Share

Let's Play Hide and Seek
Let's Play Hide and Seek
Author: Reynang Elena

PROLOGUE

"Parang awa niyo na itigil niyo na ‘to." pagmamakaawa ng isang dalaga.

Ngunit wala siyang ibang narinig kung hindi puro tawanan ng mga taong may gawa nito sa kanya. Kitang kita niya sa mga mukha ng mga ito ang mga ngisi sa kanilang mga labi.

"Masyado ka kasing pabida kaya ito ang napapala mo, inagaw mo na ang lahat sa akin at hindi ako makakapayag no'n." galit na wika ni Nathalie.

"Nahihibang kana ba? Kahit kailan ay wala akong inagaw sa'yo at hindi ko naman kasalanan kung mas matalino ako sayo. Kung ako sayo ang dapat na pag tuunan mo ng pansin ay kung paano mas mapataas ng grades mo, hindi 'yong mga ganitong pakulo ang inuuna mo." matigas na wika ni Crystal.

Mabilis naman siyang nilapitan ni Nathalie at sinampal ng malakas. "Huwag kang umakto na matapang diyan, anong akala mo sa aki bobo na hindi nag aaral ng mabuti? Kaya nga ako naging top 1 ng sunod sunod hindi ba?"

"Oh 'yon naman pala eh, bakit ako ang pinag iinitan mo? Alam mo Nathalie walang gamot sa pagiging inggitera kaya tumigil kana." anas ni Crystal.

Dahil sa inis ni Nathalie ay hinampas niya ito ng hawak niyang kahoy.

"Damn you Nathalie! Wala kana bang magawa sa buhay mo? T-tulong! T-tulungan niyo ako." sigaw ni Crystal.

'Kahit maubos pa ang boses mo ka sisigaw ay walang makakarinig sayo dito hanggang sa mamatay ka." nakangiting wika ng babae na nasa harapan niya.

"Teka teka sandali, sandali lang Nathalie. Hindi kasali sa usapan ang ganitong bagay." pagpigil ng isa pang boses. Halos hindi na maaninag ni Crystal kung sino ang mga nag uusap.

"So? Do you think I care? She deserves it. She deserves to die!" bakas sa boses ni Nathalie ang galit.

"Isinusumpa ko maybabayad kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyong ito. Hindi ko kayo patahimikin!" nakakakilabot na sigaw ng dalagang si Crystal kahit na nahihirapan na ito.

"Talaga? Sa tingin mo mangyayari pag ang sinasabi mo? Sa tingin mo magagawa mo pa 'yon? Dream on bitch dahil ito na ang huling gabi na masisilayan mo pa ang mundo. Paalam Crystal, rest well darling." nakangising anas ni Nathalie at walang ka abog abog na hinampas ng kahoy ang kamay ng dalaga dahilan para mapabitaw ito at tuluyan ng malaglag sa rooftop.

Halos hindi makahinga ng maayos ang mga taong nando’n sa lugar na 'yon. Hindi nila lubos maisip sa hahantong sa ganito ang lahat, buong akala nila ay susunod sa plano ang kaibigan nilang si Nathalie dahil ang totoong usapan lang naman ay takutin lang si Crystal at hindi patayin. Wala silang ka alam alam na may ibang plano pala ito.

Hindi na nila alam ang kanilang gagawin, nakapatay sila ng inosenteng tao sa mismong kaarawan pa ng isa nilang kaibigan. Hindi man sila ang gumawa no'n pero nandito silang lahat sa pinangyarihan ng krimen at sakto sila sa pagkamatay nito.

"What have you done Nat?" naiiyak na saad ni Jane.

"What now? She deserve it, ngayon wala na akong ka agaw." nakangiting turan ng kanilang kaibigan.

"Hindi ito ang pinag usapan natin Nathalie! Hindi ka sumunod sa usapan!" galit na utas naman ni Kim.

"And so? Sa tingin niyo may pakialam ako? Mas mabuti ng namatay siya para wala na akong problema sa buhay at isa pa huwag niyong sabihin na natatakot kayo? Walang ibang tao na nandito kaya walang makakaalam na may kinalaman tayo sa pagkakalaglag ng babaeng 'yan." mahabang turan nito.

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo Nat? Nakapatay ka ng tao! Nakapatay tayo!" madiin na saad ni Sophia.

"Shuttap bitch!" sigaw naman niya.

Natigil naman sa kakasalita si Sophia at napaupo na lang sa sahig habang umiiyak, samantalang si Kim ay nakaalalay sa akin dahil kanina pa ako umiiyak sa mga nangyayyari.

I'm so sorry.

I'm so sorry my friend!' mahinang bulong ni Jane.

Magsisimula ang lahat sa isang pangyayaring hindi inaasahan.

Paano nga ba matatapos ang lahat ng ito kung hindi nila alam kung sino ang totoong kalaban?

Mahahanap kaya nila ang mga may kagagawan kung bakit namatay si Crystal?

May kasiyahan at kapayapaan pa kaya sa buhay nila?

Magkakaroon pa kaya ng kapatawaran para sa isa't isa?

Mapipigilan pa kaya ang mga masasakit at masalimuot na mangyayari dahil sa isang paghihiganti?

Buhay ang kinuha at buhay din ang magiging kapalit.

Pinaglalaruan ng isang tinig. Boses na nakakapangilabot. Paulit ulit na naririnig at kapag narinig mo ito magtago kana, dahil ikaw na ang susunod.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. isa, dalawa, tatlo. Pag nahuli ko ay papatayin ko"

Pag narinig mo ang katagang 'yan ay magtago kana.

Run and hide as fast as you can. Save yourself before it's too late.

Killer is here, death is everywhere. Be careful who you trust.

Tik tak Tik tak...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status