MasukAbby's POV
Pagod na pagod ang katawan na naglalakad ako galing sa isang high end na night club na pinapasukan ko. Kakalabas ko pa lang ngayon sa pang gabing duty ko. Isang waitress ang trabaho ko at bawat gabi binabayaran ako ng 750 ng boss ko. Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya malaking bagay na para sa akin ang 750 na sweldo ko para sa mga gamot ni Paulo. "Ate? Dumating kana pala?" Bungad na tanong ni Ela nang mabuksan ko ang pinto. Ito ang bunsong kapatid ko. "Si Paulo??" Hanap na tanong ko habang naglalakad papasok sa loob ng maliit naming bahay. Kung anong hitsura ng bahay namin noon simulat nagkaisip ako. Ganun pa rin ito ngayon. "Oh? Dumating kana? Akin na ang pera! Dali! Ubos na ang alak ko at kailangan ko ng bumili pa!" Naikuyom ko ang kamao ko ng marinig ang boses ni nanay. Kasabay ng pagod at puyat ko sa trabaho ay pag-init ng ulo ko sa naging tanong nito. Mariing napapikit ako. "He-heto po nay" Magalang na sabi ko at ibinigay rito ang kalahati sa sahod ko. Gustuhin ko mang hindi iabot sa kanya ang pera. Subalit ilalabas ko pa lang ito mula sa bag ko mabilis na nitong hinaklit sa kamay ko. Lasing na lasing na naman ito. Nagsikalatan na naman ang mga bote ng gin sa ibabaw ng mesa at upos ng mga yosing ginamit nito. "Ano pang tinitingin tingin mo dyan?! Lumayas ka nga sa harapan ko!" Bulyaw na sigaw nito at tinapon ang upos ng yosi na hawak hawak nito sa mukha ko. Nasasaktan na napalunok ako. Kung may kakayahan lang sana ako ngayon na bumukod sa bahay na ito. Hindi ako magdadalawang isip na layasan ito kasama ang Kapatid at ang anak ko. "Wala kang kwentang Anak! Malandi ka! Nagpabuntis ka sa hindi kilalang titi!! Tanga! Pareho kayong dagdag sakit sa ulo ko ng anak mong bastardo!" Dagdag pa na bulyaw nito. Limang taon na ang nakakaraan pero ganun pa rin ang laging sinasabi nito. Hindi pa rin nito malilimutan ang kasalanan na nagawa ko sa gabing iyon. Hindi ko naman ginusto ang nangyari subalit kahit anong paliwanag ko. Sarado ang utak nito at kahit kilan hindi ito nakinig sa akin. Gayunpaman, hindi ko pinagsisihan na si Paulo ang bunga ng gabing iyon. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko ang pagiging ina nito ang pinakamasaya at hindi malilimutang nagawa ko dito sa mundo. "Mama?" Isang munting tining ang narinig ko mula sa maliit na kwrto namin. Nilingon ko ito at nakita kong ang anak kong si Paulo ito. Nakangiti at masayang masaya na makita ako. Agad na pinuntahan ko ito. "Hello baby ko? Na miss mo ba si mama??" Pilit pinapasigla ang boses ko. Nanggigilid ang mga luha ko habang nakatingin sa anak ko. Dahil sa sakit nito at kakulangan ng sapat na pagkain saka vitamina. Ang payat payat tiningnan ng katawan nito. "Opo! Miss na miss ko po kayo mama" Nakangiting pa ring sagot nito. Pakiramdam ko bibigay na ang mga luhang pinipigilan ko kaya niyakap at kinarga ko ito. Hinagod hagod ko ang likod nito. "I miss you too baby, na miss ka rin ng sobra ni mama" Sabi ko at pumasok kami sa loob ng maliit naming kwarto. Umupo ako sa papag na kahoy na nagsisilbing kama namin, habang karga karga pa rin ito. Kahit anong pagod at puyat ko basta maramdaman ko lang ang yakap ng anak ko. Pakiramdam ko nawawala lahat ito. "Mama? Hindi pa ba kayo matutulog? Diba po nag work kayo kagabi??" Tanong nito at kumalas sa pagkakayap sa akin. Pinahiran ko agad ang luhang tumutulo sa mga mata ko. Ngumiti ako at hinalikan ang maliit na pinsgi nito. "Opo anak, pero mamaya pa matutulog si mama. Marami pa akong trabaho sa labas na dapat tapusin saka lilinisin ko pa ang kalat ng lola mo sa lamesa" Mahabang paliwanag ko. Tumango tango naman ang inosenteng anak at humalik din sa pinsgi ko. "Sige po, pangako behave lang ako dito sa loob ng kwrto" Napangiti naman ako sa naging sagot nito. Kahit ganito ang kalagayan ng anak ko. Naiitindihan na nito ang sitwasyon namin. Alam niyang galit na galit sa amin ang lola niya dahil sa pagkabuntis ko sa kanya. Matalinong bata ang anak ko.Hindi ito kilan man nagtanim ng galit kay nanay kahit minsan naririnig niya ang masasakit na salitang binibitawan nito. "Si-sige na anak. Lalabas lang si mama okay? Dito ka lang" Sabi ko at binuhat ito para ipaupo sa papag naming kama. Nagpalit lang ako ng komprotabling damit. Pagkatapos lumabas na ako ng kwrto namin at nag-umpisa ng maglinis. Wala na si nanay paglabas ko kaya isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Malamang nasa tindahan na naman iyon ni aling Edith at naglalak na naman ng alak. Simula ng mamatay si tatay. Ang laki ng pinagbago ni nanay. Araw araw itong lasing at lahat ng bisyo ay pinasok na rin nito. 16 lang ako ng mawala si tatay at 9 naman si Ela sa mga panahon na iyon. Dahil sa lahat ng bisyo niya, napilitan akong huminto sa pag-aaral ko. Sa murang edad natutunan ko ng magbalat ng buto. lahat ng raket ay pinapasok ko para lang makakita ng kahit centimo. Dahil kapag hindi ako kumayod. Mamatay kami sa gutom ng kapatid ko. Minsan iniisip ko nalang, siguro ito na ang kapalaran ko. Simula pa noon, hindi naman guminhawa kahit konti ang buhay ko. Kaya nong nabuntis ako kay Paulo. Matagal ko ng tinanggap ang mapait na kapalaran ko.Abby's POV Kakalabas pa lang ng bukang liwayway ng araw, nakagayak na ako. Si Ela lang muna ang iniwan ko sa hospital at umuwi ako sandali para palitan ang manipis na uniform ko mula pa kagabi. Tapos kona ring tawagan si boss Arbie at sinabi dito na liliban muna ako sa trabaho ng isang linggo ko. Kailangan kong makapaghanap ng 500k bago mag alas dos mamaya. Unang unang pupuntahan ko ngayon ay iyong address na binigay ng matanda. Mabuti nalang dumaan si Mayeth dito sa bahay at nag abot ng konting pera para magiging pamasahi ko. Medyo malaki naman daw ang tip na nakuha niya kaya binigyan niya rin ako. "Pormadong promado ah!? Saan ang lakad mo? Wag mong sabihin may bago kang trabaho tapos di mo pinaalam sa akin??" Bungad na tanong ng nanay ko. Buong akala ko, tulog pa ito.Subalit paglabas ko ng bahay pasuray suray na sinalubong ako nito. May hawak pang bote ng gin ang kamay nito. "Akin na ang pera! Saan ang kinita mo kagabi!??" Lasing na lasing na tanong nito. Naikuyom ko ang kamao ko
Abby's POV "Iha,ayos ka lang ba??" Basang basa ang magkabilaang pisngi na napatingala ako, matapos marining ang di familiar na boses sa gilid ko. Nakita kong isang matandang babae na nasa med 50's ito. Sa palagay ko parang isang watcher din ito ng isang pasyente. "P-po? A-ayos lang po" Pagsisinungaling na sabi ko at mabilis na ibinaba ang paningin ko. Pinahiran ko ang mga luha ko at muling tumingin sa gawi nito. Alam kong nakikita nito ang pulang pula na mga mata ko pero wala na akong pakialam. Ngumiti ako kahit durog na durog ang puso. "A-anak mo ba iyong isinugod sa Emergency room kanina??" Tanong nito. Hindi ko alam pero ng marinig ko ang tanong. Bumagsak ang masanang mga luha ko. " O-opo" Nanginginig ang boses na sagot at tumango tanga. Muling yumuko ako at tahimik na umiiyak. Hindi ko na talaga maintindihan kung anong gagawin ko sa mga oras na ito? Takot na takot akong mawala ang anak at pakiramdam ko ikamamatay ko ito. "Alam mo, pareho sila ng sakit ng apo ako. Noong i
Abby's POV Tumutulo ang luhang naglalakad ako papasok sa loob ng hospital. Dahil sa manipis na damit na suot suot ko hindi maiiwasan na ang mga taong nakakasalubong ko ay nakatingin ang mata sa akin. "Ms! May pasyente ba kayong bata? bago lang sinugod dito. Paulo Dela Merced ang pangalan nito" Nanginginig ang boses na tanong ko sa nurses station. Tumayo agad ang nurse at tumango tango. "Opo, sumunod po kayo sa akin ma'am " Matapos sabihin ng nurse iyon. Sumunod agad ako. Sa di kalayoan nakikita ko ang kapatid kong si Ela. Nakatayo ito sa harap ng ER at halatang umiiyak. "A-ate? Ate!" Sigaw nito ng makita ako. Lakad takbong niyakap ko ang Kapatid ko. "Ate si Paulo! Biglaan lang po ang nangyari. I'm sorry po ate. Kasalanan ko po hindi ko sinabi sa inyo na hindi nakainom si Paulo ng gamot kaninang umaga" Umiiyak na sabi nito. Nagtaka naman ako. Bago ako pumapasok sa trabaho nagiiwan talaga ako ng pera para pambili ng gamot ni Paulo. "Kinuha kasi ni nanay ang pera kahapun d
Abby's POV Habang nasa kalangitnaan ng pag-iinoman ang mga politikong ito. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang binitawang salita ni Senator Dominic Aragon kanina. Nasa akin kasi ang buong atensyon niya habang nagsasalita. Bawat matalim na tingin niya sa mga mata ko. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam pero parang napakafamiliar ng pakiramdam na iyon sa akin. Feeling ko minsan ko ng nakita ang mga tingin na iyon. "Mr. Tan! mabuti at nakarating ka!" May isang panauhin na dumating. Kanina apat lang ang andito pero may pailan ilan na may nagsisidatingan kaya nadagdagan pa ng limang mga politiko at negosyante ito. Nasa kwentuhan ang bawat isa sa kanila. Tungkol sa negosyo at politika ang naririnig ko. "Mr. Tan naman, alam mong kapag gusto ni Dominic ay talagang kukunin niya ito" Rining kong lasing na lasing na sabi ni Senator Fuentebella. May dalawang talents na nakalingkis sa braso nito. "O-oo alam ko iyon, si Dominic nga lang ang inaantay ko eh!" Sagot naman ng ka
Abby's POV "Hala pinalitan na si Shena??" Bulungan bulungan ng mga kasamahan ko. Si Shena ang babaeng waitress dito na laging inaatasan sa mga VIP. Marami nga'g na-iinggit dito dahil paldo ito lagi sa tip ng mga VIP. Hanggang sa nakita kong galit na galit ang mga matang bumaling si Shena sa gawi ko. "Sige na! wala ng maraming kuda! magsitrabaho na kayo!" Matapos sabihin iyon ni boss Arbie. Nagsi-alisan na mga kasamahan ko habang ako ay parang napatulala pa. Hindi ako makapaniwala na ako ang magseserve ngayong gabi sa mga VIP. Hanggang sa naramdaman kong siniko ako ng mahina ni Mayeth. "Huy! Si boss umayos ka!" Sabi nito. Napakurap ako nakitang papalapit sa amin si Boos. "Abby, halika mag-usap muna tayo" Sabi nito. Sumunod naman ako at nakita kong pumasok ito sa office niya. "Bakit po boss?" Tanong ko. May binigay itong isang malaking paper bag. Nagtaka naman ako at kumunot ang noong nagtatanong ang tingin sa kanya. "Change your uniform. Alam mo namang hindi ganyan an
Abby's POV "Ela, ikaw na ang bahala kay Paulo ha? Aalis na ako" Kasalukuyang nakagayak na ako papuntang trabaho dahil pasado alas otso na ng gabi ito. Dapat alas nuebe ay naka-in na ako. Istrikto si boss Arbie sa oras namin kaya iniiwasan kong malate dito. "Opo ate, wag kang mag alala gaya ng bilin niyo. Kapag may problema tatawag agad ako doon sa pinagtatrabahoan ninyo" Sagot ng Kapatid ko. Paulit ulit ko na kasing binibilin sa kanya ang tungkol dito. Wala akong cellphone dahil iniiwan ko ito sa kanya. Pwede naman kasi siyang tumawag sa pinagtatranahoan ko, dahil may issue namang cellphone ang night club para sa mga may emergency na empleyado. "I love you anak, aalis na si mama" Pabulong na sabi ko sa anak ko. Tulog na tulog na ito. Hinalikan ko ng paulit ulit ang pinsgi nito bago napagdesisyonan na umalis na. Kung may ibang choice lang sana. Hindi ko gustong mawalay sa anak ko. Limang taong gulang palang ito at kailangan na kailangan pa sana ang pag-aaruga ko. Pero kahit gus
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






