ANMELDENElysia Mireille Severino’s Point of View
Doon na nalaglag ang aking panga. Hindi inaasahan na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ang sinasabi nina Mommy, at Daddy na Vieri. Inilihis niya ang kaniyang mga mata, habang ako ay naiwan na lamang na tulala. Nagsimula lang siyang maglakad papunta sa study room. Kaya sinundan ko lamang siya ng tingin, hanggang sa pumasok siya roon. “Ma’am, sasama po kayo sa kaniya. Ipinapatawag po ka po nila.” Marahas akong napalingon sa mayordoma ngayon na nakatingin sa akin. Walang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Pormal pa rin, at alam kong ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho. “Ayaw ko!” sambit ko na tila natauhan na. “Bakit naman ako pupunta roon? Malinaw naman ang naging usapan namin!” Nang akma akong tatalikod sa kaniya, at lalabas na sana ng bahay, bigla na lamang na may humarang. Mga lalaki na hindi naman pamilyar sa akin. Kaya napasinghap ako. “Sino ba kayo?” tanong ko sa kaniya nang ako ay nakabawi. “Get out of my way!” Hindi sila umalis. Nanatiling nakaharang sa harapan ko. Kaya sinubukan ko lamang na lampasan na lang sila, pero nahuli kaagad nila ako sa aking siko. “Ano ba?!” Sinubukan kong bawiin ang aking braso, pero hindi nila ako hinayaan. Bagkus ay basta na lamang nila akong kinalakadkad, hanggang sa makapasok ako sa study room. Hinampas ko nang malakas ang p***o nang subukan ko ‘tong buksan. Pero parang may humahawak sa door knob para hindi ako makalabas. Ang kanilang atensyon ay nasa akin. Wala ni isa ang nagsasalita sa kanila, at kung tutuusin ay mabigat ang kanilang mga presensya. Umigting ang aking panga, at natawa na lamang nang pagak. Nanginginig ang aking mga kamay nang lumingon ako sa mga magulang ko na ngayon ay hindi na ako magawang tingnan. “Ito ba ang gusto niyo? Ang tanggalan ako ng karapatan, dahil sa pangungutang niyo?” “Ely, hindi sa ganoon—” “Hindi sa ganoon?” putol ko sa kanilang sasabihin, hanggang sa bumigat na ang aking paghinga. “Eh, gusto niyo talaga akong ipakasal sa kaniya, eh!” Hindi kaagad nakapagsalita sina Mommy, at Daddy. Kaya dumako ang aking mga mata sa kaniya na ngayon ay hindi pa rin siya nagsasalita. Parang sapat na sa kaniya ang presensiyang mayroon siya para masabi na nandito siya. “Bakit mo naman kasi pinautang ang mga magulang ko?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko dapat siya inaakusahan, pero hindi ko maiwasan. Kung ano naman kasi ang naiipit dito, bakit hindi ko na lang lubusin ang pagsabog ng aking galit? Hindi ko na makontrol. Kung pipilitin ko pang manahimik, mas lalo lamang akong hindi mapakakali. “They begged.” Tumawa naman ako nang pagak sa kaniyang sinabi, at napailing na lamang. “Porque nagmakaawa na sila, maniniwala ka na? Dapat inalam mo muna kung saan nila dadalhin ang pera!” Hindi siya nagsalita. Nanatili lang talaga siyang nakatitig sa akin. Parang wala ng balak pang ipaintindi sa akin na hindi naman niya kasalanan ‘yon. Nagpautang lang siya, at ngayong naniningil siya, siya pa ang aawayin ko. “Kukunin ko na ang ibabayad niyo,” saad niya, saka tumayo na lang nang basta-basta. Doon ako naalarma lalo na nang bigla na lamang siyang lumapit sa aking gawi. Bago pa ako makalayo sa kaniya, nahawakan na niya ang aking baywang. Gumapang ang kuryente sa aking katawan nang dumikit ang aking katawan sa kaniya. Nakatingala ako nang kumunot ang noo niya. Hindi ko lang sigurado kung naramdaman nga niya ‘yon, o ano. “Let me go!” singhal ko sa kaniya nang ako ay matauhan. Ngunit hindi niya ‘yon ginawa. Basta na lamang akong kinaladkad palabas ng bahay namin. Sinubukan kong kumawala sa kaniya, pero sa tuwing nagtatagumpay ako, nahuhuli niya kaagad ako. Kaya ngayon ay basta na lamang niya akong binuhat na para bang sako. Bigla akong nahilo sa puwesto ko ngayon. Since nakasampay ako sa kaniyang balikat, sa tuwing gumagalaw siya ay para naman akong nasusuka. Hinampas ko naman ang kaniyang likod, ngunit kahit yata ano ang gawin ko, hindi niya ako ibababa. “Condo,” utos niya sa kaniyang tauhan. Narinig ko ang tunog na para bang may binuksan silang p***o. Hindi pa ako nakapagsasalita, bigla ko na lamang naramdaman na para bang ibinaba na niya ako nang tuluyan. Nang makaupo ako nang maayos ay saka naman siya tumabi sa akin. Napalingon ako sa kabilang p***o, at akma sana ‘tong bubuksan nang narinig kong bigla na lamang nag-lock ang p***o. “What are you doing? This is a kidnapping!” singhal ko na lamang, at pinilit na hampasin ang bintana. Hindi naman ako pumayag na sumama sa kaniya. Bakit dinala pa rin niya ako rito sa sasakyan niya? Ang malala pa ay hindi man lang ako nito kinakausap. Marahas akong napalingon sa kaniya. Itinuro ko siya, pero nakatitig lamang siya sa akin. Walang kahit anong emosyon sa kaniyang mga mata, at mukha. Parang normal na sa kaniya ang ganito, o sadyang wala lang siyang panahon para pagtuunan ako ng pansin. “Are you out of your mind?!” “No,” sagot niya kaagad. “Bakit ka ba galit? Kinuha lang naman kita, dahil ikaw ang ibinayad nila sa akin.” “What?” He pursed his lips and shook his head. “I need a wife. A contract wife.” Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinasabi. Kaya ba pumayag na lang siya na ako ang maging kabayaran, dahil kailangan niya ng asawa? ‘Yon ba ang dahilan kung bakit ayaw ng mga magulang ko na malugmok ako kasama nila, dahil ganito pala ang gusto niya? At ang malala ay pumayag ang mga magulang ko? “Hindi ako pumayag,” saad ko, at umigting ang aking panga. Ibinaba ko ang aking kamay, at ipinatong sa aking hita. “Magbabayad na lang ako—” “Hindi naman kailangan na pumayag ka,” singit naman nito bigla na siyang ikinakurap ko. “Kasi sa ayaw, o sa gusto mo…. pakakasalan mo ako.” Nanigas ako sa aking kinauupuan. Nawalan ako ng boses. Bumigat din ang aking paghinga, habang nakatitig sa kaniyang asul na mga mata. “Pag-uusapan natin ‘to mamaya pagdating natin sa condo ko,” malamig niyang wika, at tuluyan na niyang inilihis ang kaniyang mga mata. Itinuon niya ang kaniyang mga mata ngayon sa bintana, at iniwan na lamang akong tulala.Elysia Mireille Severino’s Point of ViewPagdating namin kaagad sa kaniyang condo, ibinaba niya sa countertop ang mga pinamili namin. Tinulungan ko na rin siya sa pagbubuhat lalo na ‘yong mga gamit ko, dahil ‘yon lang ang kaya kong buhatin, at inilapag ‘yon sa sofa.Napasulyap ako sa air conditioner. Magmula nang pumasok kami rito sa kaniyang condo, malamig na rito. Medyo napaisip tuloy ako kung pinapatay niya ba ‘to sa tuwing lalabas siya, o kung ano.Bigla kong naramdaman ang kaniyang presensya na papalapit sa akin. Kaya humarap ako sa kaniya.“‘Yong session,” paalala niya na siyang nagpakurap naman sa akin.“Huh?”Tumigil siya sa aking harapan, at madilim ang kaniyang mga matang nakatuon sa akin. Napaatras naman ako.“A-anong session?” nauutal kong wika, at napalunok na lamang.Inilihis ko rin ang aking mga mata, at nagtangkang lampasan sana siya para magpunta sa kusina, ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang bisig. Iniharang nito ang kaniyang bisig sa aking harapan,
Elysia Mireille Severino’s Point of View“Kumusta naman ang performance ko?” tanong ko kay Aeron, habang may nakaaasar na ngisi sa aking labi.Nasa isang restaurant na kami ngayon. Marami na rin naman kaming nabiling gamit ko. Hindi ko lang alam kung kasya ba ang mga ‘yon sa sasakyan niya.Nag-angat siya ng tingin, habang ngumunguya. Walang emosyon ang kaniyang mga mata, at mukha, ngunit nanatili lamang akong nakangisi sa kaniya.“Hindi ka ba sasagot? Ang daming tao rito,” sambit ko sa kaniya.Napaiisip kasi talaga ako kung naaalala niya pa ang usapan namin. ‘Yong kasunduan namin. Kasi ‘yon naman ang rason kung bakit ganito, hindi ba?“Good,” sagot niya lamang, at ibinalik na ang kaniyang atensyon ngayon sa kaniyang kinakain.Natawa naman ako nang mahina, at kumain na rin. May mga napatitingin din sa amin ngayon lalo na sa kaniya. Ngunit hindi nama ibig sabihin no’n ay kailangan ko ng maging cold sa kaniya.Hindi ko man alam ang rason kung bakit kailangan niya akong pakasalan, at kail
Elysia Mireille Severino’s Point of View“‘Yong usapan natin,” paalala nito sa akin na siya namang ikinalingon ko sa kaniya.Tumigil ang kaniyang sasakyan. Nasa parking lot na kami ng mall ngayon. Hindi pa man kami nakabababa ng kaniyang sasakyan, halata na kaagad sa presensiya namin ang bigat.Umangat ang sulok ng aking labi. Lumingon siya, at saktong ipinilig ko naman ang aking ulo sa kanan.“Nakapirma naman na ako, Aeron. Huwag mong sabihing iniisip mong hindi ko ‘yon susundin?”Tinaasan niya lamang ako ng kilay, at tinanggal ang kaniyang suot na seat belt.“Stay here,” utos niya, at basta na lamang lumabas ng kaniyang sasakyan.Nang maisara niya ang pinto ng driver’s seat, saka naman ako natawa nang pagak. Nanginginig ang aking mga kamay, habang sinusundan siya ng tingin. Tinanggal ko na rin ang suot kong seat belt nang buksan niya ang pinto.“Thank you, honey!” maligaya kong sambit nang alalayan niya akong bumaba.Nakita ko sa kaniyang mukha ang pagtataka. Nagtama rin kaagad ang
Elysia Mireille Severino’s Point of ViewPagdating namin sa kaniyang condo, wala pa rin akong imik. Nananatiling inililibot ang aking mga mata sa buong paligid.Nang isara niya ang pinto ng kaniyang condo, saka lang nagtagpo ang aming mga mata.“Spill,” utos ko sa kaniya, at pinagkrus ang akong mga bisig sa aking dibdib.Nag-angat siya ng kilay sa akin, at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin, habang papunta siya ngayon sa kaniyang kitchen area.Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatayo, at pinapanood siya.“Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang lahat?” nauubusan na pasensya kong tanong.Binuksan niya ang kaniyang fridge, at may kinuha na kung ano roon. Nang tumayo siya nang maayos, saka ko lang nakita ang kaniyang hawak.Avocado?“Nasabi ko naman na sa ‘yo kanina. You need to marry me. I need a wife. Hindi ka naman lugi rito, dahil wala ka namang gagawin kung hindi ay umakto na mahal mo ako.”Nalaglag ang aking panga. Kailangang um
Elysia Mireille Severino’s Point of ViewDoon na nalaglag ang aking panga. Hindi inaasahan na ang lalaking nasa harapan ko ngayon ang sinasabi nina Mommy, at Daddy na Vieri.Inilihis niya ang kaniyang mga mata, habang ako ay naiwan na lamang na tulala.Nagsimula lang siyang maglakad papunta sa study room. Kaya sinundan ko lamang siya ng tingin, hanggang sa pumasok siya roon.“Ma’am, sasama po kayo sa kaniya. Ipinapatawag po ka po nila.”Marahas akong napalingon sa mayordoma ngayon na nakatingin sa akin. Walang makikitang emosyon sa kaniyang mga mata. Pormal pa rin, at alam kong ginagawa lamang niya ang kaniyang trabaho.“Ayaw ko!” sambit ko na tila natauhan na. “Bakit naman ako pupunta roon? Malinaw naman ang naging usapan namin!”Nang akma akong tatalikod sa kaniya, at lalabas na sana ng bahay, bigla na lamang na may humarang. Mga lalaki na hindi naman pamilyar sa akin. Kaya napasinghap ako.“Sino ba kayo?” tanong ko sa kaniya nang ako ay nakabawi. “Get out of my way!”Hindi sila uma
Elysia Mireille Severino’s Point of View“Umutang kayo, tapos gusto niyo akong ipakasal sa kaniya para makapagbayad kayo?!” hindi makapaniwala kong tanong sa aking mga magulang. “Bakit ako ang magbabayad niyan?”“Ely, look. Sinubukan naming palaguin ‘yon, pero nalulong ang Daddy mo sa sugal.”Mariin akong napapikit. Nanginginig ang aking kalamnan sa kanilang mga paliwanag. Parang hindi ko kayang pakinggan ang rason nila.“We did our best. Hindi naman namin alam—”“Kasi nagpasilaw kayo sa pera!” singhal ko sa kanilang dalawa, at iminulat ang aking mga mata. “Tingin niyo ba ay mapapalago niyo ang perang hiniram niyo sa pamamagitan ng pagsusugal?!”Ano bang klaseng pag-iisip ‘yon?Inilihis ko ang aking mga mata. Humugot ako nang malalim na hininga.Napahawak ako sa aking noo, dahil parang sasabog na ‘yon.Wala ni isa ang nagsalita. Tanging mabibigat na paghinga lamang ang maririnig sa loob ng study room.“Kaya ba bumagsak ang mga business natin kasi pareho kayong nalulong sa sugal?” tano







