Share

Chapter 03

Kahit nakauwi na kami, hindi nawala ang sama ng loob ko kay Kiro. Mukhang wala naman siyang pakialam.

"Kiro, can we talk?"

Pigil ko sa kaniya bago siya pumasok sa kwarto.

"What?"

Naiinis na tanong niya.

"You're bullying someone? Seriously, ano kayo bata?"

"Nakita mo ba na kasali ako? Hindi naman diba?"

"Bakit hindi mo manlang sabihan mga kaibigan mo?"

Mapang-asar siyang ngumiti.

"Bakit hindi ikaw ang gumawa? Tutal ikaw naman ang naka-isip!"

"What the hell happened to you? How did you become like this?"

His expression suddenly changed, it became serious.

"You know exactly what happened. Oh, wait, you lost your memories. I guess you don't know what happened!"

Tinarayan niya ako bago siya tumalikod at pumasok sa kaniya niya. Malakas niya rin isinara ang pinto na nagpagulat sa'kin.

Well, I guess there's no point talking to him. We're now basically strangers who live under the same roof.

Ilang araw na ako nakatira sa kanila, at ilang araw na rin akong hindi pinapansin ni Kiro. Kahit sa school parang hindi kami magkakilala, tanging si K.O. lang ang nagko-konekta sa'min ngayon.

Ilang beses ko na rin silang nakikita na may binu-bully, ilang beses ko sinubukan awatin sila pero lagi akong pinipigilan ni Leon. Lagi niyang sinasabi na huwag ko na daw patulan, pero hindi titigil ang mga gago na 'yun kung hindi sila papatulan.

"Fhey! Please, don't!"

Like today, pinipigilan niya na naman ako na tulungan ang junior na babae na pinagti-tripan ng girlfriend ni Kiro.

"Ew, look at this bag, saan mo nabili 'to?"

"Malamang sa bangketa lang!"

"Oops, nahulog!"

Umuulan kanina. Maputik ang daan. At talagang sa putik pa nila binagsak ang puting bag nung babae.

"Don't—"

Hindi natuloy ang sigaw ko dahil tinakpan ni Leo ang bibig ko.

Yuyuko na kasi ang babae para pulutin ang bag niya. And there are two things you shouldn't do when you're in front of bullies, turn your back on them or remove your eyes. She just did both.

Nakakita tuloy ng opportunity ang mga babae na tapakan ang binubully niya para mas lalo siyang sumubsob sa putik.

Their laughter is ringing in my ears, in the worst way. Hindi ko na natiis at siniko si Leo sa likod ko para mapalayo siya sa'kin.

"Fhey!"

Sigaw ni Leo pero hindi ko siya pinansin. Agad akong lumapit sa mga babae at tumayo sa likod nila.

"Kung sino pa talaga ang mga panget, sila pa ang malalakas mang-bully!"

Tinigilan na nilang tapakan ang babae at humarap sa'kin.

"Excuse me!?"

Naiinis na sagot ng girlfriend ni Kiro.

"You may be excused."

Humakbang ako para mabigyan sila ng daan bilang pang-aasar.

"Who the fuck are you? Don't you know who I am?"

Pananakot niya.

Nakakasawa na makarinig ng ganitong linya. Lahat na lang ba ng mga bully ganito ang laging first line? May group chat ba sila para sa mga script nila?

"Why would I waste my time trying to know side characters' names?"

"Fuck you!"

She tried to slap me but I caught her arms and held tightly. Hindi nagtagal naramdaman niya na rin ang sakit dahil sa mahigpit na pagkakahawak ko.

"Let me go, you bitch!"

Pilit niyang inaalis ang kamay ko sa braso niya, pero lalo ka lang hinihigpitan.

"Fhey!"

Sigaw ni Leo nang may biglang humampas ng libro sa ulo ko. Hindi lang 'yun basta libro, kundi makapal na libro. Sa sobrang kapal nang tumama sa gilid ng ulo ko ang dulo, nakaramdam ako ng sakit.

Binitawan ko ang braso ng girlfriend ni Kiro at humarap sa kung sino man ang bumato ng libro.

"Bitch!"

Agad na nawala ang tapang niya ng unti-unti akong lumapit sa kaniya. I didn't said anything and just continued walking to her until she reached a wall.

"Asan na 'yung tapang mo?"

Tanong ko sa kaniya, pero hindi siya makapagsalita.

"Nauna ka, kaya huwag mong subukan magreklamo!"

Hindi ko na siya hinintay makapag-react at sinapak siya sa mismong ilong.

"Ahhhhhhhh!"

Sigaw niya dahil agad na may lumabas na dugo mula doon. Tsaka ko siya iniwan at bumalik sa girlfriend ni Kiro.

"FHEY!"

Hindi pa ako tuluyang nakakalapit pero nadinig ko na agad ang sigaw niya.

Malas.

"Kiro, look."

Pagpapa-awa ng girlfriend niya at ipinakita ang braso na hinawakan ko kanina.

"Look what she did to us!"

Naiiyak na siya at tinuro ang babae na nasa may pader. Lumapit sa babae sila Archie.

"Pre, nawalan ng malay!"

Sigaw niya. Tumingin naman sa'kin si Kiro at tiningnan ko siya pabalik na walang reaksyon. Napatingin naman ako sa babae sa tabi niya at mukhang nananakot dahil andito na sila Kiro.

"What the fuck did you do?"

Galit na sigaw ni Kiro sa'kin.

"You're not the only one who changed, Kiro."

Lumapit ako sa kaniya at pareho kaming hindi inaalis ang tingin sa isa't-isa.

"You couldn't do the job of stopping your girlfriend and your friends from being a bully, so I did it for you!"

Nakita ko kung paano siya napalunok dahil sa sinabi ko.

"Dapat nga magpasalamat ka, hindi mo na kailangan mawalan ng kaibigan para maglinis ng dumi!"

Tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko at nilampasan sila paalis. Sumabay naman sa'kin sa paglalakad si Leon.

"You shouldn't have done that! You don't know what kind of things they can do! Sigurado ikaw na ang isusunod na target nila!"

Nagsalita lang sil Leon kung kailan wala na kami sa paningin ng grupo nila Kiro. Napatigil naman ako sa paglalakad at hinarap siya.

"If you don't want to help and continue being a coward, that's your choice. Pero huwag mo akong isali sa inyo! I know how to fight, and hindi niyo rin alam kung anong kaya kong gawin!"

Hindi siya nakapagsalita kaya iniwan ko na siya doon.

Nagtataka naman ako kung bakit ang daming tao ang tingin nang tingin sa'kin. Alam na ba agad nila ang nangyare kanina? Naghanap na lang ako ng lugar na kakaunti ang tao at tahimik. Nakita ko naman ang parang garden sa gilid ng school kaya sa damuhan ako naupo.

Hinawakan ko ang gilid ng noo ko kung saan tumama ang libro kanina. Tsaka ko lang nalaman na may sugat pala ako at dumudugo, kaya pala nasa akin ang tingin ng lahat habang naglalakad ako.

Naghanap ako ng panyo sa pants ko pero wala akong makita, wala din 'yung bag ko kasi recess ngayon at papunta sana kami sa sinabing kainan ni Leo kanina. Hinayaan ko na lang tumulo ang dugo sa t-shirt ko, titigil din naman at tsaka hindi naman malaki ang sugat.

"Oh!"

Nagulat ako ng may biglang mag-abot sa'king ng panyo. Tumingala ako at nakita ko si Leon.

"May dala din akong first aid."

Hindi ko pinansin ang panyo niya kaya umupo siya sa tabi ko at inilabas na lang ang first aid na sinasabi niya.

"I'm sorry, sa laging pagpigil ko sa'yo. Scholar kasi ako, natatakot ako mawalan ng scholarship kapag binangga ko sila. Sa sobrang takot ko ginusto ko din na ilayo ka, kahit alam ko na hindi mo naman kailangan."

Paliwanag niya habang nililinis ang dugo sa mukha ko. Pati na rin ang sugat ko.

"From now on you don't need to be scared. I will buy this school if I have to, just so I can protect you."

"Wow, ang special ko naman. Rebisco ba ako?"

Natawa ako sa biro niya.

"But in all seriousness, Fhey, you should really be careful around them. They're too rich that even when they already sent people to the hospital, no one has ever reported."

Gano'n kalala ang kagaguhan ni Kiro at ng mga kaibigan niya?

"Don't worry, I will."

Para gumaan ang loob niya, sinabi ko na lang na mag-iingat ako. Kahit hindi niya alam na may na ospital na rin dahil sa'kin.

He continued tending my wound. He even put gauges on it. Ready talaga siya. Late na kami bumalik sa room kaya napagalitan kami saglit ng teacher, pero noong nakita na may sugat ako hinayaan na rin kami.

Hindi ko maiwasan tingnan ng masama si Kiro na gano'n din ang ginagawa sa'kin.

Kung akala niyo matatakot niyo 'ko, pwes gusto kong malaman niyo na dumating na ang katapat niyo!

Lunch time magkasama pa rin kami ni Leon. We were in the line when someone suddenly bumped into me and caused me to fall.

"Fhey!"

Tinulungan akong tumayo ni Leon.

"Ay, sorry, hindi kita nakita diyan!"

"It's either bulag ka o tanga!"

Sagot ko sa kaniya.

"Anong sabi mo?"

Bumuntong hininga ako.

"Sabi ko kaya hindi mo ako nakita dito ay dahil lang sa dalawang dahilan, bulag ka o tanga! And I it's the latter. Kasi halata naman na hindi ka bulag, so ibig sabihin, tanga ka!"

She tried to slap me. But I guess every woman in this school has such a predictable move, so I caught it again.

"If this is the type of bullying you guys do, then nakakaawa kayo. It's typical, predictable, childish and stupid!"

Pagalit kong binitawan ang braso niya. Sakto naman na wala ng nakapila dahil nanunuod na ang lahat kaya mabilis akong nakapunta sa counter.

Bago bumalik sa table namin, tumingin muna ako sa table nila Kiro. I took out my tongue and showed them my middle finger to make Kiro's girlfriend more pissed as she already is.

Weak. Weak people. Weak enemies.

Throughout the day, they kept on pissing me off. Almost everything naman petty pranks lang. Like throwing a piece of crumpled paper, tripping me, randomly pushing me and calling me names. Everything was so petty, I don't think it even deserves a counterattack. So I just left them at is.

But of course, they would pull another prank on me before we all parted ways for the day. They stole my wallet. Okay lang sana since 'yung wallet na pinapakita ko sa public ay 'yung pera lang ang laman, may credit cards and IDs are on a different wallet, but every afternoon Kuya Zion are no longer picking us up since his dismissal is later that ours.

Unluckily for them, I can just hail a cab. Taxis are everywhere. And I can just pay the driver and ask tita Lana for money. So that's what I did.

"Kuya, Yorkrise Subdivision po."

Sabi ko sa driver at pinaandar agad ang taxi niya. Lowbat na ang cellphone ko kaya wala akong ibang magawa kung hindi panoorin ang mga sasakyan na kasabay namin bumiyahe.

"Saglit lang Ma'am, mukhang nasiraan po tayo. Daan lang po ako sa vulcanizing shop."

I instantly got on guard when he said that. I have a brother who's a total car geek. He knows everything about cars, and because of that, he became my dad's mechanic. And I remember one time I overheard their conversation about the time my dad's car suddenly broke down in the middle of the road. He said it made a weird sound and suddenly stops. So, there's no way that this perfectly sounding and brand new-looking car just broke down.

This dude is up to something.

Yumuko ako sa sapatos ko para makumpirma ang isang bagay.

"Ano po ginagawa niyo Ma'am? may problema po ba?"

I was right. This guy is monitoring me.

"Nothing. Inayos ko lang 'yung sintas ko."

Ngumiti ako sa kaniya na nakatingin sa rearview mirror.

Kahit saang lugar ako mapunta na gumagamit ako ng taxi, at kahit ilang beses akong mag-ayos ng sintas sa loob, hindi ako tinatanong ng driver kung ano ginagawa ko.

"Kuya, matagal po ba aayusin ang sasakyan niyo? May gagawin pa po kasi ako."

Kailangan ko magpanggap na wala akong alam sa nangyayare, para hindi siya maalerto.

"Saglit lang po ito Ma'am, mukhang makina po ang bumigay."

Hindi ko alam kung minamaliit ba ako nito o akala niya tanga ako? Makina ang bumigay, pero umaandar pa rin?

"Dito na po tayo, baba na po kayo Ms. Fhey!"

I was staring at him from the rearview mirror and his smile looks devious. Hinintay ko muna na alisin niya ang tingin sa rearview mirror bago ko gawin ang balak ko.

Mabilis akong tumayo at lumuhod sa may gilid ng upuan niya bago ko ipulupot sa leeg niya ang dalawang sintas ko. Ipinaikot ko sa dalawang kamay ko ang magkabilang dulo para sigurado akong hindi ko mabibitawan.

"Bitch!"

When I secured the tightness of the laces and he tried to grab me, I slightly leaned back to the shotgun seat so he won't have the chance to grab my hair or face. I placed my feet on the back of his neck to make sure that it won't get loose.

"Just fucking pass on already."

I said while he was struggling. I don't plan on killing him of course, just to make him pass out. He is slowly losing his strength and passed out.

"You're the bitch, bitch!"

I cursed at him.

"Bakit ang tagal lumabas?"

"Buksan mo nga!"

I heard people talking outside. I quickly climbed on top of this dude and pressed the button to lock the doors.

I need to think. What do I do? Think, Fhey! Think!

An idea suddenly formed inside my head. Inayos ko ang upo ng lalaki sa loob ng taxi at sinigurado ko na isang sipa ko lang laglag na siya. Kinuha ko na rin ang phone niya, para magamit ko mamaya.

Pinipilit pa rin ng mga lalaki na buksan ang pinto. May isa sa kanila na kumuha na ng pang-basag ng bintana.

I wait for them to break the glass before I open the door.

One. Two. Three.

I opened the door, kicked the guy, closed the door and sat in the driver's seat and drove off.

I did all that without interruptions because they didn't expect it.

"Mga tanga kasi, kung kanina pa nila binagsak 'yung pinto edi sana nahuli na nila ako!"

Usap ko sa sarili ko habang nagda-drive. I can drive, obviously, but I don't have a driver's license. So, sorry Dad. Madami ka lilinisin ngayong gabi.

I drove as fast as I can. Baka kasi may sasakyan din sila mahahabol pa ako. Umalis na din ako sa national high way para sigurado. Dumidilim na at hindi ko na alam kung nasaan ako, kaya tumigil na ako. I parked the car in front of a house and left was about to leave, when the owner suddenly came out of the gate.

"Hey, you can't park— Fhey?"

"Leon?"

I have never been this happy seeing a familiar face.

"Fhey, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman bahay ko?"

I was about to hug him when I suddenly remembered something, they might track this car down and then found out it was here. They might think I purposely came here. If that happens, Leo might get in trouble.

"I will explain everything to you, Leon. I promise, but not now!"

Dali-dali akong umalis doon at lumayo pa. Hindi pwedeng madamay si Leo dito, actually walang kahit sino ang dapat madamay. Hindi ko kilala kung sino ang mga lalaki na 'yun, baka mas delikado pa sila sa mga bully sa school.

I figured that they aren't school bullies, this guy look more professional than them. Unless they paid them. If I am right, then Leo might be right, they're not an easy enemy to fight.

When I secured another place again, I finally was able to use the phone that stupid gangster left for me. I dialled the only number I can remember.

[If this is a scam, I will find you and I will kill you!]

He answered on the third ring.

"You will kill me? I thought it was the other way around?"

"Fhey!?"

He instantly recognized my voice.

"Pick me up, I'll send you the location. Look for me around this area, I can't stay here. I'll explain everything later."

I turned off the call and send him the location as soon as possible before turning the phone off and walking away. I walked for about half an hour before stopping at a local park.

I waited there for about an hour or so. And that's expected considering how far I drove and how far he lives.

"Jesus, ang layo mo naman mula sa location na binigay mo!"

Hingal na dumating siya sa kinakaroonan ko.

"Finally, I'm starving."

Tumayo na ako at lumapit sa kaniya.

"Let's go, we're going to talk while eating."

Inakbayan niya ako. Bago kami naglakad.

"I'm glad you're here, Kuya Cal."

Niyakap ko ang kanang braso sa bewang niya.

"I'll always be here for you. I will drive to the end of the world if I have to, just so I can go to you."

He kissed the top of my head.

"E pa'no pala kung andiyan lang ako sa Makati, tapos ikaw kung saan-saan na napunta."

"Ikaw!"

Inilapit niya ako ng todo sa katawan niya bago kami malakas na tumawa.

It's nice knowing you have someone to rely on.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status