Lola's POV
Nagpipigil lang ako ng gigil ko. For tenth time's attempt, masasabi ko na nawawala na ako sa porma.Ilang beses kong sinubukan na agawin ang atensyon ni JD. We're still at the set pero ni isang beses ay hindi ako tinapunan ng tingin ng lalaki.Para na akong asong u*ol na sunod nang sunod sa kanya pero hindi ko lang pinapahalata. Maraming mata ang nakamasid sa akin and they will do anything just to prove any suspicion of me.Relax lang, Lola Lee. Huwag kang mawala sa poise mo. Keep your cool. Mapapansin ka rin ni JD. Eventually, he will get tired of walking away. Itaga mo 'yan sa boobs ni Scarlet! sabi ko sa aking sarili.Kasalukuyan akong naglalakad habang pasimple at patay-malisyang nakasunod kay JD. Nakahawak siya sa kanyang script habang ang kanyang make-up artist ay nagre-retouch sa kanyang mukha. Ang salubong niyang kilay na nagpapakita ng pagkaseryoso ang nabungaran ko.At heto naman akong si sunod lang at kunwari'y nakahawak sa cellphone ko at nagkunwaring nagse-selfie. I even smiled in front of my dead phone. Nang masiguro kong nakalayo na si JD sa akin ay saka ako magbababa ng kamay at babalik sa curious kong ekspresyon."Huy!""Holy sh*t!" Napamura ako sa gulat nang bigla kong naramdaman ang malakas na tapik sa likuran ko kasabay ng isang malakas na bulong na iginawad sa tenga ko. Halos tumakas na ang puso ko sa sobrang kaba. Pagalit akong lumingon sa salarin at sinamaan siya ng tingin. "Gusto mo ba akong mamatay, ha?! Bakit ka ba nanggugulat? What do you think you are doing?" mataray kong tanong sa nasa tabi ko. Walang iba kundi ang PA ko na si Michelle.Nakita ko ang paghalukipkip niya saka ako tinapunan ng nakalolokong ngiti. "Huy, Madam! 'Wag ka namang masyadong obvious sa pagka-crush mo kay Sir James," saway niya na nagpataas ng kilay ko nang husto."O-obvious? A-anong obvious? Pinagloloko mo ba ako?! S-siya? Gugustuhin ako?" I scoffed and sarcastically laughed. "No way!" marahas na bulong ko sa kanya. Gusto kong hinaan ang boses ko dahil tiyak na maglilingunan ang lahat. Akalain pa nila na talagang gusto kong sundan nang sundan si JD!Napapalatak naman ang PA ko at bahagyang napatawa. "Alam mo, Ma'am Lee, dumaan na ako sa ganyang part ng buhay ko. 'Di n'yo po ba alam kung paano kami nagsimula ng asawa ko? Dahil lang din d'yan sa pagsunod-sunod ko sa kanya! Stalker kaya ako, Ma'am!" proud pa ngang sabi niya sa akin.I scoffed at her words. Nagtaas ako ng kilay at hinarap siya. "Do I look like I'm interested in asking you about your personal life? Kailangan ko ba ng opinyon mo?" sarkastiko komg tanong sa kanya bilang tugon sa kanyang naunang sinabi."Ito naman si Ma'am masyadong serious sa life!" Napahagikgik siya at akma akong hahampasin sa balikat. Mabuti na lang at mabilis akong umilag. "Bakit, Ma'am? Type mo na ba kaagad si Sir James? Pogi, ano?" pambubuyo pa niya.Napakuyom ako ng kamao at nagpipigil ng inis. Ayokong makita ng mga tao na talagang kontrabida ako kahit sa totoong buhay! I breathed in deeply and closed my eyes saka ako nagpasya na harapin si Michelle. "Pwede bang 'wag kang makialam? Mali ka ng iniisip kaya manahimik ka na lang. Just do your job..." I rolled my eyes and was about to walk away when I heard her talking again."Alam mo, Ma'am... Kung balak mo pong magpapansin kay Sir James, siguraduhin n'yo po muna kung seryoso kayo o nagloloko lang din. Kasi baka sa huli ay maging isa ka sa koleksyon ni Sir. Gusto mo rin bang madala ng ambulansya habang nasa loob ng bidyay mo ang k*****a niya? 'Wag kang papayag na mangyari ulit iyon... Ang mga babae ay hindi isang palamuti para i-display at paglaruan. Lagi mong tatandaan iyan, Ma'am..."Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bigla lang akong natuod sa kinatatayuan hanggang sa si Michelle na ang naunang umalis.Those words rung inside my head. Of course, how can I ever forget about my goal? First day pa lang naman ito. Mahaba-haba pa ang lalakbayin ko bago ko makuha ang loob ni JD. And when that happens, I'll definitely win over him. Soon after, those eyes that used to look down on me will definitely look at me lovingly in the future...****Nagdaan ang ilang araw at lalong tumindi ang obsession ko sa pagtuklas sa buhay ni JD. Sa ilang tapings na magkasama kami, ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng pansin o binati man lang sa set.I feel so nadedma to the max! Hindi ko akalain na magiging ganito kasaklap ang buhay ko sa piling ng isang James Dean Ferrer. That also explains why Scarlet couldn't hold her laughter upon hearing what I just reported.Mas lalong tumriple ang pagkabwisit ko at pinagtaasan siya ng kilay. "Okay? So, it's funny na pala, ah? I don't wanna continue this crap, bitch! Bakit kasi ako pa ang napili mong patrabahuin d'yan sa revenge plans mo against JD?" maktol ko sa kanya. Nakakapagtaka naman kasi talaga. Bakit ako? Oo, social climber lang ako, pero hindi ako naging ganito ka-desperada para makakuha ng atensyon. Madalas ay madali ko lang nakukuha ang atensyon ng kahit sino sa paligid ko. But JD is different.The second time we had a taping, halos mangapa ako sa eksena because it's more touchy than the first taping. Kinuhanan namin ang pinaka unang scene ng movie. The scene was that my character is being chased by an Arabian National, bumbay kumbaga. Marami kasing pagkakautang itong character ko kaya gano'n na lang kung tumakas sa mga bumbay.Nakikipagtakbuhan ako sa mga pangit na extra na ang role ay ang maging sanggano. Sa dulo ng eskinita, mabubunggo ako sa character ni JD. 'Di ba, ang sweet?Pero nunca! Sa mga panahon na 'yan ay naging komedyante akong aktres. Bwisit kasi 'tong si JD! Hindi makuha ang timing ng pagdating ko. Para akong tanga na naghihintay sa tao na bubunggo sa akin. Napakahilaw ng scene! Buti na lang ilang beses iyon pinaulit ni Direk Bim, hanggang sa officially, sa take 7, nagkapasa na nga ang braso ko kakabunggo sa dibdib ni JD. Kung hindi nga lang sa gusto ko rin ang mabunggo ro'n sa dibdib niya, baka nasigawan ko na siya sa sobrang inis. Mabuti na lang at gwapo siya. Nakakawala ng galit."Cut!" cue na iyon ni Direk Bim para ideklara na tapos na ang eksena at wala nang lilinisin. Pagkatapos na pagkatapos no'n, agad ding tumalikod si JD para bumalik sa upuan niya sa set. 'Kagigil, 'di ba? Sinasadya na talaga niya ito for sure!Doon ko na-realize na sobrang cold niya, as in double dead cold. Ibang-iba kasi ang pakikitungo niya pagdating sa akin, pero kapag kasama na si Gaia sa eksena o sa taping, super sweet siya sa babae. Parang nakakainsulto lang kasi. Ako 'yong star! Ako 'yong bida na katambal niya pero sa ibang katrabaho siya sumasama! Bwisit!"Bitch, I can't tell you muna. Mawawalan ng saysay ang lahat kapag sinabi ko sa 'yo, 'no! I'm just enjoying the scenes at the first encounter." Scarlet continued to laugh and puffed another from her cigar. "May press con at birthday kayong pupuntahan nila Direk Bim. JD will be there. For sure, makaka-score ka na ng 'hi' sa kanya. Of course, Gaia will be there, but you can have your way in eliminating her, right? Just do everything to capture his attention, bitch."Napailing naman ako. "Kinakabahan na ako lalo habang tumatagal na gusto ko siyang mapansin ako. Kung hindi ko na lang kaya pansinin?" paghahamon ko. Sabagay, may motto rin ako sa buhay na kung ayaw magpahanap ang isang bagay, huwag ko nang hanapin para kusang lilitaw. Baka sa pagkakataong 'yon, mapansin na ako ni JD. Ano ba kasing wala sa akin na hindi ako mapansin-pansin no'n? Maganda naman ako. Big catch pa!Napabuka ang bibig ni Scarlet at nag-form ng "o". "You're so brilliant, 'no? Why not try that, pero kung 'di effective, pikutin mo!""Eww! Bitch, nakaka-goosebumps ang mga suggestion mo. Kapag hindi na ako pinansin ni JD, I will definitely stop this nonsense!"*****Araw na ng event. Abalang-abala ako sa pagpapaganda sa sarili. Nagsuot ako ng emerald green body-fitting dress na turtle neck. Hantad ang shoulder blade ko at pagdating sa braso, may manggas na. Hanggang tuhod ko ang dress at sobrang fit nito sa akin. I brushed my hair up at naglagay ng spray gel para ma-achieve ko ang mala-Kardashian look ko. Smoky eyeshadow at dark red lipstick. Defined din ang cheekbones ko sa contour na nilagay ko. Sanay na sanay talaga ako sa pang-kontrabidang mukha. Hindi kasi talaga mabait ang hitsura ko. Pero ang ipinapakita kong ugali ay dapat mala-anghel.Pagdating sa venue, sobrang aligaga na ng ibang taga-media, lalo na nang lumabas ako mula sa sasakyan at nagsimulang lumakad sa red carpet. All cameras were flashing on my face. Lahat sabay-sabay nagsasalita at gusto akong ma-interview, but I just smiled my prettiest smile while doing my catwalk.Sa loob, nagsisimula na ang event at lahat ay may kausap. Sa mga ganitong pagkakataon, mas marami na dapat ang lumalapit sa akin ngayon, pero napapansin ko na lahat ay nakatingin kay JD. Lalo akong naiinis dahil doon. Paano na naman ay nakahawak na siya sa likod ni Gaia. Pakiramdam ko ay hindi na ako ang bida sa movie at sa event. I felt so alone, kung sana ay dinala ko na lang si Scarlet sa event, baka hindi pa ako na-OP sa loob.I tried my best not to frown and bitch out my killer brows, pero hindi ko talaga maiwasan ang mainis kay Gaia. Why is she ruining my plans? Sino ba siya sa inaakala niya?!I sighed frustratedly."Mind if I join you in your table?" Isang boses ang bumasag sa pagku-curse ko sa isip. Napalingon ako at nakita ang isang pamilyar na bulto ng katawan.I suddenly smiled. "Yeah, sure!"Inilapag ng bagong dating ang drinks na dala niya at binigyan din ako. "Ako nga pala si—""Jaxx Ramos," pagtatapos ko.His eyes grew bigger in surprise. "You know me?""Of course! Everyone knows you..." lalo pa't isa ka sa dapat na target ko to fame! I'm just hell stuck with JD as of this moment, dugtong ko sa aking isipan."I'm so flattered," he, then, laughed. "I haven't seen your boyfriend around. I mean— may kasama ka ba?" pag-iiba niya.Those words from him made me think of a very naughty idea. I smirked internally and started to act out the part of my plans. "Oo, mayro'n akong boyfriend, actually. But he's too busy with Gaia. I'm beginning to assume that he's cheating on me," I said as I pouted my lips. Way to go, Lola! Umarte ka para may score ka na kay JD!"Really? You're with JD? At bakit hindi ka niya kasama?" Jaxx started to get emphatic to me.I continued the pouting and started to point my sexy finger toward JD's direction. Napasunod naman ng tingin si Jaxx at nakita ang tinutukoy ko."Wait lang, Lola. I'll call JD and tell him to stop flirting. Dapat hindi ka niya ginaganyan. Hay naku. You're beautiful and a smart woman. Hindi ka dapat niloloko!" Napapailing siya habang papaalis.OMG, Lola! You're so smart ass bitch! Dapat sa'yo ay ina-award-an ng pagiging matalino sa mga plano mo. Tingnan ko na lang kung hindi pa umubra 'to sa'yo, James Dean Ferrer. Humanda ka!As if on cue, biglang nagkagulo sa hanay nila JD at Gaia. I can't help but to hide my laughter at the sight of them. Hanggang sa nakita kong walang nagawa si JD na nagpapatangay sa pagkakahila ni Jaxx mula kay Gaia.Ano ka ngayon, Gaia?!"There you go!" Nagulat pa kaming dalawa ni JD nang itulak siya ni Jaxx papunta sa akin. Ito pa nga ang nag-akay ng braso ko sa braso ni JD. "Sa susunod na makita kitang nanlalandi ng ibang babae bukod kay Lola, I will definitely punch you on the face on live camera!" pagbabanta pa ni Jaxx sa kanya.Natawa naman ako. "Jaxx, relax! He's not gonna do it again. 'Di ba, honey?" I smiled sweetly to JD. Nakita ko ang munting pagsulyap sa akin ng mga mata ni JD na kaagad ding binawi at napatitig kay Jaxx. He's with his stiff stance again, like a sculpture— so emotionless.But the reporters started to look at us. Parami nang parami ang mga tao na nakakapansin ng komosyon sa hanay namin.I kept in me my clever and cunning smile.I know JD will not protest with this scene. He'll definitely like it and start regretting for not doing the first base since day one.At last... the big catch is with me...Lola's POVNanlalabo pa rin ang mga mata ko habang isinasakay sa ambulansya ang naghihingalong katawan ni Gaia.Gusto ko sanang pumasok at sumama sa paghatid kay Gaia ngunit hinila ako ni JD pabalik sa kanyang sasakyan. Dumating ang kanyang PA at hinatid kami pabalik sa condo."Hindi ba talaga natin pwedeng samahan si Gaia? Paano kung—""Relax, Lola. She'll be fine. I'll make sure of that. For now, kailangan muna nating bumalik sa condo at lumayo sa taga-media. I don't want them seeing us," mariin na sabi ni JD sa akin. He tapped the back of my hand, saka niya binalingan si Michael na nagmamaneho. "Make sure no word will come out, Michael.""Yes, sir!"*****Pagkarating ng condo ay hinatid ako ni JD. Marami pa siyang ibinilin sa akin na halos hindi ko na maintindihan. Lutang pa rin ang isipan ko at bumabalik sa nangyari kanina.Hindi mawala sa isipan ko ang sinapit ni Gaia. Tila dinudurog ang puso ko. Hindi ko maatim isipin na isa ako marahil sa malaking dahilan kung bakit niya iyon g
Lola's POVHindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko habang nasa biyahe kami ni JD. Kung pwede ko lang hilahin ang oras ay ginawa ko na.Almost 15 minutes din ang biyahe namin. Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para lang pigilan ang sarili na tumalon mula sa pagkakaangkas ko sa motor ni JD.Nang dumating sa condominium ay humahangos kaming dalawa ni JD. Ilang call attempts na ang ginawa ko pero hindi ko na ma-contact ang number niya. I felt like my heart was left in my condo.Ilang beses tumulo ang luha ko habang nakasakay kami ng elevator."I really don't know what's happening, babe. Ano bang nangyari? Bakit nandito tayo sa condo ni Gaia? May problema ba kayong dalawa?" bigla ay tanong niya sa akin. Nakakunot ang noo niya ngunit sa ekspresyon na ipinapakita niya ay tila alam na nito ang nangyayari."She called me earlier. Hindi ko siya masyadong maintindihan pero ang sabi niya ay kailangan ka niya ngayon. That's all she said at saka pinutol ang tawag. I really don't know what's goi
Lola's POVToday is my rest day. Masaya ako na kahit papaano ay bakante ang araw ko. Marami akong planong gawin ngayon, ngunit wala akong ginawa kundi ang humilata lang sa kama.Masakit ang buong katawan ko buhat nang gawin namin iyon ni JD.Yes. I finally gave my virginity to him.Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. There is still fear lingering inside my chest.Hindi ko kasi ma-gets kung ano ang ibig sabihin ni JD noong sinabi niyang okay lang na ma-in love ako sa kanya. If he meant it, then does it mean I can love him but that doesn't mean he will return the favor?Mas lalong humapdi ang puso ko sa tuwing iniisip ko iyon.Narito pa rin ako sa loob ng unit ni JD. Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. He just left me a note on the bedside table.Gotta go to work, babe. Eat breakfast muna bago ka umalis.- JDNapangiti ako doon sa nabasa. Naglagay pa ng kiss emoji si JD na ikinatawa ko.Masyado ka na namang paasa, JD! Baka kapag sobrang lalim na n
Lola's POVWalang babala na naglakbay ang isang kamay ni JD patungo sa ilalim ng Sunday dress ko.He slid his fingers at the side of my underwear. Akma ko siyang pipigilan ngunit huli na nang unti-unti na niyang minasahe ang kaselanan ko.Wala sa loob na napaungol ako at napapikit. Naalerto ako nang mapagtantong nasa loob pa rin kami ng VIP Room ng Chinese restaurant. Nilibot ko pa ang mga mata ko at bahagyang kumalma nang malamang walang CCTV cameras sa paligid.JD was still behind me. Kung titingnan mula sa likuran ay tila niyayakap niya lang ako. Ngunit sa harap ay kakaibang ligaya na ang kanyang pinararanas sa akin.Lumalalim at nanginginig ang aking paghinga dahil doon. "J-JD...""Fuck! You're already wet, babe. I want to suck you dry..." he whispered to me. Pagkatapos niyang bigyan ng isang magandang masahe ang kaselanan ko ay saka niya inilusot ang kanyang daliri sa loob ko.Napasinghap ako. "Oh, gosh...""You like that, huh? I'll make sure you'll feel more when I enter you soo
Lola's POVIn two days, wrap-up na namin sa taping. Sa loob din ng mga araw na iyan ay minabuti kong magpaka-busy.I asked Tita Jet to sign me up for commercials and other modelling skits. So, 12 AM to 5 AM lang ang pahinga ko sa magkasunod na araw.Ilang beses ding nag-chat, text, at missed calls si JD sa akin. Pero sinasadya kong i-silent ang phone ko para walang istorbo. Pinapatawag ko na ang ibang kaibigan at directors kay Tita Jet mismo para makapag-focus ako sa trabaho ko.Nakipagkamay sa akin ang isang gwapong lalaki na nakasuot ng suit and tie. He is the president of a cosmetics company kung saan ako in-offer-an na maging official endorser nila. Narito kami ngayon sa isang Chinese-themed restaurant. Since isang Chinese businessman ang kaharap ko ay mas pinili namin ni Tita Jet na i-meet-up ang mga ito sa ganitong lugar.Nakatayo na kaming lahat mula sa pagkakasalampak sa cushion sa sahig."Thank you for agreeing with us, Ms. Lee. We are looking forward to be working with you,"
Lola's POVJD left the room after giving me that hot morning kiss. Literal na iniwan niya akong tulala sa kawalan at hindi pa makahuma sa halik niya.Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit ba ako nagkakaganito?"Bwisit! Ano bang ginagawa mo, Lola? Hindi na 'to tama!" asik ko sa aking sarili.Napagpasyahan ko na lang na mag-ready. Ngayong araw kasi ang first day ng taping namin sa Indonesia.Laking pasasalamat ko naman at naging abala na si Tita Jet at Michelle sa kaaasikaso sa akin. Hindi na nagkaroon pa ng oras si JD na kulutin ako dahil abala na rin siya sa pagre-rehearse ng mga linya niya.Buong araw ang naging taping at halos wala kaming pahinga.Pagkabalik sa suite ay nananakit na ang likuran ko. Magpapa-massage talaga ako pagdating sa Pilipinas. Ang tagal na rin mula noong huli akong magpahilot. Puro na lang trabaho ang inaatupag ko. Wala na akong oras para sa sarili.Napaisip ako saglit at saka kinuha ang cellphone ko. Tinawagan ko si Michelle at nagpasama sa kanya na mag-sho