Share

Chapter 3- The worst

C3-the worst

Reina POV

Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Hindi ko nga maintindihan kung anong ginagawa ko dito

"Mang aagaw ka!" Akala ko ang pupuntahan ko ay isang meeting "$#$###! Ikaw yung $$###!!" Siguro isa din ito sa pambawi ng boss kong suplado

"Magretire kana! Wala kang kwentang empleyado!" Sigaw nung isa "pano mo nasabi?! Ikaw ba si boss? Ikaw ba??!!!"

Naglalakad na kami pa alis dun sa pinuntahan naming meeting 'daw'. Ang ending? Ito di natanggap yung proposal kasi nag away yung dalawa sa kalagitnaan ng meeting

"Aba- mas nauna akong maging secretary kesa sayo!" Sumbat nung isa "ows? So hindi ka kasi effective! Kaya kinuha ako ni boss bilang secretary nya"

Dalawa ang secretary ni night. Mga bagong salta.mas bago pa sakin. Ewan ko ba dun. Temporary lang ang mga sekretarya nya... tapos mas mahirap pa trabaho ko! Wag nalang kaya sya mag secretary!

"Hindi ka din effective kasi di nya ko tinanggal!" Panlaban nung isa.

"Parehas lang kayong di effective kasi papatalsikin din kayo ni boss at the end of the month" napatingin sila sakin at tinaasan ako ng kilay

"Oh! May kasama pala tayo!"

"May 3rd wheel! My gosh!"

"Isa pa to eh!"

Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ito! Kanina pa sila maingay. Umatras ang client namin kahapon.. pati ngayon

"Kung di kayo tatahimik, tatahiin ko yang mga bibig nyo" and thank god dahil tumahimik sila

Effective talaga yung maldita image. Pero bakit sa night na yun di gumagana?

Naiinis talaga ako sa lalaking yun! Abuso na sya!

"Tomorrow morning. Come with me. We'll have lunch meeting with an important clients" sabi ng mapang abusong boss

How could he! Kanina meeting din yun! Pati bukas ba naman?!

Pero wala na akong magagawa kaya tumango lang ako dito. At pagtalikod nya, tsaka ako umirap

*******

"Mama inasar nila ako" nakangusong sabi ni Reight. Pag uwi ko ito agad ang binungad nya sakin... ang cute lang

"Sabi kong ate! Ate itawag mo sakin!" Ayan nanaman kasi sya kakamama nya

Nagulat ako nang bigla itong umiyak ng malakas. May pakusot kusot pa ito sa mata!

"Ooohh... why are you crying?" Pang lalambing ko dito "inaway ako sa school. Mukha daw kasi akong si red sa angry birds"

Natawa ako sa sinabi nya. Kasi naman, di pa nabubura yung marker na dinrawing nya sa kilay nya

"Mama naman eh! They keep on calling red na nga! Tapos pagtatawanan mo pako?" Umirap pa ito sakin "I told you to call me ate! Why so stubborn?!"

Naghintay ako nang may sabihin pa sya. Pero nakatitig lang sakin ang bata. Ilang minuto na ang lumipas nang binuka nya ang bibig nya

"Mama!" Ngumisi pa sya sakin "mamamammamamamamma"

"Oo na! Tatanggalin na!" Naiirita kong pinaupo si Reight sa couch at nag hanap ng bulak

"Dont spoil that kid" napatingin ako sa pinto nang may nagsalita. Si night

"Boss may acetone ka?" Kumunot ang noo nito sa tanong ko. Tinuro ko ang kilay ni Reight na sobrang itim

"Acetone? I think his eyebrow will disappear if that's what you'll use" natahimik naman ako sa sinabi nito.. may ganon?

Nagulat ako nang biglang umiyak nang malakas si Reight "then what should I do?"

Nagkibit balikat lang ito at lumakad kung saan. Napatingin naman ako kay Reight

Nagulat ako nang may kung anong bagay ang lumitaw sa harap ko...  acetone? "Just try it. I want to know the aftermath"

Napangisi naman ako sa sinasabi nito. Ohhh... nag kaisa ang aming isipan. Tinignan ko si Reight na umiiling na ngayon

"Waaggg!! Don't! Please! I'll just.. titiisin ko! Wag nyong ilapit sakin yan!"

And I guess that.. he will wear that eyebrow for a week?

I really like the view when this two get along. Ito ang mga times na nag poprove na magkalahi talaga sila. 2 weeks of staying in my boss house minsan ko lang sila makitang magkasundo, Im trying hard to let them have the brother/sibling bond. And this is the success

"I really like Alice cause she's so cool!" Tumango lang si night sa sinabi ni Reight. Yung isa naman ay daldal parin ng daldal tapos yung matanda seryosong nanonood lang

Nagkakasundo sila sa movie. I'll take note of that. Nanonood sila ngayon ng resident evil

What a nice movie for a three year old kid like Reight. Gustong gusto nya yung part nanakikipaglaban na si Alice

Nagluto ako ng popcorn para sakanila. Para madama nila na para silang nasa sinehan! Support ko yang dalawang yan!

"Himala, wala ka sa office. Diba kahit holiday at week ends ay nagtatrabaho ka parin?" Umirap lang si night sakin. Oh, how nice

Nilagay ko na ang bowl ng popcorn sa harap nila. Dumakot ng marami si Reight kasi alam nyang kukuhain lahat yun ni night pag di sya naging mabilis

"Iiwan ko ang bahay ko? Mamaya may manakaw pa dito" he nonchalantly said.

"Kala mo naman napakasama namin-"

"You blackmailed me just to let you stay here. Tell me aren't you bad enough?"

Natahimik ako sa sinabi nito. "When will you leave?" I don't know what will I reply. I know that nakukulitan na sya at naiingayan samin. I just need.. more time.

"Sandali nalang. Just be patient. Puso mo, mahuhulog. Lagi ba kayong highblood boss?" Umirap ulit ito sakin kaya natawa ako.

How could he do that? Pag sa ibang lalaki mukha silang bakla pag ginawa nila yan, pero sakanya, mukhang kabayo.

Umupo ako sa pangisahang couch at doon ginawa ang mga pinapagawa nya. Kahit nasa bahay kami ay dinadamihan nya ang gawain ko. Masyado akong na occupied ng trabaho hindi ko napansin na nasa likod ko na pala sya "tell me. Who are you"

Napatigil ako sa pag tatype ng kung ano sa laptop nang nagsalita sya "you can easily do whatever I told you. Even the hardest.. those works. Even my secretary can't handle it"

Napatitig ako sakanya. Nang mapansin nyang masyado ng matagal at hindi pa ko nakakasagot ay tumikhim na sya

Bago ako sumagot ay ngumisi ako sakanya "magaling kasi ako!" I salute to him. At napatawa ako ng umalis ito na may pag irap

"By the way, boss. 19 words. That's the longest speech that you said" tumayo pa ako at pumalakpak "I'm so proud op yo!"

Pinaikotikot ko ang pag palakpak ko "around of applause for my talkative boss!"

Tumingin ito ng nakakamatay sakin kaya ngumisi ulit ako dito. Wala syang nagawa kundi magwalk out

"You look like an idiot there mama" natigil ang pagpaplano ko kung pano pa mapapabadtrip si boss nang magsalita ang batang paslit

"Isa pang mama dyan! Konyat kana sakin! Wala akog anak na kalahi ng angry birds!" Biglang namula si Reight sa galit.

But he can't do anything about it kaya behave lang sya. Parehas talaga sila ng night na yun!

"Thank you" tumayo na ako at nakipagkamay sa mahalagang investor namin namin ngayong araw. I really don’t get that night left us here like, c’mon! investor to, he can’t just neglect it kasi di kilalang tao ang mag iinvest. Business parin to. And… sigh

It’s me, over thinking ulit. Wag mong isipin ang mga bagay na walang kinalaman sa buhay mo. Papalitan ko na talaga yang boss na yan sa posisyon nya eh! Mas marami pa yata akong nagagawa kaysa sakanya eh!

"Nice job!" "Yeaahhh!! You did well today" "anong ako? Ikaw yun!" "Nambola ka pa, ikaw ang mas maraming nasabi kanina"

Napakunot ang noo ko sa dalawa kong kasama. May himalang dumating! Nagkasundo ang dalawang sekretarya ni boss!

"Hindi ah! Ganto, dahil sa success ang meeting. Let's go to ColorfulWorld!" Nakita kong nagningning ang mata nilang dalawa

"You know that place!" Nagapir pa sila. "Duh! Sikat yung place na yun noh! Mga nakatira lang yata sa kweba ang di alam ang lugar na yun"

Colorfulworld? Is that a park? "I want to go!" Sabi ko. Pero napatigil ako nang marealize ko na may bata pa pala akong aalagaan

"Duh... walang maiiwan! Syempre kasama ka! Masyado tayong nastress ngayon" its true, alam nilang mahalaga ang imi meet naming ngayon kaya nag seryoso sila. And to think nan a stress pa sila non eh ako lang naman ang nagpaliwanag about sa company and project na pinag invest. Hindi naman sa nang aako ako ng Gawain pero parang ganoon na nga.

Hindi na ako nakapag protesta nang hilain nila ako sa isang taxi. "I change my min-"

"But first! Let's fix ourselves!" Humarap sakin yung isa. Ngayon ko lang napansin na emerald green ang mata nito. Eh? Contact lenses?

Kumuha sya ng gunting sa bag nya. At nagulat ako nang ginupit nya ang dulo ng skirt ko. Even my long sleeve top!

Inalis nya ang pagkaka tuck in ng top ko at tinali nya ito sa likod ko revealing my tummy

"Not bad. Sexy ka din pala" napatitig sya sa mukha ko "a little powder... hmm.. ang putla mo! Let's try this lipstick"

Tumitig pa sya sa mukha ko at nang makontento na sya ay inayusan nya na ang sarili nya

Nagulat ako nang pinaharap ako nung isa pa sakanya. "Your hair... too neat" tinanggal nya ang pagkakatali ng buhok ko

"Nice." Ngumiti sya sakin at pinagpatuloy ang pag aayos nya.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay nagbayad na sila. Napatingin ako sa paligid. It's really a park. Kaso ang dilim! And what's with the outfit? Mukha kaming pupunta sa bar!

Nagpaalam sila na pupunta daw sila sa cr. Ehh? Iiwan nila ako? Hihilingin ko na sanang magstay sila dito o sasama nalang ako pero nilayasan na ako! Mga walang hiya!

The place is just like what I imagined. A peaceful park. Maganda sana kung maaga kami pumunta dito at kasama ko si Reight

Kahit madlim ang lugar ay nasilayan ko parin ang dalawang sekretarya. Nagtaka ako nang nagbago ang mga suot nila

Yung isa ay napaka ikling shorts at spaghetti strap... sando? Yung isa naman ay red fitted and short dress

Hinila nila ako sa isang madilim na lugar. Wait! Mga mamatay tao ba itong secretary ni boss?

Kinakabahan na ko nang may makita akong abandonadong lugar. Ehh? Binuksan nila yun at nang pumasok kami ay tumambad samin ang nakakahilong ilaw,amoy at mga tao

What the... underground club? Napatingin ako sa mga kasama ko. Tinitignan nila ang reaction ko

"Confirmed. Isa sya sa mga nakatira sa kweba" nagtawanan pa sila. Hindi ko masyadong narinig ang sinasabi nila dahil masyadong maingay ang paligid

Nakapunta na ako sa gantong lugar dati. I'm the kind of person na mahilig magtry ng kung ano anong bagay.

At nang na curious ako sa word na clubbing ay tinry ko. And it's... worst.

I laugh hard when memories flashed through my mind

"In this club. You can do anything!" Pag sisigaw ng sekretarya ni boss "no age limit. No rules. No limitation. Just drink the night away!! Wooohhh!!!"

I don't know what happened. I just found myself in the middle of the drunk secretaries! Ni hindi nga ako nakainom ng isang tagay, they keep on stealing my drinks

I panicked when one of them acted like... uhh puking. "No. No.... not here. Let's go to the bathroom. Not here"

Inalalayan ko ito papuntang restroom. I stayed outside. I don't want to see another disaster at the moment

Napansin kong masyado nang matagal ang pananatili nito sa loob kaya no choice ako kundi pumasok

I thought maraming tao sa loob pero wala. Ehh? Asan na yung babaeng yun?

Tinignan ko isa isa ang cubicle. Asan na ba yun? Iiwan ko sya dito! I'm at the 3rd from the last cubicle nang may makita ako

"B-boss?" Nagulat ako sa tumambad sakin. And yes. It's boss night. Making out with a girl

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status