Home / Romance / Lihim na Pagnanasa (SSPG) / Kabanata 3 - Contract and Condition

Share

Kabanata 3 - Contract and Condition

Author: Saevris
last update publish date: 2026-08-18 18:01:38

Elysia Mireille Severino’s Point of View

Pagdating namin sa kaniyang condo, wala pa rin akong imik. Nananatiling inililibot ang aking mga mata sa buong paligid.

Nang isara niya ang p***o ng kaniyang condo, saka lang nagtagpo ang aming mga mata.

“Spill,” utos ko sa kaniya, at pinagkrus ang akong mga bisig sa aking dibdib.

Nag-angat siya ng kilay sa akin, at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin, habang papunta siya ngayon sa kaniyang kitchen area.

Hindi ako nagsalita. Hindi rin ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakatayo, at pinapanood siya.

“Hindi mo ba ipapaliwanag sa akin ang lahat?” nauubusan na pasensya kong tanong.

Binuksan niya ang kaniyang fridge, at may kinuha na kung ano roon. Nang tumayo siya nang maayos, saka ko lang nakita ang kaniyang hawak.

Avocado?

“Nasabi ko naman na sa ‘yo kanina. You need to marry me. I need a wife. Hindi ka naman lugi rito, dahil wala ka namang gagawin kung hindi ay umakto na mahal mo ako.”

Nalaglag ang aking panga. Kailangang umakto pa akong mahal ko siya? Para saan?

Natawa ako nang pagak, at napailing na lamang.

Tinanggal niya ang buto ng mga avocado nang mahati niya ‘to sa gitna.

“Bakit naman ako aakto na mahal kita? Tapos hindi mo rin ‘yon gagawin sa akin?”

“Ganoon din naman ang gagawin ko,” aniya, at nag-angat ng tingin para salubungin ang aking mga mata. “Babayaran naman kita. Hindi ka rin naman magtatrabaho. Nasa bahay ka lang. Kung kailangan kita, sasabihan naman kita kung ano ang mga dapat na gawin.”

So, that’s the deal? Ikakasal kami, aakto ako na mahal ko siya—magpapanggap kaming mahal namin ang isa’t isa, at kapag nagawa ko, babayaran niya ako.

Actually, maganda naman ‘yong offer niya. Pero bukod doon, ano nga ba ang mapapala ko? Magsasayang nang ilang taon?

I gritted my teeth. Ikinuyom ko ang aking kamay, at humugot nang malalim na hininga.

Ito ba ang sinasabi nina Mommy, at Daddy na hindi naman ako malulugmok, dahil siya ang mapapangasawa ko? Yayaman nga ako, pero magsasayang naman ako nang taon kasama ang lalaking ‘to, dahil sa isang kasunduan, at pagpapanggap.

“You can buy whatever you want. Bibigyan kita ng card ko. Iba pa ‘yong sahod mo na ibibigay ko,” dagdag pa niya na akala naman nito ay mukha akong pera.

“Why are you doing this?”

Nagsimula siyang mag-blender. Kaya nang magtanong ako, bigla siyang nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang aking mga mata, pero wala namang mababasang emosyon sa kaniya.

Sobrang lamig niya. Ang hirap din niyang basahin. Kung hindi lang ako galit sa mga magulang ko, dahil ako ang ipinagbayad nila, baka matakot pa ako sa lalaking ‘to.

Hindi siya sumagot. Nakatitig lamang siya sa akin, at parang pinipilit akong basahin.

Ang tanging naririnig lang ngayon sa kaniyang condo ay ang tunog ng kaniyang air conditioner, at ng blender.

“Kaya ba tinanggap mo na ako bilang bayad ng mga magulang ko sa utang nila, dahil kailangan mo ng puwedeng mapangasawa, at magpanggap?” tanong ko sa kaniya.

Pinatay naman niya blender, at pinutol ang aming pagtititigan.

Kaya naman napakurap ako, dahil ang kaniyang atensyon ngayon ay nasa avocado smoothie.

Isinalin niya ang mga ‘to sa dalawang babasaging baso.

Isinara niya ang blender, at binuhat ang dalawang babasaging baso. Nang tumigil siya sa aking harapan, inilahad niya sa akin ang isa na siya namang ikinakunot ko.

“Yes.”

Wala sa sarili kong inabot ang baso, at piniling titigan ‘to. Medyo nagtataka pa nga ako, dahil bakit parang salungat ang kaniyang presensya sa galaw niya?

Nilampasan niya muli ako sa pangalawang pagkatataon. Tinikman ko naman ang kaniyang ginawang avocado smoothie, at hindi maiwasang mamangha lalo pa’t hindi ‘yon matamis.

“In one condition.”

Doon na ako napalingon sa kaniya, at nakitang nakaupo na siya ngayon sa isang single sofa.

Nakatitig siya sa akin, at naka-de kuwatro pa. Nakasandal din siya sa sofa, habang ako ay nanatiling nakatayo.

“Ano ‘yon?”

“No string attached.”

Binabasa ko ngayon ang contract and condition na ginawa niya. Napag-usapan namin ang lahat ng bagay na ‘to, pero ngayon na binabasa ko, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.

Kanina ay galit pa ako sa mga magulang ko, ngunit ngayon ay nagawa ko ng pumayag sa kagustuhan niya. Wala naman na akong magagawa. Pumayag man ako, o tumanggi, kailangan daw talaga naming ikasal kaagad.

“Wala ka ng idadagdag?” tanong ko sa kaniya nang maibaba ko ang contract and condition ngayon sa center table.

Nakatitig lamang siya sa akin. Nananatiya, at parang binabasa ang aking isipan. Ngunit wala naman na akong dapat sabihin ngayon. Ano man kasi ang maging desisyon ko, gusto pa rin niyang iayon sa kaniya. Para saan pa ang pagtanggi ko, hindi ba?

“Wala na,” sagot niya, at sinulyapan ang contract, and condition na nasa harapan namin.

“Kailan natin ‘to sisimulan?” usisa ko pa.

Wala kasing nakalagay sa contract and condition. Kaya gusto kong malaman ngayon lalo pa’t nasabi naman doon kung kailan niya ako babayaran. Katapusan ng buwan. Fixed na rin ang rate ko roon. Ten million pesos every month. Iba pa ‘yong card na ibibigay niya sa akin.

Not bad, right? Hindi ako lugi rito kagaya ng sinabi niya. Kung may mga magaganap daw na kiss, or something, pag-uusapan namin ang ibabayad niya sa akin.

“Today,” sagot niya na siyang ikinatigil ko.

Hindi ako nakapaghanda, pero kung ngayon nga, puwede bang umuwi na lang sana muna ako para kunin ang mga gamit ko?

Kaya lang ay natigilan ako. As if naman kasi na hahayaan niya akong umuwi lalo pa’t magsisimula na ang usapan namin ngayon.

“Wala akong damit.”

“Bibili tayo ngayon. Kaya ngayon ka magsisimula,” pahayag niya, at inabot naman ang document sa center table.

Pinirmahan niya ‘yon nang hindi man lang siya nagdalawang-isip. Parang ang laki masiyado ng tiwala niya sa akin. Pero dahil nga wala naman na akong choice, pinirmahan ko na rin.

“Linawin ko lang, Aeron,” paalala ko sa kaniya na siyang ikinalingon naman niya sa akin. “Habang nasa ganitong setup tayo, ayaw ko sanang may involve na iba.”

Nakatitig ako sa kaniyang mga mata nang seryoso. Hindi nagawang ilihis ang aking mga mata.

“Nakalagay naman diyan ang mga dapat nating sundin, at mga dapat na iwasan. Kaya kung hindi natin ‘yon masusunod, mag-file na kaagad tayo ng annulment.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 48 - Sense

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewNapakurap ako, habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Ano ang ibig niyang sabihin?Mukhang nabasa niya ang mga naglalaro sa aking mga mata, dahil bigla niyang idiniin ang kaniyang sarili sa akin. Napaawang ang aking labi sa kaniyang sinabi, at hindi mapigilang mapasinghap sa kaniyang ginawa.“Aeron…”“Bakit parang gulat na gulat ka?” tanong niya, at dahan-dahang inilapit ang kaniyang mukha sa akin.Dumampi ang kaniyang ilong sa akin, at marahang pinisil ang mga pisngi ng aking puwet. Bumaon naman ang aking mga kuko sa kaniyang balikat, hanggang sa ang isang kamay ko ay napunta sa kaniyang biceps.“Tingin mo hindi ko alam na sumilip ka, habang inaamoy ko ang underwear mo, Mielle?” bulong niya, at kinagat nang marahan ang aking ibabang labi. “Malayo ka pa lang, ramdam na kita. Paano pa ‘yong nasa iisang lugar tayo?”Walang lumalabas sa bibig ko, habang nakatitig ako sa kaniyang mga mata. Hindi ko man lang magawang ikurap ang aking mga mata. Ulti

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 47 - Interest

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewMabilis niya akong iniangat sa ere, habang patuloy pa rin kami sa paghahalikan. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang putulin ‘yon.Ipinulupot ko naman ang aking mga hita sa kaniyang baywang, at wala sa sariling napadaing lalo na nang tumama ang kaniyang umbok sa akin.“Ahh!”Kinagat niya nang mariin ang aking ibabang labi, at sinalo ang mga pisngi ng aking puwet.Pinagapang ko ang aking mga kamay sa kaniyang batok, habang ang isa naman ay nasa likod ng kaniyang ulo, at bahagyang hinihila ang kaniyang buhok doon.“Bakit ‘yan gising?” tanong ko nang lumayo siya saglit para makahinga kami nang maayos.“Kanina pa kita gustong halikan,” saad niya, at inangkin muli ang aking labi. “Sa tuwing gagamitin natin ang sasakyan ko, sumasagi sa isip ko kung paano kita angkinin doon.”Napaliyad naman ako nang isandal niya ang likod ko sa malamig, at matigas na pader para lang maidiin niya ang kaniyang sarili sa akin.Napasinghap ako, at wala sa sariling kinagat

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 46 - Pull

    Elysia Mireille Severino’s Point of ViewNagising na lamang ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya, at nang lingunin ko siya, nagtama ang aming mga mata. Mula sa ilaw na nagmumula sa labas, bahagya kong naaaninag ang mukha ni Aeron.“Did I wake you up?” tanong niya, gamit ang mababang boses.Umiling naman ako nang bahagya, at kinusot ang aking mga mata nang kaunti.“Hindi naman. Mababaw lang talaga ang tulog ko,” napapaos kong paliwanag.Sinabihan niya akong umidlip muna, habang nasa biyahe kami pabalik ng Manila. Noong una ay tinanggihan ko pa, ngunit dahil medyo marami rin akong nakain kanina, nakaramdam ako ng antok.Dahan-dahan ko naman inabot ang seat belt, at tinanggal ‘yon. Pinatay naman ni Aeron ang makina ng kaniyang sasakyan, ngunit ang kaniyang atensyon ay nasa akin pa rin.“Gutom ka?”Ibinalik ko naman ang aking atensyon sa kaniya, at ngumiti. “Busog pa ako. Ang dami nating kinain kanina.”“Bumili ako ng chocolate chip cookies,” wika niya na siyang ikinakurap k

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 45 - Match

    Elysia Mireille Severino’s Point of View “Ano ba dapat?” tanong ko sa kaniya, may nakalolokong ngisi sa labi niya.Sinubukan kong maging kalmado kahit papaano, ngunit sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinurot ang aking daliri, at tinitigan siya, kahit na gusto ko na talagang ilihis ang aking mga mata.Biglang tumahimik ang buong paligid, habang nakikipagtitigan ako kay Aeron. Hindi ko alam kung dahil ba sa tensyon sa pagitan namin, o kung ano.“Alangan na sabihin kong pangit ka, kahit hindi naman?”“So, guwapo nga ako sa paningin mo?”Napakurap ako, at medyo natawa nang mahina nang tuluyan kong maintindihan ang gusto niyang iparating.Sa totoo lang, hindi ko na alam kung nagpapanggap pa ba kami ngayon, dahil kumikislap ang mga mata niya.Hindi ko rin maramdaman na pagpapanggap lang ang lahat ngayon lalo pa’t ang lakas ng kabog ng puso ko.“Kahit naman sino, magaguwapuhan sa ‘yo.”Dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, at ipinilig nang kaunti ang kaniyang ulo. Lumapit

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 44 - Tease

    Elysia Mireille Severino’s Point of View Sobrang init mukha ko nang lumabas ako sa sasakyan ni Aeron. Nang magtama ang aming mga mata, umangat ang sulok ng labi niya. Inalalayan pa niya akong makatayo nang maayos, ngunit hinampas ko lamang ang kaniyang dibdib.“Si Aeron ba ‘yon?”Napakurap ako nang maisara niya ang pinto ng kaniyang sasakyan. Hindi pa man kami nakalalayo, pero may nakakikilala na kaagad sa kaniya.“Hala! Oo! Siya nga!”Hinuli naman ni Aeron ang kamay kong humampas sa kaniyang dibdib, at hinawakan ‘to nang mahigpit.Hinigit naman niya ako palapit sa kaniya, at mabilis na hinalikan ang labi ko, kahit may nakatingin sa amin ngayon.“Fiancée niya yata ‘yon.”“May fiancée ba siya? Wala akong nabalitaan. Ang alam ko, single siya.”“Seryoso ka ba? Kalat ‘yon sa social media!”Nagsimulang gumalaw ang labi ni Aeron na siyang ikinasinghap ko. Kinuha naman niya ‘yong pagkatataon para ipasok ang kaniyang dila sa bibig ko na siyang nagpapikit sa akin nang mariin.Sinubukan kong t

  • Lihim na Pagnanasa (SSPG)   Kabanata 43 - Sweet

    Elysia Mireille Severino’s Point of View “Matulog ka muna,” saad niya, ngunit nakatitig lang ako sa kaniya, habang nagmamaneho siya.“Bakit ako matutulog? Unfair ‘yon sa side mo,” saad ko, dahil ‘yon naman talaga ang totoo.Sumulyap naman siya sa akin saglit, ngunit ibinalik kaagad ang kaniyang atensyon sa harapan. Nakapatong ang isang kamay niya sa gearshift, habang ang isa naman ay nakahawak sa manibela.Medyo mabilis din ang kaniyang pagmamaneho, ngunit halata naman na nag-iingat siya. Isa rin siguro sa dahilan ay sports car ang gamit niya. Eh, magkaiba pa man din ang performance ng mga normal na sasakyan kung ikukumpara sa sports car.“Paanong naging unfair? It’s fine. Pagod ka sa trabaho,” paliwanag niya, pero umiling lang ako.Kinuha ko ang cellphone ko, at kinuhanan siya ng video. Ipo-post ko mamaya sa social media account ko kapag nakarating na kami sa Tagaytay. For safety reasons na rin kasi. Maraming nakakikilala sa kaniya kung ikukumpara sa akin.“Pagod ka rin naman,” kome

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status