Share

Chapter 2

Author: Paraiso
last update Last Updated: 2025-08-30 01:20:18

Megan Point of View

"F-ck this life! F-ck my life!" inis na sigaw ko sa sarili ko habang umiinom ng wine. Tapos maya maya ay natawa na lang ako. . . nababaliw na ako.

Wala ng lugar na masaya. Laging kung nasaan ako, malungkot. . . Nakakainis. Nakakairita.

"Madam, masyado pa pong maaga para uminom." napatingin ako sa lalaking nasa tabi ng pinto ng balcony kung nasaan ako ngayon. Cold eyes, standing firm, and deep baritone voice.

"Ano bang pakialam mo, Vonte?" inis na sabi ko sa tauhan na nakasama ko na simula nang makasal ako at mapunta sa bahay na 'to. . .

Vonte, my husband's right hand.

"Wala. Wala akong pakialam sayo." walang prenong sagot niya. "pero si Boss may pakialam. Mapapagalitan ako sa ginagawa niyo, madam." sabi nito sa formal na tono.

Ganiyan siya makipag-usap sa akin. Sabi niya dahil asawa raw ako ng boss niya. Tss. I never heard him once talk to me casually or nicely. Siya na nga lang ang nakakausap ko. Ang formal niya pero minsan ay magiging bastos dahil sa pagiging prangka niya. Pero nasanay na lang ako, hindi ko lang maiwasang mairita minsan.

"Madam, nakiki-usap po ako." sabi niya. Walang pakundangan niyang kinuha ang glass of wine sa kamay ko at nilapag 'yon sa mesa.

"Can you at least just once call me by my name?" sabi ko bigla.

Natigilan siya saglit.

"Hindi pwede, madam." sagot niya. Para siyang robot na dapat pili at tama lang ang sinasabi niya sa akin. Robot na nasunod lang sa asawa ko.

Asawa ko huh. Nakakatawa.

Tumigil nga ako sa pag-inom gaya ng sabi niya. Ayaw ko naman na siya ang kagalitan ng asawa ko kung sakali. Sinusunod lang naman niya ang gusto nito.

Maya maya lang ay nakatanggap ako ng balita na nasa baba raw ang kamag-anak ng asawa ko. Agad akong napabuntong hininga at nauubusan na agad ako ng pasensiya wala pa lang akong naririnig mula sa kanila. Alam ko naman kasi ang pakay nila.

Nag-ayos muna ako bago ako lumabas. Taas noo akong bumaba sa hagdan, nakatingin ng puno ng kompyansa sa kamag-anak ng asawa ko na naka-upo sa sofa na parang pagmamay-ari nila ang bahay. Pinapanitili kong bukas ang mataray kong muka hanggang sa makababa ako at naka-harap ko sila. Isang babae, ang asawa niya at dalawang anak na babae at lalaki.

"Ano? Ano na namang gusto niyo?" tanong ko sa masungit na boses.

"You know we can't understand such a lowly language. Use our language when you're speaking with us!" iyon pa lang ang sinabi ko pero nag-init agad sa inis ang tiyahin ng asawa ko. Gano'n ang gusto kong makitang reaksyon kaya ko ginawa 'yon.

"I said, what? What do you want?" tanong ko na lang uli sa lingwahe na maiintindihan nila.

"Since Czar is not here, we decided to take the matters into our own hands. You are JUST HIS WIFE IN PAPER, and this house is big just for you and you've been living here for three years!" sabi nito, talagang pinagdiinan ng ginang ang salitang 'just his wife in paper' sa pagmumuka ko.

Gusto ko tuloy matawa. Nakakatawa ang mga muka nila.

"Isn't unfair? Unfair for us because we're living in a small house. We?! His own blood, his family! " sabi niya sabay turo sa asawa at nga anak niya, "So yeah, we decided to stay here until Czar return." pagtatapos niya sabay cross arm at tinaasan pa talaga ako ng kilay.

Ngumisi lang ako.

"You are not welcome in my house." madiing sabi ko. "Ah! Don't talk!" agad na pigil ko nang magsasalitang muli ang ginang. "Vonte, ikaw na nga ang bahala sa kanila. I can't entertainment them anymore." sabi ko at aalis na sana ako nang bigla akong hinila ng ginang at akma niya akong sasampalin pero agad siyang napigilan ni Vonte.

"I suggest you leave." malamig na sabi ni Vonte sa ginang. Napangiti ako nang makita ko na namulta ang muka nito.

Maya maya pa ay dumating na ang mga guard at sapilitang pinaalis nila ang mga 'bwesita' ko.

"Sabihin mo sa boss mo na tawagan ako." utos ko kay Vonte na agad namang tumango.

Umakyat na uli ako sa hagdan at tumuloy sa isa pang pag-ikot na hagdan na maghahatid sa akin patungo sa kwarto ko.

Itong bahay na 'to. . hindi, itong mansiyon na 'to. . . Napakalawak. Napakalaki. Ito na ang naging bahay ko ng tatlong taon. Wala akong ibang kasama sa bahay na 'to kundi si Vonte na hindi maayos kausap, mga katulong na ilag na ilag sa akin, mga guard na ang lalamig, ni hindi makangiti o makausap.

At 'yong asawa ko. . si Czar. . kahit kailan, sa tatlong taon na kasal namin ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi siya nagpapakita.

Naayon naman sa akin 'yon dahil unang una, wala ang asawa ko kaya nagagawa ko ang lahat ng gusto ko. Wala akong pagka-ilang na mararamadaman dahil nga hindi ko naman talaga personally kilala 'yong lalaking napang-asawa ko.

Pero habang tumatagal. . . nalulugmok ako. Nag-uumpisa na akong makaramdam ng kamiserablihan.

Mag-isa akong kumakain sa napakahaba at nakapalapad na mesa sa hapag-kainan. Mag-isa akong namamasyal. Mag-isa ako sa lahat ng bagay. .

Wala akong kasiyahan na nararamdaman. Wala namang bago dahil gano'n din naman ang buhay ko bago ako mapunta sa sitwasyon ko ngayon. . . pero umasa ako eh. Na hindi na ako makakaramdam na mag-isa lang ako.

Walang nagpapangiti sa akin. Kahit anong gawin ko upang malibang ang sarili ko, hindi ako makaramdam ng kasiyahan na magbibigay ng kulay sa mundo ko.

Mas lalo kong naramdaman na nabubuhay lang ako para mabuhay, walang purpose gano'n. . .

Kaya iniisip ko minsan, kahit na ayaw ko sa asawa ko ay magpakita 'to sa akin at buntisin ako. Gusto kong magka-anak. . . gusto kong magkaroon ng inaalagaan at pagtutuunan ng pansin at pagmamahal.

Kahit anak na lang ibigay sa akin ng asawa ko, kahit huwag na ng atensyon, presensya, at pagmamahal niya.

Pero kahit anino man lang ng asawa ko hindi ko pa nakikita.

At isa pa, hindi na ako bumabata. 26 years old na ako. Ayaw ko namang magpabuntis sa iba. Kawalang respeto 'yon sa asawa ko at sa sarili ko. Hindi ako napalaki ng maayos ng magulang ko, pero naturuan ko ang sarili ko ng tamang asal at may moral ako.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa buong kwarto ko, sobrang lawak nito pero wala man lang ka-buhay buhay.

Some would say I am lucky to be the wife of Czar Amadeo De Luca. But I feels the opposite. Kaya kong ipagpalit ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan na meron ako ngayon bilang asawa ni Czar, ngumiti at maging masaya lang uli ako.

Will I even experience that?

Ang simple lang no'n pero hindi ko man lang maranas ranasan.

God. Why I can't stop feeling so lonely. . .

Napatigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Napatingin ako sa screen. .

Czar's calling. . .

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag. "Hello?"

"You need something?" iyon agad ang sinabi ng asawa ko. Iyan lagi ang bungad na tanong nito matapos kong magsabi ng 'hello'.

"Kailangan ko ng doktor na mag-oopera sa kapatid ko, sa lalong madaling panahon, Czar." imporma ko at napahugot ako ng malalim na hininga.

Isa pa 'yon sa iniisip ko. . . ang kambal ko na kailangan nang ma-operahan ang utak dahil muling bumalik ang tumor sa utak niya.

"They're looking for doctor who can perform brain surgery on her. May kakilala ka bang magaling na doktor? Kailangan—hindi. . " tumikhim ako, "GUSTO KO ng magaling na doktor para sa kapatid ko. Ibigay mo 'yon sa akin."

"Woah, this is the first time you asked me for help. It was me always, offering you. ." sabi niya sa baritono nitong boses.

Napatingala ako sa kisame upang pigilan ang luha ko.

Tama siya. Siya lagi ang nag-aalok, hindi ako humihingi ng tulong sa kaniya unless siya mismo ang nag-alok at desperada na ako at tinatanggap na 'yon agad. Alam niya lagi tuwing kailangan ko ng tulong. . . Para sa kambal ko, para sa lahat.

Binibigay niya sa akin lahat eh. Ang kailangan ko. Lalo na ang gusto ko. . .

"Maddie is my twin. Siya na lang ang meron ako. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. . . Sobrang miserable na ng buhay ko. . I might lose myself if I lose her."

Si Maddie. . . Siya na lang ang dahilan ko para mabuhay. Kasi kapag nawala ako. . . walang may pakialam sa buhay niya.

Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya bago ito nagsalita. "Ayos ka lang ba?"

Nagulat ako sa naging tanong nito. Kahit kailan ay hindi ako tinanong ng asawa ako ng gano'n. Palagi itong direktang kung nag-uusap kami. Laging tanong niya ay kung anong kailangan ko. Walang ganito na tinatanong niya ako kung ayos lang ako.

Nagtataka man ay umiling ako bilang sagot sa tanong niya na para bang nasa harapan ko lang siya. "Hindi. . . Hindi ako maayos." anong silbi ng hindi pagsasabi ng hindi totoo kung halata naman na hindi talaga ako maayos.

"I am not okay, Czar. My sister is in ICU and I am not there for her. . . Hindi ako makaalis dito sa Italy dahil sa mga kamag-anak mo na laging may binabalak sa aking masama."

"Sasabihan ko si Vonte na i-handa ang eroplano para sa pag-alis mo para mabisita mo na ang kapatid mo. Ako na ang bahala sa mga kamag-anak ko." wika nito na siyang ikinagalak ng puso ko. "and don't worry about your sister, I know someone who's capable to operate her."

Parang nawala ang bigat sa dibdib ko dahil sa narinig ko. "Talaga?"

"Yes."

"Thank you." sabi ko at nakahinga ako ng maluwag.

"Don't thank me. Bilang asawa mo, trabaho ko na ibigay ang gusto at kailangan mo." wika nito sa walang emosyon na boses.

"You're a part why I have a miserable life, Czar." sabi ko sa asawa ko. Palagi ko 'yong sinasabi sa kaniya tuwing nagkakausap kami ng ganito. "It is also your job to make me suffer like this?" tanong ko at nanatili namang walang imik ang asawa ko sa kabilang linya. "I'm lonely and miserable. . . And I don't know why I'm suffering like this."

Kung hindi niya ako hiningi sa mga magulang ko. . . Kung hindi ako ang pinili niyang pakasalan, hindi sana ako kakailanganin ng magulang ko at ginulo ang buhay ko. Hindi ganito ang buhay ko ngayon. . Nasa America pa lang sana ako ngayon at tahimik na nabubuhay roon.

Lumipas ang ilang minuto bago nagsalita ang asawa ko. "Babawi ako."

"How?" tanong ko. Palagi na lang nitong sinasabi na babawi siya sa akin pero wala namang nangyayari.

"Una, I will make sure that your sister will be safe. Second, you can buy anything you need and want. Third, have a vacation. . anywhere in the world. I will make sure that you'll be safe in your flight."

Mapakla akong ngumiti dahil sa narinig. "Salamat sa unang alok mo, 'yon lang ang gusto ko. . . For the second and third, no thanks. Alam mo kung anong gusto, Czar. Gusto ko makita ang asawa ko at gusto ko ng anak—"

The call ended.

Mahina akong natawa at napa-iling bago ng mura dahil sa nangyari.

Palagi niya talaga akong pinapatayan ng tawag tuwing 'yon na ang pag-uusapan namin. Kaya wala kaming manitong pag-uusap tungkol doon, sa pagiging mag-asawa namin. Parang takot siyang magpakita sa akin, o talagang ayaw niyang magkapakita sa akin. At mas lalong takot siya sa usapin ng pagkakaroon ng anak.

Oh well. . . That's life. I can't have anything I want.

Kinuyom ko ang kamao ko bago ko tinatawagan ang kaibigan ko na siyang inutusan ko na mag-alaga sa kakambal ko sa hospital, isa 'tong doktor. Hindi naman lagi lagi, tuwing maisipan lang niya o kung may oras siya dahil doktor siya, busy rin siya.

"Seb," ani ko nang sagutin niya ang tawag.

"Hi, Megan!" masayang tugon nito sa akin. "ano? Makakarating ka ba?" seryoso na agad ang tono nito, tukoy niya ang pagdalaw ko sa kapatid ko dahil gising na 'to at ako ang unang hinanap niya. Ako na naman.

Sa tatlong taon ko rito, tuwing napupunta siya sa hospital at nagigising ay ako raw lagi ang hinahanap niya pero lagi naman ako wala.

"Oo, ba-byahe ako. Hindi ko lang alam kung kailan." sagot ko.

"Wow! After three years ah!" natawa ako. Seb is a happy person, halata mo kahit sa boses lang eh. "sasabihin ko ba sa kaniya?"

"Huwag muna, surpresa."

"Okey dokey!"

"Salamat ah, sa pagtingin tingin at pag-aalaga sa kapatid ko."

"Hmm. Ayos lang 'no, maliit na bagay." sabi niya at tumawa.

Pinatay ko ang tawag at sinimulan kong ayusin ang mga gamit na dadalhin ko pauwi sa Pilipinas. Kahit na hindi ko naman alam kung kailan kami aalis rito sa Italy.

Nang matapos ay sakto naman na may kumatok sa pinto.

"Madam, handa na po ang haponan niyo. Lumabas na lang kayo kapag gusto mo ng kumain." si Vonte 'yon.

Agad akong sumunod sa kaniya pababa. Kumain akong mag-isa, nasa gilid lang si Vonte at pinapanood. Kahit ayain ko siyang saluhan ako ay tinatangihan niya ako.

Nang matapos kumain ay agad akong naghanda para matulog. Nahiga na ako sa kama at ipinikit ang mata ko.

Nagising na lang ako sa ingay ng cellphone ko.

Seb’s calling. . .

Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro na ng umaga.

Sinagot ko ang tawag.

"Megan, si Maddie lumala ang kondisyon niya. Inilipat na namin siya sa mas malaking hospital."

Napabalikwas ako ng bangon at nawala ang antok ko dahil sa balitang 'yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 11

    Megan Point of View"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako."Sino, madam?""Someone," sagot ko lang.Hinihintay ko ang pagdating niya.Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko."Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 10

    Megan Point of View Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame. Czar left. Ryuu was here. I don't know what to feel. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw. Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila. Bakit ang malas ko? Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko. Mula rito

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 9

    Megan Point of ViewNaligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid.Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta.Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko.Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya.Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy.May mga nakit

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 8

    Megan Point of View Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels. Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit. What a beautiful island. . . Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . . Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala. Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako. "Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte. "No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "W

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 7

    Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's

  • Lacking Sexy Husband    Chapter 6

    Megan Point of View Tumayoo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa at hinubad lahat ng damit ko at saka ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpling ito na damit na hanggang tuhod ang haba at saka lumabas sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ni Dr. Ryuu. Kumatok ako at hinintay na pagbuksan niya ako. Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa akin ang iritadong mukha nito. Napakurap kurap ako dahil sa iritadong mukha nito. "Ahm. . . Abala ka ba?" "No." halos pasinghal na sagot nito sa akin, "bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito. May yamot na sa boses na para bang gusto na niya akong umalis at isarado ang pinto. "I. . . Ahm. . I wanna thank you for saving me—" "Hindi na kailangan." putol nito sa sasabihin ko. At akma niyang isasara ang pinto pero hindi natuloy dahil nagsalita ako. "Have dinner with me." sabi ko. "Hindi ba may asawa ka na?" matalim ang boses nitong tanong sa akin. Kunot din ang noo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status