Share

Chapter 10- Paint

Reina PoV

Natawa lamang ako sa sinabi ni Night. Sobrang seryoso sya at di na nya binitawan ang mga kamay namin ni Reight. Kinakaladkad nya kami papunta sa kotse nya

Nang makapasok kami ay tahimik kaming nagtitinginan ni Reight. Palihim kaming humahagikhik kasi nakikita nanaman naming badtrip si night

"Mama you should paint your lips red. Kasi sobrang putla nyo po." Natigilan ako sa sinabi ni Reight. May nilabas sya sa bag ko... nail polish!

"Come here, lalagyan po kita" napangiwi ako nang lumapit ito sakin. Binuksan nya ito at tinapat yung brush sakin

Di ko alam kung pano sya papatigilin nang biglang huminto ang kotse at lumabas ang boss ko ng walang paalam

Napatingin ako kay Reight kasi nakasubsob na sya sa sahig. Yan kasi eh… Ang kulit

Inalalayan ko syang umupo. Hindi ko pa nakikita ay natatawa na ako

"Oh! An-- anong ginagawa mo dyan?" Tumingin sakin ang bata at ngumuso. Pinagpagan nya ang kanyang shorts pero nagulat sya ng may nakita syang kulay pula doon

"B-blood!" Nanlaki ang mata nya nang sinabi nya ito kaya napatawa ako

"M-mama! Ma.. ma! May blood! Tapos tumatawa ka pa!" Nanggagalaiti nyang sabi. "It's nail polish, Reight. There's no blood"

I checked kung may sugat ba or such… Pero wala naman, ang strong talaga ni Reight

Nagulat ako nang mapansin ko ang driver seat. May kulay red sa upuan! Dali dali kong kinuha yung maliit na botle at napa singhap nang makitang maraming liquid nito ang nasayang

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at umupo ang kutong lupa kong boss. Natigilan ako... naupuan nya. Umupo sya dun sa...

Tinanggal nya ang coat nya kaya nakita ko ang naka tuck in nyang polo

Tumingin ito sakin ng nagtataka "why?" Tumikhim nalang ako at bumalik sa upuan ko

May binigay sya sakin... " uyy! Jaabbbee" kinuha ni Reight ang pagkain at nilantakan ito. I rolled my eyes kasi ang pronounceation nya sa jollibee ay jabee

Tinulungan ko syang ubusin ang pagkain. French fries. Burgers. Drinks. Spag. Andami! Di nya ata na alala na nasa sasakyan kami pano namin makakain ang spag?

Hindi ko na iyon pinansin basta kumain nalang at nagulat ako nang huminto ang sasakyan. "I forgot something" sabi ni Night at lumabas sa sasakyan. Dire diretsong pumasok sa kanyang kumpanya

Umawang ang aking bibig... maypula sa pants nya! Napatingin ako sa driver seat at napalunok. Sheeemmmsss

Tumingin ako sa building. Di naman ganon karami ang nagtatrabaho ngayon compare kanina... but still

Para syang nerereglang lalaki... well, okay lang. Sa moodswings nya, pagkakamalan talaga syang may dalaw. Napahagikhik ako sa naiisip ko

Nagulat ako nang bumukas ang pinto at pumasok si Night na nakakunot ang noo. Tumingin sya sakin at nagtanong "do I have dirt in the face?"

Umiling lang ako bilang sagot "wierd" bulong nya. Hindi naman sa mukha may something eh... sa pwetan

Ngumisi ako sakanya. Ano kayang reaksyon ng mga empleyado nya nung nakita nila ang likuran nya

Magiging issue ba? Baka yun ang usapan bukas pag dating ko sa office

Sumandal ako sa upuan at inimagine ang mangyayari bukas…

Sobrang iba ng naimagine ko kahapon sa kinalabasan ngayon... parang walang nangyari

O ako lang talaga maissue dito?

Pero kahit usapan o bulongan? Wala man lang?

I almost got a heart attack nang may kumatok sa opisina ko... sa malaki kong opisina

Wala naman akong inaasahang bisita ah? At kung ang boss ko yan ay dapat dire diretso yang papasok

Natagalan siguro ito sa response ko kaya sya na mismo ang pumasok. I saw her golden and shiny hair so I already know who it is, ms Kirzy

"Sorry to disturb you.. but I want to know the progress about don sa... you know na" sabi nito at pinaglalaruan pa ang dulo ng kanyang mga daliri

Pinagkunutan ko sya ng noo "anong you know na po?"

Natigilan sya don at parang nainis. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita "this is a serious matter ms reina. And please take it seriously"

"Ano bang serious matter ang tinutukoy nyo maam?" Mas lalo ko pang kinunot ang aking noo at pina mukha kong nagtataka ako

Nagulat ako when she started stomping her feet like a mad child. Tumingin ako sa mukha nya and I noticed that maiiyak na sya

"Iiiihhhh~ napakaimportanteng bagay to para sakin. Kailangan di ako madiscover sa pinaggagawa kong to. Ano ba! Sabi kasi ni luke sya na daw ang bahala... and then! This girl! My gosh! So bobo! May Alzheimer ba to? Like-- gosh! Napaka-"

And then she started to walk-- stomp around my office. She's like-- having a tantrum! My gosh! Napaka-- OA!

Umirap ako sakanya "malapit na maam" sabi ko at ngumisi sakanya

Lumiwanag ang mukha nya at napatingin sakin "as in? Like-- super lapit?"

Tumango ako at sumagot "yup. Malapit na araw nyo" kumunot ang noo nya sa sinabi ko "is that a joke?"

Ngumisi ako sa kanya "sabi ko kako malapit na araw ng enggagement nyo.. yung party eme eme" tinaas baba ko ang kilay ko at sinabing "ano gusto mo maam? Dun ko ilabas pasabog ko?"

She creases her forehead before saying " what pasabog? It's not a bomb... right?"

Humalakhak ako sa tanong nya. Yung pang witch "no maam... mas malala pa sa bomba! Basta--" tumayo ako sa upuan ko habang nagsasalita.

Hinawakan ko ng bahagya ang kanyang likod at tinulak tulak to "ako na ang bahala!" Sinara ko na ang pinto bago pa sya nag protesta "at ikaw naman ang kawawa"

Okay... komo-corny na ako this past few days, nagkibit balikat ako.. well at least masaya ako kahit ganto buhay ko

Kahit binlackmail ko boss ko para magkaroon ng bahay at trabaho. Kahit lagi ko syang inaasar, pero.. yun nga ang source ng kasiyahan ko eh. Ang pagka asar nya

Agad agad akong umalis sa opisina, wala namang ginagawa kasi tumigil na sa kaka bully ang mg aka officemate ko and nag AWOL si boss… di na rin ako ginugulo ng mga hampaslupang secretary… uuwi nalang ako

I felt goosebumps when I saw some shadow not far from me… ganto talaga mararamdaman mo pag may stalker ka ano? I can’t live peacefuly when I know that he’s here, the bodyguard. Acting dumb and numb, I just go home hurriedly

"Mama! Buhat!" Naiirita kong tinignan ang batang si Reight. Nakataas ang mga kamay nito at naglalambing

Humakbang na ko para lampasan sya nang pinakita nya ang kamay nyang maraming stars "galing ni Reight mama!" Sabi nito at tumalon talon pa

"Magaling daw ako! Sabi ni teacher, nanalo ako sa pabilisang takbo" di ko na napigilan ang ngiti ko. Unti unti itong nabuo kahit badtrip ako buong araw dahil sa boss ko

Minsan talaga gugustuhin mo nalang maging bata. Yung wala kang iisipin kundi laro at kendi.

"Are you cying?" Nagulat ako sa nagsalita. Napalingon ako kay night na nasa hamba ng pintuan at umiling dito

"Tch. Crybaby" umiling iling ito habang nakangisi at senenyas nya ang bandang pisngi

Nang hawakan ko ito ay basa nga. Did I cry?

Natawa ako sa sarili ko. Parangtimang ang OA ko naman kung iiyak ako! Nagulat ako nang may biglang yumakap sakin

"Hush mama..." nakita ko si Reight. Pinipilit akong pagkasyahin sa maliliit nyang braso

Yumuko ako dito at pinisil ang kanyang mga pisngi "its nothing baby" sabi ko at ngumiti sa bata

Binalik ko ang tingin kay night. Pero nakita kong wala na ito sa pwesto nya kanina

Hinila ni Reight ang laylayan ng damit ko at senenyasan akong lumapit pa sakanya. Nang nakalapit ako ay hinila nya ng bahagya ang tenga ko at binulong na "look at this po. May nakita po akong ganito sa social media"

Napalayo agad ako sa kanya "are you kidding me?! Nursery ka palang indoy! Tapos marunong ka ng mag ganyan!"

Humaba agad ang bibig nito at sinabing "si ate inday naman ang gumagamit eh. Binigyan nya lang ako ng account baka daw kasi madiscover ako." Tukoy nito sa kapit bahay ni night na negra, Si inday kasi ang nagbabantay at hatid sundo ni Reight sa school

Pinakita ito ang cellphone na touchscreen (di ko alam kung san galing). Napatanga nalang ako kasi.. wala akong cellphone! Tapos itong batang ito? Meron! Asan ang hustisya?!

Mas nilapit nito ang screen at nakita ko ang tinutukoy nya

Picture ito ng... parte ng katawan. Sa likod yata?-- hindi, pwet! Sa Pwet ito naka center! And then may red mark na nagmukhang lipstick sa ibaba banda. Saktong white ang pants ang suot ng lalaking ito. Nasabi kong lalaki kasi sa built ng katawan.

Wait.. white pants? Lalaki? Red mark? Natutop ko ang bunganga ko nang magets ko kung sino ang lalaking napicturan sa pwet

Ininspection ko ang picture. Inedit nila ito. Nilagyan nila ng mata at ilong habang ang red mark ay nagsisilbing bibig. The eff.. may caption pa itong 'pano kaya pag magkaroon ng mens ang mga lalaki?'

Agad agad kong tinignan ang commentbox

' lahhh.. sino nagpicture nito?'

'Sino nag post?! Mga walang hiya!'

'Kaninong pwet to?'

'Grabeng pambabastos to kay sir night! Kung sino mang nagpost nito! Kahit nagpicture!'

'Lah si sir night to?'

'ansexy pala ng likod ni sir. Ahahaha'

'Report nyo na agad mga bobo!'

'Bakit di mo ireport?'

'Gagi baka paalisin tayo sa trabaho'

'Not an employee. Btw, ano pong last name?'

Halos lumuwa ang mata ko sa mga nabasa ko sa comment box. Gusto kong magkoment din ng 'idelete nyo to! Kundi Malalagot tayong lahat kay sir' pero baka madawit ako…

Nagtry akong pumindot pero naging white ito at agad kong nabasa ang tumataginting na

'What's this'

Ni sir Night Auger "Tinuruan po ako ni ate inday. Sabi nya pag may gusto kang isulat pindutin itong nasa baba"

Pinindot ni Reight yung pahaba na may nakasulat na reply at lumabas ang mga letters. Pero agad din akong napahinto. Anong isusulat ko?

Na ako ang may kasalanan? Sorry? Agad akong napatingin kay reight. Sya lang naman ang may alam noon diba?

At bakit ba ako kinakabahan? Itong batang to naman ang may kasalanan eh!

I’ll just act innocent

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status