“Naku, ang taas pa ng energy ng dalawang iyan. Mukhang walang tulugan ngayong gabi,” natatawa kong sagot.Ngumiti nang malawak si Migo habang nakatingin sa mga bata. Halatang masaya rin siya sa nakikita. Marahil ay gusto rin niyang makita akong masaya kasama ang aking mga anak. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko, alam niyang sila ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.Bumulong pa siya sa akin.“Hon, aalis na ako.”“Nagpaalam na ako kay Don Isagani.”Tumango ako at humarap sa mga bata.“Mga anak, mag-toothbrush na kayo. Ihahatid ko lang si Tito ninyo.”“Goodnight, guys. Enjoy with your mom,” paalam ni Migo.“Thank you! Take care, Titi Migs!” masayang sagot nila

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Secret Escapade

    Chapter 30Helena’s POVInihatid ni Migo ang mga anak ko sa mansiyon ni Don Isagani. Sekreto lang ito para hindi malaman ni Doña Engracia. Pumayag din si Don Gani, at nagpadagdag pa siya ng karagdagang kama sa silid ko para maging komportable ang mga anak ko habang nananatili sila roon.Pumasok din si Migo sa mansiyon, at walang anumang tensiyon ang nabuo sa pagitan nila ni Don Isagani. Malumanay si Don Isagani na tinanggap si Migo, yamang lagi niya akong tinutulungan at alam niyang malaki ang naitutulong nito sa akin.Unang pagkakataon na nakapasok si Migo sa mansiyon kaya namangha rin siya sa kabuuan ng bahay. Mula sa malawak na sala hanggang sa magagandang dekorasyon at mamahaling muwebles, hindi maikakailang marangya ang lugar. Gayunpaman, hindi siya nagpakita ng anumang pagmamataas. Sa halip, magalang siyang nakitungo sa lahat.“Maguusap tayo, Migo,” sabi ni Don Isagani.Sumunod lamang siya sa home office nito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni Don Isagani, pero alam kong w

  • La Viuda de Cardenas The Billionaires Desire    Kiss and Make-Up

    Chapter 29Helena's POVHabang naglalakad ako papunta sa sasakyan ko, muli kong nakita ang pangalan ni Migo sa cellphone ko.May natanggap na naman akong message mula sa kanya.Pagkatapos ay mga missed calls.Hindi ko ulit pinansin.Bahala siya.Kung gusto niya akong kausapin, dapat ay ipaliwanag niya muna kung bakit niya ako iniwan nang ganoon. Hindi ako iyong babaeng basta-basta na lamang tatanggap ng kahit anong dahilan dahil lang mahal ko ang isang tao.At oo, kahit hindi ko pa aminin sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para sa kanya.Pero hindi ibig sabihin noon ay maaari niya na akong saktan.Habang nagmamaneho ako, napansin kong may sumusunod na sasakyan sa akin.Sa una ay hindi ko iyon pinansin. Marahil nagkataon lamang na pareho kami ng dinaraanan. Ngunit nang lumiko ako at nakita kong lumiko rin ito, nagsimula na akong maghinala.Tiningnan kong mabuti ang pickup at ang plate number.Si Migo nga!Natunton niya ako.At ang galing niya, ha!Napailing ako habang mahi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status