Share

/LDR-5/

IDRIS

Kasabay ng paggising ko ay inuubo akong bumangon. Napahawak ako sa lalamunan ko dahil feeling ko ay may nakabara pa rin doon.

Kailangan ko ng tubig. Pakiramdam ko natutuyo ang lalamunan ko at kinakapos ako ng hininga. Naghagilap ako ng tubig sa loob ng kwarto at saktong may nahanap ako na bote ng tubig sa mesa ko pero kakaunti na lang ang laman nito.

Kaagad akong nagtungo roon at hinablot ang tubig 'saka dali-daling uminom pero hindi pa ito nakakasagad sa lalamunan ko ay naubos na. Tinaktak ko pa ang natitirang tulo papunta sa bibig ko pero wala na talagang laman.

"Idris, bumangon ka na! Aba tulog mantika ka talaga kahit kailan!" Saktong sigaw ni Naya mula sa kabila at doon ko napagtanto na nagising na naman ako sa parehas na araw.

You've got to be kidding me.

Nagtungo ako sa pinto 'saka ito binuksan. Pinapahid ko ang lalamunan ko dahil sa matinding uhaw na nararamdaman. Nagtataka naman akong tiningnan ni Naya na parang hindi mawari kung anong ginagawa ko.

"Tu...big..." utal na saad ko at laking pasalamat ko ng makuha niya ito agad at dali-daling bumaba. Pagbalik niya ay may dala-dala na itong isang basong tubig na kaagad kong nilagok hanggang maubos.

Hinihingal akong napatingin sa kaniya at ilang beses na napalunok. Nakaramdam ako ng ginhawa pagkatapos.

"I'm fine." saad ko rito bago pa man ito makapagtanong. "Nanaginip kasi akong may sumasakal sa akin kaya nanghingi ako ng tubig." dugtong ko pa dahil mukhang iyon ang itatanong niya.

Natutop naman niya ang bibig 'saka tumango tango sa sinabi ko.

Agad rin akong napasapo ng noo dahil sa napagtanto. Same place and same fucking day. I am so done with this. I'm so done waking up in the same day over and over again.

Damn it!

Napakuyom ako sa kamao dahil sa inis na unti-unting gumagapang mula paa hanggang sa ulo ko. Why can't I just live my life happily? Why is this happening to me? And why of all people, why me? I cried in my head in frustration.

"What the hell happened to you? You look miserable." kunot-noong taong ni Naya.

Well, I was! Since I was killed by those dipshits, my life becomes hell! And I don't even know how to stop it! Argh!

"Yeah, I am." matamlay na sagot ko.

Eh kung gano'n naman pala eh, dapat bawat araw sinusulit ko tutal pare-parehas lang naman ang patutunguhan ng lahat ng 'to.

Bago pa makapagsalita si Naya ay inunahan ko na siya. "Yes, I am going and wait for me there, oki?" agad kong saad dito.

Nagtataka naman ako nitong tiningnan at napapikit-pikit. "How did you---" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya ng isinarado ko na ang pinto.

Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili. Alright, Imma gonna do this. It's now or never.

Pagkalabas ko ng kwarto ay lahat ng tao ay nakatingin sa'kin or should I say sa suot ko.

Napansin ko na ang ibang estudyante ay napapatingin sa direksiyon ko. Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid na sa tingin ko ay hindi bulong dahil sa lakas nito. Nakita ko pa ang isang lalako na naibuga ang kaniyang inumin habang nakatingin sa'kin.

"Oh my God, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan."

"Damn, she's one hell of a hottie.

"Pre, si Idris ba 'yun? Tangina ang ganda pala niya."

As I'm walking continously like it is my own place, I don't give a damn about their stares and whatever their saying about me because this is what I want and no one can stop me.

Para tuloy akong nasa gitna ng runaway at ang mga estudyante ang nagsisilbing audience ko. Feel na feel ko rin ang hangin na tumatama sa mukha ko kaya nandito na rin lang ako, susulitin ko na.

I waved my hands to the group of boys staring at me and I smirked when they're cursing loudly at each other. Sa 'di kalayuan, nakita ko rin ang grupo ng mga babae na lagi akong binu-bully noong freshman pa lang ako kaya binigyan ko sila ng napakatamis na ngiti.

"Sup, bitches?" nakangiting bati ko sa mga ito as I raise my middle finger to them. Nagsinghapan ang mga ito at sininghalan ako 'saka umalis na ikinatawa ko ng mahina.

Nahagip ng mata ko si Owen sa malayo na mariing nakatingin sa akin and mind you, he's still wearing his stupid mascot. Alright, time to come out in the spotlight. I'm already seeking too much attention here.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ni Owen at kinawayan ito pero hindi lang ito ngumiti o nang-asar sa tuwing ginagawa niya kapag nagkikita kami.

Nagtataka naman ako sa inaakto nito. Madilim ang mukha niya at anumang oras ay parang sasabog siya sa galit pero sa halip na matakot ay kunwaring hindi ko ito pinansin.

He's kinda hot when he's angry. Fuck it.

"What the hell are you wearing?" matalim na tanong nito. Inosente ko namang pinasadahan ng tingin ang suot ko. Bakit naman siya magagalit sa suot ko? Wala naman siyang karapatan para diktahan kung anong gusto kong isuot.

"Is something wrong with it? Hmmm?" balik tanong ko rito. Balak ko sanang hawakan ang makinis nitong mukha ng may asungot na biglang umepal.

"Ms. Idris Hutton! Detention, now!" Huh, as expected. I'm not even surprise that they're throwing me in the detention room.

Sa school kasi namin ay maraming bawal lalo na sa mga suot. Bawal ang naka-skirt na maikli. Bawal lang naka-croptop na kita ang pusod. Bawal ang sleeveless, shorts, ripped jeans at dress na revealing kaya hindi na ko nagulat na mahuhuli ako sa loob ng ilang minuto.

Tiningnan ko lang si Mrs. DeVoe na nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin at parang may usok na lalabas sa ilong nito dahil sa pagkakagusot.

Saglit ko lang na binalik ang tingin kay Owen na nakatingin pa rin sa'kin. Ano pa bang maasahan ko? Mukha naman kasing wala na talaga siyang pakialam sa'kin. Bakit ko nga ba pinagpipilitan ang sarili ko sa kaniya?

Pagkapasok ko sa Detention Room ay sinermonan muna ako ni Mrs. DeVoe patungkol sa nilabag kong rules ng school at dahil doon nagkaroon na ako ng warning record sa aking student list. Yey.

Sinabi ng ginang na mananatili ako sa kwarto sa loob ng isang oras at pagkatapos no'n ay puwede na akong lumabas.

I patiently waited inside the room when the door suddenly burst open. Tinaas ko ang ulo ko at doon nakita ko si Owen na nakatayo at nakatingin sa'kin.

"Get out. You're free to go." saad nito sa mababang boses.

"Pero wala pang isang oras. Tsaka ano bang ginagawa mo rito?" inis na tanong ko rito. Nababanas kasi ako sa pagmumukha niya kahit wala naman siyang ginagawa.

"I'm the one who free you. I'm the student council president, remember?"

Right, siya nga pala 'yun. Muntik ko ng makalimutan. Note the sarcasm.

"So? I didn't ask you to do it."

Narinig kong bumuntong hininga ito at bumulong. "Stubborn as always." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at hindi siya tinapunan ng tingin.

Naglakad siya papunta sa upuan sa tabi ko at umupo roon pero parang wala akong nakita at patuloy lang ako sa pagtingin kung saan-saan. Bahala siya diyan. Manigas siya kung gusto niya.

"Look...Idris. Why are you so mad at me?" tanong nito sa mahinang boses. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya at mukhang balak niya pang samahan ako rito sa loob pero wala akong pake.

I crossed my arms and legs to tell him that I'm not interested of whatever he's saying. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong ginuli niya ang buhok niya at saka ako hinarap.

"Is this still about what happened years ago?" muli niyang tanong. Natigilan ako sa sinabi niya. May parte sakin na gustong sabihing oo, na hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pag-iwan sa akin pero pinili ko na lang na manahimik.

He left me because he doesn't want me to be happy and up until now, I still don't know the reason.

Owen is my childhood bestfriend. Since close ang parents namin ay naging magkaibigan kami noong mga bata pa kami.

We grew up together, play together, laugh together and live our lives together. The memories we share when we were kids are precious.

Sa ilang taon na magkasama kami ay marami kaming alam sa isa't-isa. Like he hates being called Wenwen.

Natanggal ang baby tooth niya dahil nasagi ito ng payong ng Mommy niya. In his 6th birthday, he get his first ever dog. He got an award for being best in Math in age of 6. He hates pink and many more.

Remembering it makes me smile everytime, those memories is still lingered in my mind. I'm keeping it all up until now. At masasabi kong miss na miss ko na siya.

Miss ko na 'yung sabay kaming papasok ng school gamit ang bisikleta. Miss ko na 'yung kapag may nakita kaming kalbo ay sabay naming babatukan ang isa't-isa. Miss ko na 'yung tatambay kami sa park at aabangan namin lagi si Manong na nagtitinda ng sorbetes.

Ahhh, those memories. I wish I could turn back the time.

Pero nagbago ang lahat ng 'yon nang nag-high school kami. I had this suitor for almost 1 year. His name is Matteo. Niligawan niya ako for almost one year. Dahil sa mabait, maginoo, at pagkamaunawain ay sa huli, sinagot ko na rin siya kaya naging kami.

Masaya ko itong kinwento ang pagsagot ko kay Matteo at inaasahan ko na magiging masaya siya para sa'kin pero taliwas doon ang naging reaksyon niya.

Noong gabing 'yon, hindi siya sumipot sa tambayan namin katulad ng lagi naming ginagawa pagsapit ng gabi. Hinintay ko siya roon ng ilang oras pero hindi siya dumating. Pumunta pa ako sa bahay nila noon pero lagdating ko room ay nakapatau na ang mga ilaw at inisip na baka tulog na sila.

Kinabukasan, nabalitaan ko na lang kay Mama na umalis ang pamilya nina Owen ng madaling-araw nang hindi ko man lang alam. Nasaktan ako no'n dahil bukod sa hindi sya sinabi na aalis siya ay hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya.

Nalungkot ako ng sobra ng umalis siya. Araw-araw lagi akong umiiyak dahil sa kaalamang iniwan na niya ako sa ere ng ganun-ganun lang  Sa dami naming pinagsamahan gano'n lang ang mangyayari.

Sinubukan akong pakalmahin at suyuin ni Matteo pero hindi maalis alis ang bigat sa dibdib ko.

Noong panahong iyon 'saka ko lang rin napagtanto na hindi lang importante si Owen sa akin, hindi lang rin siya isang bestfriend sa'kin dahil mahal ko na siya.

Nagsisi ako sa nalaman ko sa sarili dahil wala man lang akong pagkakataon na sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Napansin ni Matteo ang lungkot ko kaya siguro napagod na siya kaka-comfort kaya nakipaghiwalay siya sakin na lalo kong ikinalungkot.

Iniwan na ko ng bestfriend ko, iniwan pa ko ng boyfriend ko.

Pero imbes na magmukmok at mamatay sa lungkot, pinili kong maging masaya sa kabila ng nangyari. Pagtungtong ko ng college, hiniling ko sa mga magulang ko na sa Manila ako mag-aaral dahil 'yun ang pangarap ko.

Nakarating ako sa Manila, nakahanap ako ng school. Naghanap ako ng matitirahan na dorm, nakilala si Naya at doon nagkaroon ulit ako ng kaibigan.

Sa bawat pagpasok ko sa eskwelahan ay 'saka ko lang nalaman na parehas kami ng school na pinapasukan ni Owen dahil para bumalik sa alaala ko ang ginawa niya.

Sa halip na pagtuunan ko siya ng pansin, nag-aral ako ng mabuti. Pilit ko siyang winawaksi sa isipan ko.

Sa tuwing nagkakasalubong o nagkikita kami ay nagpapanggap ako na hindi ko siya kilala at gano'n din ang ginawa niya. Ganon ang trato namin sa isa't-isa hanggang sa naging magkaklase kami sa isang subject kaya doon, muli kaming nagkausap pero hindi katulad ng dati.

Hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa biglaan niyang pag-alis kaya pilit ko pa rin siyang iniiwasan.

"Idris...I think this is the time that I tell you what really happened but one thing's for sure..." saad niya. Nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko pero pinanatili ko ang kalmado kong ekspresyon sa kabila ng pagkabog ng dibdib ko at pasimpleng paglunok dahil sa nararamdaman.

"I love you, Idris."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status