Megan Point of View
"Kailangan mong pakasalan si Czar Amadeo De Luca, at kung hindi ka papayag, hindi namin ipapagamot ang kapatid mo." Iyan agad ang bungad na sabi sa akin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa hospital room. Wala man lang 'hi' o 'hello'. Hindi man lang nila ako hinayaang tignan ang kakambal ko na nakahilata sa kama, walang malay. . . Oo, nasa hospital ako ngayon. From America to Philippines real quick. Binulabog ang nananahimik kong buhay, sapilitang akong dinala sa Pilipinas tapos ganito? __ FLASHBACKS. . . Habang abala ako sa pag-aayos ng bulaklak na order sa akin ng loyal customer ko, nabulabog ako nang biglang may kotse na bumangga sa salamin na harang ng flower shop ko! "What the fudge!" hiyaw ko. Akala ko aksidente lang ang nangyari nang biglang magsidatinangan pa ang ibang kagaya ng kotse at nagsilabasan ang mga naka-itim na suit na mga lalaki. . at ang dami nila. Sunod sunod silang pumasok sa loob ng shop ko dahilan para matakot ang dadalawa na ngang customer ko at nagsitakbuhan palabas. Dahil sa gulo ay naagaw din ang atensyon ng mga tao sa labas. "F-ck! Sino naman kayong mga puta kayo?" inis na sabi ko. Pero agad akong nakaramdam ng inis nang makilala ko ang ilan sa mga 'to. Tauhan ng Amahin ko. "Tang ina naman oh. . " mura ko na naman. "bakit?" tanong ko sa lalaking papalapit na sa akin. Natatandaan ko siya, siya ang leader ng mga tauhan ng Amahin ko. Pero hindi niya ako sinagot. Nagulat at hindi na ako nakapalag nang bigla niyang tinakpan ang ilong at bunganga ko ng panyo. And everything went black. Nagising na lang ako na nasa eroplano na ako at pa-landing na rin kami. Pilipinas. . . Ayoko rito. Pero wala akong magagawa. Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano sa isang private area ay sinalubong agad ako ng mga guard at SAPILITAN nila akong sinakay sa kotse hanggang sa makarating kami ng hospital. "Bakit dito?" tanong ko sa guard pero walang sumagot ni isa sa akin. END OF FLASHBACK. . . --- "Nahihibang na ba kayo?" walang ganang at may pagod sa boses sabi ko sa mga taong kaharap ko ngayon. "We're not." sagot 'yon ng lalaking kaharap ko, o mas tamang sabihin na AMA ko. . o kung ama ko pa ba siyang maituturing matapos ang sinabi niya at nalaman ko. "Anak, pumayag ka na lang. Hindi lang ang kapatid mo ang maliligtas mo kundi pati ang mga negosyo ng Papa mo!" pangungumbinsi sa akin ng INA ko, kung ina ko pa rin ba 'tong matatawag. "Ayoko." sabi ko at tatalikuran ko na lang sana sila pero nagsalitang muli ang ama ko. "So, you're gonna let your sister die?" walang habas na tanong nito sa akin dahilan para inis na hinarap ko sila at masamang tinignan. Ni wala man lang pagsisisi sa muka ng ama ko matapos niyang sabihin 'yon. "So, you're gonna let your DAUGHTER die?!" halos manggalaiti kong tanong. "Why not? She's useless. . . Hindi siya gusto ni De Luca, ikaw ang gusto niyang pakasalan kaya bakit ko pa siya bubuhayin kung wala naman siyang silbi?" parang wala lang sa kaniya ang sinasabi niya. Parang ang simpling bagay lang ng anak niya. Sabagay. . anong aasahan ko sa Ama kong pinaka-maimpluwensiya at makamalaking drug lord sa Pilipinas? Wala. He's ruthless. He's heartless. Hindi siya tao. Kaya nga mas pinili kong umalis sa puder niya. . Pero hindi pa rin ako makatakas takas. Nahahanap pa rin niya ako. "What the f-ck?" bulalas ko. Naramdaman ako ng awa sa kapatid ko. . "Now, Megan. . My dear daughter, Megan. . Mamili ka. Pakasalan mo si De Luca, maliligtas ang kakambal mo at ang negosyo natin. . Hindi mo siya papakasalan pero mamamatay ang kakambal mo." "Tang Ina ka!" mura ko. Kinuyom ko ang kamao sa sobrang pagpipigil na sapakin ang muka ng lalaking nasa harapan ko. Humugot ako ng malalim na hininga para kumalma. Napatingin ako sa kaawa awa kong kakambal. Hindi ako gaya ni Maddie na magaling lumaban. . . "Puta ka talaga David! Puta ka!" pa-ulit ulit kong pinagmumura ang lalaking Ama ko dapat. Hindi ko na rin matatawag pang ama! Hindi siya karapat dapat tawagin gano'n! Tumigil lang ako nang sinampal ako ng asawa niya. . . ang Ina ko. . pero hindi rin siya karapat dapat tawaging ina. Tumabingi ang muka ko dahil sa lakas ng sampal niya. Nalasahan ko rin ang metal sa labi ko. . . "Mamili ka, Megan. We need your answer within an hour." iyon ang huling babala nila sa akin bago nila ako iniwan sa kwarto ng kapatid ko. Napasalampak ako sa sahig dahil sa panghihina nang mawala na sila sa paningin ko. Napatulala ako sa pinto na nilabasan nila at tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan pero agad ko 'tong tinuyo. Tumayo ako at hinarap ang kakambal kong nakahilata sa hospital bed. Bata pa lang kami hindi na kami nakaranas ng maayos na trato sa magulang namin. Hindi namin naramdaman ang pagiging magulang nila. Parang sinilang lang kami at pinalaki para gawin namin ang nais nila. Peroho kaming hindi makaalis sa puder nila. Hindi nila kami hinahayaan. Nakaalis sa puder nila dalawang taon na ang nakalipas. Gusto kong isama ang kakambal kong 'to pero ayaw niyang iwanan ang mga magulang namin. Sabi niya, ako na lang ang umalis. Nagtago ako sa America pero nahanap na nila ako. Kaya alam ko. . . na matagal na nilang alam kung nasaan ako, hinintay lang nila ang araw na mapapakinabangan nila ako bago ako puntahan na ro'n. "Ano ng gagawin ko?" mahinang tanong ko habang nakatingin sa mahinang kapatid ko. May brain tumor siya. . . kailangan niyang mapagamot. Wala akong kakayahan na ipagamot siya. Hindi sapat ang pera ko. "Maddie. . " bulong ko sa pangalan nila. Kitang kita kung gaano kalala ang epekto ng sakit niya sa kaniya. Butot balat siya, namumutla ang muka at mapuputlang labi. . halatang nahihirapan siya dahil kahit tulog ay nakakunot ang noo niya na parang may dinaramdam. Malakas naman siya ng iniwan ko siya. . . bakit biglang ganiyan na. Hindi niya sinasabi sa akin. . na may sakit na pala siya. "Myria Gwendolyn Delevingne, bangon na riyan. . . Andito na si Ate oh. . " Kagat labing napa-angat ang tingin ko sa kisame upang pigilang muli ang pagluha ko. Hindi ko kaya ang nakikita ko. Nasasaktan ang puso ko. Tapos iniisip ko pa lang na. . . mahahayaan siyang ganiyan na lang. . na ititigil nila ang pagbibigay ng gamot para sa kaniya. . na hahayaan siyang bawian ng buhay. Nanikip ang dibdib ko dahil sa isiping 'yon. Hindi naman 'yon mangyayari. . . may kayayanan ako upang hindi 'yon mangyari. Pero hindi ko gusto 'yon. Ano? Magpapakasal ako sa lalaking hindi ko naman kilala? Oo naman. Oo na lang. Para sa kakambal ko. Para kay Maddie. Mas pipiliin kong magpakasal sa lalaking hindi ko kilala keysa makita na mamatay ang kapatid ko. Mabilis na lumabas ako sa hospital room ng kapatid ko at hindi na ako nagulat nang makakita ako ng dalawang guard na nakabantay sa pinto at may mga nasa hindi kalayuan din. Napatingin silang lahat sa akin. "Dalhin niyo ako sa mansion." malamig na sabi ko at naglakad na ako. Agad namang sumunod ang ilang mga guard sa akin at iginaya nila ako sa kotse na nakahanda na. Sumakay ako ro'n at pa-ulit ulit na nagmumura sa utak ko. Mahal na mahal ko ang kakambal ko at gagawin ko ang lahat para sa kaniya. . . dahil alam ko na gagawin niya rin ang lahat para sa akin. We are one. We are twins. . . Kapag namatay siya, ikamamatay ko. "Sabi ko na, hindi mo matitiis ang pamilya mo." iyan agad ang bungad ni David sa akin nang makita niya ako. Nasa sala sila, mukang naghihintay talaga sa akin dahil alam nilang hindi magtatagal ang paghihintay nilang 'yon. Napatingin ako sa lalaking kasama nila. Bago ang muka niya sa akin. "Oo naman. Hindi ko matitiis si Maddie." sabi ko na siyang nagpakawala ng ngisi sa labi niya. "Anong akala mo? Na ginagawa ko 'to dahil ayaw kong bumagsak ang negosyo mo? Ulol." dagdag ko dahilan para sumama ang timpla ng muka niya. "Bastos kang talaga, Megan. . ." iiling iling na sabi niya. "Lets get through this. Pumapayag na akong magpakasal sa De Luca na 'yon. . . pero sa isang kondisyon." agad kong sinabi ang pakay ko. Ayaw kong magtagal sa lugar na 'to. Nahihirapan akong huminga. Tumaas ang kilay ng lalaking nasa tabi ng magulang ko. "Hindi ako pumapayag sa kondisyon na 'yan." wala pa man akong sinasabi ay kumontra kaagad ang David. "Simple lang naman eh. Disown us. . Me and Maddie." "No." "Disown me and let me take care of Maddie. . . Ako ang magpapagamot sa kaniya." pagpapabago ko ng kondisyon ko pero hindi pa rin siya pumayag. "No. Wala kang karapatan na bigyan ako ng pagpipilian. Ang binigay ko saying pagpipilian lang ang meron ka at 'yon na 'yon." "F-ck you!" sigaw ko sa sobrang inis. Pinagmumura ko ang mag-asawa sa harap ko at wala akong pakialam. Pero wala pa rin akong nagawa. . . Wala silang awa. Hanggang sa pumayag na lang ako sa gusto nila. Nasa kotse na ako ngayon ng lalaking nasa sala lang kanina. Siya raw si Vonte, kanang kamay ni Czar. Muka siyang may lahi, akala ko nga kanina ay hindi siya nakaka-intindi ng wikang Filipino. "Bakit ba hindi na lang ang kakambal ko ang pakasalan ng Boses mo? Bakit ako?" inis na tanong ko sa lalaki habang nasa byahe kami. "Ikaw ang gusto niya, Madam." sagot lang nito. "Sino ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala eh. Kung si Maddie na lang sana ang hiniling niya sa David na 'yon. . . Edi sana. . . " natahimik ako nang tinignan niya ako mula sa rare mirror. Kung si Maddie ang pinili ng Czar na 'yon. . . edi sana mawawala na si Maddie sa puder ng malulupit naming magulang. Edi sana maipapagamot siya kaagad at hindi siya magagamit laban sa akin. Siya kasi ang kahinaan ko. "He's the owner of De Luca International Group, madam." simpling sagot niya sa naunang tanong ko bago uli siya nanahimik. Nanahimik na lang din ako. Hanggang sa nakatulog na lang ako. Nagising na lang ako na nasa isang private airport ako at may private airplane sa harapan ko. . . Napatingin ako sa labas at nakita ko na nakatayo ro'n si Vonte. . . Napa-iling na lang ako nang mapansin ko na tingin siya ng tingin sa orasan. Teka, hinihintay niya bang magising ako? Bakit hindi na lang niya ako ginising? "Saan tayo pupunta?" iyon agad ang tanong ko nang lumabas ako sa kotse at tumabi ng tayo sa kaniya. "Pupunta na tayo ng Italy ngayon, Madam." "Anong gagawin ro'n?" nagtataka pang tanong ko. "Ikakasal ka roon, Madam. Ikakasal ka kaagad pagkarating na pagkarating natin doon." tapos nauna na siyang naglakad papunta sa eroplano at ako naman ay napaawang ang labi ko dahil sa gulat. "Ano?!" tanong ko at hinabol siya. "tama ba ang narinig ko?!" tanong ko nang nahabol na siya. "Yes, madam." sagot niya at inalalayan akong umakyat. Halos wala akong pahinga. Wala akong tulog. Ang gulo gulo ng nangyayari tapos biglang ganito? Mas magulo na naman. "Matulog at magpahinga ka na, Madam. Gigisingin ka namin sa tamang oras para makapaghanda." iyon ang bilin sa akin ni Vonte bago siya nawala sa paningin ko. Sa lawak ba naman ng eroplano. Nasa isang parte ako ng eroplano na parang sinadya para maging kwarto. Nahiga na ako sa kama at nakaramdam ng kaginhawaan sa katawan. Pero hindi naman ako nakatulog. Kahit na ramdam ko ang pagod sa katawan ko, hindi ko kayang igaya ang sarili ko para magpahinga. . . Naglalayag ang utak ko. Iniisip ko ang kapatid ko na naiwanan ko. Sana maging maayos lang siya. Nang ipinikit ko ang mata ko at unti unti akong kinakain ng antok, biglang may kumatok. "Madam?" mula sa likod ng pinto ay rinig ko ang boses ni Vonte. "Oo na!" sagot ko wala pa man siyang sinasabi at inis na bumangon ako sa kama. "Nakapagpahinga ka ba ng maayos, madam?" tanong nito nang lumabas na ako. "Sinong tao makakapagpahinga ng maayos kapag napunta sa magulong sitwasyon, Vonte, segi nga. . " sabi ko. "ang gulo gulo ng buhay ko. . . alam mo ba na kahapon lang ay nasa America ako tapos biglang binangga ng kotse 'yong flower shop ko? Tapos biglang nasa Pilipinas na ako tapos nalaman ko na may sakit pala ang kakambal ko?! Tapos— " napatigil ako sa pagsasalita. Malamang alam na niya ang sumunod na nangyari. "Nakahanda na ang pagkain mo, Madam, kumain na kayo at maghahanda na kayo sa inyong kasal." sabi niya na parang wala siyang narinig sa sinabi ko kanina. Gusto ko tuloy maiyak, parang wala man lang siyang naramdamang awa sa sinabi ko. Bastang iginaya na lang niya ako patungo sa parte ng eroplano na parang kusina naman. Kumain ako ng marami dahil nakaramdam ako ng gutom bigla nang maamoy ko ang mga pagkain. Parang doon lang naalala ng katawan ko makaramdam ng gutom. At nang matapos ay hindi nagtagal sinabi na sa akin ni Vonte na may mga mag-aasikaso sa akin. Hindi na nga ako nakapalag nang iginaya ako ng mga babae na nakabilis pangkatulong sa banyo ng private na eroplano at sinabing papaliguan na ako. Tumanggi ako, naligo ako ng sarili ko. Hindi na rin ako nagulat nang matapos ay agad nila akong inayusan. Nagpahid sila ng kolorete sa muka ko at may nag-aayos ng buhok ko at ng mga kuko sa kamay at paa. Napamura na lang ako nang maya maya, nang matapos silang ayusan ako ay biglang nasa harapan ko na si Vonte at may hawak hawak siyang wedding dress. . . Simple pero elegante 'to tignan. Umalis agad siya nang i-abot niya sa babae 'yon at inutusan sila sa salitang hindi ko maintindihan. And surprisingly, the wedding dress fit on me perfectly. . . Na parang ginawa at hinubog talaga para sa akin. "Vonte," tawag ko sa lalaki nang matapos ang lahat. "Yes, madam? Do you need anything?" "Inaantok ako. Pagod na ako. . . " reklamo ko sa kaniya. Biglang lumambot ang ekspresyon niya pero saglit lang 'yon at agad na bumalik sa dati. "pwede ba akong matulog muna?" tanong ko. "Hindi na pwede Madam. Malapit na tayo. . . " nanlumo ako sa sagot niya. Iyon nga ang sinabi ng piloto. Magla-land na ang eroplano sa ilang minuto. . . "Vonte. . " tawag kong muli sa lalaki. "Yes, Madam?" "Iyong boss mo ba. . . matandang panot na mabilis mamatay?" tanong ko at gano'n na lang ang gulat ko nang masamid si Vonte sa sarili niyang laway. "Hindi." "Eh, ano? Ngayon ko lang naisip kung anong itsura ng lalaking papakasalan ko." "He's handsome man, Madam, you don't need to worry." sagot niya nang maibalik niya ang dati niyang pustura. "Wala naman sa akin kung handsome siya o hindi." pagsasabi ko ng totoo. "dapat may kakayanan siyang ipagtanggol ako sa Amahin ko. . . at tulungan ako ipagamot ang kapatid ko." sabi ko sa malungkot na tono. "He will surely do that, Madam." dahil sa sagot niya ay para na rin akong nakahinga ng maluwag. Sana nga. . . Isang mamahaling sasakyan ang nakaabang sa amin pagkababa namin ng eroplano. Talagang inihanda para sa aking na bride. . . "Saan ka?" tanong ko kay Vonte nang hindi siya sumakay sa sinasakyan kong kotse. Hindi niya ako sinagot at pumunta lang siya basta isang kotse. Tulala akong buong byahe. Hindi ko alam kung saang lugar ako. Kung saan ba sa Italy 'to. . . Hindi ako pamilyar sa lugar. . Iniisip ko na lang ang mga positibo na maaaring mangyari kapag matapos na ang kasal na 'to. Lahat ng mga positibo. Nagulat ako nang bigla kaming huminto sa isang napakalaki at napakagandang simbahan. Akala ko kasi simpling kasal lang dahil minadali. Iyon nga lang. . . walang tao. . maliban sa mga guard na kasama namin ni Vonte at mga iilang tauhan ng simbahan. Nakabukas kasi ang pintuan ng simbahan kaya kita ko rin ang pari na nasa loob. Natigilan ako sa pagtingin tingin sa paligid nang may kumatok sa bintana. Si Vonte 'yon at sinabi na mauna na raw akong maglakad dahil mahuhuli ng kaunti ang boss niya. "Seryoso ka ba? Hindi gano'n ang kasal, Vonte." reklamo ko pero wala akong nagawa. Tamad na naglakad ako patungo sa altar. This is a nightmare. Hindi ganito ang gusto kong kasal ko. Hindi ko na nga kilala ang lalaking papakasalan ko tapos ako pa ang naunang naglakad papuntang altar. Nagtatakang napatingin tuloy sa akin ang mga sakristan, lalo na ang pari. Inip na inip kong hinintay na sumunod sa akin si Vonte sa loob ng simbahan. Nasa gate siya, tanaw ko at tingin siya ng tingin sa orasan. Binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagtingin sa magandang paligid. Ang ganda ng simbahan na 'to. Kapag Ikakasal uli ako, kung mabibigyan ako ng pagkakataon na ikasal sa lalaking totoong mahal ko, dito ko gustong magpakasal. Lumipas ang minuto. . . At minuto. . Hanggang sa naging oras. . . Kitang kita ko ang inip sa muka ng pari. Bulungan din ang mga sakristan. Ramdam ko na rin ang ngalay ng paa ko sa heels na suot ko at pagka-irita sa wedding dress na suot ko. Napatingin ako kay Vonte nang bigla siyang naglakad papunta sa akin. "He can't come." balita niya. Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Ang tagal kong nakatayo pero hindi man lang ako sinulpot. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagkadismaya. Akala ko nga hindi matutuloy ang kasal namin pero akala ko lang 'yon. Pumirma ako ng married certificate. Tang Ina. Kasal pa rin ako kahit hindi naman ako kinasal.Megan Point of View"May darating akong bisita," imporma ko kay Vonte na siyang sumalubong sa akin sa labas ng bahay. Mukhang kanina pa niya ako hinihintay. Pumasok na ako at sinundan naman niya ako."Sino, madam?""Someone," sagot ko lang.Hinihintay ko ang pagdating niya.Hindi ko sinabi kung saan ako nakatira. Wala akong sinabi na na kahit ano, sa bahay ba ako nakatira, sa hotel, sa mga beach resort.Kaya kapag dumating siya. . . paghihinalaan ko na siya.Hindi kasi ako naniniwala sa nagkataon lang. Dinala ako ni Czar dito sa Isla. Andito rin si Ryuu ngayon.Kailangan kong siguraduhin kung si Czar ba at si Ryuu ay iisang tao lamang. Hindi ko hahayaan na paglaruan mo uli ako, Czar. . Not this time.Napangisi ako at nagtungo sa kwarto upang magpalit ng damit at nang matapos ay pumanhik na ako sa kusina upang ihanda ang mga lulutuin ko."Lulutuan ko siya ng almusal, bagong kaibigan ko siya. Tiyak na kilala mo siya, Vonte." sabi ko sa lalaki na pinapanood ang bawat galaw ko. Hindi ito
Megan Point of View Pagod ako kahapon pero maaga pa rin akong nagising. Pinilit kong matulog ulit dahil masyado pang maaga pero masyadong marami akong iniisip. Napabuntong hininga ako habang nakatingin lang sa kisame. Czar left. Ryuu was here. I don't know what to feel. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ko at nagtimpla ng kape. Pero nang maubos ko 'to ay agad akong nakaramdam ng pagkayamot. Kaya naman nagdesisyon akong lumabas muna ng bahay para sana panoorin ang pag-angat ng araw. Nang makalabas ako sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa dalampasigan pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang mapansing hindi yata sa parteng 'to ng Isla sisikat ang araw kundi sa kabila. Bakit ang malas ko? Marahas na bumuga ako ng hangin at wala sa sariling napatingin sa lalaking naliligo sa dagat. Malayo ito ng kaunti at nasa malalim na parte pero dahil malinaw naman ang mga mata ko at medyo maliwanag na, malinaw kong nakita ang lalaking naliligo at nakatalikod sa gawi ko. Mula rito
Megan Point of ViewNaligo na ako at nagbihis ng sundress bago ako lumabas sa kwarto ko at nilibot ang buong kabahayan. Halatang pinapalinis ito araw araw dahil dumating ako rito na malinis na ang paligid.Walang ibang tao ngayon dito maliban sa akin at si Vonte na hindi ko na alam kung saan pumunta.Nang magsawa ako ay lumabas ako ng bahay at nagpasya na maglakad lakad muna sa dalampasigan upang mawala ang galit at dismaya na nararamdaman ko.Sa tanang ng buhay ko hindi pa ako sobrang nadismaya at nagalit, ngayon lang. Tanging ang asawa ko lang, si Czar lang ang kayang kaya na iparamdam sa akin ang sobrang galit, pagkamiserable, at pagkadismaya.Marahan ang paglalakad ko. Hinawakan ko na ang sandal na suot ko upang mas maramdaman ko ang pino at puting hangin sa paa ko. Inililibot ko ang paningin ko sa paligid at nakakita ako ng ilang mga tao na rito nakatira. . . At mga turista na mukhang nag-eenjoy sa ganda ng tanawin. Mukhang doon sila sa mga cabin at hotel tumutuloy.May mga nakit
Megan Point of View Namangha ako sa ganda ng tanawin. Inalalayan ako ni Vonte na bumaba at maglakad sa pino at puti na buhangin ng dalampasigan. . . Ang ganda ng paligid. Ang presko ng hangin at bibihira lang ang tao na makikita rito sa Isla. May mga beach resort kaming nadaanan kanina at mga hotels. Sinundan ko si Vonte na naglalakad, may mga kasama na kaming magbubuhat ng gamit. What a beautiful island. . . Sumakay pa kami ng golf cart papunta sa rest house ni Czar at hindi na ako nabigla nang makita na hindi lang 'to basta basta rest house. Kasing laki lang nito ang bahay namin sa Italy. It was big and extravagance. . . Pero anong silbi ng malaki at magandang bahay kung mag-isa ka lang naman? Wala. Kayang kaya kong ipagpalit ang buhay ko ngayon maging masaya lang ako. "Let me show you your room, Madam. . " sabi sa akin ni Vonte. "No, thank you." tanggi ko kaagad. Hinarap ko siya at inilibot ang tingin ko sa paligid, hinanap ang taong dahilan kung bakit ako narito ngayon. "W
Megan Point of View "Aalis ka na talaga? Hindi na kita mapipigilan? Iiwanan mo na ako?" Natawa ako dahil iyan ang sunod sunod na tanong ni Seb sa akin habang bitbit niya ang mga maleta ko palabas ng hotel. Wala pa si Vonte pero tumawag na siya kanina sa akin na paparating na siya. Pababa ako ng hotel nang nakasalubong ko si Seb . . . At ito, kinukulit ako. "Sa Palawan lang naman ako, kung gusto mo akong dalawin ay puntahan mo lang ako." tawang imporma ko sa nakasimangot na lalaki. "Eh, ako mag-aalaga sa kapatid mo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa gising si Maddie pero maganda na ang lagay niya. Si Doc. Seb ang naka-assign na doktor sa kapatid ko kaya panatag din akong aalis. Nakalabas na kami ng hotel at sakto naman na huminto ang magarang kotse sa harapan namin. Alam ko kaagad na ito ang kotse na susundo sa akin. Tama ako dahil lumabas mula sa kotse si Vonte. Hindi siya nagsalita at inagaw ang mga maleta ko kay Seb na walang nagawa dahil sa gulat. "Vonte, he's
Megan Point of View Tumayoo na ako mula sa pagkaka-upo ko sa sofa at hinubad lahat ng damit ko at saka ako pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpling ito na damit na hanggang tuhod ang haba at saka lumabas sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng pinto ng kuwarto ni Dr. Ryuu. Kumatok ako at hinintay na pagbuksan niya ako. Nang bumukas ang pinto ay sumalubong sa akin ang iritadong mukha nito. Napakurap kurap ako dahil sa iritadong mukha nito. "Ahm. . . Abala ka ba?" "No." halos pasinghal na sagot nito sa akin, "bakit? May kailangan ka ba?" tanong nito. May yamot na sa boses na para bang gusto na niya akong umalis at isarado ang pinto. "I. . . Ahm. . I wanna thank you for saving me—" "Hindi na kailangan." putol nito sa sasabihin ko. At akma niyang isasara ang pinto pero hindi natuloy dahil nagsalita ako. "Have dinner with me." sabi ko. "Hindi ba may asawa ka na?" matalim ang boses nitong tanong sa akin. Kunot din ang noo