Nang sinabi sa akin ni Agapito ang tungkol sa gaganaping kapuluingan ng mga kawani ng Sinag Araw sa susunod na araw ay naisipan kong pumunta ng Maynila. Ipinagdadarasal kong palagi na sana ay maging maayos at ligtas ang aming napagplanuhan ni Agapito bilang paghakbang sa pagpuksa sa aking sariling ama na siyang punong dilim ng mga masasamang bampira.
Ito naman ang tangi naming gusto mangyari kaya madali kaming nagkasundo ng miyembro ng isang organisasyon ng mga maglilipol bampira kahit hindi pangkaraniwang nagtitiwala sa katulad kong isang bampira.
Wala pa ring impormasyon o kahit anong sabi ang natanggap niya tungkol sa pinapahanap ko sa kanya. Kaya habang naghihintay makakuha nun, gagawa muna kami ng isa pang plano at magagawa lamang ito sa Maynila.
Lula ng isang bangka, nagtungo ako sa Maynila. Sinadya ko ito upang hindi ako mamatyagan ng mga alagad ni ama na nakakakilala sa akin. Binayaran ko ng malaki ang bangkero upa
San Juan de Buenavista. Isang maliit na bayan sa kalayuan ng ciudad de Maynila sa may bahagi ng timog nito. Ang baying ipinangalan sa isang santo na siyang nagbinyag sa Panginoong Hesukristo sa ilog ng Jordan.Ang baying ito ay ang bayan ng aking kapanganakan. Ngunit ganunpaman, hindi ako dito namulat.Dalawang oras ang gugugulin kung tutungo ka papunta sa San Juan de Buenavista mula sa sentro ng Maynila. Madadaanan mo ang limang comunidad bago marating ang isa pang kilalang bayan, ang bayan ng Santa Lucia. Mula sa Santa Lucia, tatlo pang comunidad ang madadaanan mo bago ka makarating sa San Juan de Buenavista.At sa unang pagkakataon sa aking buhay ay nakatapak ako sa baying palaging naririnig ko lamang sa mga kuwento ng aking buthing ina.
Maaga akong sinundo ni Pablo sa bahay sa umagang iyon. Hindi ko naman siya masisisi dahil makikita na niya ang aaraling halaman para sa kanyang proyekto. Kinuha niya ako mula sa bahay buhat ng sakay niyang karwahe at nang malapit na kami sa itinuro kong daanan ay naglakad nalang kami patungo sa ilog dahil hindi na makakadaan ang karwahe.Sumama rin ang kanyang alipin na may pangalang Prudencia."Ito na ang ilog," ani ko sa kanila ng marating namin ang kinaroroonan ng puno kung saan umupo kami ni Eduardo noong may isang araw.Agad namang inalam ni Pablo ang tamang direksyon gamit ang kanyang dalang kompas."Doon ang silangan," ani niya at itinuro niya ang daan mula sa pagtanaw sa kompas.
Nakarating na rin kami sa wakas sa bahay. Inda ko pa rin ang hapdi sa aking kanang kamay nang matapunan ito ng mga bulaklak na dala ni Prudencia na nagmula sa matalinhagang mga puno sa may dulo ng ilog na pinuntahan namin ni Pablo.Pagbaba ko ng karwaheng sinasakyan namin, mahina akong hinatak ni Pablo sa aking kamay."Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin."Ayos lang ako," sagot ko naman."Nakatitiyak ka ba?""Oo, Pablo. Wala kang dapat ipag-alala. Maayos lamang ako," sagot ko kay Pablo.At may tumambad na lalaki sa aming dalawa habang kami ay nag uusap."Carmela," ani ng lalaking
Nakadarama ako ng pagkasakit sa aking leeg at ulo. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ito.Nagising na lamang ako sa isang hindi makilalang lugar. Isang silid iyon na walang bintana. Ang tanging nagdadala ng hangin roon ay isang maliit na butas na mayroon pang mga rehas na bakal. At kung mailalarawan mo ang lugar na iyon ay para itong isang kulungan.Naramdaman kong may humihigpit sa aking mga kamay.Mga nakataling kadena.Pati rin sa aking mga paa ay may mga kadena rin. At nabatid ko rin na nakaupo ako sa isang debakal na upuan.Pinilit kong sirain upang matanggal ang mga kadenang nakatali sa aking mga kamay ngunit hindi ko ito magawang tanggalin na siyang pinagtatakhan ko. Hindi it
Kay ganda ng araw na iyon. Hindi masakit sa balat ang init ng araw. Maasul ang buong kalangitan na may mga kalambutan kung tingnan ang mga mapuputing ulap na palipadlipad sa alapaap.Sa apat na buwan kong pananarbaho bilang aliping sanggigilid ng pamilyang Agoncillo, sa mga sandali pa lamang na iyon ko lamang napansin ang kagandahan ng araw.Kaya naisipan kong pumunta ng hardin at magpakasarap muna doon sa kagandahan ng paligid. Napakasarap sa mata ang mga mabeberdeng mga tanim at nakakalikha ng saya ang mga iba't ibang uri ng mga bulaklak at ornamental na naroon. Sinabayan pa ng mga magagandang huni ng mga ibon na masasaya ring palipadlipad sa mga sanga ng mga puno.May nakikita rin akong mga paruparo na lumilipad sa mga buka ng mga bulaklak sa hardin.
May hindi maipaliwanag na kasiyahan ang naramdaman ng puso ko. Hindi ko pa naranasan ang maging ganito ngunit ang natatanging dahilan kung bakit nakadadama ako nang ganoon ay dahil sa aking iniirog na si Carmela.Mahal ko siya. Minamahal rin niya ako. Nagmamahalan kaming dalawa.Walang bagay sa mundo ang makakapasaya sa iyo ng lubusan kundi ang malaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo.Walang mas nakakahigit sa pag ibig. Ito ang pinakamalakas na puwersa sa buong kalawakan.Pagkarating ko ,pagpasok sa pintuan ng bahay ay sinalubong ako ng isa naming aliping namamahay. Sinadya niya atbangan ang aking pagrating upang may mahalagang sasabihin."Senyorito,' ang pagtawag niya sa pag atbang sa akin sa pinto. Nabatid ko naman siyang tumawag."Bakit Pascuala? Anong kailangan mo?" sagot ko naman sa kanya."Senyorito, may isang sulat po kayo. Walang nakalagay kung
Naalala ko ang kabuuan ng lugar na iyon.Ang mga bahay na yari sa bato at konkreto,ang mga mabeberdeng mga puno, ang mga halamang namumukadkad, at ang bahagyang sikat ng araw pati na ang mga mapuputing ulap na lumulutanglutang sa kalangitan ay alam at kilalang kilala ko ang pinagmumulan ng mga ito.Hanggang sa mga taong naroroon at abala sa kani-kanilang mga gawain ay kilala ko rin dahil ang mga kasuotan at mga kagamitang kanilang ginagamit ay hindi ako nagkakamaling nanggagaling nga ang mga ito sa lugar na iyon.Ang lugar na hindi ko makakalimutan. Ang lugar kung saan huli kong nakasama ang aking ama.Taong 1845 iyon sa pagkakaalala ko. Iyon ay sa isang maliit na bayan sa bansa ng mga Greygo. Dahil nababagot noon sa tinutuluyang bahay doon, nagpaalam ako kay ama upang maglibot-libot muna sa napuntahan naming bayan. Unang araw namin iyon sa kalakhan ng bayan matapos ang mahabang apat na araw na paglalakbay
Tribo Baguljol, ito ang pangalan ng aming tribo. Kinuha mula sa pangalan ng pinakaunang datu namin, si Datu Baguljol.Siya ay napakatalino, napakagiting at napakalakas na datu na kilala sa kanyang mga mandirigmang gumagamit ng mga umaapoy na kampilan na siyang nagpabuklod sa mga karatig tribo upang itaguyod ang iisang pamayanan at iyon na nga ay ang tribo Baguljol.Naging masagana at payapa ang buong tribo sa pamumuno ni Datu Baguljol. Masaya ang lahat ng kanyang nasasakupan sapagkat kakaiba ang taglay nitong husay sa paghuhusga sa katarungan at mayroon siyang walang kasingtulad na kabaitan. Ngunit nag iba ang lahat nang mamatay si Datu Baguljol at humahalili bilang datu ang kanyang anak na si Bagaol, yumakap ang bagong datu sa dayuhang relihiyon na siyang dahilan kaya nagkawatakwatak at nahati ang buong tribo.Ang mga katutubong sumusunod kay Datu Bagaol ay nagpabinyag, kasama ang datu, sa dayuhang relihiyon. At ang mga n