Share

Chapter 4- Table have turn

C4-table have turn

Reina PoV

I yawned. Nakakatamad ang nakaraang araw. Despite of that revelation, wala ng exciting na bagay ang nangyayari

Hindi na nagpapakita sakin si boss. Oo, nakatira ako sa bahay nya. Pero ngayon, parang solo na namin ang bahay na yun, Kaso wala akong mapagtripan

Ni hindi nga lumalabas sa office nya si boss eh. Di na din nya ako pinapahirapan. Ang saya. Pero ang boring

Walang thrill ang ganito

Pinapaikot ko ang aking paboritong fuschia pen sa aking mga daliri. Ang boring na nga nakakainis pa ang mga kasama ko sa cubicle na ito

"Hindi ka man lang namigay! After all, we've been through?"

"Ano ako? Yaya mo?!"

Nakakainis dahil ang sikip na nga ng cubicle na ito tapos andito pa ang mga sekretarya nya at ang iingay pa!

"Hmm... pwede"

"Hmp! Ang ganda ko para maging yaya!"

Yaya? I remember how he treated me these past few weeks. He treated me like a maid

Okay lang kasi tumitira naman kami sa bahay nya. Hindi rin... kasi ako din ang pinapagawa nya ng mga trabaho nya so basically he made me his slave

Napatango ako sa iniisip ko. Grabe naman yung lalaking yun

"Bakit ba ikaw lagi ang kasama ko?"

"Wala kang magagawa!"

Oo nga pala. Nilock ni boss ang kanyang sarili sa loob ng office nya. Eh nandoon din ang office ng mga secretary nya.

"Bakit ba kayo andito?!" Di ko na napigilan. Nakakairita kasi. Nakikipagsiksikan sila sa maliit na espasyo ng cubicle na ito. Eh akin lang to eh!

Tumayo ako at taas noong pumunta sa opisina ng boss ko. Nakabukas ang pinto noto, which is very unusual. Kasi dapat talaga ay nakasarado ito. Sanay akong nakasara to eh

Pagkapasok ko ay dirediretso ako papunta sa lamesa kung asaan ang napakagaling kong boss

"What are you-" di ko na sya pinatapos at hinampas ng malakas ang lames nya

Gulat itong tumingin sakin. Bigla akong kinabaha. Bobo, may bodyguard nga pala to. Tumingin ako sa paligid, nothing unusual.

Good. Natahimik sya "bakit mo sila pinalayas sa mga opisina nila?" Nakataas ang kilay ko nang tinanong ko ito

Pero tinaasan din ako nito ng kilay "who?" I rolled my eyes.. keep it going reina. Nasisindak na sya sa maldita effect mo

"Yung mga sekretarya mo! Nanggugulo sila sakin!" Sinigawan ko na ito para pak na pak

Napansin kong may tiningnan ito kaya napatingin din ako sa likod ko, may magandang babae.

Multo ba to? Sobrang puti nya eh. Napansin kong tumayo ito at nilahad ang kamay nito sakin "hello. I'm kirzy. Nights' fiance"

Ngumiti pa ito sakin "so ms. Reina... can we have a private talk?"

Di na ako nakapagsalita dahil hinila na ako nito at dinala sa kung saan. I wanted to twist the arm that is holding me right now. How dare she touch me?

I'm about to break this fragile arm when she let go of me.

The fck? What am I doing? I almost… deep breath, deep breath. Reigth will cry if he happens to know about this situation. I calmed down and just looked around

Nakakatawang isipin na halos isang buwan na akong nagtatrabaho dito pero di pa ako nakakapunta sa basement ng company  na ito

And I didn't expect na may ganitong lugar dito. Grabe! Di ko talaga to inexpect! Umirap ako sakanya nang malanghap ko ang mga alikabok

"What a nice place for a meeting! Ang galing nyo pong pumili ng meeting place" sarkastiko kong litanya. Sinong di ma babadtrip kung bigla kang hihilain na wala manlang paalam.

Ngumiti lang sya "I need to talk to you... in very private place ms. Reina" humalukipkip ako bago sya senenyasan na mag patuloy sa pagsasalita

Huminga muna sya ng malalim bago magsalita "kailangan kita para matigil ang engagement" walang paligoyligoy nitong sabi

"Why??” I don’t want to get involved with this girl. yes, She’s nights’ fiancé and so?

"I don't love him" natigil ang pag iisip ko litanya nya. Eh? Love? "Gusto ko kasing makasal sa taong mahal ko"

Umatras ako ng konti at pinagmasdan ang pagmumukha nya. Anong sinasabi nito?

"Look- ang gusto ko lang ay matigil ang engagement. And I know kung bakit ka nasa bahay ni night nag i stay" napa ‘o’ ako nang marealize na alam nya palang kayla night ako tumitira. But wait.. alam nya daw kung bakit?

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. She knows it. How come? Ako lang naman ang nakaka alam nun. I made sure na hindi malalaman ng iba, at ako nga nahirapan makakalap ng impormasyon, pero sya… should I just kill her?

Napangiti sya nang mapansing kinabahan ako sa sinabi nya "don't worry I won't tell it to anyone. Just do my favor, please" No one should know. I still don't know if Night can be trusted. I still don't know if Reight will be okay in their care.

Tinitigan ko sya. Dapat ba kong magpauto dito?

Huminga sya nang malalim bago nagsalita "as a payment, I'll give you a car and house to stay. Sayo na yun. Just do it. Please"

Ngumiti ako sakanya "yung house ba ay malapit sa dagat?" I look at her with indifference and when she shook her head

Napasimangot ako at tumalikod "but! I can buy you a house! Doon malapit sa dagat" bumalik ulit ako sakanya at kinamayan sya "sa palawan. Gusto ko sa palawan. If you buy it, consider it as a deal"

Is I’m going to have my freedom, I also need a nice house. Isa ito sa pinaplano ko, gusto kong kupitan ang ajello family. Pero sakto lang ang pinapadala na pera para kay Reight. Heck, if you want me to raise him why not give me a bigger budget?

-----------------------

Tamad kong pinaglalaruan ang kung ano ano sa bago kong desk. Oo. Bago.

Lahat dito ay bago. Bagong gamit. Pens. Desk. At higit sa lahat ay bagong opisina

Naiirita akong tumingin sa boss kong nasa loob ng office nya. Imbes kasi na ang mga sekretarya nya ng nandito. Ako ang pinalipat nya!

Maganda naman dito. Maluwang kaysa sa cubicle ko noon. May sariling water dispenser. May computer. May aircon. Wala kasi doon sa cubicle ko, nasa dulo yun. Minsan pang nag sisinto sinto aircon dun.

Dito, may mga dingding-- oo, Kaso puros salamin. Feeling ko nasisilip nila lahat ng nagagawa ko

Lalo na yang wicked boss ko! Mamaya makita nyang pinaplano ko kung paano ibobroke ang heart nya sa pamamagitan ng pag tigil sa engagement nila ng fiance nya

Hindi naman nya mahal yun! Nakikipag make out pa nga sya sa bar-- nabuhayan ang braincells ko nang maisip ko yun. Dagdag ko sa pangblack mail yun! Naglakad ako papunta sa kanya. Di pa ko nakakalapit ay napansin nya na ko

Nang makita nya ang ngiti ko ay napangiwi sya at tumitig sakin"what?" Akala nya masisindak ako? Di nya ko masisindak sa titig nya at sa what na yan!

Ngumiti ako sakanya "everymonth supply of magnum icecream at di ko ilalabas yan sa madla" nilagay ko sa lamesa nya ang picture na pinrint ko gamit ang printer nya.

Tinignan nya ito at natigilan sya nang makita iyon. I'm so proud of maself!

Reight said his craving for ice cream. I don’t know why but, sobrang late na ng padala ng butler ni mistress Natasha, wala pang binabalita kung buhay pa ang babaeng yun or what.

"Deal or no deal?!" Tanong ko dito. Naiinis nyang nilukot ang picture at tinapon ito sa kung saan. Aww sayang ink

"Hayyyssst... pano kaya kung ipakita ko ito kay madame kirzy?" Tumalikod ako at naglakad na palabas sa office nya "siguradong ipapatigil nya ang engagement. Naku! Mahal na mahal nya panaman si boss" humagikhik ako nang sinabi ko yun

"Pag natigil ang engagement... edi wala nang partnership ang visperas corp. At  Auger rea-"

"Deal!" Huminto na ko sa pagsasalita at unting unti na tumalikod at tumingin sakanya

"Deal! Just stop that effin smile!" Napahawak ako sa pisngi ko. Hihihi inis na inis talaga sya pag masaya ako

Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko at tumakbo na. masyadong maliit na halaga ang magnum ice cream para pang black mail.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status